KULTURANG PILIPINO
Ang yamang tao ng Pilipinas ay ang mga mamamayan nito na matatagpuan sa ibatibang bahagi ng bansa. Iba-iba ang pangkat na kinabibilangan ng mamamayang
Pilipino. Dulot ito ng pagiging kapuluan ng bansa kung kayat ang mga Pilipino ay
nabuo mula sa ibat-ibang pangkat. Bawat pangkat ay may sariling kultura na
naging tatak ng kanilang pagkakakilanlan.
Ang kultura ay uri at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar na
nagpapakita ng kanilang paniniwala, kagamitan, moralidad, batas, tradisyon, sining,
relihiyon, kaugalian, pamahalaan, at kaalaman o sistema ng edukasyon.
Magkakatulad ang kanilang wika at paraan ng pamumuhay.
Narito ang ilan sa mga pangkat-etniko sa ibat-ibang rehiyon sa Pilipinas at kanilang
katangiang kultural:
Luzon
Visayas
A. Malalaking pangkat-etniko
Ilokano
Ilonggo
(Hiligaynon)
Kapampangan
Cebuano
(Sugbuhanon)
Tagalog
Waray
Bicolano
B.
Maliliit na pangkat-etniko
Ifugao
Ivatan
Mangyan
Kalinga
Itawes
Kankana-ey
Ibaloi
Isneg
Aeta/Ita/Dumagat
Tinguian
Mindanao
Maranao
Maguindanaoan
Yakan
Subanon
Manobo
Bagobo
Samal
Tboli
Iranun
Tausug
Badjao
Cuyanon
ARALIN 12
KULTURANG PILIPINO
(IBA PANG PANGKAT-ETNIKO SA PILIPINAS)
Ifugao
Sa gitnang bahagi ng Hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa
salitang ipugo na ang ibig sabihin ay mula sa mga burol ang salitang
Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong
kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ariarian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng
maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad
ng kasal o libing, masagana ang handaan.
Sila ang gumawa ng Rice Terraces na walang gamit na makina, ginawa ito sa
pamamagitan ng kanilang mga kamay.
Ivatan
Karaniwan sa mga Ivatan ang pagsusuot ng bakol, isang uri ng sombrero na
gawa sa hinabing dahon ng palmera.
Dahil madalas na dinaraanan ng bagyo ang Batanes, mababang hugis-kahon
ang mga bahay ng mga Ivatan. Gawa ito sa bato, kogon, at apog. Mayroon
lamang itong maliliit na bintana.
Mangyan
Naninirahan sa mga liblib na pook ng Mindoro ang mga Mangyan. Mahiyain
silang tribo. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong
mata at katamtaman ang tangkad.
May ibat ibang tribu ng Mangyan. Tinatawag na Hanunuo ang isang grupo ng
Mangyan na ang ibig sabihin, sila ang tunay na Mangyan. Kumukuha sila ng
ikinabubuhay sa mga kagubatan, pangisdaan at kalakalan sa Mindoro.
Sa kasalukuyan, sinauna pang alpabeto ang gamit sa pagsulat ng mga
pagpapantig. Ang ambahan ang kanilang natatanging panitikan na kanilang
napanatili sa pamamagitan ng pag-ukit nito sa mga kutsilyo, mga kagamitan
at sa mga lukas o lalagyan ng nganga.
Ang mga Alangan o Mangyan sa hilaga ang purong Mangyan. Mayroon silang
tipong Negrito. Sa mga kasukalan ng Mindoro sila nananahanan at kamote ang
kanilang pangunahing pagkain.
Kalinga
Matatagpuan ang mga Kalinga sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Mahilig sila
sa makukulay na pananamit at pampaganda. Napakahalaga sa kanila ng mga
pampalamuting alahas sa buong katawan. Ang ibinibigay na dote para sa
ikakasal ay tinatawag na ballong o kalon. Maaaring magkaroon ng higit sa
isang asawa ang isang Kalinga.
