Anda di halaman 1dari 3

Alamat ng Ampalaya

NOONG ARAW, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay. Dito makikitang naghahabulan
sina Labanos at Mustasa. Nagpapatintero rin sina Bawang, Sibuyas, Upo at Patola. Nagtataguan sina Singkamas,
Talong, at Luya habang nagluluksong-baka sina Kamatis at Kalabasa.
Isang araw, umusbong ang isang kakaibang gulay. Siya'y si Ampalaya. Maputlang-maputla ang kulay ng
balat niya at sa kahit anong lasa'y salat siyang talaga!
Dahil dito, unti-unting pumulupot ang mabalahibong inggit sa katawan ni Ampalaya. Naging bugnutin siya
at maiinitin ang ulo. Lahat ng gulay na lumapit sa balag niya ay binubulyawan niya. "Wag kayong lumapit sa akin!
Hindi ko kayo kailangan! Layas!" Dahil dito, nilayuan tuloy siya ng lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa.
ISANG MAALINSANGANG gabi, isang maitim na balak ang namulaklak sa utak ni Ampalaya. "Kailangang
magkaroon din ako ng lasa, kulay at ganda tulad ng ibang mga gulay!" bulong ni Ampalaya sa sarili. Habang
nananaginip ang mga gulay, isinagawa ni Ampalaya ang kaniyang balak.
Dahan-dahan, gumapang siyang papalapit sa balag ng mga walang kamalay-malay na biktima.
Sinunggaban niya ang tamis ni Kalabasa. Isinilid din niya sa bayong ang asim ni Kamatis, pati na ang anghang ni
Luya. Nakita rin niyang nakasampay sa bintana ang kaputian ni Labanos. Agad niyang kinuha ito.
Sinaklot din niya ang lilang balat ni Talong at ang luntiang pisngi ni Mustasa.
Ipinuslit din niya ang lutong ni Singkamas, ang manipis na balat ni Sibuyas, ang malasutlang kutis ni
Kamatis at maging ang gaspang ni Patola.
"Ha! Ha! Ha! Ha! Sa wakas! Nasa akin na ang lahat ng lasa, kulay, at ganda! Siguradong kaiinggitan ako
ng lahat ng gulay!" sabi ni Ampalaya sa sarili.
KINABUKASAN, umalingasaw ang balita tungkol sa nakawang naganap. Nagtipon-tipon ang lahat ng gulay.
Lumuwa ang mga mata ng lahat nang biglang dumating ang isang di-inaasahang bisita: isang dayuhang gulay.
Iba't iba ang kulay ng balat niya at kaya pa niyang mag-iba-iba ng lasa! Kahanga-hangang gulay talaga!
Ngunit para kay Kamatis, kaduda-duda ang pagkagulay ng bisita. Kaya't kinagabihan, tinipon niya ang mga
kasamang gulay ay sama-sama silang nanubok sa balag ng dayuhang gulay.
Kitang-kita nila ang dayuhang gulay, nakaharap sa salamin, habang isa-isang hinuhubad ang mga lasa,
kulay at ganda mula sa katawan niya. Nagulat sila nang tumambad sa harap nila ang isang maputlang gulay: ang
bugnuting si Ampalaya!
ISINAKDAL SA HARAP ng Kalunti-luntian, Kasari-sariwaan, Kasusta-sustansiyang Hukuman ng mga Gulay si
Ampalaya. Dumating sa paglilitis ang lahat ng gulay sa bayan ng Sariwa. Nandoon din bilang hukom ang mga
diwata ng Araw, Lupa, Tubig, at Hangin.
"Hindi pa nililikha ang gulay na nagtataglay ng lahat ng lasa, kulay, at ganda ng Kalikasan!" sigaw ng
diwata ng Araw.
"Ikaw ay napatunayang nagkasala laban sa batas ng mga gulay at sa batas ng Kalikasan," bulong ng
diwata ng Lupa.
"A-ampalaya, ikaw ay parurusahan..." hikab ng diwata ng Tubig.
"Bilang parusa, lahat ng ninakaw mong lasa, kulay, at ganda mula sa mga kasama mong gulay ay
mapapasaiyo na," ugong ng diwata ng Hangin.
"Parusa ba 'yon? Ano bang klaseng parusa 'yon?" buska ng bugnuting si Ampalaya.
Pagkaraan ng paglilitis, nangako ang mga diwatang ibabalik nila ang mga lasa, kulay at ganda ng mga
gulay na ninakawan ni Ampalaya. At nang gabing iyon, may kagila-gilalas na nangyari kay Ampalaya.
Nag-away ang lahat ng lasa, kulay at gandang ninakaw ni Ampalaya sa loob ng katawan niya! Nang
magsuntukan ang puti, luntian, lila, dilaw, at iba pang kulay, nagmantsa ang madilim na luntian sa kaniyang balat.
Nang magsabunutan ang kinis at gaspang, lumabas ang kaniyang mga kulubot. At nang magsigawan ang tamis,
asim, at anghang, lumitaw naman ang pait.
MULA NOON, naging madilim na luntian ang kulay ni Ampalaya. Naging kulubot ang balat niya. At naging
mapait ang lasa niya. Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa
kaniya.

