na tumanda na ngunit hindi pa nakakapag-asawa. Inuna kasi ng hari ang pagpapalakad at pagsasa-ayos ng kanyang kaharian kayat hindi na nito naatupag ang pagpapakasal. Mahal ng mga taong bayan ang nasabing hari sapagkat ito ay mabait at makatarungan kung kayat hinikayat nila ito na humanap ng mapapangasawa. Di naglaon ay nakahanap nga ito ng isang maganda ngunit mas batang dalagang pakakasalan. Pumayag ang dalaga na pakasal sa hari dahil na rin sa iginagalang niya ito. Subalit hindi mahal ng dalaga ang hari. Ikinasal nga ang dalawa at dinala na ng hari ang kanyang bagong asawa sa palasyo upang dun na manirahan. Araw araw na sinusuyo ng hari ang kanyang asawa. Pinapagawaan niya ito ng mga magagandang mga damit at binibigyan ng mga mamahaling mga alahas. Lahat din ng hilingin ng asawa ay binibigay ng hari. Mahal na mahal ng hari ang kanyang asawa ngunit maski anong gawin nito ay hindi magawang mahalin ng batang reyna ang hari. Matanda na raw kasi ito at para na lang niya itong ama. Hindi na alam ng hari kung ano ang kanyang gagawin upang mapa-ibig niya ang asawa. Isang araw, may isang ermitanyo ang dumating sa palasyo. Narinig niya ang problema ng hari at meron daw siyang solusyon para dito. Binigyan ng ermitanyo ang hari ng isang
liquido na aniya ay gawa sa itlog ng itim na ibong Tabon, gatas
ng puting kalabaw at patak ng dagta ng isang mahiwagang puno. Kelangan daw na itanim ito ng hari at ang bunga ng puno nito ay siyang ipapakain niya sa reyna. Ginawa iyon ng hari at nang nagkabunga ang puno ay siyang pinakain sa reyna. Napakasarap ng bunga ng nasabing puno. At tulad nga ng sinabi ng ermitanyo ay parang may gayuma ang bunga at napa-ibig ang reyna sa matandang hari. Natuwa ang hari dahil sa wakas ay mahal na rin siya ng kanyang asawa. Dahil dito ay nagpasya ang hari na magbigay ng isang malaking piyesta. Inimbitahan niya ang lahat ng mga mahahalagang tao sa kanyang kaharian. Maging ang mga taong bayan ay imbitado sa pagdiriwang. Ngunit may isang taong nakaligtaan ng hari na padalhan ng imbitasyon. Ito ay ang ermitanyong nagbigay sa kanya ng gayumang prutas. Narinig ng ermitanyo ang tungkol sa nagaganap pagdiriwang. Pinuntahan nito ang hari at ipinaalam sa kanya na dahil sa nakalimutan nito ang mismong taong nakatulong sa kanya ay paparusahan niya ito. Nilapitan niya ang puno na may gayumang prutas at nagwika ng orasyon. Pagkatapos ay bigla itong naglaho. Simula sa oras din noon ay biglang tinubuan ng mga tinik ang prutas at nagkaroon ng mabahong amoy. Dahil dito ayaw ng kainin ng reyna ang prutas. Nawalan rin ang bisa ng gayuma sa kanya at nawala ang pagmamahal niya sa asawa. Iyon ang pinakaunang prutas ng durian.