Anda di halaman 1dari 10

ALAMAT NG

ALON SA
DAGAT

sa ilalim ng dagat ang kanilang Hari na si


Dinagat ay minamahal ng marami, siya ay
isang mabuti, mabait, at magaling na
pinuno, siya ang pinakamakapangyarihan
sa lahat ng naninirahan sa karagatan.
Meron siyang asawa, ang Reyna ng Dagat
na si Dana. At kanyang pinakamamahal na
mga anak, ang panganay na si Prinsesa
Ahana ay mahinhin at mahilig makihalubilo
sa lahat. At ang bunso na si Lonala, ay
matalino at mapagmahal. Masayang
namumuhay ang mga sirena at isda sa
kaharian. Payapang payapa ang dagat at
wala silang nararamdamang kapahamakan.

Isang araw, masamang balita ang gumimbal sa buong


karagatan. Nagkaroon ng malubhang karamdaman si
Hari Dinagat at unti-unti siyang nanghihina.
Nagpatawag ng isang babaylang isda ang hari. "Bakit
ako nagkaroon ng sakit? At pakiramdam ko ay
nanghihina na ako", tanong ng Hari sa babaylan,
"Dahil ito sa mga tao mahal na hari, hindi na maganda
ang ginagawa nila sa mga anyong tubig, sinisira nila
ito at tila wala na silang pakialam sa maaring
mangyari, dahil ditto anomang oras, maaari ka na
pong mamatay at ito na rin ang hudyat ng paglaho ng
ating kaharian", sagot ng manggagamot . Napaisip si
Reyna Dana, "Mahal kong asawa, kailangan nating
gumawa ng paraan upang pigilan ang tao sa ginagawa
nilang pagsira sa ating tahanan, kung hindi, tuluyan ka
nang mawawala sa aming piling at hindi namin
kakayanin iyon."

Pinatawag ng Haring Dinagat ang kaniyang


tatlong anak upang sila ang gumawa ng paraan
upang mailigtas ang buong karagatan. "Ahana
at Alona, pinatawag ko kayo ngayon dito para
sa isang mahalagang misyon, batid ninyo ang
kalagayan ko at ang maaring maging kapalaran
ng ating kaharian, nais ko kayong ipadala sa
lupa, at maganyong tao upang pigilan sila sa
kanilang masamang gawain, ngunit isang
paalala ang ihahabilin ko, bawal kayong umibig
sa kahit sinumang tagalupa at bawal magdikit
ang inyong mga balat dahil kayo ang
maglalaho" wika ng Hari. "Gagawin po naming
ang lahat Amang Hari, ako na lamang po ang
mauunang pumunta sa lupa." Sambit ni Ahana.

Sa pagdating ni Prinsesa Ahana sa lupa, dinatnan


niyang nagtatapon ng basura ang ilang mga tao sa
dagat. "Pakiusap, huwag ninyo itapon ang mga iyan
sa dagat, malalason ang mga isda!" Ngunit parang
walang narinig ang mga tao at pinagpatuloy pa rin
ang kanilang ginagawa. "Nagmamakaawa ako sa
inyo wag ninyo dumihan ang tubig" wika ng
prinsesa. Di nagtagal, sumuko na si Prinsesa Ahana
at di na niya kinayang makita pa ang masamang
gawain ng mga tao. Umuwi na ito at humingi ng
tawad sa kanyang pagkabigo. Siya ay lumuhod
"Mahal kong Amang Hari, humihingi ako ng
kapatawaran dahil ako ay nabigong baguhin ang
gawi nila sa tubig." "Wag ka nang humingi ng
kapatawaran, alam kong mahirap ang pinagagawa
ko sa inyo anak. Tumayo ka na diyan." sabi ng Hari.

Sa mga sumunod na araw, Si Prinsesa Lonala


naman ang pupunta sa lupa upang
pakiusapan ang mga tao. Sa paglalakbay ni
Prinsesa Lonala, lahat ng tao na makakakita
sa kanya ay nabibighani sa kanyang
kagandahan, ngunit sa sumunod na mga
araw bumungad sa kanya ang madumi at
mabahong dagat. Nalungkot siya at sinabing,
"dapat magtagumpay ako sa misyong ito,
dapat siguro ay kilalanin ko muna ng husto
ang mga tao at kaibiganin sila upang
makuha ko ang loob nila at sila'y magtiwala
saakin." Di nagtagal, nagtagumpay nga siya
sa kaniyang plano na kunin ang loob ng mga
tao at pagtiwalaan siya.

Umiibig na rin siya sa isang tagalupang si Alor na


mahigpit na ipinagbabawal sa kanila. Tila
nakalimutan na ni Prinsesa Lonala ang babala ng
kaniyang Ama. Alam ni Alo na isa siyang sirena
pero tila umiibig na rin siya sa Prinsesa sa kabila
ng katotohanan na iba ito sa kaniya. Sa kabutihang
palad, hindi pa rin nagdidikit ang kanilang mga
balat. Tinulungan siya ni Alo na kausapin ang mga
tao at ipaisip sa kanila na masama at di nakakabuti
kanino man ang ginagawa nila sa dagat. Ilang
buwan ang ginugol nila upang mapakiusapan ang
lahat ng tao at sa wakas nagtagumpay rin sila.
Tulong tulong na inayos at nilinis ng mga tao ang
dagat at di lumaon ay bumalik sa dating ganda
ang karagatan, lahat ay nagbunyi lalong lalo na
ang mga nilalang sa kaharian ng dagat.

Pinauwi na ng Hari si Lonala upang bigyan


siya ng karangalan bilang bayani ng kanilang
kaharian. Ngunit tila ayaw umuwi ng Prinsesa
dahil sa ayaw niyang iwan ang kaniyang
pinakamamahal na si Alo. Hindi pumayag si
Hari Dinagat sa nais ng kaniyang anak at
pinaalala sa kaniya ang mangyayari kapag
pinagpatuloy
nila
ang
kanilang
pagmamahalan. Sinabi ni Prinsesa Lonala
ang masamang balita kay Alo, ngunit
ipinangako
nila
sa
isa't
isa
na
magmamahalan sila habang buhay at wala
silang
pakialam
kahit
hindi
pa
sila
naghahawak at kahit kailan hindi sila pwede
magkadikit.

Hindi kinaya ni Hari Dinagat ang sama ng


loob at sakit sa puso na kaniyang
nararamdaman sa pagsuway ng kaniyang
anak at ito'y kaniyang ikinamatay. Nang
malaman ito ni Lonala, walang tigil siyang
umiyak at sinisisi ang kaniyang sarili sa
pagkawala ng kaniyang mahal na Ama.
Nagpasiya itong bumalik sa kanilang
kaharian. "Alo, patawarin mo ko ngunit
kailangan ko ng bumalik sa aming kaharian
upang makita ang aking Ama sa bago
lamang siya kunin ng Bathala." sabi ni Lonala
kay Alo. "Hindi ako makapapayag! Sasama
ako kung kinakailangan, ayoko mawala ka
saakin." sabi ni Alo.

Ngunit tumakbo ng mabilis si Lonala nang


hinawakan ni Alo si Lonala sa kamay para
pigilan. Biglang sabay na naglaho ang
magkasintahan
sa
karagatan,
nang
magkaroon ng pagumbok ng tubig na
humahampas
sa
dalampasigan.
Ng
mapansin ito ng mga tao na nakasaksi sa
pagmamahalan nila Alo at Lonala, tinawag
nila itong Alolon bilang pagalala sa wagas
na pagibig na ipinakita nila Alo at Lonala at
di naglaon naging Alon.

Anda mungkin juga menyukai