Anda di halaman 1dari 7

PAG-UNAWA SA SIMBOLISMO

NG PABALAT NG NOLI ME TANGERE

Ang panulat ang kinikilalang forte ni Rizal sa pagpapahayag ng


kaniyang mga kaisipan para sa kaniyang mga
kapwa Pilipino. Sa kabila nang kahusayan sa
pagsulat ay naroon din ang pagsisikap niya na
magkaroon kahusayan sa larangan ng paguhit at
iskultura. Sa dalawang sining na ito ay higit kong
hinangaan si Rizal bilang iskultor lalo na kung
titingnan ang lilok niya na pinamagatang
Prometheus Bound. Isang akto ng pagpaparusa ng
mga diyos sa titan na si Prometheus dahilan sa
pagnanakaw niya ng apoy/liwanag sa mga ito upang
upang ipamahagi sa sangkatauhan. Simbolikal ang
paglikha ni Rizal sa nasabing iskultura, dahil waring nais niyang ipakita
ang kaniyang sarili bilang isang Prometheus na Pilipino na nagtangka na
nakawin ang liwanag ng isipan mula sa pagkontrol ng mga dayuhang
kaparian ng kolonyal na simbahan at ibalik ito upang magamit ng
malaya ng kaniyang mga kababayan.

Nilikha rin niya ang Triump of Death Over Life


(TODOL). Isang malagim na obra maestra na
naglalarawan ng karupukan ng buhay sa harap ng
huling destinasyon ng tao. Ang kamatayan ay malagim
na pangitain at nakakatakot na isipin. Sa paglikha ni
Rizal sa lilok na ito ay nagawa niyang pagsamahin ang
malagim na reyalidad at ang mataas na antas ng
kagandahan ng sining.1 Isang sining na nagpapakita ng
kakayahan ng may likha na bihagin ang kaniyang takot
sa kamatayan at ilarawan ito sa pinakamataas na anyo
kagandahan.

Ang sumunod na mahalagang lilok ni Rizal ay ang


Triump of Science Over Death (TSOD) kung saan ang
isang babae na may hawak ng sulo ng liwanag na
nakatuntong sa isang bungo. Nagpapakita ito ng
optimitikong bisyon ni Rizal na sa darating na panahon,
kung ganap na malaya at adbanse na ang liwanag ng
karunungan na sinisimbolo ng sulo na itinataas ng
babae, ang kamatayan ay gagapihin na ng siyensiya. Ang
lilok na ito ni Rizal ang opisyal na estatwa ng Kolehiyo ng
Medisina ng Unibersidad ng Pilipinas.

1
Ang nagsasaliksik ay nagkaroon ng pagkakataon na matingnan ang replica ng
TODOL sa Rizal Shrine sa Calamba at napansin ang detalye ng mga kalansay ni
Kamatayan at makikita rito ang kahusayan ni Rizal bilang isang iskultor na may
ganap na kaalaman sa anatomiya ng tao.
Ang paghanga ng nagsasaliksik sa kahusayan ni Rizal sa larangan
ng iskultura ang pansamantalang nagtakip ng kaniyang isipan upang
maliitin ang mga likhang guhit ni Rizal. Ito ay dahilan sa hindi niya abot
ang kwalida ng kaniyang mga kasabayang sina Luna at Hidalgo at ang
kaniyang sining sa pag-guhit ay higit na sketches lamang. Nagbago
lamang ang paniniwalang ito ng muling tingnan ng nagsasaliksik ang
pabalat ng Noli Me Tangere at pag-aralan ang mga mensahe na nais na
ipakita ni Rizal sa kaniyang nilikhang larawan.

Pagpapakilala sa Pabalat

Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay


idinisenyo mismo ni Rizal para sa kaniyang
nobela. Pinili ni Rizal ang mga elemento na
kaniyang ipapaloob rito, hindi lamang
ang aspekto ng astetiko ang kaniyang
naging konsiderasyon, kundi higit sa
lahat ay ang aspekto ng simbolismo
na nakapaloob dito. Ang pabalat ng
Noli Me Tangere ang maituturing na
siyang obra maestra ni Rizal sa
larangan ng sining ng paguhit. Sa
larawan pa lamang ng pabalat ng
nobela ay tila ninanais na ni Rizal na
magkaroon agad ang kaniyang mga
mambabasa ng paunang kabatiran
ukol sa nilalaman nito. Ang
lalarawan sa pabalat ay isang precis
ng mga tatalakayin sa loob ng
nobela.

