Anda di halaman 1dari 2

Ang Batman ng Davao

May 29, 2015


Written by Rei Lemuel Crizaldo
Published in Pananaw Pinoy
Kabilang na ang Davao City sa pinaka-safest na siyudad sa buong mundo. Puwesto ito sa No. 9 sa
world ranking. 20.13 lamang ang naitalang score ng siyudad at nasa category ng very low kung
crime rate ang pag-uusapan. Diumano, ang mga bansang nasa range na ito ay mga lugar kung
saan makakapaglakad ka sa kalye mapa-umaga o gabi ng walang agam-agam sa anumang
pangamba. Nagmula ang mga datos na ito mula sa statistical analysis ng Internet site na
Numbeo.com.
Kung titingnan ang iba pang siyudad sa Pilipinas, ang sumunod sa Davao na may pinakamababang
score sa crime index ay ang Cebu na may score na 48.88 at nasa 236th place. Ang Maynila naman
ay nagtala ng 67.78 at nasa 359th place. Kung tutuusin ay nasa kabilang dulo ng pwestong nakuha
ng Davao ang dalawang pangunahing siyudad na ito sa Luzon. Nasa kabilang dulo din naman kasi
ang kalagayan ng peace and security sa Kamaynilaan kung saan talamak at tila di maawat ang
insidente
ng
hold-ups
mapasa-bus,
taxi
o
jeep.
Sinasabing may 1,300 na hi-tech na CCTV cameras na nagmamanman sa mga kalye ng Davao. Sa
pakikipagtulungan sa tech-giant na IBM, sinasabing may capacity ang mga ito na mag-zoom in at
mai-capture in clear detail ang mga pangyayari mula sa numero ng plate number hanggang sa
silipin mismo ang salamin upang makita ang mga kaganapan sa loob ng sasakyan.
Pero higit sa mga high-powered na cameras na ito, ang nasa likod ng kinikilala ngayon na peace
and order sa Davao ay ang strong hand ng mayor nitong si Rodrigo Duterte. Madalas siyang
marinig na lantarang sinasabi sa lahat ng mga kriminal, drug-dealers, smugglers, at iba pang
masasamang-loob na mas mabuting tumigil na sila sa ginagawa nilang krimen o kung hindi ay tiyak
na lalabas sila ng Davao ng nakatihaya at walang buhay. Diumano siya magpapatumpik-tumpik na
barilin at bigyan ng wakas ang lahat ng sisira sa kaayusan ng kanyang pinamamahalaang siyudad.
Ayon sa matapang na mayor na sinasabing palihim na nag-iikot sa kadiliman ng gabi sa mga kalye
ng Davao, Sinabi ko papatayin ko talaga kayo. Hindi ako nagbibiro. Kayong mga smugglers, 'wag
kayong
mag-smuggle
para
hindi
kayo
mamatay.
Sa isang banda, nababahala ang Department of Justice (DOJ) sa pangunguna ni Sec. Leila de Lima
at maging ang Commission on Human Rights (CHR) sa pangunguna ni Sec. Etta Rosales sa
masasabing extra-judicial strategy ng pagsugpo sa krimen na nangyayari sa Davao. Kung
patakaran ng democratic justice system kasi ang paiiralin, may karapatang ang bawat kriminal sa
due process kung saan maipagtatanggol niya ang sarili niya sa harap ng hukuman. Hanggat
walang hatol beyond reasonable doubt na guilty ang isang tao, walang parusa na maaaring ipataw
sa
kanya.
Subalit sa isang lipunan kung saan usad-pagong ang gulong ng hustisya at kayang tapatan ng pera
ang hatol ng isang hukuman, parami ng parami ang aprubado ang diskarte ni Mayor Duterte. Sa
mga pagkakataon na hindi na maasahan ng isang bayan ang batas na magbigay ng sapat na
proteksyon, nagiging katanggap-tanggap ang mga mala-Batman na magpapagulong ng
karampatang
parusa
sa
mga
dapat
lapatan
nito.
Tandaan natin, if the law ceases to rule as king, the king starts to rule as the law. Ayon sa Bibliya,
ibinigay ng Diyos ang tabak sa pamahalaan upang siguruhing naipapatupad ang dikta ng hustisya
(Roma 13:4). Sa isang bansa na highly-personalistic ang pagtingin sa power at politics, hindi
nakapagtataka kung ibigay man nila ang tabak sa kamay ng ipinagpapalagay na tagapagligtas.

Anda mungkin juga menyukai