Bilang mga mandirigma at mamumugot, ginagawa ng mga Kalinga ang budong,
isang kasunduang pangkapayapaan, upang maiwasan nila ang pakikidigma sa
isa't isa.
Itawes
Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. Ang
Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na nangangahulugang mga tao
sa kabila ng ilog. Kilala rin sila sa tawag na Itawit, Tawish, Itawi at Itaves.
Karaniwang naninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanan kasama ang mga
Ibanag at may sarili din silang wika na ang tawag din ay Itawis.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga Itawes ang pag-aalaga ng hayop,
pangangaso, pangingisda, paggawa ng alak, bulak paghahabi at pagsasaka.
Kankana-ey
Ang mga Kankana-ey ang pangatlo sa pinakamalaking pangkat sa
bulubunduking lalawigan ng hilagang Luzon. May maraming pangkat ang mga
Kankana-ey, ang ilan sa kanila ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng
Benguet at maging sa iba't ibang bahagi ng La Union at malalapit na
probinsiya, samantalang ang iba naman ay matatagpuan sa iba't ibang bahagi
ng Mountain Province at mga lalawigang malapit dito. Halos walang
ipinagkaiba ang dalawang pangkat na ito ng Kankana-ey sa anyo at porma
ngunit marami ang pinagka-iba sa kanilang kultura at paniniwala.
Kahawig ng mga Samal ang kanilang kultura. May hakahakang sila at ang mga
Samal ay isang pangkat na nagmula sa Johore sa dakong timog ng
pinensulang Malaya.
Nakatira sila sa mga bangkang-bahay. Isang pamilya na may myembrong 213
miyembro ang maaaring tumira sa bangkang-bahay.
Pangingisda ang pangunahin nilang hanapbuhay. Gumagawa rin sila ng mga
vinta at mga gamit sa pangingisda tulad ng lambat at bitag. Ang mga
kababaihan ay naghahabi ng mga banig na may iba't-ibang uri ng makukulay
na disenyo. Magaling din silang sumisid ng perlas.
Dahil malapit sa Tausug, karamihan sa kanila ay Muslim. Gayunpaman,
naniniwala pa rin sila sa umboh o kaluluwa ng kanilang mga ninuno
Cuyanon
Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga. Agutaya at Cuyo
sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at timog-kanluran ng Panay.
Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa mga Espanyol na nakarating sa Cuyo at
Busuanga, ang mga Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at
matatalino sa kalakalan. Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka.
Nagtatanim sila ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan
ng kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.
Pangkat-pangkat ang mga Cuyunon kung magsaka, mangisda at kahit sa
maliliit na gawaing tulad ng paglilinis ng bahay. Madalas na nag-uugnayan ang
magkakapitbahay at nag-iinuman ang mga kalalakihan matapos ang kanilang
gawain. Sa kanila ng pagiging Kristiyano ng mga Cuyunon, laganap pa rin ang
kanilang pagsamba sa kaluluwa ng mga yumao at mga ritwal ng mga
babaylan. Ang ritwal na kanilang tinatawag na palasag ay ginaganap bago
mahinog ang mga palay. Para naman sa pagpapagaling sa mga maysakit,
ginaganap ang taga-blac upang paalisin sa katawan ng maysakit ang
masamang ispiritu. Ang patulod-sarot naman ang ritwal para mapigilan ang
paglaganap ng epidemya. Hindi sila naniniwala sa mga ibang tao
ARALIN 12
KULTURANG PILIPINO
(IMPLUWENSIYA NG MGA UNANG MANGANGALAKAL)
Orang Dampuan
Dumating sa Pilipinas ang mga
Orang Dampuan sa pagitan ng 900
A.D. at 1200 A.D. upang
makipagkalakalan. Nagmula sila sa
Timog Annam na matatagpuan sa
dalampasigan ng Dagat Timog Tsina.
