in
hekasi
Mark rowell a sarmiento
(grade-5)
Dr.jose rizal
bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga
kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At
upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na
mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga
kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.Ayon kay Retana,
ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid
noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang
bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay
lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang
nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.Ang El Filibusterismo ang
kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong
1891.Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo,
1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago
sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ngmapayapang
pamamaraan at di sa paghihimagsik.Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik
sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag
siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik
siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa
kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit
na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman
siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng
isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang
tinuturuan.Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa
pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na
makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si
Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa
mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siyay
hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.Ikinulong si Rizal sa Maynila sa
Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay
nahatulang barilin sa Bagumbayan.Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni
Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng
magigiting na kaisipan at damdamin.At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay
binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.
Andres bonifacio
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng
Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay
sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.
Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo
Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang
mga magulang ay namatay at napilitan siyang
huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga
nakababata niyang kapatid na babae and lalaki.
Bilang hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga
kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na
baston at papel na pamaypay na kanyang itininda sa
lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay
naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and
Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan
at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya
ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pangsuporta sa kanyang mga naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell
and Company" bilang ahente. Ipinakita niya ang bukod tanging determinasiyon at
sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho
Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa
at sariling pag-aaral. Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang
mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, Ang mga buhay ng
Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa Tagalog), Ang
pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga
artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng
Himagsikan at pagtatag ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na
Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya ang Katipunan noong ika-7 ng
Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato Arellano. Ang
kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang
siayng lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa
maraming bahagi ng Pilipinas. Naramdaman ni Bonifacio na kaya na niyang
umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit, bago pa man siya magumpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero
ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896.
Buhat noon ,ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila, kaya hindi sila makatakas
sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod
at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng malabong tagumpay at
malubhang pagkatalo. Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan
si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa.
Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang namuno ng
pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang
nahalal na Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio
ang Taga-Liham. Si Bonifacio ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan
bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang mapawalang bisa ang halalan.
Si Bonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng sarili
niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng
Kastilang Heneral na si Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite.
Inutusan ni Aguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel na pawang binigyan ng matataas na
katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.
Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa
kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya
ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang
paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng
sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang
bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo,
1897. Hanggang ngayon si Bonifacio ay kilala ng mga Pinoy sa kanyang katapangan
na inilarawan sa mga katagang ito:
" Andres Bonifacio Matapang na Tao...."
Francisco balagtas
Isinilang
si
Francisco
Balagtas
sa
Panginay, Bigaa (ngayoy Balagtas),
Bulacan noong Abril 2, 1788. Ang mga
magulang niya ay sina Juan Balagtas at
Juana de la Cruz , siya Ay Nakapagtapos
ng Pag-Aaral sa Edad na 47 Ang kanyang
asawa ay si Juana Tiambeng taga
Orion(Udyong) , Bataan at nagkaroon ng
labing isang anak. Bata pa si Kikong
Balagtas at mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng
pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga
pagaspas ng mga dahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang
magkumpara ang mga bituin sa mga alipato at apoy na
nagmumula sa pagpapanday ng kanyang ama, at ang tunog ng
sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambing niya sa
musika. Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga
pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga kababayan niyang
Pilipino. Hindi siya mapakali sa nararamdaman na may hindi
magandang nangyayari sa kanyang bayan ngunit di niya ito lubos
na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyang umibig sa
pamamagitan ni Selya. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigay
ng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang
kasalanan at katarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may
Melchora Aquino-ramos
Si Melchora Aquino-Ramos na mas kilala sa bansag na Tandang
Sora ay hinahangaan at nagsilbing inspirasyon sa mga
katipunero.Kahitsiyaymay edad na buong puso pa rin
siyang tumulong nong panahon ng himagsikan na
pinamunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.
Si Melchora ay isinilang sa Banlat,Caloocansa
National Capital Regionnoong Enero 6,1812.Ang
kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at
Valentina de Aquino.
Siya hindi nagkaroon ng pagkakataong makapagaral subalit siya ay biniyayaan ng mabuting
kalooban. Siya ay relihiyoso at magaling
makisalamuha sa kapwa . Siya rin ay pinagkalooban
ng kagandahan sa panlabas na kaanyuan. Kaya naman siya ay
laging tinatanghal bilang Reyna Elena ng kanilang lugar.Halos lahat
ng kabinataan ay nabibighanisa kanyang tinataglay na kagandahan.
