Anda di halaman 1dari 2

Jessica P.

Castillo

Filipino I

R1C/Pre-Dent

Mr. Kangco

Ang Aking Talambuhay

Ako si Jessica P. Castillo, 16 taong gulang na ipinanganak sa JP


Hospital sa ika-9 ng Oktubre taong 1998. Ako ay nakatira sa Brgy.
Parian, Calamba City, Laguna. Ang aking mga magulang ay sina
Jocelyn Castillo at Crispin Castillo. Ang aking mga magulang ay may
sariling pinapatakbong tindahan upang may maipangtustos sa
pangangailangan at pag-aaral naming magkakapatid. Ako ang
pangatlo at bunso sa aming magkakapatid. Sila ay sina Christian
Joseph Castillo at Josue Castillo.
Lumaki ako sa pangangalaga ng aking mga magulang. Lumaki akong
kapiling ang aking pamilya. Isa lamang akong normal na bata na
nakaranas din makipaglaro sa mga kaibigan sa kalye at maging sa
bahay ng kaibigan.
Nag-aral ako ng kinder hanggang sekondarya sa sarili kong bayan. sa
Jose Rizal Memorial School(Central1) ako nag-aral mula kinder
hanggang elementarya. Isang normal na estudyante lamang. Marami
ring kaibigan. Ngunit sa pagtungtong ko sa sekondarya ay dalawa ang
aking pinasukan. Hindi naman ako nahirapan dahil mas dumami pa
ang aking kaibigan. Sa unang taon ko bilang hayskul ay sa Saint John
Colleges at ang mga natirang taon naman ay sa Jesus Is Lord Colleges
Foundation. Nagtapos ako ng may karangalan at ito ay bilang isang
salutatorian. Isang karangalan na hindi ko lubos akalain na aking
makakamit. At dahil sa karangalang ito, alam ko na magagamit ko ito
sa pagtungtong ko sa kolehiyo. Hindi lang dahil sa discount sa tuition,
kundi naisip ko na maipapasa ko ang lahat ng mapagdadaanan ko rito.
At ito na nga ang panahong akoy tumungtong sa kolehiyo. Panibagong
makakasalamuha at panibagong kapaligiran dahil ibang bayan ang
paaralang aking pinasukan. Ang napili kong paaralan ay ang University
of Perpetual Help System Laguna sa kadahilanang sila lang ang
paaralang may kursong Dentistry sa buong bayan ng Laguna. Ang iba
ay sa Batangas at Maynila na. Hindi ako pinayagan ng aking mga
magulang na mag-aral sa sobrang layong lugar dahil gusto nilang
masigurado ang aking kaligtasan.
Kasalukuyan akong nakikipagsapalaran sa unang semester ng taong
ito. Naghahabol ng mga grade para sa mga subject na hindi naman ako
bagsak ngunit dahil sa isa akong Iskolar ng Bayan, kailangan ko
panatilihing mataas ang aking mga grade.
Isa sa mga natutunan at pinanghahawakan ko sa pagtungtong ko sa
kolehiyo ay ang hindi pera ang kapalit ng paghihirap ng mga magulang
natin kundi ang makita lang nila tayong nagsisikap na magtagumpay.
Kasama ang Diyos, ipagpapatuloy ko lang ang daluyin ng buhay upang
maipagpatuloy ko pa ng maganda ang aking talambuhay.

Anda mungkin juga menyukai