Anda di halaman 1dari 44

Aralin 3.

3 : Dokumentaryong
Pampelikula:
Midyum sa PagbabagonG
PAnlipunan
I. Panimula at mga Pokus na Tanong
Anumang bagay na ating nakikita, napakikinggan at
napanonood ay may malaking impluwensiya sa ating mga
kaisipan, gawi at pananaw sa buhay. Marahil ay lubos kang
kumbinsido at naniniwala sa mga pahayag na ito, lalo nat kung ang
ating mga pinanonood ay yaong makabuluhan at maiuugnay sa ating
pangaraw-araw na pamumuhay. Ilan sa mga ito ay ang mga dokumentaryong pampelikula
na ating napapanood.
Bahagi na ito ngayon ng tinatawag nating kulturang popular o pop culture.
Ito ay tumutukoy sa mga bagay na kinagigiliwan at kinahihiligan ng mga tao sa
kasalukuyan ito man ay may kinalaman sa adbertismo, mga produktong ginagamit, uri
ng libangan, paraan ng pananalita, lebel ng wikang ginagamit, pinanonood at maging
binabasa. Sa ganito ring konsepto, umusbong ang Panitikang Popular, mga anyo ng
panitikan na makabago ang mga dulog at pamamaraan. Dahil na rin sa makabago
nitong pamamaraan, estilo at anyo. Partikular na itoy binabasa at pinanonood ng
kabataang tulad mo. Kabilang na rito ang mga nauna mo nang napag-aralan, ang print
media, broadcast media at ang paksang iyong matututuhan ngayon, ang
Dokumentaryong Pampelikula. Pangunahing layunin ng Dokumentaryong Pampelikula
ang magbigay-impormasyon, manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa
kamalayang panlipunan. Isa itong
ekspresiyong biswal na nagtatampok ng
katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang ginagalawan.
Ang isa pa sa pangunahing instrumento sa pagtataguyod nito ay ang integrasyon
at paggamit ng ICT o Information and Communication Technology upang
lalo pang mapalaganap ang ganitong mga akdang pampanitikan.
Higit ka pang magkakaroon ng maraming kaalaman kung isasaalang-alang ang
sumusunod na tanong
1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang
kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at
kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito?
2. Bakit maituturing na isang mabisang instrumento sa pag-unlad ng pagkatao
at pagbabagong panlipunan ang mga dokumentaryong pampelikula?
3. Paano magagamit ang angkop na pangkomunikatibong pagpapahayag sa
mabisang paghahatid ng mga saloobin at damdamin sa isang
dokumentaryong pampelikula?

II. Ang mga Aralin at ang Saklaw ng mga Ito


Bilang gabay, narito ang saklaw ng iyong pag-aaral na dapat mong matutuhan
Aralin 3.3 : Dokumentaryong Pampelikula
Midyum sa Pagbabagong Panlipunan
a. Panitikan : Manoro (Ang Guro)
Dokumentaryong Pampelikula ni Brillante Mendoza
b. Wika

: Komunikatibong Gamit ng mga Pahayag

III. Mga Inaasahang Kasanayan


Sa araling ito ang sumusunod na mga kasanayang pampagkatuto ay iyong
maisasakatuparan.
ARALIN
Dokumentaryong
Pampelikula
Midyum
Sa
Pagbabagong
Panlipunan

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Pag-unawa sa Napakinggan
Nailalahad ang pangunahing punto at mahahalagang impormasyon sa
napakinggan
Pag-unawa sa Binasa
Nasusuri ang mahahalagang impormasyon para sa sariling pagpapakahulugan
sa daigdig na kaniyang ginagalawan
- Naiisa-isa ang katangian ng ugnayan ng tao sa lipunan na inilalahad sa
akda
- Nailalahad ang mga patunay, halimbawa at ibat ibang damdaming
ipinahahayag sa akda/tekstong binasa
Naibibigay ang kaugnayan ng teksto sa :
- sarili
- kapwa
- kapaligiran/ lipunan
Pagsasalita
Nasusuri ang mga uri ng pagpapahayag
Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon
at saloobin
Pagsulat
Nagagamit ang ibat ibang estratehiya sa pangangalap
ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming, pananaliksik at
panonood
Tatas
Napagtitimbang-timbang kung ang napakinggan, napanood,
o nabasa ay may kabuluhan o kredibilidad
Pakikitungo sa Wika at Panitikan
Naipahahayag ang mga saloobin at damdamin gamit ang mga uri ng
komunikatibong pagpapahayag

Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga natutuhan sa pag-aaral


ng wika at panitikan
Estratehiya sa Pananaliksik
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga datos sa pananaliksik
Panonood
Natutukoy ang kontradiksyon sa pelikulang napanood

IV. Konseptuwal na Balangkas


Narito ang konseptuwal na balangkas ng mga araling dapat mong matutuhan na
magsisilbi mong gabay sa iyong pag-aaral.
DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA

Ang Kaligiran ng
Dokumentaryo

Komunikatibong
Paggamit ng
Pahayag

Katuturan ng
Dokumentaryong
Pampelikula

Mga Uri ng Pahayag

Kaligirang
Pangkasaysayan

Pagpapakahulugan
ng mga Diyalogo

Mga Elemento ng
Dokumentaryong
Pampelikula

Paglikha: Sequence
Script at Multi-Media Arts
Advocacy Campaign

Mga Pamantayan sa
paglikha ng Sequence
Script para sa
Dokumentaryong
Pampelikula at iba pang
uri ng Media

V. Panimulang Pagtataya
Panuto: Kumpletuhin ang letra sa mga patlang upang matamo ang mga sagot
bilang.

sa bawat

1. Isang uri ng pelikula na aktuwal ang pagkuha ng mga pangyayari upang higit itong mas
maging makatotohanan. D_ _ U_ _ _ T _ _ Y _
2. Mga pelikulang gawa ng mga estudyante o mag-aaral na inilalahok sa mga patimpalak.
S_ _ D_ _T I _ _ _ _ _ _ D _ N _ _ I _ M.
3.

Elemento ng pelikula kung saan nakapaloob ang mga eksena at dayalogo


ng mga tauhan at artista. I _ _ _ I _

4. Isa sa kinikilala at tinitingalang pangalan sa paggawa ng Independent Film ay si B_ _ll_


nt_ _e _do_a.
5. Si _ o _ _ _ a _ _ in ay isa sa pinakamahusay na aktor sa kasalukuyan at produkto ng
Indie Films.

Sadyang di maikakaila ang laki ng impluwensiya ng pelikula sa buhay ng mga


Pilipino, at di maitatangging kabilang ka rito. Ipagpatuloy mo na ang pag-aaral
ng araling ito. Natitiyak kong lubos kang masisiyahan.Tayo na!

VI. Yugto ng Pagkatuto


Alamin
Batid ko na mayroon ka ng kaalaman tungkol sa mga
dokumentaryo at pelikula. Sa tinatawag nating panitikang popular
ngayon, ito ay pinagsama, kayat tinawag itong dokumentaryong
pampelikula. Lubha kang magiging interesado sa paksang ito, lalo na sa isang
katulad mong kabataan na sa kasalukuyan ay nabubuhay sa modernong panahon na
laganap na ang mga modernong teknolohiya na naging bahagi na ng iyong pang-arawaraw na pamumuhay. Ngunit bago ang lahat, mayroon tayong mahalagang tanong na
magiging gabay mo sa pagtalakay ng araling ito. Aalamin mo kung paanong ang isang
dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao
at pagbabagong panlipunan? Makatutulong sa iyo ang sumusunod na gabay na
tanong upang sa pagtatapos ay masagot mo nang tama ang mga ito.
Mga Gabay na Tanong:
1. Bilang isang uri ng panitikang popular sa kasalukuyan, paanong ang
kahalagahan ng isang dokumentaryong pampelikula, ganoon din ang estilo at
kaalamang teknikal ay makatutulong sa mga elementong taglay nito?
2. Paano mabisang maipahahayag ang mga saloobin at damdamin sa isang
dokumentaryong pampelikula gamit ang angkop na pangkomunikatibong
pagpapahayag?

