Anda di halaman 1dari 6

Buod ng Ibong Adarna

Kabanata 1 Ito ang isang panalangin ng makata (writer) sa Diyos para tulungan siya sa kanyang pagsusulat ng
Ibong Adarna.
Kabanata 2 Ito ang umpisa ng kwento, sinasabi ng kabanatang ito ang mga tauhan sa kahariang Berbanya. Ang
hari ng Berbanya, si Don Fernando. Ang reyna ng Berbanya, si Donya Valeriana. Ang mga prinsipe at anak nila, Don
Pedro, Don Diego at Don Juan. At masaya ang Berbanya. Isang araw, nagkasakit si Don Fernando dahil sa panaginip
niya. Nawala ang kanyang ganang kumain at naging mahina siya. Sabi ng manggagamot na hindi kaya ng gamot
ipagaling si Don Fernando, kailanang ang Ibong Adarna, isang mahiwagang ibon na kayang alisin ng kahit anong
sakit. Dahil dito, inutusan ni Don Fernando ang mga anak niya na pumunta sila sa Bundok Tabor at hanapin ang
Piedras Platas, kung saan ang Ibong Adarna nakatira.
Kabanata 3 -Naglakbay si Don Pedro papuntang Bundok Tabor dahil siya ang panganay, siya ang unang
naglakbay, gamit ng kabayo, umabot siya ng tatlong buwan makarating siya sa baba ng Bundok Tabor, at namatay
ang kanyang kabayo, dahil dito, naglakad nalang siya pag-akiyat ng bundok. Narating siya sa taas at nakita niya
ang Piedras Platas, naaliw siya sa kagandahan ni Piedras Platas parang dyamante. Pero nalilito siya kung bakit
lumalayo ang mga ibon sa Piedras Platas. Naghintay siya sa ilalim ng Piedras Platas para makita niya ang Ibong
Adarna, pero dahil sa pagod ng paglalakbay, natulog siya at hindi niya nakita ang Ibong Adarn. Dumating ang Ibong
Adarna at naghahanda ang Adarna matulog. Bago siyang matulog, tumae siya at tinamaan si Don Pedro at naging
isang bato.
Kabanata 4 Nagulo ang banyang Berbanya dahil hindi pa bumalik si Don Pedro dahil naging isang bato. Inutos si
Don Diego hanapin si Don Pedro at kunin ang Ibong Adarn. Gaya ni Don Pedro, gumamit siya ng kabayo, pero inabot
siya ng limang buwan.Nakarating siya sa baba ng bundok at namatay ang kanyang kabayo, naka-akyat rin siya ng
bundok at nakita niya ang Piedras Platas. Sa tamang pagkataon, dumating ang Ibong Adarna, naghahanda matulog,
pero bago natulog siya, kumanta siya at natulog si Don Diego. Tumae ulit ang Ibong Adarna at tinamaan si Don
Diego at naging bato rin siya.
Kabanata 5 Hindi pa bumalik sina Don Pedro at Don Diego, nag-isip si Don Juan na maglakbay siya papuntang
Tabor para hanapin ang mga kapatid niya at kunin ang Ibong Adarna, pero ayaw ni Don Fernando dahil siya ang
paborito niyang anak at hindi niya pinaalis si Don Juan sa Berbanya. Tinakot ni Don Juan si Don Fernando para
magkalakbay siya papuntang Tabor at pinayagan siya ni Don Fernando. Pero hindi niya ginamit ng kabayo papunta
Tab, lumakad lang siya at nagbaon ng limang piraso ng tinapay. Bawat buwan kakain niya isang tinapay. Inabot siya
ng limang buwan at narating siya sa baba ng Bundok Tabor. Pagdating niya, may nakita siyang isang matandang
leproso at hingi siya ng pagkain kay Don Juan.
Kabanata 6 Kahit na yan ang huling piraso ng tinapay binigyan niya sa matandang leproso at nagpasalamat siya
kay Don Juan at tinanong niya kung nandito siya para hanapin ang Ibong Adarna, sabi ni Don Juan hinahanap niya.
