Anda di halaman 1dari 1

Filipino Bilang Akademic na Wika

Ang intelektwalisasyon ay ang adaptasyon ng wika para magkaroon ito ng kakayahang bumuo ng
wasto, tiyak at kung kakailanganin, ng mga pahayag na abstrak na matatagpuan sa mga sulating
pansyensya at pampilosopiya. Sa pagpapaliwanag nina Sibayan at Gonzales, pangunahing
sosyolinggwista sa bansa, ito ang makabagong midyum ng komunokasyon dapat ginagamit sa
mahahalagang larangan sa loob ng isang bansa tulad ng gobyerno, administrasyon, lehislasyon,
pagbabatas,agham,teknolohiya,komersyo, at industriya at sa lahat ng level ng edukasyon mula sa
elementarya hanggang kolehiyo. Isa na itong wikang ganap na nadevelop at naintelektwalisa
( Mula sa aklat na Buhay at lipunan ni Dr. Teresita F. Fortunado, de la salle University Press, Inc.,
1998.

Mga Proseso ng Estandardisasyon at Intelektwalisasyon ng Wika


Ang dalawang batayan sa development at estandardisasyon ng wika ay ang paglilipat ng oral na
wika patungo sa nakasulat nitong anyo at ang laxikal na pagpapayaman o pagpapalawak upang
matamo ang intertranslyetabiliti ng wika sa ibang ganap nang develop na wika ng mundo.
Tungkol sa influwensya ng pagsulat sa estandardisasyon ng wika ,sinasabi ni Ferguson,
-Kapag ang pasalitang Wika ay nailipat sa nakasulat nitong anyo, naitatag ang uniformidad ng
linggwistikong istruktura-fonolohikal, lexikal at sintaktikong komponent.
Naitala ang wika at naitatag ang mga norm. Sa katunayan, sa isang yugto ng development ng
wika, napaliliit ang dami ng language deviants o paglihis sa wika. Gayundin, ang paggamit ng
komon na norm ay nagpapahintulot sa paggamit ng isang code sa loob ng isang malawak na
komunidad ng mga ispiker.
-Ipinaliwanag pa ni Ferguson ang Kapangyarihan ng pagsulat sa develop ng mas mataas at mas
komplex na mga varayti.
Ang totoo, hindi sinasalamin ng pagsulat ang pagsasalita sa eksaktong paraan; ang pasulat na
wika, kadalasan, ay nagdedevelop ng mga katangiang hindi makikita sa katapat na pasalitang
wika. Habang regular na isinasagawa ng mga komunidad na gumamit ng wika ang pagsulat, hindi
nila namamalayan na ang ordinaryo, pang-araw-araw na pananalita ay angkop sa gamit na
pasulat.

Pagdidisenyo ng Efisyenteng Sistema ng Pagsulat


-Sa kasaysayan ng sibilisasyon, nadevelop ang ilang uri ng sistema ng pagsulat. Halimbawa,
ideografic ang sistema ng pagsulat ng mga Intsik, ibig sabihin, ang mga karakter nito ay
kumakatawan sa mga ideya o kahulugan. Sa kabilang banda, ang ating sistema ng pagsulat ng
latin ay binubuo ng mga alfabetong Romano na kumakatawan sa mga tunog.
Iginigiit ni Cochran ng Summer Institute of Lingustics at sumulat ng tesis (Alphabet Design for
Papua New Guinea Languages). Kinikilala bilang isa sa pinakakomprehensivong pag-aaral
tungkol sa alfabeto hindi lamang ang fonolohiya ng wika kundi ang edukasyonal, sikolohikal,
sosyal, politikal at ekonomikong konsiderasyon sa pagpili ng mga alternativo para sa
paninimbolo ng mga tunog ng wika.
-Isa pang lider sa pagpaplano ng wika sa Timog- Silangang, si Asnah Haji omar, ang linggwistik
na Malaysian na namuo sa pagdidisenyo ng magkasamang Alfabetong Malaysian- Indonesian
ang nagpatunay na kailangang lumampas sa mga linggwistikong batayan at kilalanin ang mga dilinggwistikong inovasyon o sosyo- politikal na dahila.
Iniulat ni:
_________________________
Ay b

Anda mungkin juga menyukai