Paano mabisang maipahahayag ang saloobin, damdamin at mga pananaw


para sa isang dokumentaryong pampelikula bilang isang midyum para sa
pagbabagong panlipunan? Isulat ang iyong kasagutan sa papel. Gayahin
ang pormat.

Sagot:
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
________________________________________
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay mabisang makapagpahayag
ng iyong sariling damdamin, saloobin at pananaw sa pamamagitan ng pagsulat ng
isang sequence script o iskrip na nagtataglay ng mga diyalogo gamit ang wastong
pagpapahayag na pangkomunikatibo. Sa pamamagitan nito ay iyong maipararating ang
mahahalagang mensahe sa kabataan na naghahangad ng pagbabago lalo na sa
kasalukuyang panahon.Simulan na natin.

GAWAIN 3.3.a: Larawasyon (Imahinasyon Batay sa Larawan)


Pagmasdan at pag-aralan ang mga larawan. Ibahagi ang iyong mga kaalaman at
pananaw kaugnay ng mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa loob ng mga kahon sa 32-1 Chart. Gawin sa papel.

I-

Witness

REEL TIME

Ang
Pag
dadalaga
Ni
Maximo
Oliveros

Ang Babae sa Septic


Tank
Mula sa: http:/www.google.com.ph

Alin sa mga palabas o pelikula


na nakalarawan ang iyong
kinagigiliwan?Magbigay ng tatlo
(3) at ipaliwanag kung bakit.

______________________
______________________
______________________

Ano-ano ang eksena sa pelikula o


palabas ang tumatak sa iyong isipan.
Maglarawan ng dalawa (2) at
ipaliwanag kung bakit.

Kung bibigyan ka ng
pagkakataon, ano ang isang
tanong na nais mong tanungin
sa mga tao sa likod ng mga
pelikula o palabas na ito?

______________________
______________________

______________________
______________________

GAWAIN 3.2.b:

Ihasip Natin (Ihambing at Isaisip)

Suriin ang mga palabas na kinakatawan ng mga larawan sa Gawain 3.3.a.


Subukin mong ipangkat ang mga ito sa dalawa sa tulong ng kasunod na dayagram.
Pagkatapos nito, itala mo ang pagkakatulad ng mga ito kaugnay ng layunin, paraan ng
paghahatid nito at mensaheng naiiwan sa mga manonood. Gawin sa papel. Gayahin
ang pormat.

DOKUMENTARYO

A. Pagkakaiba

PELIKULA

B. Pagkakaiba
C. Pagkakatulad

Inalam lang natin kung ano na ang alam mo tungkol sa aralin. Pagkatapos ng
araling ito, balikan mo ang iyong sagot. Kung may mali kang akala, itatama natin ito,
huwag kang mag-aalala.

Paunlarin
Ang una mong dapat isagawa ay basahin ang buong teksto, ang iskrip
ng pelikula. Makatutulong ito upang malaman mo kung paanong ang
isang dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad
ng pagkatao at pagbabagong panlipunan?
Maaari mo na itong panoorin bilang halimbawa ng isang dokumentaryong
pampelikula. Pinamagatan itong Manoro (The Teacher). Ang salitang manoro ay
nangangahulugang tagapagturo o guro sa katutubong wika ng mga kapatid nating
Aeta. Ito ay may kinalaman sa isang batang katutubo, isang Aeta na nagtapos ng
kaniyang elementarya sa isang mababang paaralan sa Angeles City, Pampanga at
kung paano niya tinuruan ang kaniyang kababayan sa kabundukan na bumasa,
bumilang at sumulat. Ngunit bago mo ito, kilalanin mo muna ang batikang direktor nito.
Basahin ang kasunod.
Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa
direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na
direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga
Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya
sa kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay
buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung
panlipunan. Ang nasabing dokumentaryo ay nilapatan ng

