Anda di halaman 1dari 1

KASULATAN NG SANGLA

ALAMIN NG LAHAT SA PAMAMAGITAN NITO:


Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan nina:
PANGALAN NG UMUUTANG, Pilipino, nasa hustong gulang binata/dalaga/ may-asawa /balo,
at nakatira sa TIRAHAN NG UMUUTANG, na sa kasulatang ito ay tinaguriang NAGSANGLA;
At
FAR EAST KALEFMA LENDING CORP., isang pribadong institusyon na iningkorpora sa
ilalim ng batas ng Pilipinas, na ang opisina ay matatagpuan sa Estancia, Kalibo, Aklan, at nirerepresenta
ni LUCILLE MACALACAD, na sa kasulatang ito ay tinaguriang PINAGSANGLAAN;
NAGPAPATUNAY:
Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng halagang ISULAT ANG
HALAGA NG UTANG ( P000,000.00) Salaping Pilipino, na tinanggap at sumakamay ng
NAGSANGLA ngayong ika-___ ng ______ 20__ na pinapatunayan ng kanyang lagda dito. Na ang
nasabing pagkakautang ay babayaran pagkatapos ng BILANG NG BUWAN (00) buwan, sa interes na
walong porsiyento (8%) bawat buwan. Ang detalye at paraan ng pagbayad ay nakasaad sa PROMISSORY
NOTE na pinirmahan ng NAGSANGLA at ng kaniyang co-maker;
Na bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng NAGSANGLA ang sumusunod na
personal na gamit:
BRAND NAME

SERIAL NO.

MODEL NO.

REMARKS

Ang nasabing gamit ay nasa pag-aari ng NAGSANGLA at ito ay walang ibang utang o sanlang
pinananagutan. Ang NAGSANGLA ay obligadong panatilihing maayos ang kalagayan ng gamit na
isinanla, o hindi kayay agarang palitan ito ng ibang gamit na may pareho o higit na halaga kung sakaling
ito ay masira;
Na sakaling mabayaran ng NAGSANGLA ang nasabing pagkakautang sa itinakdang panahon,
ang kasulatang ito ay mawawalan ng bisa at saysay. Subalit kung hindi, ang isinanlang gamit ay maaaring
agarang rematahin ng PINAGSANGLAAN kahit hindi na dumaan pa sa korte.
SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa kasulatang ito ngayong
ika-____ ng _____ 20____ sa Kalibo, Aklan.
PANGALAN NG UMUUTANG
Nagsangla

LUCILLE MACALACAD
Para sa FAR EAST KALEFMA LENDING CORP.
Pinagsanglaan

MGA SAKSI: __________________________ __________________________


AFFIDAVIT OF GOOD FAITH
We severally swear that the foregoing mortgage is made for the purpose of securing the obligation specified
in the conditions thereof, and for no other purpose, and that the same is a just and valid obligation, and one not
entered in for the purpose of fraud.

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES)


PROVINCE OF AKLAN
) S.S.
BEFORE ME this __________________ at Kalibo, Aklan personally appeared the above-named
persons with their valid identification cards, known to me, and known to be the same persons who
executed the foregoing instrument and they acknowledge to me that the same is their own free will and
deed. WITNESS MY HAND AND SEAL.
ROWENA MAE N. MENCIAS
Notary Public
Capitol Site, Osmea Ave., Kalibo Aklan;
PTR No. 4630329, Kalibo, Aklan, January
13, 2015; IBP No. 968800, Kalibo, Aklan,
May 12, 2014; Roll No. 62828; MCLE
Compliance Exempt

Anda mungkin juga menyukai