sa
Internet.
Mayroong
mga
peligrong
kaakibat
nito.
Maaaring
10.
auditing, ang mga electronic audit trails, ang pag-authenticate, nonrepudiation, ang
integridad ng data, access controls, at ang pabago-bagong legal environment.
17.
Discuss
the
organizations:
key
BBB,
aspects
TRUSTe,
of
the
Veri-Sign,
following
Inc.,
five
ICSA,
seal-granting
and
AICPA/CICA
WebTrust.
Dahil sa tumataas na bilang ng mga mamimili na naghahanap ng patunay na
ang mga Web-based business industry ay maasahan, maraming kumpanya ang
nagpapagamit ng kanilang selyo sa iba bilang seguridad. Ilan sa mga kompanyang
nagpapagamit ng selyo nila ay ang BBB, TRUSTe, Veri-Sign, Inc., ICSA at AICPA/CICA
Web Trust. Ang Better Business Bureau o BBB ay isang nonprofit organization na
matagal nang nagtataguyod ng mga pamantayang etikal na pangnegosyo. Ang
kasiguraduhang binibigay nila ay tungkol sa mga polisiyang ipinapatupad ng isang
kompanya, pag-aadvertise at pagiging pribado ng mga impormasyon ng mga
customer. Ang TRUSTe naman ay may dedikasyong protektahan ang mga pribadong
impormasyon ng mga customer habang gumagamit ng Internet sa kanilang mga
transaksyon. Maaari rin silang lapitan tungkol sa mga reklamo kapag mayroong
nilalabag ang isang kompanyang miyembro ng kanilang organisasyon. Maaaring
tanggalin ang kompanya bilang kasapi at pagbawalang gamitin ang kanilang selyo.
Ang Veri-Sign, Inc. naman ay nagbibigay kasiguraduhan sa seguridad ng paglipat ng
datos sa Internet. Misyon nilang magbigay ng sertipikong digital na solusyon upang
mapagkatiwalaan ang mga datos na pumapasok sa Internet. Ang customer ay
maaaring magpadala ng mga naka-encrypt na datos dahil sinusuri rin nila ito pati
na rin ang pinanggalingan at patutunguhan nito. Ang ICSA naman ay nagbibigay
seguridad sa mga datos at pribadong interes ng customer. Ang mga kompanyang
gumagamit ng ICSA seal ay sumasailalim sa isang mahigpit na pagsusuri ng
kanilang firewall security para maiwasan ang mga hackers. Sa loob ng isang taon,
kailangan nilang ipabago ang kanilang sertipiko at dalawang beses din silang
susuriin sa panahong hindi nila inaasahan. Para naman magamit ng isang
organisasyon ang AICPA/CICA Web Trust seal, kailangan nilang pumasa sa mga
pamantayang ibinigay ng AICPA Standards for Attestation Engagements, No. 1 kung
saan ang magsasagawa ng eksaminasyon ay isang Web Certified CPA o CA. Ang
polisiya
ng
kompanya,
integridad
ng
mga
transaksyon
at
proteksyon
ng
impormasyon ang sinusuri nila. Ang selyo ay dapat na mapabago sa loob ng bawat
siyamnapung araw.
18. Differentiate between a LAN and a WAN. Do you have either or both at
your university or college?
Ang kaibahan ng LAN at WAN ay malalaman sa pamamagitan ng lawak na
kaya nilang maabot. Ang LAN o Local Area Network ay kadalasang nakalagay sa
iisang silid ng gusali o maaaring nakakonekta sa iba't-ibang magkakalapit na gusali.
Gayunpaman, maaari itong makaabot sa malalayong lugar at makakonekta sa
maraming users. Ang WAN o Wide Area Network ay may kakayahang umabot sa
mas malawak at malayong lugar kaysa sa LAN. Mas mahal din ang WAN kaysa sa
LAN. Ang ating unibersidad ay gumagamit ng WAN.
19. Explain the purpose of each of the layers in the OSI protocol model.
Ang OSI o Open System Interface Network Protocol ay may pitong layer na
may iba't-ibang tungkulin. Ang Physical Layer ang una at nasa pinakamababang
antas ng protocol. Tungkulin nito ang magbigay ng pamantayan para sa pisikal na
pagkakakonekta ng mga aparato sa electronic circuit. May kinalaman ito sa pin
connections ng mga aparato, paglalagay ng mga kable sa mga workstations.
Tungkulin naman ng Data Link Layer protocols ang pagpapadala ng data packets
mula sa ibat ibang nodes. Kasama na rin dito ang pagsusuri ng mga
pinanggalingan ng mensahe, pagtanggap nito at pagpapadala ulit nito. Ang Network
Layer protocol ang nagpapadala ng mga impormasyon sa ibat ibang LANs at WANs.
Ang pang-apat na layer ay ang Transport Layer na siyang nagpapadala ng isang
buong dokumento o mensahe sa ibat ibang networks. Kapag may mali sa
pagpapadala, hahanap ang layer na ito ng ibang daan upang maipadala ang buong
mensahe. Ang Session Layer naman ay isang tiyak na koneksyon sa pagitan ng
dalawang user o isang buong network. Tungkulin nitong panatilihing tama at sabaysabay ang koneksyon nila sa isat-isa. Maaaring mangailangan ng password ang
gumagamit sa layer na ito para masiguradong legal at may awtoridad ang
gumagamit. Ang pang-anim ay ang Presentation Layer na may tungkuling baguhin
ang datos at isalin sa isang anyo na maaaring mabasa ng tatanggap. Dahil
karamihan ng mga ipinapadalang mensahe ay naka-encrypt para sa seguridad nito,
kinakailangang isalin ito upang maging akma sa sistema na ginagamit. Ang
SaaS
vendors
ang
kani-kanilang
web-based
software.
Madalas,
ito
ay