BRILLANTE MENDOZA

cinema verite, kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng
filmmaker

ang

kanyang

film

subject,

upang

mas

higit

itong

maging

makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang


popular.
Nagwagi

siya

ng

mga

prestihiyosong

parangal

sa

pandaigdigang

pinilakang-tabing. Kabilang na rito ang Manoro (The Teacher) na pinarangalan


sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at
Directors Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay

ang Foster Child (John John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil
kay Mendoza, muling naitayo sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng
film-making at film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga
Pilipino.
Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng
pagiging limitado nito sa ibat ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong
pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang
mismong kanilang mother tongue o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim
nito na nakasulat sa wikang Ingles. Kayat isang hakbang rin na isinagawa ng
manunulat ay ang pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng
nakararami. Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at

mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong daigdig


ang Manoro (The Teacher) o Manoro (Ang Guro).
Si G. Brillante Mendoza na nagkamit ng internasyonal at prestihiyosong
mga parangal sa industriya ng pelikula sa loob at labas ng bansa.
http:/www.google.com.ph/
http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph

Simulan mo na ang pagbabasa ng iskrip. Tandaan ang mahahalagang detalye


nito para sa isasagawang mga pag-aaral at analitikong pagsusuri. Patalasin mo ang
iyong isip at pairalin ang iyong imahinasyon nang sa ganoon kapag ito naman ay iyong
pinanood bilang isang pelikula ay mas malawak ang iyong magiging kaalaman sa isang
dokumentaryong pelikula na katulad nito.

MANORO (Ang Guro)


(Sulyap sa Kabihasnan, Isang Realisasyon)
Hinalaw at Isinalin ni
Jet Oria Gellecanao

Mula sa: http://www.google.com.ph/ images

MANORO (Ang Guro)


Si Jonalyn Ablong na siya mismong gumanap sa Dokumentaryong
Pampelikula
Ayon sa ulat, tinatayang halos anim na milyong Pilipino ang may suliranin ng
kamangmangan o yaong illiterate. Karamihan sa kanila ay mga katutubo na tila
nakalimutan na yata ng pamahalaan. Tandaan, sila ang isa sa mga unang nagpasimula
ng ating kabihasnan at kung anong klase at pamamaraan ng pamumuhay mayroon tayo
ngayon. Tunay ngang ito ay isang realisasyon at pagkamulat para sa ating lahat.
Hunyo taong 1991, isang malaking trahedya ang naganap sa Pilipinas, ang pagsabog ng
matagal nang nananahimik na Bulkang Pinatubo sa bahagi ng Zambales at Pampanga,
gumimbal ang pangyayaring ito sa buong daigdig dahil maging ang klima ng daigdig at
ilan sa mga bansa nito ay naapektuhan. Ang mga katutubong Aeta ay napilitang
bumaba ng mga kabundukan at nanirahan sa mga patag na lugar malapit sa
kabayanan, kaya naman ito rin ang naging daan upang mabigyan sila ng pagkakataong
makapag-aral sa mga paaralan na malapit rito.

Alamin mo kung paanong ang isang batang babae na nasa ikaanim na baitang
sa elementarya maging sa isang simpleng pamamaraan mula sa kaibuturan ng
kaniyang puso ay gumawa ng isang pagbabago sa kasaysayan ng lahing katutubo.
EKSENA 1 : Araw ng Pagtatapos (Graduation Day)
Establishing Shot sa paaralan at sa buong senaryo. Medium Shot sa ibat ibang
reaksiyon ng mga tao.
Araw ng Graduation sa Sapang Bato Elementary School sa Angeles City. Itoy
napakahalagang araw para sa mga katutubong Aeta na magtatapos ng elementarya.
Isa na rito si Jonalyn Ablong. Hindi magkamayaw ang lahat. Maririnig ang ilang mga
usap-usapan:
Babae1
Babae 2
Ina 1

:
:
:

Batang Babae
:
Ina 2 (nakangiti sa anak) :

Dala mo ba ang camera mo?