Ang pamagat ng nobela ay umuukopa sa gitna ng mismong


pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa Filipino ng pamagat ay
Huwag Mo Akong Hipuin. Nagbibigay kaya si Rizal ng babala sa
kaniyang mga mambabasa sa maaring maging eksplosibong epektong
panlipunan ng nobela sa kanilang kapanahunan. Maari rin na sa
paggamit ni ni Rizal ng pamagat na ito ay ginamit niya ang isa sa
kakatwang ugali ng mga Pilipino na hamunin ang mga babala upang
patunayan ang katotohanan nito.

Ang Paghahati ng Disenyo ng Pabalat

2
Kung titingnan ang paghahati mula sa ibaba patungo sa itaas ay
mapapansin na ang pamagat ay gumagawa nang magkahiway na hugis
ng tatsulok sa magkabilang panig. Ang tatsulok sa kaliwa na na makitid
ang paanan at lumalapad sa ulunan. Ang tatsulok naman sa kanan na
malapad ang paanan at kumikitid naman sa ulunan. Ang kanang bahagi
ay kumakatawan sa kapanahunan ni Rizal at ang kaliwa na
kumakatawan sa hinaharap na panahon ng bayan.

Mga Kahulugan ng Simbolismo sa Kanang Tatsulok

Mga Kahulugan ng Simbolismo sa Kanang Tatsulok Mula sa ibaba –


pataas.

Paa ng Prayle – Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulok


at sumasakop sa halos mahigit sa kalahati ng paanan ng tatsulok. Ang

3
simbolismo ay ginamit upang ipabatid ni Rizal kung sino ang
nagpapalakad ng bayan sa kaniyang kapanahunan.

Sapatos sa Paa ng Prayle – Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paa ng


prayle ay pagbubunyag ng pagiging maluho ng pamumuhay ng mga
prayle sa Pilipinas sa kaniyang kapanahunan. Isa sa sinaunang mga
kautusan sa mga Pransiskano ay ang hindi pagsusuot ng sapin sa paa.

Nakalabas na Binti sa Ibaba ng Abito – Pagpapahiwatig ni Rizal sa


kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na hayagang
tinalakay niya sa loob ng nobela. Maari rin na ang nakalabas na
balahibo sa binti ng prayle ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa
nakalabas na balahibo ng lobo/wolf na nakabihis ng damit ng kordero.2

Helmet ng Guardia Sibil – Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na


hukbong sandatahan na nang-aabuso sa mga karapatang pantao ng
mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni Rizal
ang helmet na parang nakayuko sa tapat ng paanan ng prayle.

Latigo ng Alperes – Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na


hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay naging biktima ng latigo ng
alperes sa Calamba, Laguna. Ang paglalagay nito sa pabalat ng nobela
ay nagpaparamdam sa atin na hindi niya nalilimutan ang ginawang
pagpalo sa kaniya ng latigo. Ang lupit ng latigo ay ilalarawan sa iba’t
ibang kabanta ng nobela.

Kadena – Simbolo ng kawalan ng kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng


kolonyal na pamahalaan.

Pamalo sa Penitensiya – tinatawag sa ibang lugar na suplina ay


ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang
kanilang mga sarili (tinatawag na penitensiya) dahilan sa kanilang
paniniwala na ito ay isang uri ng paglilinis sa kanilang mga nagawang
kasalanan. Para kay Rizal, wari bang hindi pa sapat sa mga Pilipino ang
pananakit ng mga guardia sibil at kailangan pang sila pa mismo ang
magparusa sa kanilang mga sarili.

Lagda ni Rizal – Mapansin sana na inilagay ni Rizal ang


kaniyang lagda sa kanang triyangulo upang ipakita sa
mga mambabasa kung saan siyang panahon kabilang.

