Anda di halaman 1dari 7

Ang Pamilyang Mahirap. (Wala akong maisip e.

Palitan mo nalang kung


gusto mo. Hahaha)

Ivan: Inay! Nasan na po ang uniporme ko?


Inay: Nandyan anak sa-Kara: Nay, bukas na po exam namin ha? Dalawang buwan na po
tayong di nakapag- babayad.
Inay: Ay. Naku anak, bukas na iyon?
Kara: Oo inay. Kailangan na pong mag- bayad. Di ako makapagtetest.
Inay: Osig-Bunso: Nay. Ang sapatos ko po.. Sira na.
Inay: Ha? Sira nanaman? Paayos mo nalang anak sa itay mo.
Ivan: Inay. Male- late na ho ako! Ang uniporme ko po.
Inay: Ah. Oo nga pala. Nandyan anak sa loob ng kwarto mo.
Nakita naman ni Inay na lumabas ng kwarto si Itay na handa nang
pumasok sa trabaho.
Inay: Oh. Ayan na pala ang itay nyo. O sige anak, paayos mo na
ang sapatos mo nang makapasok ka na. Maaga pa naman.
Bunso: Opo. Inay.
...
Di-naglaon, nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa
eskwelahan. Naiwan ang mag-asawa sa bahay. At nagsimulang
magsalita si Itay.
Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na
linggo pa ang sweldo ko? Bukas na pala ang exam ni Kara.
Inay: ... (nakatungo lamang si inay)
Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon.
At ngayo'y sira- sira na. Kawawa naman ang bata.

Inay: ...
Napansin naman ng Itay na kanina pa walang imik ang asawa
nya. Kaya naman ito'y kinamusta nya.
Itay: Oh, tila di ka yata nagsasalita? Bakit?
Habang palapit ito kay Inay, napansin nitong namumutla ang
asawa. Hinawakan nito ang leeg at noo..
Itay: May lagnat ka. Tsk, tsk. Wag ka muna pumasok sa trabaho.
Magpahinga ka muna sa ngayon at baka lumala pa yan. Eto,
gamot para sa lagnat mo, inumin mo ya-Inay: Hindi.
Itay: Ha? Anong hindi? Kailangan mo uminom ng gamot at
magpahinga.
Inay: Ayoko. Kailangan ko magtrabaho.
Itay: Pero..
Inay: Ayoko. Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo
ko. Kailangan na natin ng pera.
Sabi ni inay na tila kumbinsidong- kumbinsido sa sinasabi nya.
Itay: Osya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na
yata ang pagtatrabaho mo. Tapos uminom ka ng gamot. Papasok
na ko sa trabaho. Tandaan mo, makararaos din tayo.
At pagkatapos nun, umalis na si Itay.
Si Inay ay isang inang mapag-aruga, mapag-alaga at mapagpasensya. Sya ang laging kumikilos sa bahay nila. Nagtatrabaho
sya bilang isang labandera. Ang itay naman, isa syang pulis.
Mayron silang tatlog anak, ang panganay na si Ivan, na nasa
kolehiyo na. Ang dalaga nilang si Kara na 4th year student na. At

ang grade 5 nilang anak na bunso. Mahirap ang buhay ngunit


pinagtyatyagaan na lamang nila. Pinaka- pangunahing problema
nila ay ang pera. Mahigit tatlong buwan na silang di nakapag
babayad sa tinitirahan nila. Kaya naman sunud- sunod ang
bayarin.
Nang makarating si Inay sa bahay na pinagtatrabahuan niya..
Amo: Oh. Nandyan ka na pala. Buti naman at dumating ka na.
Aalis kasi kami ng mga anak ko. Kung maaari sana'y ikaw muna
ang umasikaso dito. Wala sila Inday.. Day-off nila. Kaya ikaw lang
ang maiiwan dito. Pagpasensyahan mo na ha. Hayaan mo
dadagdagan ko sweldo mo.
Inay: Naku, ma'am yun nga po ang pinunta ko rito.
Amo: Oh, bakit?
Inay: Kasi po ma'am. Bukas na po ang exam ng anak ko, tapos
sinisingil na rin po kami sa bayarin sa bahay. Eh kaso ang asawa
ko po, sa susunod na linggo pa ang sweldo. Eh hanggang ngayong
week nalang po ang mga bayarin.
Amo: Ah..
Inay: Eh nahihiya man po akong magsabi sainyo, ngunit
nagbabakasali lang po akong kung maaari ay ngayon ko po
makuha ang sweldo ko, kahit magkano lang po. Basta makapagbayad lang ako sa amin.
Hiyang hiya nitong nagtapat sa amo.
Amo: Ah.. Eh magkano ba kailangan mo?
Anak ng Amo: Mommy! Tara na!
Di lamang pinansin ng amo ang anak nya, at patuloy na
naghintay sa sagot nya.
Inay: Naku, kayo po ang bahala. Nakakahiya po talagang humingi

