Anda di halaman 1dari 3

SCOR

NAME
Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
DIVISION OF ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL
MATANOS NATIONAL HIGH SCHOOL-BANDERA EXTENSION
Brgy. Bandera, Kaputian Dist. III, Island Garden City of Samal
School Year 2015-2016

SUMMATIVE TEST IN ARAL. PAN. 7


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiy
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lamba
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
2. Paano nabubuo ang isang kabihasnan?
A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining ,arkitektura at sistema
ng pagsulat.
B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura at sistema ng pagsulat.
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
3. Alin sa mga sumusunod na impormasyon ang nagpapatunay na ang Sumer ang itinuring na pinakamatanda
at pinakaunang kabihasnan sa daigdig?
A. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
B. Dahil kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong
kontribusyon sa daigdig.
C. Dahil nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
D. Dahil sa nagkaroon ito ng matatag na sistemeng political
E. Dahil sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent ?
4. Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Sumerian sa kabihasnang pandaigdig?
A. Sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform
B. Ang pagkatuklas ng pottery wheel
C. Mga seda at porcelana
D. Pagkakatuklas ng paggamit ng decimal system
5. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng
kanilang diyos o diyosa?
A. Great Wall of China
B. Taj Mahal
C. Ziggurat
D. Hanging Garden
6. Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?
A. Dahil maayos at mabilis na natagpuan ang mga labi ng kabihasnan
B. Dahil sa natuklasang dalawang lungsod na pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan na may
sentralisadong sistema ng kanal sa ilalim ng lupa
C. Dahil hindi nagkaroon ng anumang bakas ng pag-aaway sa lugar na ito
D. Dahil naging maayos ang mga labi ng mga taong nahukay sa lugar na ito
7. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at
Sumer?
A. Dahil ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan
B. Dahil ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling
panrelihiyon
C. Dahil ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang
ay malayo sa mga tao
D. Dahil ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon.

8. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi
sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag
panahon ng pag ulan
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig
upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.
10. Paano ginampanan ng mga kababaihang pinuno ang kanilang tungkulin bilang lider ng bansa sa Asya?
A. Itinaguyod at pinanatili nila ang Asyanong pagpapahalaga sa panahon ng kanilang pamumuno.
B. Pinalawak nila ang kapangyarihan ng mga kababaihang pinuno sa kanilang bansa. Pinataas nila ang
kita ng bansang kanilang pinamunuan
C. Binigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa kanilang bansa?
11. Paano isinasagawa ang footbinding sa mga batang babae sa Tsina bilang bahagi ng kanilang kultura?
A. Ang mga batang babae sa murang edad ay tinatanggalan na ng kuko at binabali ang buto ng daliri at
lalagyan ng bondage at ibabalot sa bakal o metal ang paa upang hindi ito humaba pa.
B. Binabali ang buto ng daliri at nilalagyan ng balot na bakal sa paa.
C. Sa murang edad ay binalot na ng bakal ang paa at hindi pinalalabas ng bahay.
D. Ang mga batang babae ay nilalagyan ng bakal sa paa.
11. Paano isinasagawa ng mga kababaihan ang satti bilang kultura ng India noong sinaunang panahon?
A. Isinasama ang sarili sa labi ng namatay na asawa bilang tanda ng pagmamahal
B. Tumatalon ang babae sa apoy habang sinusunog ang labi ng asawang lalak
C. Naliligo ng gas at sinisindihan ang katawan upang masunog
D. agpapakamatay para kasama o kasabay sa paglilibing sa labi ng asawang namatay.
13. Isa sa apat na Noble ng katotohanan ng Budhismo ay nagsasaad na Buhay ay nangangahulugan na puno
ng paghihirap. Ano ang kahulugan ng ganitong pahayag?
A. Hindi natatakasan ang kahirapan at kalungkutan sa buhay
B. Kahit pa magsumikap ang tao ay makararanas pa rin siya ng paghihirap
C. Pang habangbuhay ang paghihirap ng tao
D. D. Bahagi na ng buhay ng tao ang paghihirap at pagpapakasakit
14. Ang Tsina ay nagkaroon ng tinatawag na Apat na Dakilang Dinastiya? Bakit tinawag itong dakilang dinastiya
A. Lumawak ang impluwensiya ng Tsina sa panahong ito.
B. Nagkaroon ng pagsakop ang mga dayuhan at nagapi nila
C. agkaroon ng pag-unlad ang Tsina sa panahong ito sa ibat-ibang larangan
D. Nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang sining at teknolohiya
15. Ang kultura ay mahalaga sa isang bansa. Kung walang tradisyunal na kultura, walang makabagong kultura
at kung hindi aangkop sa makabagong lipunan ang tradisyon at kultura mahihirapan itong panatilihin ng tao..
Ano ang mensaheng ipinapaabot ng pahayag?
A. Ibagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan
B. Isabuhay at ibahagi ang mga magagandang kultura at tradisyon ng bansa
C. Ang lumang kultura at tradisyon ay pahalagahan at pagyamanin at ariin itong mahalagang haligi ng
bansa
D. Dapat pahalagahan ang mga kultura ng bansa.
15. Matatapos ang inyong talakayan sa aralin tungkol sa relihiyon,Naatasan ka ng iyong guro na mamuno sa
paglikha ng presentasyon sa ibat-ibang relihiyon sa Asya. Ano ang gagawin mong pamantayan sa pagbuo
ng nilalaman ng presentasyon?
A. Kasaysayan ng relihiyon,sino nagtatag,saan natatag
B. Kasaysayan ng relihiyon at mahahalagang aral nito
C. Kasaysayan ng relihiyon,sino ang nagtatag at ang impluwensiya nito sa bansa
D. Kasaysayan ng relihiyon,mga mahahalagang aral,impluwensiya sa bansa at kalagayan nito sa
kasalukuyang panahon
16. Kinilala bilang cradle of civilization
A. Mesopotamia
B. Israel
C. Mediterranean Sea
D. Wala sa mga nabanggit.
17. Bakit tinawag na cradle of civilization ito?
Sagot: Dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao .

18. Ang tawag sa ilog kung saan umusbong ang Kabihasnang Sumer.
A. Ilog ng Tigris at Euprates
B. lambak-ilog ng Indus at Ganges
C. Ilog Huang Ho
D. Yellow River
19. Ang sistema ng pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa mga Tsino.
A. Calligraphy
B. Cuneiform
C. Ziggurat
D. Pictogram
20. Bakit sinasabing mahiwaga ang kabihasnang Indu?
A. Dahil maraming katanungan ang hindi masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng hindi
maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus na pictogram.
B. Dahil hindi naging malinaw ang paglaho ng Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan.
C. C. Dahil hindi rin malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaring may
matinding kalamidad na nangyari dito.
D. D. Hindi ko alam ang dapat isagot.
21. Sistema ng pagsulat na umusbong sa kabihasnang Sumer.
A. Cuneiform
B. Calligraphy
C. Pictogram
D. Wala akong pakialam
22. Sa sistemang pagsulat na umusbung sa Kabihasnang Shang, ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga
________________.
A. Oracle bones
B. Ruins of Ancient Shang
C. Clay Tablet
D. Wala akong pakialam
23. Pinalagay na ang mga ______________ang bumuo ng kabihasnang Indus.
A. Dravidian
B. Mnergah
C. Mojenjo-Daro Pot

Anda mungkin juga menyukai