Sabi ng leproso huwag kang pumunta agad sa Piedras Plates at hanapin isang ermitanyo at tutulungan ka ihuli ang
Ibong Adarna.
Kabanata 7: Ang Karapat-dapat
Pagdating ng oras na huhulihin na ni Don Juan ang Adarna at kumakanta na ito, hiniwa niya ang kanyang kamay at
pinigaan niya ito ng dayap para hindi siya makatulog sa mga kanta ng Ibong Adarna. Ginawa niya ulit ito sa mga
sumusunod na kanta ng Adarna. Noong nahuli na niya ang Ibong Adarna, ginamot na ng Ermitanyo ang kanyang
mga sugat sa kamay at ginawa niyang tao ulit sina Don Pedro at Don Diego.
Kabanata 8: Bunga ng Masamang Gawa

Pauwi ng Berbanya, nagplano si Don Pedro na patayin si Don Juan dahil sa inggit. Sinabi niya ang planong ito kay
Don Diego pero ayaw niyang patayin si Don Juan. Binugbog nalang nila si Don Juan. Kinuha na nina Don Pedro at
Don Diego ang Ibong Adarna at nagpatuloy na sila pauwi. Pagkauwi ng dalawang magkakapatid, pinakita na nila
ang Ibong Adarna pero pumangit na ito at ayaw din nitong kumanta. Mas-lalong nalungkot si Haring Fernando.
Kabanata 9: Sagot sa Taimtim na Dasal
Habang nasa palasyo na sina Don Pedro at Diego, si Don Juan naman ay nagdasal nalang sa Diyos. Nagdasal siya
na maligtas ang kanyang ama kahit siyay mamatay na. Sinagot naman ito ng Diyos, dumating ang isang matanda
na nanggamot kay Don Juan. Pinasalamatan naman ni Don Juan ang matandang ito at mabilis na siyang bumalik sa
Berbanya.
Kabanata 10: Ang Katotohanan ay Lalabas
Nakita na siya ng Ibong Adarna at gumanda ulit ito. Nagsimula na rin itong kumanta tungkol sa paglalakbay ng
tatlong magkakapatid. Dahil ditoy muntik nang ipatapon o ipalayas sina Don Pedro at Don Diego. Buti nalang ay
nakipagusap si Don Juan kay Haring Fernando na patawarin na sila, at sinunod ito ng Hari. Pinabantay niya sa
kanyang mga anak ang Adarna.
Kabanata 11: Inggit ang Sanhi
Lumabas nanaman dito ang inggit ni Don Pedro. Sinabi niya kay Don Diego ang plano para makaganti sila sa
pagkakahiya nilang dalawa. Nagplano nanaman sila na magtaksil si Don Juan. Ang plano nilay dayain ang kanilang
mga oras ng pagbabantay. Pinahaba nila ang oras ni Don Juan hanggat mapagod siya at makatulog. Noong
nakatulog na si Don Juan, pinawalan na ng dalawa ang Ibong Adarna. Pagkagising ni Don Juan, nalaman niya ito at
umalis agad siya dahil gusto niyang matago ang kataksilan ng kanyang mga kapatid. Pinahanap naman ng Hari sa
kanila Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Nahanap nila si Don Juan sa Armenya.
Kabanata 12: Di Husto ang Tangan
Sa Armenyang Kabundukan, kung saan maganda ang mga pook at kalikasan, ay nakita si Don Juan. Nagbati na ang
tatlong magkakapatid at nag-isip pang manirahan nalang sa Armenya. Ngunit naisip din nilang umuwi nalang sa
Berbanya.
Kabanata 13
Isang araw habang naglalakad ang magkakapatid sa Armenya may nakita silang
isang balon. Ngunit walang tubig sa balon. Kaya nagpasya sila na pasukin ang balon.
Naunang pumasok si Don Pedro, ngunit hindi nagtagal na lumabas siya sa takot dahil ang
dilim sa balon. Ngayon, si Don Diego pero natakot din siya kagaya ni Don Pedro. Ang huli
ay si Don Juan. Bumaba siya sa balon at nilaban niya ang takot sa kadiliman ng balon.