Kilala sila sa tawag na mga Taong
Sampan o mga taga-Champa.
Naging sentro ng kanilang kalakalan
ang Sulu. Nakipag-ugnayan sila sa
mga Buranun, ang mga katutubo ng
Sulu. Ngunit hindi nagtagal ang
ugnayang ito dahil sa hindi
pagkakaunawaan. Bumalik ang mga
Orang Dampuan sa kanilang sariling
bayan. Muli silang nakipagkalakalan
sa mga Buranun noong ika-13 na
dantaon na higit naming naging
mapayapa.
Orang Bandjar
Sumunod na dumating sa Sulu
noong ika-13 dantaon ang mga
Orang Bandjar.
Nagmula sila sa Banjarmasin, isang
pook na sakop noon ng Imperyong
Shri Vijaya sa Timog Indonesia.
Nabalitaan nila ang malalaki at
magagandang perlas na nakukuha
noon sa Sulu.
Isinama nila ang kanilang prinsesa
upang hindi maghinala ang mga
Buranun sa tunay nilang layunin sa
pagtungo sa Sulu.
Ipinakasal nila ang kanilang prinsesa
sa pinuno ng mga Buranun na
nagbigay-daan sa unti-unting
pamumuno ng mga Orang Bandjarsa
Sulu.
Nang lumaon, napasailalim na sa
kapangyarihan ng mga dayuhang ito
ang mga katutubo. Ang mga
Buranun na ang nagbabayad ng
buwis sa mga Orang Bandjar. Ang
ilang naging unang sultan sa Sulu
ang nagmula rin sa mga Orang
Hindu/Indiyan
Mga salitang
Sanskrit
(sinaunang
wika ng mga
taga-Indiya
tulad ng
asawa, diwa,
wika,
lakambini,
sampalataya,
maharlika,
datu, biyaya,
mana, mutya,
at bahala.
Sistemang
pagpapantig
Tsino/Intsik
Mga salitang
ate, ditse,
sanse, kuya,
diko, sangko,
at ingkong na
magagalang
na mga
pantawag sa
mga
nakatatandan
g kasapi ng
mag-anak.
Mga pagkain
tulad ng
pansit,
lumpia, okoy,
Arabe
Mga salitang
hukom, alak,
pilak, pilat,
salamat, at
bukas.
Mga salitang
dunya(mundo)
, kali(hukom),
sharia(batas),
pandita(pari),
at
nabi(propeta)
na bahagi ng
talasalitaan
ng mga
Muslim.
Hapones
Mga
industriyang
tulad ng
artipisyal na
pagpaparami
ng mga itik
at isda,
pagluluwas
ng itlog at
tuyong isda
sa ibang
bansa,
pagpapanday
, paggawa ng
mga alahas,
paggawa ng
sa pagsulat.
Epikong
Darangan,
ang pinakamahabang
epiko ng
panitikang
Pilipino na
sinasabing
may
pagkakatulad
sa mga
epikong
Indiyan.
Mga pamahiin
at paniniwala,
mga alamat at
kwento.
Paggamit ng
putong,
sarong,
makipot na
pantalon, at
burdadong
bandana.
Mga
kaugalian
tulad ng
pagbibigay ng
dote,
paglalagay ng
kurdon at
belo sa mga
ikinakasal,
pagsasabog
ng bigas sa
mga
ikinakasal, at
ang
pagsasabit ng
mga bulaklak
sa mga
panauhin.
Pagiging
siopao, mami,
siomai,
chopsuey,
miswa, lugaw,
taho, at
inuming tsaa.
Mga laro
tulad ng
sungka,
paglalaro ng
trumpo,
madyong, at
pagpapalipad
ng
saranggola.
Paggamit ng
mga
porselana,
pilak, seda,
alahas,
payong,
tsinelas, at
bakya.
Pagsusuot ng
mga
kalalakihan
ng camisa de
chino at ng
mga
pantalong
maluluwang,
samantalang
blusang may
manggas para
sa mga
kababaihan.