Hindi eh, naisanla ko kahapon.
Nasaan na si Jonalyn, magsisimula na ang
seremonya.
Kasama yata si Kulitis, nagme-make-up.
Ang sampagita na ito ay para sa mga gagraduate
tulad mo, huwag kang mahiya. Bagay sa yo to.

Nakadaragdag pa sa ingay ng paligid ang malalakas na hagulgol ng mga sanggol.


Samantala, muling maririnig ang ganitong mga usapan:
Estudyante 1 : Aalis na bukas si Kiray, mamamasukan siyang katulong sa
isang Intsik sa bayan.
Estudyante 2 : Gusto ni Jonalyn na makapaghayskul. Tuturuan niya rin kaming
magbasa ngayong summer para makuha niya na rin ang scholarship
na gusto niya ngayong Hunyo.
Babae 1
: Isa ka ba sa mga estudyante niya?
Babae 2
: Oo, pati ang pamilya ko, lalo na ngayong Mayo, panahon ng
eleksyon.
SUPER IMPOSE, TITLE AND CREDITS.
Pumila na si Jonalyn para sa martsa, nakangiti, nagmamasid-masid sa paligid.
Nagsimula na ang teacher-emcee na magpakilala ng mga panauhin. Binanggit ang isa
sa mga tanyag na linya: What you sow, is what you reap. Masaya ang buong paligid,
ngunit magulo rin. Sa isang bahagi ng paaralan ay may maliliit na batang naghaharutan
at nag-aaway. Medium close-up shot sa isang mensaheng nakadikit sa dingding:

Bawat Graduate, Bayani at Marangal na Pilipino.


Picture-taking time na, biglang nagtanong ang kanilang guro:
Guro:
Dapat labing-anim kayo, nasaan si Pikoy?
Estudyante: Wala po siya, nagpatuli po kasi kahapon.
(Sabay ngumiti na ang mga estudyante para sa lahat ng kanilang mga
picture-taking. Natapos na ang masayang graduation.)

EKSENA 2: Sa Isang Jeep na biyahe patungong


Resettlement Area ng mga katutubo
Long Shot tungo sa Medium Shot sa isang dyip na papunta na sa resettlement area ng
mga Aeta malapit sa paanan ng kabundukan, masaya at nagtatawanan ang mga
katutubo sa loob ng dyip. Tinanong si Jonalyn ng mga kasamahan kung ilan lahat ang
mga litrato niya at kung magkano lahat ang mga ito.
Inang Aeta: Naghanda kami ng kakaining noodles para sa inyong mga
gumradweyt. Ito ay tanda ng ating pasasalamat kay Apo
Namalyari.
Jonalyn:

Nung minsang nagluto kami ng noodles sa bahay, parang isang


linggong sumama ang tiyan ni Lolo. (sabay hagikhikan ang
lahat)

(Samantala, sa taas ng jeep, may ilang batang lalaki na nakaupo roon, binabasa nila
ang hawak na program ng ginanap na graduation. Mahaba ang byahe, maalikabok ang
daanan; Close-Up Shot sa kalawanging gulong ng jeep.)

EKSENA 3: Ang Pangangampanya at ang Komunidad


(Dahil sa nalalapit na ang eleksyon, napadaan ang isang sasakyang
nangangampanya, tumilapon ang mga sample ballot sa kalye, malapit sa mga
batang katutubo na nagsisipaglaro)
Bata 1 :

Oy akin yan, huwag kayong magulo, tingnan nyo,


magkakaparehas lahat ang nakasulat sa papel!

(Establishing/Panning Shot sa isang batang Aeta, kumakaripas ng takbo dala ang


balota papunta sa bahay nila)
(Habang papunta sa tindahan, nasalubong ni Jonalyn ang maliliit na batang
kaniyang tinuturuan, naliligo ang mga ito sa isang poso ng tubig, bumati ang mga
ito Maaryong aga, mam.)
Jonalyn:

O sige, bilisan nyo dyan, baka sipunin kayo.