SInabi niya na tatapusin niya ang kanyang sinimulan. Pero ang kanyang mga kapatid ay
naiinip sa kahihintay ni Don Juan. Pababa ng pababa si Don Juan hangang nasapit siya
sa lupa. At may nakita siyang isang palasyong ginto at pilak.
Kabanata 14
Nang makita niya ang palasyo, pumasok siya at may nakita siyang nakapagandang
babae at ang pangalan niya ay si Donya Juana. pinupuri ni Don Juan ang kagandahan
ni Donya Juana. Hinilingni Donya Juana na huwag siyang iiwanin dito dahil may isang
sakdal-lupit na higanteng na nagbabantay sa kanya pero hindi natakot si Don Juan.

Nang dumating ang higante, inaglahi niya si Donya Juana. Dahil dito, nagalit si Don Juan
at hinamon ang higante sa isang pagtutuos. Sa tulong ng Diyos, nanalo si Don Juan.
Aalis na sana sila pero sinabi ni Donya Juana na ang kapatid niya si Donya Leonora ay
nandoon pa. Si Leonora naman ay binabantayan ng pitong ulo na serpyente. Hinihingi ni
Donya Juana kay Don Juan na iligtas ang kapatid niya. Pumayag si Don Juan.
Kabanata 15
Nakita ni Don Juan si Donya Leonora sa ibang palasyo. Naguusap na sila.
Habang naguusap sila, nagkagustuhan ang dalawa. Ngayon, dumating ang serpyente
na nagbabantay si Donya Leonora at naglaban sila ni Don Juan. Sa pagtutuloy ng laban,
binuhusan ni Don Juan ng balsamo ang ulo ng serpyente para hindi mabalik ang ulo niya.
Matapos matalo ang ahas, umalis sila sa palasyo.
Kabanata 16
Kalalabas lamang sina Don Juan at si Donya Leonora. Ikinuwento nila kung ano ang nangyari sa balon sa mga
kapatid ni Don Juan. Naginggit si Don Pedro kay Don Juan. Nakalimutan ni Leonora and kanyang singsing sa palasyo.
Sinabi ni Don Juan na kukunin niya ang singsing at habang bumababa siya, pinutol ni Don Pedro ang lubid at
bumagsak si Don Juan. Umalis na sila pero pinababa ni Leonora ang lobo niya para gamutin si Don Juan. Samantala
sa itaas ng balon, sinabi ni Don Pedro na siya nalang ang mahalin ni Donya Leonora. Nang di pumayag si Leonora,
binuhat niya ni Don Pedro papuntang Berbanya.
Kabanata 17
Sa araw na nagdaan, nalungkot ang hari dahil sa pagkawala ni Don Juan. Nang bumalik ang kapatid sa Berbanya,
itinanong niya kung ano ang natagpuan nila sa bundok at gubat. Sinabi ng dalawa na wala si Don Juan diyan at
naligtas sila ang dalawang prinsesa sa serpyente at higante sa loob ng balon. Hiningi ni Don Pedro na makasal
agad sila ni Donya Leonora pero sinabi ni Leonora na nangako siya sa Diyos na hindi siya may asawa sa loob ng
pitong taon. Samantala, inihanda ang kasal ni Don Diego at si Donya Juana. Siyam na aram na walang tigil ng
kasiyahan.
Kabanata 18
Naabutan ang lobo si Don Juan na sugatan at bali-bali ang mga buto niya. Para mapagaling si Don Juan kumuha ang
lobo ng tubig mula sa Ilog Herdan. Gumaling na si Don Juan. Iniwan ang lobo si Don Juan mula umalis sila sa balon.
Pero napagod siya. Nakita ni Don Juan ang Ibong Adarna at nagising si Juan sa awit na ito. Kinuwento ng Ibong
Adarna na limutin si Leonora at maglakbay patungong sa Reyno de los Cristales upang hanapin si Donya Maria dahil
mas maganda pa siya.
