In the end it will be everything you ever wanted got you tied up in chains,
Dear Mijel,
Hi sayo!! Limang taon na din ang nakalipas simula nung ginawa ko tong sulat
na to para sayo. Ano na kaya ang nangyare sayo? Nakatapos ka na ba? Sana
oo. Sana nalagpasan yung mga paghihirap na dinanas mo para lang makamit
yung mga bagay na nakamit mo ngayon. Sana sa dugot pawis na binigay mo,
nakuha mo yung mga dapat mong matanggap. Sana sa lahat ng paghihirap na
ginawa ng magulang mo sayo, nasuklian mo ng diploma. Noong nakalipas na
limang taon, ang ginawa mo lang ay yung gumala, magsayang ng oras na
dapat ginugugol mo sa pagaaral at yung palaging pag iinternet. Pero masaya
ako ngayon sa mga nakuhat nakamit mo. You deserve all that. Alam kong kahit
ganon ka nung nakaraang limang taon, alam kong seryoso ka sa mga
ginagawa mo para lang makatapos ka. Alam kong ginawa mo lahat ng
makakaya mo lang masuklian yung paghihirap ng mga magulang mo. Alam
kong minsan napapagod ka na o di kaya namay nahihirapan ka na talaga pero
lumaban ka. Nadapa ka na nang ilang beses pero bumangon ka pa din para
ipagpatuloy ang nasimulan mong laban. Marami kang nadaanan na
ikababagsak mo pero di mo iniwasan kasi alam mong pwede mo namang
labanan. Hindi ka natakot tahakin lahat. Masaya ako at nakarating sa taas. Pero
hindi pa nagtatapos dyan ang laban mo. Umpisa pa lang ng stage 3 at madami
ka pang kailangang pagdaanan. Maging handa ka sa mga tatahakin mong daan
para marating lahat ang mga kailangan mong mapagtagumpayan.
Makakaranas ka uli ng paghihirap and pagod pero sana wag kang mawalan ng
pagasa. Alam mo laging nandyan si Lord para sayo. Simula pagkabata di ka
niya pinabayaan. Kaya ka nandyan ngayon dahil sa kanya. Magpasalamat ka sa
kanya kasi sa buong buhay mo hndi ka niya iniwan, hindi pinabayaan at ikay
kanyang tinulungan. Palagi akong nagdadasal na sana makarating ka dyan sa
lugar na kailangan mong puntahan. Di nawala sakin ang pagdadasal, sana ikaw
din. Wag kang makuntento sa diploma lang, ipakita mo yung galing mo at lahat
ng natutunan mo. Alam kong kaya mo yan!!! Ikaw pa ba, magtiwala ka lang sa
sarili mo at sa diyos yun lang. Mag-iingat ka palagi ha!!! Ingatan mo ang sarili
mo. Ikaw at ako ay iisa so kung wala ako wala ka din dyan ngayon. Kaya thank
you sakin kase napunta na kita dyan sana gawin mo ang best mo na
ipagpatuloy ang nasimulan ko. Wag mo iistress sarili mo ha!!! You have to stay
beautiful inside and out okay? Be good and never let yourself get down.