Anda di halaman 1dari 9

Tayutay

Posted by Bokals on Friday, January 11, 2013


Labels: Tayutay

Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita


upang madaling maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at kagandahan ng isang katha,
pasalita man o pasulat.

Mga ibat ibang uri ng Tayutay

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile) nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang


magkaibang bagay sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya,
katulad, para, parang, para ng, anakiy, animo, kawangis ng, gaya ng, tila,
kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang
dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) tiyak na paghahambing ngunit


hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na
nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na

inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at


mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon - nagbibigay saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika,


bibliya at iba pang aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula
sa delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng


mga salita ay pinapalitan ng isa pang salita o grupo ng mga salita na may
kaugnayan sa nais ipahayag.
Halimbawa:
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
3. Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.
4. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan

5. Sinekdoke nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan, upang sakupin


o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
5. Hanggang sa malibing ang mga buto ko.

B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) Ito ay lagpalagpasang


pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari,
kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito rin ay
gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang
makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang
katotohanan.
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.

2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang


bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao na malayo o isang
taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.

3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.


4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
6. Buhay, bakit naging maramot ka sa akin.
7. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga kamay.
8. Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas


o papahayag ng matinding damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
3. Ibigay mo sana ang pagpapala Mo, sagipin Mo Poon, malulunod ako!
4. Isa kang hanggal!

4. Paradoks naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o


pangyayari.

Halimbawa:
1. Malayo may malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka mat magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa
panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang


nagsasalungatan upang lalong mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
1. Magsaya na kayot ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisyay natalo.
3. Banal na demonyo
4. Batang matanda

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN

1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang


bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang
mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad
ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
.
D. PAGSASATUNOG

1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga


salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin,
ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
8. Tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang


patinig o katinig ng mga kakalapit na mga salita o taludtod o saknong na
nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.
Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala
3. At sa mga sulong ditoy nakasabog, nangalat, napunla, Nagsipanahan,
nangagsipamuhay, nagbatot nagkuta.
4. Gumagalang gutay-gutay na gagamba

3. Repitasyon pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang diin ang


isang aspektong akda.

Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Matalinhagang Salita

1. Tengang-kawali- taong nagbibingi-bingihan


2. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o ari-arian
ng isang tao o organisasyon
3. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga mahihirap
4. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
5. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
6. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
7. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono

8. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi tinatapos


9. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
10.Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensyon, takaw-pansin,
agaw-eksena
11.Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
12.Takip-silim - mag-gagabi, pagitan ng hapon at gabi
13.Bukang-liwayway - mag-uumaga, pagitan ng ng umaga at madaling-araw
14.Madaling-araw - pagitan ng hatinggabi at bukang-liwayway
15.Hatinggabi - eksaktong alas dose ng gabi, pagitan ng gabi at madalingaraw
16.Tanghaling-tapat - eksaktong alas dose ng umaga, pagitan ng umaga at
hapon
17.Balat-sibuyas - iyakin, madaling umiyak, mababaw ang luha
18.Lakad-pagong - mabagal maglakad
19.Silid-aklatan - silid kung saan nilalagak ang mga aklat at iba pang
babasahin
20.Silid-tulugan - bahagi ng bahay o kuwarto kung saan natutulog ang mga
tao
21.Bahay-aliwan - lugar kung saan nagliliwaliw ang mga tao, kadalasan mga
lalaki
22.Agaw-buhay - malapit ng mamatay, babawian na ng buhay
23.Bahay-bata - bahagi sa katawan ng babae kung saan nabubuo ang bata,
sinapupunan
24.Anak-araw - sobrang maputi, makasisilaw sa puti tulad ng sa araw
25.Pamatay-insekto - gamit na kayang pumatay sa mga peste at insekto at
kadalasang ginagamit sa pagtatanim, paghahalaman at sa bahay
26.Matanglawin - matalas ang paningin
27.Biglang-yaman - biglaang pagyaman ng hindi pinagsisikapan ang maturing
yaman
28.Likas-yaman - pinagkukunang yaman na nanggagaling sa kalikasan
29.Tubig-alat - tubig na nanggagaling sa dagat o karagatan

30.Tubig-tabang - tubig na nanggagaling sa mga ilog, lawa at ibang maliit na


bahagi ng tubig
31.1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ng baba - nilalamig
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag
6. ikurus sa noo - tandaan
7. bukas ang palad - matulungin
8. kapilas ng buhay - asawa
9. nagbibilang ng poste - walang trabaho
10. basag ang pula - luko-luko
11. ibaon sa hukay - kinalimutan
12. taingang kawali - nagbibingi-bingihan
13. buwayang lubog - taksil sa kapwa
14. pagpaging alimasag - walang laman
15. tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli\
32.Dugong-bughaw Maharlika
33.Umusap sa hangin walag kausap
34.Basa ang papel sira
35.Kaing-ibon konti kumain
36.Ligong-pusa hilamos
37.Usad-pagong mabagal
38.Kilos-bato - tamad
39.Tulog-bato patay na
40.Tulog-mantika malalim matulog
41.Buhay-kuwago puyat
42.Asal-linta sipsip
43.Usapang-lasing walang katinuan, puro bola.
44.Asal- lamok makulit
45.Ugaling plastic peke, di totoo
46.asal-baboy madumi
47.Mukhang-paa pangit
48.Hilatsang-sampayan baduy manamit

49.Kalog-bao walang laman ang ulo; bobo; walang alam;


50.Buhay-manok mahirap; isang kahig, isang tuka.
51.Taong-pugon mahilig manigarilyo
52.Lakong-tanso panloloko
53.Buhay Tuyo- Mahirap
54.Buhay Dutdot- adik sa makabagong teknolohiya

Anda mungkin juga menyukai