Halamang Kawayan – Isang mataas ngunit malambot na


halaman (sinasabi ng iba na puno at ang iba naman ay
damo). Inilagay ni Rizal ang punong kawayan upang ipakita ang
pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay ng mga Pilipino sa isang

2
Ang pangungusap na nakaguhit sa itaas ay lihim na ipinahiwatig ni Rizal sa
Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si San Agustin ng “putris”. Maari rin
na magamit sa pagpapakahulugan ang paggamit ni Rizal ng akda ni Heine na
tatalakayin ng nagsasaliksik sa anotasyon ng Kabanata 1.

4
mapang-aping lipunan at ito ay ang pagsunod sa ihip ng hangin.
Makikita ang katunayan nito sa Kabanata 25

Bahagi ng Manuskrito ng Paghahandog ng Noli Me Tangere – Makikita


na bago ang bahagi ng paghahandog ni Rizal sa kaniyang nobela ay ang
taong 1887 at paitaas sa nasabing taon ay ang malaking bahagi ng
manuskrito ng nobela. Pansinin na pagkatapos ng paghahandog ay unti-
unting lumiliit ang panig ng tatsulok. Isa kaya itong paraan ng
pagpapahiwatig ni Rizal na nakikini-kinita na niya ang paglaho ng
kolonyalismo bilang resulta ng kaniyang nobela?

Mga Kahulugan ng Simbolismo sa Kaliwang Tatsulok

Bulaklak ng Sunflower – ang sunflower ay isang


natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na
sumunod sa oryentasyon ng sikat ng araw. Inilagay ni Rizal
ang bulaklak na ito sa layunin na maging halimbawa ng
kaniyang mga mababasa na maging ugali na sumunod sa
pinagmumulan ng liwanag.

Simetrikal na Sulo – ang sulo ay ginamit ni Rizal na bilang


sagisag ng Noli Me Tangere. Kung papansining mabuti ang
disenyo ng katawan ng sulo, mapupuna na hindi ginamit ni
Rizal ang kawayan na siyang karaniwang sisidlan ng
panggatong na nagpapaliwanag ng ilaw at siyang karaniwang
disenyo sa paglalarawan ng sulo. Ang paguhit ni Rizal ng sulo
ay mula sa disenyong simetrikal na ginagamit sa mga pabalat
ng libro sa kaniyang kapanahunan. Ipinapakita rito ni Rizal
na ang panggatong na pagmumulan ng apoy o liwanag ay ang
mula sa loob ng isang aklat.

5
Pansining mabuti ang kaayusan ng sulo at oryentasyon ng
tatlong bulaklak ng sunflower mapapansin na ang
pinakamataas na pinakamaliit ay nakatalikod sa sulo; ang
panggitna na katamtamang laki ay nakaharap, at ang nasa
ibaba na higit na malaki ay nagsisimulang humarap sa sulo.
Ipinakikita ni Rizal ang magiging saloobin sa kaniyang aklat
ng mga tao sa ayon sa kinalalagyan nila sa tatsulok ng
istrata ng mga uri sa lipunan.

Mapapansin ang salitang “Berlin: - ang lugar kung saan ipinalimbag ni


Riza ang Noli Me Tangere. Ang paglalagay ni Rizal sa pangalan ng
lungsod ay upang ipaalam ang siyentipikong diwa na namamayani sa
lugar na iyon. Isang bagay na kabaligtaran sa lungsod ng Maynila na
sentro noon ng panatisismo.3

Ang Bahagi ng Manuskrito ng paghahandog ni Rizal – Pansining mabuti


na ang liwanag ng sulo ay nag-ooverlap
sa manuskrito ng paghahandog sa
kaliwang panig ng pabalat. Ito ay dahilan
sa layunin ni Rizal na ipakita na ang
kaniyang nobela ang magsisilbing
liwanag na pangkaisipan ng bayan upang
makita natin ang ating mga kahinaan na
siyang dahilan ng ating pagiging kulelat
sa karera ng kaunlaran. Maari rin na isang pagpapakita na ang mga
taong mayroong sapat na liwanag ng kaisipan lamang ang maaring
makatuklas ng tunay na kahulugan ng mga nakatagong mga salita o
mga hanay ng salita na nakapaloob sa kaniyang nobela. Ang mga nasa
kadiliman naman ang siyang nagnanais na maitago ang liwanag ng Noli
Me Tangere upang hindi ito maunawaan ng bayan.

Ulo ng Babae – Maaring maitanong kung sino ang babaeng


ito? Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng
paglalagay niya harapan ng babae ng pinag-uukulan niya
ng kaniyang nobela – A Mi Patria. Kung isasalin ito sa higit
na angkop para sa ating wika ay higit nating ginagamit ang Inang
Bayan.

Krus – Ang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng


mga mamamayang Pilipino. Mapapansin na inilagay ni Rizal
ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat.
Ipinakikita nito ang mataas nitong katayuan ang kakayahan
na makapaghari sa isipan ng Inang Bayan.

3
Ang ukol sa pagpapahuwatig ni Rizal sa Maynila bilang sentro ng panatisismo
ay mabibiyan ng paliwanag sa Kabanata

6
Maaring itanong, bakit inilagay ni Rizal ang krus sa pinakamataas
na lugar sa pabalat ng nobela. Gayong anti-kolonyal na simbahan
ang nilalaman nito?
Siguro optical illusion kaya maaring sabihing ang Krus ang
pinakamataas na elemento sa pabalat. Ang tunay na
pinakamataas na elemento sa pabalat ay ang dulo ng triangulo
at ito ay hindi pa nagtatapos at patuloy na lumalapad ayon sa
takbo ng panahon. Kung papansinin na mabuti ay hindi na
nito abot ang dulo ng triangulo at mayroong nagbabanta pang
elemento na nakapaloob sa disenyo na maaring makaagapay sa
paglapad ng triangulo sa pagsapit ng panahon.

Pansining Mabuti

Na bago ang krus ay makikita ang supang ng suha na isinama ni Rizal


bilang elemento sa disenyo ng pabalat ng kaniyang nobela. Isa sa
laganap na paniniwala noon na ang supang ng suha ay
mayroong mga sangkap na nakapaglilinis at
nakapagpapabango.4 Ang masakit na katotohanan nito,
ang pagkakalagay ni Rizal ng supang ng suha sa tabi ng
krus ay isa sa kaniyang pinaka-artistikong insulto sa
Katolisismo ng kaniyang kapanahunan. Walang
pinag-iwan sa isang taong sa mahabang panahon
ay hindi naliligo at umaalingasaw na ang mabaho nitong
amoy sa kapaligiran at ang ginawa ng isang hindi makatiis
ay lagyan sa tabi nito ng isang sabong pampaligo na kasinglaki ng isang
bloke ng batong adobe.

Mga Dahon ng Laurel – ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa


matandang kabihasnang kanluranin. Ito ang ginagawang korona para sa
kanilang mga mapagwagi, matatapang matatalino, at mapanlikhaing
mamamayan. Mapapansin na ang mga dahon ng laurel ay hindi pa
napipitas sa halaman. Isang paglalarawan ng pag-asa ni Rizal na sa
pagdating ng panahon ang mga dahon ng laurel na ito pipitasin at
ilalagay sa ulo ng mga natatanging mga anak ng bayan. Ang supang ng
suha at mga dahon ng laurel ang magpapasibol ng isang pambansang
konsensiya ng bayan na nais ni Rizal na sumibol sa kaisipan ng mga
Pilipino na noon ay hinahadlangan ng kolonyal na simbahan.

Higit pang dapat na mapansin na ang katabi ng suha at laurel ay ang


krus. Ang krus ay gawa sa bato, subalit ang ang halamang suha at
laurel ay mga buhay na elemento na maaring lumago sa pagsapit ng
panahon. Maminili lamang ang krus, kung siya ay magpapakalinis at
makiki-agapay sa pagtalino ng bayan o sa pagdating ng panahon ay
matatabunan na lamang siya ng katalinuhan ng bayan na hindi na
bulag sa panatisismo.

4
Makikita ang katugma nito sa Kabanata 24a

Anda mungkin juga menyukai