(Samantala, nasalubong niya rin ang isa sa kaniyang mga tinuturuan, tila mabigat
ang pasan-pasan sa likuran)
Jonalyn:
Lalaki:
Jonalyn:
Lalaki:

Freddie, napraktis mo na ba ang pagsulat mo?


Oo, sinisikap ko
Nakita mo ba ang Apo (lolo)ko sa bundok?
Hindi, hindi ko siya nakita,
(Naghiwalay sila ng landas at nagpatuloy ng paglalakad si Jonalyn
patungo sa tindahan.)

Babaeng Aeta: Jonalyn, kunin na ninyo ang bigas na para sa inyo.


(Habang nakapila ang mga katutubo para sa ipinamamahaging
bigas.)
Jonalyn:

Sige po, si Mamang na lang daw po ang kukuha mamaya.

Babaeng Aeta: O sige, kasi pag wala dito hindi na mabibigyan, gusto ko pa
namang ibahagi ang ani ko sa lahat.
EKSENA 4 Sa Tahanan nina Jonalyn
(Sa tahanan nina Jonalyn: Close-Up Shot sa kaniyang Graduation Picture, pati sa
Diploma; pakakainin ng tinapay ang kaniyang mga kapatid)
Jonalyn:

Tigdadalawa lamang ng tinapay ang kada isa, kakain pa rin kasi


sina Mamang at Papang, pero bago ko kayo bigyan, magbibilang muna
tayo ng tinapay, sabayan nyo ako.
Mga Kapatid: IsaDowaTatloApat!
(Habang sabay na bumibilang ang maliliit niyang kapatid.)
Nakakagutom lalo ang magbilang.
Ina ni Jonalyn: Jonalyn, pakitsek mo naman eto.
Jonalyn: O, Mamang bat dito nyo sinulat ang pangalan nyo? (Sabay bura)
Sino ho bang iboboto nyo, si GMA? Ganito po isulat ang pangalan
niya,tingnan nyo po at tandaan, di po sapat na alam nyo lamang
ang pagbigkas. (Nang mga sandaling yaon, biglang tinawag ng
kaniyang ama si Jonalyn na nasa taas ng isang puno at inaayos
ang antena ng telebisyon)
Mang Edgar (ama ni Jonalyn): Jonalyn, pakitingnan mo nga kung may nakikita ng
tao sa TV!
(Nagdudumaling pumunta si Jonalyn sa kanilang maliit na silid)
Jonalyn:

Wala pa, wara pang nakikitang tawo! Malabo! Malabo!

(Bumaba sa puno ang ama, nagmamadali, tila nadupilas, nahulog at bigla ang
pagkabagsak; nagulat si Jonalyn, pinuntahan ang ama, ngunit sa mukha ng kaniyang

tatay ay tila walang nangyari)


Mang Edgar: Kelangan na nating sunduin ang Apo (lolo) mo sa bundok.
Jonalyn:

Oo nga, ang sabi niya pa naman, bababa siya ng bundok para


makaboto.

Mang Edgar:

Ang tigas kasi ng ulo ng lolo mo, sinabi kong huwag nang
manghuli ng baboy-ramo sa bundok at nauubos na ang mga ito
sa ngayon. Tara na, at kelangan na nating umalis ngayon!

EKSENA 5 Simula ng isang malayong paglalakad


(Sa paglalakad ng mag-ama ay nasalubong nila ang isang sasakyan kung saan
naroon ang mga Koreano, binati nila ang isat isa.)
Koreano: (pinatutungkulan ang ama ni Jonalyn): Yu nid to fill-up aplikey-shen form for
your job... (ibig sabihin ay kelangan nitong magpasa ng aplikasyon para sa trabaho)
(Nagpasalamat ang mga ito.)
Mang Edgar:
Jonalyn:
Mang Edgar:

Jonalyn, tulungan mo akong maigi kung paano magbasa


at magsulat.
O sige, para makaboto ka.
Huwag na, hindi na mahalaga yon, pagsasayang lang ng
oras yan, narinig mo naman ang mga Koreano, kelangan ko
na mag-fill-up ng aplikasyon.

(Sinimulan ng mag-ama ang mahabang paglalakad upang hanapin ang kanilang Apo
Bisen,..mahabang paglalakad na tila isang walang katapusang
paglalakbay,...paglalakbay para sa kinabukasan.)
(Sa paglalakad ng mag-ama ay matutunghayan ang ibat ibang eksena, ipinakita ang
karilagan at kagandahan ng mga kabundukan na tila humihiyaw ng
kinabukasan...maalikabok ang tinatahak na landas; Ang pagtatangkang sumakay ni
Jonalyn sa kalabaw, ang kanyang tiyuhin na isang mag-uuling na tinanong niya kung
pinag-aralan na nito ang kaniyang mga itinuro; ang pagdaan ng mag-ama sa tila isang
munting sementeryo sa kabundukan kung saan kumaripas ng takbo si Jonalyn, sabay
tanong ng ama kung hanggang ngayon ay takot pa siya sa mga patay. Nasalubong
nila si Apo Almario...)
Jonalyn:

Apo Almario, nakita nyo po ba ang aking Apo Bisen?

Apo Almario: Hindi, hindi kami nagkita!


Ama:

Ngunit sabay kayong umakyat ng bundok.

Apo Almario: Oo, ngunit naghiwalay kami ng landas.

Jonalyn:

O sige po, salamat, bomoto ka bukas!

(Sabay nagpaalam ang mag-ama kay Apo, sa patuloy nilang paglalakad ay nakita
naman ni Jonalyn ang mga batang nasa taas ng puno, tumutugtog ng plawta at binati
siya ng magandang umaga ng mga ito, sinabihan niyang mag-ingat ang mga ito at
baka sila ay mahulog. Samantala, sa isang bahagi ng bundok ay natanaw nila ang
isang napakalawak at napakalaking apoy dulot ng kaingin)
Jonalyn: :Sa ginagawa nilang yan ay inaagawan nila ng tahanan ang mga ibon
(Malungkot ang mukha)
EKSENA 6 Patungo na sa Kabundukan
(Habang lumalayo ang nilalakad ng mag-ama ay lalong gumaganda ang mga tanawin
sa kabundukan; sasabayan ito ng isang magandang musika na tila sila ay pumapasok
na sa isang bagong daigdig)
(Masayang naliligo ang mga bata sa ilog, mula roon uminom naman ng tubig ang
batang Aeta na si Jonalyn; humuli ng palaka ngunit nasita ng kaniyang ama kayat muli
niya itong ibinalik sa tubig, sa may kangkungan, nandiyang siya ay sumandaling umihi,
nakatapak rin ng dumi ng kalabaw, naghugas sa isang bahagi ng ilog-ilogan; sa
bahaging yaon ay narinig nila ang isang tinig mula sa kabundukan na umaawit...isang
awit ng papuri:
Apo Namalyari
Kamiy wala, kung hindi dahil sa yo
Makapangyarihang Isa
Kami ngayoy nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa amin
(Ang awiting yaon ay tila kumurot sa puso ni Jonalyn; kayat siyay napaawit rin):
Akoy nagsabi kay tatay,
Manghuhuli ako ng usa,
Akoy nagpaalam kay nanay
Para manghuli ng ibon
Ngunit ako itong nahuli
Ng katutubong Aeta
(Pumapaitaas na ang paglakad nina Jonalyn sa bahaging iyon ng bundok, nakita nila
ang grupo ng mga Aeta na nagsisipagtanim na sinasabayan ng pagtugtog ng munting
gitara ng isang babaeng Aeta)
Mang Edgar:

Nakita nyo ba ang aking Ama?

Mga Katutubo (nagsisipagtanim):

Hindi, hindi pa rin siya nagpakita, mga


dalawang araw na ang nakalilipas.