ng may-Amo: Haha. Sige na. Magkano ang kailangan mo. Mahigit apat na
taon ka nang nagtatrabaho dito. At malaki ang naitulong mo sa
bahay pati sa pamilya ko. Kaya binabalik ko lang ang pabor.
Magkano ba talaga?
Sabi nito na nakangiti. Mabait ang amo ni Inay. Mapagkumbaba at
maraming kaibigan. Walang niisang taong minaliit nya kahit
katulong lamang ito sa bahay nila.
Inay: Naku, eh sa totoo lang po 36,000 po eh. Kasama na po ang
lahat ng utang namin sa nirerentahan.
Amo: Ah ganun ba? Oh, etoh. 50,000. Ang matitira, sayo nalang.
Sa susunod na buwan may sweldo ka pa.
Inay: Naku! Maraming salamat po! Malaking tulong po ito.
Amo: Haha. Ayos lang. Basta wag mo kaming iiwan ha?
Pagbibiro nito.
Amo: Kailangan ka rin namin dito! Hahaha.
Inay: Napaka- bait mo po talaga Ma'am.
Amo: Naku.. Masaya lang akong makatulong sa ibang tao. Minsan
rin kaming naging ganyan kaya tumutulong ako.
Inay: Ah ganun po ba? Salamat po.
Amo: Walang anuman. Osige, mauna na ko. Atat nang gumala ng
mga anak ko. Haha. Maiwan na kita ha? Uuwi din kami dito
mamayang hapon.
Inay: Sige po. Mag- ingat po kayo, ma'am!
Amo: Ikaw rin.
Nakangiting nagpaalam sila sa isa't isa. Sobrang pasasalamat ni
Inay at nagkaroon sya ng amo na handang tumulong sa pamilya
nya. Nang maiwan sya sa bahay nito, nilinis nya ang bawat sulok
ng bahay. Naglaba, atbp. Hanggang sa dumating ang pamilya ng

amo nito.
Amo: Oh. Kamusta naman? Pasensya na kung natagalan ka samin
ha?
Inay: Naku, ayos lang po.
Amo: Walang dudang swerte ang pamilya mo sa'yo. Masipag at
mapag-aruga.
Inay: Ginagampanan ko lamang po ang papel ko.
Amo: Hahaha. Hindi na nila kailangan ng ibang tao para mag
alaga sa kanila. Dahil nandyan ka naman.
Inay: (natuwa naman ito at napangiti)
Amo: Osige na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo't mga anak.
Gutom na yun siguro.
Inay: Naku, baka nga po!
Amo: Gerald! Anak! Nasan na?
Gerald: Opo! Eto na po.
Sabi nito habang naglalakad palapit sa kanila.
Gerald: Eto po oh.
Inaabot nito ang isang plastik na may mga ulam.
Inay: Naku, ano yan iho?
Gerald: Pagkain po.
Amo: Pasalubong namin pra sa'yo. Hindi ba't kaklase ito ng anak
mo?
Inay: Oo. Tama po kayo.
Amo: Eh kanina nang sunduin ko si Gerald, magkausap sila ni
Ivan.
Gerald: Oo nga po. Eh nakwento nya po sakin na nakita nya na
nahihirapan na kayo kanina bago sila pumasok. Tila
magkandarapa ka na raw po sa sobrang daming inaatupag. At
narinig nya raw po ang napagusapan nyo ng asawa mo. Kaya

naman nung uwian na po namin, niyaya namin syang isabay


pauwi. Sabi nya ayaw na raw po.
Inay: Naku, bakit daw?
Gerald: Kailangan nya raw po magtrabaho para makatulong sa
inyo. Part-time Job daw po.
Sa sinabi ni Gerald, halos mangiyak- ngiyak na si Inay. Hindi nya
akalaing sa araw na ito, napakaraming nangyaring hindi
inaasahan.
Amo: Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na. Alam kong
pagod ka na.
Inay: Naku. Maraming maraming salamat po ha?
Amo: Osige. Magkita nalang tayo bukas.
Inay: Sige po.
Umuwi si Inay sa bahay at nadatnang nandon na ang dalaga nya't
ang bunso pati ang Itay. Pumasok sya sa bahay at napansing wala
ang panganay nya.
Mga anak: Mano po, Inay.
Inay: Oh, nasan ang kuya nyo?
Kara: Di po namin alam eh. Kanina pa ang uwian nya.
Inay: Ah ganun ba? Osige, eto kumain na tayo.
Itay: San mo naman nabili yan?
Inay: Naku, eh pasalubong sakin ng amo ko. At alam nyo ba,
makapag babayad na rin tayo ng mga bayarin natin!
Natutuwa nitong sabi.
Itay: Talaga? Eh san galing ang pera?
Inay: Pinakiusapan ko ang amo ko. Sobrang bait talaga nya't pati
ang pangbayad sa tuition ni Kara at sa bahay natin ay binigay
nya.
Bunso: Nanay, ang bait nila.

Inay: Oo anak. Kaya dapat kayo wag kayong magiging madamot.


Osige tara na't gutom na siguro kayo.
Itay: Halina.
...
Nang matapos kumain ang pamilya.. Kinagabihan wala parin ang
panganay nila. Si Itay, si Kara at ang bunsong kapatid at tulog na.
Si Inay naman ay lumabas ng bahay. Nahihilo man at inaantok na
ang Inay ay hinintay parin nito si Ivan na pumasok sa gate nila.
Di naglaon ay dumating na nga. May dala itong supot. At
nagmano sa kanya.
Inay: Oh, bakit ngayon ka lang dumating?
Ivan: Inay, pasensya na po kung late na akong nakauwi. Eto po
ang gamot oh.
Inay: Para saan yan?
Ivan: Inay, alam ko pong kahapon pa kayo may sakit. Hindi mo
lang pinahahalata. Kaso kaninang umaga po, di na kinaya ng
katawan nyo.. Tapos, nag trabaho pa kayo. Malala na ang sakit
nyo. Kaya eto po, inumin nyo nang maagapan agad yan.
Wala nang ibang ginawa ang Inay kundi yakapin ang anak at
pasalamatan ito. Kinaumagahan ay isa nanamang panibagong
araw. Maraming pagbabago, pero ito naman ay para sa ikinabuti
ng pamilya nila.

(Yan. Sana magustuhan mo. Hahahaha! TY)


-

Miyu

Anda mungkin juga menyukai