Si Melchora ay nagkaroon ng napakaraming manliligaw.At isa sa
kanyang masigasig na manliligaw si Fulgencio Ramos na kanyang
naging kabiyak.
apolinario mabini
Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo
23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang ang
"Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay
isang Pilipino teoretista na nagsulat
ng konstitusyon ng Unang Republika
ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod
bilang ang kauna-unahang punong
ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa
Talaga, Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga
magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia
Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang
ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan.
Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy
sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa
pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng
Si Epifanio de los
Santos ay isang manananggol, mamamahayag, mananalaysay (historian), musikero,
pintor, kritiko, manunulat, pilosopo ("philosopher") at masugid na kolektor ng
mga antique.Isinilang siya sa bayan ng Malabon noong 7 Abril 1871. Kaisa-isang
anak ng mayamang hasyendero na si Escolastico de los Santos at Antonina
Cristobal, isang kolehiyala na mahusay tumugtog ng piyano at alpa. Pagkatapos
tapusin ang kanyang mga unang taon ng pagaaral sa ilalim ng isang pribadong guro
na si Jose A. Flores, nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila. Maliban sa
mga araling akademiko sa Ateneo, ay nag-aral din siya ng musika at pagpipinta na
nanguna sa mga gantimpala. Tinapos niya sa Ateneo ang Bachiller en Artes ng may
pinakamataas na parangal na summa cum laude at pagkatapos ay kumuha ng Law
saUnibersidad ng Santo Tomas. Nanguna siya sa pagsusulit ng Ktt.
Hukuman.Masugid siyang mambabasa ng iba't ibang babasahing pampanitikan
lalung-lalo na ng mga nobelang sinulat ni Juan Valera, isang manunulat na Kastila at
Mahusay din siya sa pagpipinta, lamang ay hindi niya ito nabigyan ng panahon
upang ang kanyang kakayahan ay lalo pang pagyamanin at paunlarin.Binawian ng
buhay si Don Panyong noong 28 Abril 1928 sa Maynila sa eded na 57 dahil sa atake
sa utak (cerebral attack). Bilang paggalang sa kanyang kontribusyon sa sining at
kultura, ang Highway 54 na nagdudugtog sa Lungsod ng
Caloocan hanggang Lungsod ng Pasay ay ipinangalang Abenida Epifanio de los
Santos o kilala bilang
Kamatayan
Hanapbuhay
Pari
Kilala dahil sa
GOMBURZA
Padre Jacinto Zamora ay isinilang noong Agosto 14, 1835 sa Pandacan, Maynila. Ang
kanyang mga magulang ay sina Venancio Zamora at Hilaria del Rosario.
Nag-aral si Zamora sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan ay natapos niya
ang kursong Bachiller en Artes. Nagpaluloy siya ng pag-aaral sa Unibersidad ng
Santo Tomas na kung saan naman ay natamo niya ang diploma para sa
kursong Bachiller en Leyes Canon.
Si Padre Zamora ay hindi kasintalino nina Padre Burgos at Padre Gomez subalit siya
ay nakakuha rin ng mataas na marka sa pagsusulit na kinuha niya noong siya ay
pansamantalang nadestino sa Parokya ng Pasig. Sa kabila ng mataas na marka at
pagkakapasa sa pagsusulit, si Padre Zamora ay hindi binigyan ng permanenteng
posisyon sa kadahilanang isa lamang siyang "indio".Lumipat ng Maynila si Padre
Zamora at dito siya nakipagtagisan ng kuru-kuro laban sa mga Kastilang Prayle.
Buong giting na ipinagtanggol ni Padre Zamora ang mga Pilipinong pari.Nang
maganap ang himagsikan sa Cavite noong Enero 1872, siya ay dinakip at ikinulong
sa Fort Santiago. Siya ay isa sa pinagbintangang namuno sa pag-aalsa laban sa
Kastila, kasama ni Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez. Siya
aykasamang binitay noong Pebrero 17, 1872 sa pamamagitan ng garote. Siya ay isa
sa tinaguriang tatlong paring martir na lalong kilala bilang GOMBURZA.
Padre
gomez
mariano
Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan
ng mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de
Manila noong 1880 at tumira sa bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan
sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del Pilar natimo ang mapanganib na
mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa
kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang apoy.
Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa
tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya
ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na
22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang
nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan
pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio Luna si del Pilar ang humalili sa
maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano saPasong Tirad noong Disyembre
2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.
Juan luna
Si Juan Luna y Novicio ang nagpinta ng pamosong
larawan Spolarium. Siya ay nakilala sa buong mundo sa
pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa
kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at
espada.
Siya ay ipinanganak noong Oktubre
23, 1857 sa Badoc, Ilocos Norte kina Joaquin Luna at
Laureena Novicio sa Badoc, Ilocos Norte.