Kabanata 19
Sobrang malunkot si Donya Leonora sa Kaharian ng Berbanya. Inaasam niya na sana buhay pa si Don Juan sa
lobong inutusan niyang magligtas kay Don Juan. Samantala pumunta ang lobo sa ilog Jordan. Kinuha ng lobo ang
tubig at binuhusan niya si Don Juan. Agad nawala ang mga sugat niya. Lumabas siya sa balon pero hindi niya alam
ang daan papuntang reyno de los cristales. Naglakbay siya ng tatlong taon, ngunit hindi niya nakita ang daan
pagpuntang Reyno de los Cristales. Habang naglalakbay siya, hindi nawala ang kanyang pag-asa sa Diyos. Isang
araw nakakita siya ng isang matandang ermitanyo. Binigyan ng Ermitanyo ng pagkain si Don Juan. Nagpasalamat si
Don Juan at itinanong niya kung saan ang daan pagpunta sa Reyno de los Cristales. Pinagpunta ng matanda sa
ikapitong bundok at makikita niya isang ermitanyo.
Kabanata 20
Sa kanyang tirahan sa kaharian ng Berbanya, si Donya Leonora ay iniisip pa rin si Don Juan, Biglang Pumasok si Don

Pedro at tinanog niya kung pwede silang magpagkasal. Ayaw ni Donya Leonora dahil mahal pa niya si Don Juan.
Sinabi niya kay Don Pedro na bawal siyang magpakasal sa loob ng pitong taon. Dahil dito, napilitan si Don Pedr
maghintay ng pitong taon.
Kabanata 21
Naglakbay si Don Juan ng limang taon para makarating sa bundok para makita ang isa pang ermitanyo. Nung nakita
na silang dalawa, binigay ni Don Juan ang baro ni Jesus. Itinanong ng ermitanyo kung ano ang ginagawa niya dito.
Sinabi ni Don Juan na hinananap niya ang daan pagpuntang Reyno de los Cristales.
Kabanata 22
Nakita ni Don Juan ang ermitanyo sa bundok na sinabi ng unang ermitanyo na puntahan ito. Tinanog niya kung saan
ang daan papuntang Reyno de los Cristales. Pero hindi niya alam kung ito ay nasaan din kaya tinawag niya nag mga
hayop at itinanog kung saan matatagpuan ang lugar na ito. Subalit isa sa kanila ay hindi rin alam kung nasaan ang
lugar na ito. Pinupunta ng ermitanyo sa ia pang ermitanyo sa Olikomyo. Ginamit ni Don Juan ang Olikornyo para
makarating sa ika-dalawang ermitanyo. Inbinigay ni Don Juan ang baro ni Jesus at itinanong niya kung saan ang
daan pagpuntang Reyno de los Cristales. Tinanong ng ermitanyo ang mga ibon pero gaya ng mga hayop walang rin
nakakaalam dito. Nakarating ang Augila at tinanong ng ermitanyo kung saan ang Reyno de los Cristales. Sa wakas
alam ng Aguila ang nasasabing lugar at sinamahan niya si Don Juan sa lugar na yun.
KABANATA 23
Sinabi ni Maria kay Juan na tumingin sa mga bato na nakapaligid sa palasyo. Mga ginagamit upang maging prinsipe,
mangangabayo at nagbibilang na may gusto kay Maria , ngunit ay naging bato sa pamamagitan ng kanyang ama
pagkatapos na sila nabigo ang kanyang mga pagsusulit. Siya ay patuloy: Ang aking ama ay gisinging sa 05:00.
Kung siya nagtatanong kung bakit ikaw ay dito, sabihin mo sa kanya mo na dumating sa magtanong para sa kamay
ng isa sa mga prinsesa sa kasal. Kapag siya paanyaya sa iyo sa palasyo, tanggihan ang imbitasyon para sa ikaw ay
tiyak na mamamatay. Kung nais mong magpatuloy, tanggapin anuman ang gawain niya humihingi sa inyo na
magsagawa. Kukunin ko ang pag-aalaga ng lahat ng bagay! Umalis si Maria at nagising si Salermo. Tulad ng
inaasahan, siya nakikita kay Juan at nagiimbita sa palasyo. Juan ang mga pagtanggi, ang kanyang estado tungkol sa
kasal intensyon, at sabi na siya ay handa na upang maglingkod sa hari. Hari Salermo nagtatanong ng isang lingkod
na magdala ng ilang trigo para sa unang gawain. Patagin na bundok, isabog ang trigo, ani ito ngayong gabi, at
buksan ito sa tinapay. gusto ko ng tinapay na nagsilbi sa aking almusal umaga table bukas. Juan tumatagal sa trigo
at naghihintay sa bahay ang concierges. Pagkatapos ng lahat ay wala na sa pagtulog, Maria Blanca ang papunta sa
Juan na pagkatapos ay nagpapaliwanag sa kanya kung ano ang gawain ay lahat ng tungkol sa. Hari Salermo alam
ang madilim na sining o black magic, pero Maria Blanca ay well-dalubhasa sa white magic. Siya ay mas malakas
kaysa sa kanyang ama, kaya Juan ay kaya ang gawain madali. Ang mga sumusunod na umaga, ang hari ay
namangha na ang Juan ay able sa gawin ang gawain. Siya pagkatapos ay nagbibigay ng mga tagubilin para Task
Number 2.
Kabanata 24
Siya ay nagpapakita ng isang Juan alak bote na naglalaman ng 12 negritos. Ang hari pagkatapos frees ang 12 sa
dagat at instructs Juan na mahuli ang mga 12 at bumalik sila sa bote ng alak. Tulad ng sa mga nakaraang gabi,
Maria Blanca si Juan, ang makakakuha ng mga tagubilin, at gumaganap ng mga gawain para sa kanya. Ang mga
sumusunod na araw, Hari Salermo nagbibigay Juan sa ikatlong gawain: Juan, ilagay na bundok sa gitna ng dagat.
Gumawa ng isang castle doon. gusto ko na makita ito sa pamamagitan ng bukas ng umaga. Gumawa ng isang daan
mula sa aking palasyo sa na mangarap ng gising. Tulad ng inaasahan, ang gawain ay ginanap. Hari Salermo
inspects ang kastilyo habang nagtataka kung saan ang Juan ay pagkuha ng kanyang kapangyarihan. Sa panahon ng
inspeksyon ng mga mata, Kings Salermo singsing mapailalim sa dagat. Ito ay nagbibigay sa hari ng isang ideya sa
kung paano ang magtanong para sa isang kahit na mas mahirap na gawain. Siya nagtatanong Juan na tanggalin
ang castle mula sa dagat. Juan, sa tulong ng Maria Blanca, gumaganap ang gawain. Ang hari at pagkatapos ay
nagtatanong ng Juan upang mahanap ang kanyang nawawalang singsing. Ang hari ay nangangailangan din na siya

ay nagnanais na mahanap ang ring sa ilalim ng kanyang unan. Sinabi ni Juan ang mensahe kay Maria Blanca, na
para sa unang panahon sabi na ang gawain ay lubos na mahirap. sumakay sila ng isang balsa sa gitna ng dagat.
Maria Blanca nagtatanong Juan upang tagain ang kanyang up at drop ang mga piraso sa dagat. Siya cautions
kaniya hindi upang mawala ang anumang ng mga piraso, at na siya ay dapat na alerto at manatiling gising kaya na
siya ay maaaring makakuha ng ring beses Maria Blancas kamay emerges mula sa tubig. bilang niya ay sa mga
nagturo at ang mga piraso ng Maria Blanca turn sa maraming mga isda. Sa kasamaang palad, Juan talon tulog at
nabigo upang makakuha ng ring mula sa takip ng kamay Maria Blanca. Sila pagkatapos ay pumunta sa
pamamagitan ng mga buong bagay muli. Juan yantok at end up ng pagkawala ng daliri ng Maria Blanca. Sa
kabutihang palad, siya ay hindi na nakatulog kaya siya ay able sa kumuha ng ring kapag Marias kamay umakyat.