Pagsusuot ng
dilaw bilang
tanda ng
pagiging
maharlika,
bughaw para
sa mga
karaniwang
Epikong
Indirapatra at
Sulayman na
nahahawig sa
mga kwento
ng Arabian
Nights.
Pamahalaang
Sultanato
Paggamit ng
mga
sandatang
pumuputok
Paraan ng
pagsulat sa
Arabic.
Paggamit ng
kalendaryo.
Disenyong
sarimanok sa
sining ng
pageddekorasyon ng
mga Maranao
at ang Okir o
disenyong
ukit sa kahoy
na kapwa
bahagi ng
sining ng mga
Maranao.
Sayaw na
Singkil.
mga sandata
at
kagamitang
pambukid,
pagkukulti
ng balat ng
usa,
paggamit ng
balat ng
kambing sa
paggawa ng
lalagyan ng
tubig at alak.
Pagiging
matapat,
masipag, at
malikhain.
matiisin,
mapagwalang
-bahala sa
hirap,
maluwag na
pagtanggap
ng mga dusa
at pagsubok
sa buhay, at
ang
pagpapahalag
a sa sariling
dangal.
mamamayan,
at puti para
sa mga
nagluluksa.
Mga
kaugalian
tulad ng
pakikipagkasundo ng
mga
magulang sa
pagpapakasal
ng kanilang
mga anak.
Mahigpit na
pagkakabuklod
buklod ng
mag-anak,
kababaangloob,
kasipagan,
pagtitiyaga,
pagtitipid,
paggalang sa
mga
magulang,
pagdakila sa
mga ninuno,
at pagiging
mapagpaumanhin.
Paggawa ng
pulbura,
paggamit ng
paputok at
kwitis.
Amerikano
Edukasyon ang
pinaka-mahalagang
Hapones
Wikang Niponggo
Negosyong tingian
Espanyol sa
kulturang Pilipino ay
ang Kristiyanismo.
Wikang Kastila
Sistema ng
pamamahala
(Sentralisado)
Paaralang pangparokya, pagtatatag
ng mga paaralan at
unibersidad sa
pangunguna ng mga
ordeng pang-relihiyon.
Pagsusuot ng
pantalon, Barong
Tagalog, at sombrero.
Pagkain at inuming
Kastila
Arkitekto at disenyong
Europeo sa mga
bahay at gusali.
Paggamit ng mga
instrumenting pangmusika tulad ng
violin, gitara, piano,
alpa, at plawta.
Panitikang may
temang pang-relihiyon
Mga libangan tulad ng
patintero, juego de
anillo, juego de
prenda, at sipa.
Sugal tulad ng karera
ng kabayo, sabong,
loterya, baraha, at
cara y cruz.
Paggamit ng
Gregorian calendar.
ambag ng mga
Amerikano sa
Pilipinas.
Wikang Ingles
Demokratikong
paraan ng
pamamahala
(demokrasya)
Makabagong
pamamaraan ng
pagsasaka at
makabagong
makinarya.
Pagpapabuti ng
transportasyon at
komunikasyon
Pagpapabuti ng
kalagayang pangkalusugan ng mga
mamamayan.
Relihiyong
Protestantismo.
Pagsusuot ng polo
shirt, Amerikana, at
kurbata.
Paggamit ng maiikling
damit para sa mga
kababaihan, handbag,
sapatos na may
mataas na taking, at
lipstick.
Sayaw at awiting
Ingles tulad ng Rock
and Roll, Jazz,
Foxtrot, Boogie, Waltz,
at Rhumba.
Mga larong
ginagamitan ng bola.
Disenyong Kanluranin
sa paggawa ng mga
bahay at gusali tulad
ng bungalow, chalet,
townhouse, at
condominium.
Pagsasabi ng Hi at
Hello sa halip na
pagmamano.
Pagkahilig sa
imported products.