Nag-aaral siya sa Ateneo de Manila. Ang pangarap niyang
maging isang mandaragat ay natupad matapos siyang
mag-aral at magtrabaho sa barko sa murang gulang na
16. Marami siyang napuntahang magandang lugar at
iba't ibang tao ang kanyang nakasama. Bagamat napagtala siya bilang mandaragat
huminto para lamang maipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pagpinta.
Nag-aral siya Academio de Dibujo y Pintura sa Maynila noong 1876 sa kursong
Bellas Artes. Ipinagpatuloy niya ang kursong ito sa Madrid,Espanya. Personal din
siyang nagpaturo ng pagpinta kay Alejo Vera na siyang nagdala sa kanya sa
bansang Rome,Italy. Pumunta siya sa Barcelona, Espanya noong 1877 at doon siya
naging propesyonal na pintor noong 1880. Nang nagwagi siya ng pangalawang
karangalan sa Eksposisyon sa Madrid dahil sa ginuhit niyang The Death of
Cleopatra. Ito ay binili ng Gobyernong Kastila at ginawang permanenteng exhibit sa
Museo Nacional de Pinturas, Salon de Pintures Modernas.
Tumanyag ang pangalan ni Luna nang ginawaran ng gintong medalya ang
kanyang Spolarium sa Exposicin Nacional de Bellas Artes sa Madrid noong 1884.
Ito binili rin ng Diputacin Provincial de Barcelona sa halagang 20,000 pesetas
noong 1886.
Ang iba pa niyang nilikha ay ang Pacto de Sangre, Idilio, Espaa y
Filipinas, Lavandera, Escena Mariquina, Batalla de Lepanto, at iba pa.
Noong Oktubre, 1884, lumipat siya sa Paris kung saan niya ipinagpatulong ang
pagpinta.
Si Juan Luna ay nagpakasal kay Paz Pardo de Tavera noong 1886 at
noong 1894 pagkalipas ng 17 taon napagkawalay sa Pilipinas ay siya ay bumalik.
Siya ay napagsuspetsahan na isa sa mga kasangkot sa pagpapasimula ng
rebolusyon kayat siya ay hinuli at ikinulong. Pinatawad siya ng Espanya
noong Mayo 27, 1897.
Sa taong 1898, si Luna ay itinalaga ni Heneral Aguinaldo na isang sugo sa Europa
para ipresenta ang panig ng mga Pilipino sa usaping pagkapayapaan. Siya ay
inatake sa puso at namatay noong Disyembre 7, 1899 sa Hong Kong
Filipe agoncillo
Si Felipe Agoncillo (26 Mayo 1859 29 Setyembre 1941)
ay isang bayaning Filipino na nagtanggol sa karapatan ng
mga Filipino. Kasama si Sixto Lopez, si Agoncillo ay
nagtungo sa Amerika upang kausapin si Pangulong Wiliam
Mckinley ngunit sila ay hindi hinarap ng huli. Si Agoncillo
rin ang naging kinatawan ng unang Republika ng Filipinas
sa usapang pangkapayapaan na naganap sa Paris noong
1898. Nabigo siya sa kaniyang misyon dahil hindi kinilala
ng kapulungan ang rebolusyonaryong gobyerno ng Filipinas
noon.
Anak nina Don Ramon Agoncillo at Gregotia Encarnacion, si Felipe ay isinilang
sa Taal, Batangas. Siya ay nag-aral ng mataas na paaralan sa Ateneo de Manila, at
nakatapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878. Nang maging
isang ganap na abogado, nagtayo siya ng kaniyang opisina sa Taal at doon ay
nagbigay ng libre serbisyo sa kababayang mahihirap at inaapi.
Makabayan
Siya ay nagtungo sa Hong Kong upang ipahayag sa mga Filipino sa doon ang
Rebolusyonaryong Republika na itinatag ni Emilio Aguinaldo sa Filipinas. Naatasan
din siyang magtungo sa Amerika at sa Paris upang maging kinatawan ni Aguinaldo.
Josefa gabriela
Si Gabriela Silang (19 Marso 1731 20 Setyembre 1763) ay
ang unang Pilipinong babae na ipinagpatuloy niya ang
pinaglalaban ng asawa.
Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cario Silang
noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur (Santa, Ilocos
Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang kagustuhan nang
siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga
pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang
ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang napunta kay
Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay
at siya ay maagang nabiyuda.Lumipas ang ilang taon at
napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na
lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila
ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si
Diego at muli nitong pagkabiyuda.Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay
buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang
puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan interes
ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong
Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong 20
Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaing