Anda di halaman 1dari 2

ALAMAT NG BUNDOK NG ARAYAT

Ang bundok ng Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng Kapampangan at Nueva


Ecija ay may iniingatan g mga kahawigan na nagkasali salin na sa mga maraming paniniwala.
Sa maraming kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababangit sa lathalang ito,
dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin ng Lahi sa Arayat at kanonog Bayan.
Sang ayon sa matanda sa Araya,t, and bundok na nasabi ay ari ng isang napaka ganda at
mapaghimalang babae, si Mariang Sinikuan. Di umano kapag mabili ang mga paninda, ang araw
ng lingo sa pamilihang bayan ng Arayat, Si maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at
mamili. Subalit ang enkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa ibat ibang paraan ng
pagbabalat kayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag ayos siya na tulad sa isang
matandang magbubukid, bukod sa pagiging maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sungal ang
mga labi pinatutunayan din ng marami taga Arayat na maraming kagila gilalas na pangyayari ang
mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na ioyon. Ang kabundukan ay totoong masagana
sa mga bungang-kahoy at sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakapitas at
makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang magtangkang mag uwi ng mga
bungang-kahoy mula roon ay hindi matututuhan ang landas pauwi, at ang lalong kahima himala
ay ang pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa sandaling ilapag ng
taong iyon at iwan ang mgabungang dala niya, ang landas sap ag uwi ay madaling matututuhan.
Ang malaking tipak ng batong buhay sa ituktok ng bundok ay batyang pinaglalabhan ng
engkantada.
Dahil sa paniniwalang napakaganda ni Maria Sinukuan at dahil rin sa magagandang
tugtugin maririnig sa kabundukan, walang sinumang namamalagi roon sa pangambang baka
magayuma sila at hindi na muling makabalik sa kanilang tahanan

TALAMBUHAY NI EMILIO AGUINALDO


Hindi madaling maging pangulo ng unang Republika ng Pilipinas at mamuno sa
Rebolusyon laban sa Espanya ar Estados Unidos pero iyan ang ginawa ni Heneral Emilio
Aguinaldo.
Si Emilio ay ipinanganak noong Marso 22, 1869 sa kawit cavite. Anak siya ni Don Carlos
Aguinaldo at Do a Trinidad Famy. Nasa ikatlong taon lang siya ng mataas na paaralan sa
Colegio de San Juan de Letran ng namatay ang kaniyang ama kaya huminto siya sa pag- aaral at
namahala sa kanilang malawak na pataniman. Upang hindi manilnihan bilang katu-katulong ng
mga sundalong Espanyol, nanungkulan siya bilang Cabeza de Barangay. Gulat ang mga taong
nasasakupan niya. Mahusay kasi siyang mamuno.Nang ipatupad ang bataw maura, si Emilio ang
unang napiling maging Capitan Municipal ng kawit noong Enero, 1895. Bilang pinuno
katipunero ng Cavite ay namahal si Emilio upang makuha sa mga kamay ng mga kastila ang mga
baying kawit,Imus at Bacoor sa lalawigang ito. Sa Sobrang galit ng mga Espanyoil sa matapang
na Cavite o , lagi nila itong inaabangan upang ikulong sa piitan. Subalit lagging nakakaiwas si
Emilio.Sa kumbensiyon ng mga katipunero sa Tejeros noong Marso, 1897 ay nakalaban ang
grupong magdalo ni Emilio Aguinaldo at ang grupong Magdiwang ni Andres Bonifacio.
Bagamat wala roon si Emilio ay nahalal itong pangulo.
Bilang bagong president ng katipunan, nagdesisyon si Emilio na ilipat ang punong
tanggapan niya una sa Batangas at ikalawa sa Bulacan kung saan itinayo niya ang Pamahalaang
Rebulosyonayo sa Biak na Bato.Sa pagkakaroon nggiyera sa Cubao ay lito ang kaisipan ng
mgakastila kahit napakarami nitong sundalo. May laban sa Pilipinas, may laban pa sa Cubao. Sa
pakikipag-usap ni Pedro Paterno, emisaryo ng mga Espanyol, ay inihain kay Emilio ang Pact of
Biak na Bato. Sa kasunduan, bibigyan ng pangkalahatang amnestiya ang lahat ng
Rebolusiyonaryo, hahandugan ng P800,000 ang pamunuan at P900,000 ang mgha pilipinong
sinalanta ng digmaan. Kasama ng mga piling tauhan, naging Exile si Aguinaldo sa Hongkong.
Namalagi siya noon ng 3 buwan lamang tamang- tamang nagsisimula na noon ang digmaang
kastila Amerikano sa Amerika pumanig si Emilio. Nang magbalik sa Pilipinas ay ipinoklama
niya ang kalayaan sa kawit, Cavite. Nakuha niya ang simpatya ng maraming Rebolusyonaryo at
ang mga probinsiya ay hawak na ng mga sundalong Plilipino. Tanging ang Maynila ang sangkop
parin ng mga kastila. Nang mapaligiran nina Emilio ang Maynila ay napilay ang mga kastila.
Susuko na san aang mga Kastila nang utusan ng Espanya ang mga sundalo nito na sumuko hindi
sa mga Pilipino kung hindi sa Amerikano.
Sa panlalansi ng Amerikano, ang digmaang pinanalunan sana ni Emilio ay nawalang
parang bula..
Nagsimula na ang labanang Pilipino Amerikano. Sa hirap na dinanas ni Emilio, nagging
matatag parin siya.Natindig niya ang Rebolusyonary Congress at naipasulat ang konstitusyon sa
Malolos subalit sumang-ayon ang Espanya sa Treaty of Paris na ibigay ang Pilipinas sa
mgaAmerikano sa halagang 20 Milyong Dolyar. Hindi inaasahan ng mga amerikano na higit na
malaking halaga ang pinsalanmg magagawa ni Emilio sap ag-aalsa.
Humigit kumulang sa 75,000 sundalong Amerikano ang ipinadala sa Pilipinas. Maraming
namatay na Pilipino. Marami ring namatay na Amerikano. Tindig bayani si Emilio. Palipat-lipat
siya sa lalawigan kayakap ang pamahalaang Rebolusyonaryo.Nakubkob siya ng mga amerikano
sa pamumuno ni General Fumston sa palanan, Isabela noong Septyembre , 1990.
Ang Chief Justice of the Supreme Court na si Cayetano Arellano ang nakiusap kay
Emilio na makipagtulungan sa mga Amerikano. Napahinuhod ang dakilang lider kayananawagan
siya sa lahat ng Rebolusyonaryo na magsisuko alang-alang sa pangkalahatang kapayapaan.
Ang lubos na katuwaan ni Emilio ay naganap noong 1962 nang ipahayag ng Pangulo ng
Pilipinas na ang Hunyo 12, 1898 ay tunay ng Araw ng kalayaang dapat ipagdiwang ng mga
Pilipino sapagkat sa araw na ito nanindigan si Emilio Aguinaldo na tayo ay ganap ng Malaya
bilang isang Bansa
Namatay si Emilio Aguinaldo noong Pebrero 6,1964 matagal din siyang biniyayaang
mabuhay upang makitang ganap ang bunga ng kanyang ipinakipaglaban sa larangan ng digmaan.