Maria nagpapakita Juan ang kanyang mga daliri at nagsasabi sa kaniya na tandaan na siya ay kulang ng isa sa
kanyang mga daliri. Siya nagtatanong siya na tandaan na, kaya na siya ay makilala ang kanyang pagdating ng
oras. Ang mga sumusunod na araw, Hari Salermo nakakahanap ng mga singsing sa ilalim ng kanyang unan. Siya
mga tawag Juan para sa pangwakas na gawain.
Kabanata 25
Si Hari Salermo ay walang iba pang mga gawain na italaga sa Don Juan, siya patawag sa kanya kaya na Don Juan
ay maaaring pumili na sa gitna ng tatlong prinsesa siya magpakasal.
Dahil ang mga mukha ng mga princesses ay sakop, Juan ay maaaring pumili lamang sa pamamagitan ng paghawak
ng kanilang mga daliri. Juan remembers na Maria Blanca ay kulang ng isang daliri, kaya siya madaling pipili sa
kanya. Hari Salermo abiso sa hindi pangkaraniwang pagkakalapit sa pagitan Juan at Maria Blanca, at mga plano
upang magkaroon ang mga ito banished sa England. Ang ilang magtanan at ay able sa pagtakas mula sa hari.Hari
Salermo breathes isang sumpa sa Maria Blanca: Ikaw ay nakalimutan ni Don Juan! Siya ay umalis ka at
magpakasal sa ibang tao! Sa katarantahan ng kaniyang paghihirap, siyay sickens at namatay, at ay hindi upang
saksihan ang katuparan ng kanyang sumpa.
Kabanata 26
Bago pumunta si Don Juan sa Berbanya, Iniwan niya si Donya Maria sa isang bayan. Pag dating ni Don Juan sa
Berbanya, sumalubong ang buong pamilya niya sa kanya lalo na si Donya Leonora. Nagsaya ang buong
Berbanya.Dahil sa sumpa ni Haring Salermo kay Don Juan, pagkita niya kay Donya Leonora, nakalimutan niya si
Donya Maria. Ang sumunod ay ipinamalita ang darating kasal ni Don Juan at Donya Leonora. Nalaman nito ni Donya
Maria at nagalit siya.
Kabanata 27
Sa araw ng kasal ni Don Juan at Donya Leonora, pumunta si Donya Maria sa kasal gamit ng isang magandang
kalesa/carriage na nakuha niya galling sa maliwagang singsing niya. Siya ay ginawa din ng isang magandang
kasuotan gamit ng sing sing niya. Pag dating niya, itinigil ang kasal upang parangalan ang panauhing dumating.
Bilang isang rigalo ni Donya Maria kay Don Juan at Donya Leonora, nagbigay siya ng isang palabas. Isang negrito at
isang negrita. Hinampas ng negrita ang negrito. Naramdaman nito ni Don Juan ang hampas.
Kabanata 28
Nagalit na nang tuluyan si Donya Maria kaya kinuha niya ang isang botrlya at binatawan niya ito upang gunawing
ang buong Berbanya. Dahil nito, bumalik ang alaala ni Don Juan ang mahal niya kay Donya Maria. Niyakap niya si
Donya Maria at humingi ng tawad. Sinabi ni Don Juan sa lahat ng Berbanya na si Donya Maria ay ang tunay niyang
mahal. Inihahandog niya si Leonora kay Don Pedo dahil sinabi niya na masama magaway ang mga kapatid.
Kabanata 29

Hiningi ni Don Juan na maikasal saila ni Donya Maria. Pumayag na rin ang hari at ang asobispo. Si Donya Leonora
naman ay ikakasal kay Don Pedro. Pumili si Haring Fernando ng kanyang kapalit at ang kanyang napili ay si Don
Pedro kasi si Don Juan ay mayroon nang sariling kahariang pamumunan. Umalis ang mag-asawa sa Berbanya.

Anda mungkin juga menyukai