Pero alam n'yo, nagsisi na si Ampalaya. Sa susunod n'yo siyang makita sa inyong pinggan, subukan n'yo
siyang tikman at patawarin sa kaniyang mga kasalanan.

Alamat ng Saging
Sa isang maliit na nayong nasa may libis ng kabundukan ay may pag-asawahang kilala ng
madla sa tawag na Ba Saro at Da Intang. Pinagkalooban sila ng tadhana ng kaisa-isang anak na babae
na walang iba kundi si Ana.
Nang maging ganap na dalaga si Ana, aya maraming humahanga sa kaniya hindi lamang dahil
sa kanyang kagandahan, kundi dahil sa kanyang kabaitan, kayumian at ang pagiging magiliw nito sa
pakikiharap at pakikipag-usap.
Kabilang sa mga namimintuho kay Ana ang isang makisig na lalaki na ang pangalan ay Aging.
Nang magpahayag ng pag-ibig si Aging kay Ana, napansin agad ng binata na may lihim na pagtatangi
sa kaniya ang dalaga. Kayat hindi naman nagtagal at nagkaunawaan ang kanilang mga puso.
Nagmamahalan sila, ngunit kung malaki man ang pag-ibig ng binata kay Ana ay lalaong malaki ang
pag-ibig ng dalaga kay Aging.
Magiging napakatamis sana ang pagmamahalan ng dalawang puso kung hindi lamang
sumalungat ang ama ng dalaga. Madalas na sabihin ni Ba Saro kay Ana, na huwag papanhikin sa
kanilang tahanan si Aging. Muhing-muhi ang ama ni Ana sa binata.
-

Aba, anak, - paalala pa ni Ba Saro kay Ana, - hindi ka maaaring

buhayin ng mgandang lalaking lipi naman ng mga tamad! Hindi ko gusting mapagkikita dito sa ating
tahanan ang batugang Aging na iyan...
isang dapit-hapon, buhat sa inaararong bukid ay dumating sa kanilang tahanan si Ba Saro na
sukbit sa baywang ang isang matalim na itak. Kanginang malayu-layo pa siya ay natanaw na niya sa
may bintana ng kanilang mababang bahay ang pagniniig nina Ana at Aging. Nang mapadapit siya ay
namataan agad niyang ang kanang bisig ni Aging ay nakalatang pa sa may palababahan ng kanilang
bahay.
Sa matinding poot ni Ba Saro ay biglang sumulak ang kaniyang dugo at itoy parang umakyat sa
kanyang ulo. Kayat pagkatapat niya sa bintana at makitang nakalawit pa nang bahagya sa
palababahan ang kamay ng binata, iyon at tinigpas niya ng taga.
Nalaglag ang naputol na kamay ni Aging at dahil sa biglang pagkagulat at matinding pagkatakot
nito ay kumaripas ng takbo ang binata. Hinabol ni Ba Saro si Aging ngunit ang binata ay tuluyang
nawala sa karimlan.
Nananagis na nanaog si Ana at kinuha ang putol na kamay ng kasintahan. Wala siyang
malamang gawin, kayat ang kamay na putol ay ibinaon niya sa noob ng kanilang bakuran.
Kinabukasan ng umaga nang manaog si Ba Saro ay malabis ang kanyang pagtataka nang
makitang may tumubong halaman sa kanilang bakuran. Ang mga dahon niyon ay malalapad at ang
bawat buwig ng hinog na bungang madilaw-dilaw ay katulad ng isang kumpol ng mga daliri ng tao.
-

Ana! sigaw ni Ba Saro sa anak, - ano bang halaman ireng biglang

tumubo sa ating bakuran?


Nang Makita ni Ana ang buwig-buwig ng bunga ng halamang iyon ay naalala niya agad na
ibinaon niya roon ang putol na kamay ni Aging. Kaya pabulalas niyang nasabi na:
-

Ama!... Iyan po si AGING!... ang putol na kamay ni Aging!

Mula noon, ang halamang iyon ay tinawag nilang SI AGING hanggang


sa kalaunan ay tinawag na SAGING na lamang.

Bago namatay si Ba Saro ay pinagsisihan niya nang labis ang nagawa niyang katampalasanan sa
kasintahan ng kanyang kaisa-isang anak na dalaga.