Mang Edgar:

Jonalyn, dito ka lang kasama nila, ako na lamang ang


maghahanap sa Apo mo doon sa mas malayo.

Jonalyn:

Amang, tara munang magdasal.


(Sabay lumuhod ang mag-ama at itinaas ang mga kamay)
Apo Namalyari...
Sanay ligtas ang aming Apo Bisen
Tatlong araw na po siyang nawawala
Sana po ay amin siyang makita
Sa lalong madaling panahon

Jonalyn:

Amang, mag-ingat ka!

Mga Katutubo: Tara na, sumama ka sa amin, maghanda tayo ng pananghalian!


EKSENA 7 Ang Pananghalian
(Medium Shot: Ipinakikita ang paghahanda ng pagkain ng mga Aeta, isang
sariwang ubod ng saging at sariwang mga gulay na galing sa kanilang
pananim...)
Katutubo:

Gulay na naman! Ang paborito ko ay tubang-manok!

Katutubo:

(Habang kumakain) Dyuna, turuan mo kami uli kung paano


magbasa at magsulat ah, kasi magboto kami!

Jonalyn:

Sige, pagkatapos nating mananghalian, mag-aaral uli tayo.

(Isang eksena ang kinuhanan pagkatapos ng kanilang pananghalian: Isang


batang babae ang kinukutuhan, nasasaktan ito sa bawat hila ng kanyang mahaba,
kulot at matigas na buhok...Maririnig ang ganitong usapan):
Batang Babae:
Jonalyn:
Batang Babae:

Tama na, tama na, masaakit!...masaaakit...


Eh, paano ka magiging reyna niyan eh hindi ka nagpapakuto!
Kaya nga ayoko na, ayoko nang maging reyna!

(Samantala, sa kabilang panig ng kagubatan,...sa patuloy na paglalakad ng


kaniyang amang ay lalong nagiging mapanganib ang susunod na eksena:
Sumalubong sa landas nito ang isang baboy-ramo, kinagat siya nito sa hita at
halos magpambuno sila.)
EKSENA 8 Araw ng Eleksyon
(Kinabukasan, nagbalik na ang mag-ama mula sa kabundukan, iyon na rin ang
araw ng eleksyon. Sa tahanan ng mga katutubo)

Aling Carol (ina ni Jonalyn):

Mang Edgar:

Jonalyn, maiwan ka muna rito sa bahay natin at


bantayan mo muna ang iyong mga kapatid para
makaboto kami.

Ano ka ba, bakit marunong ka na bang magbasa at magsulat at


ganyan ka makapagsalita? Hindi dapat maiwan si Jonalyn,
isasama natin siya para tulungan tayong makaboto, kasi
marunong siya.

Lola ni Jonalyn: O sige, ako na lang muna ang maiiwan, ako na ang
magbabantay
sa mga bata, mamaya na lamang ako boboto.
(Umalis na ang mag-anak, pinag-uusapan pa rin nila kung darating pa kaya at
boboto ang nawawala at matagal na nilang hinahanap na kanilang Apo Bisen,
ngunit matibay pa rin ang paniniwala ni Jonalyn na makababalik ang kanyang
Apo mula sa kabundukan at makaboboto pa ito.)
(Dumating na ang pamilya ni Jonalyn sa presinto ng isang maliit na paaralan,
kelangang hanapin sa registerd voters list ang pangalan ng kanyang mga
magulang para sila ay makaboto, makikitang nagkakagulo ang mga katutubo
dahil sa maliliit na letrang hindi nila mabasa at maririnig ang mga komentong iba
raw ang hitsura nito kaysa kanilang natutuhan...ginabayan ni Jonalyn sa pagboto
ang kaniyang ama)
(Pagkatapos na bumoto at pagkalabas ni Jonalyn sa presinto. Natuon ang
kanyang pansin sa isang matandang nakaupo.)
Jonalyn:

Lola:
si GMA.

Lola, nakaboto na po ba kayo?

Oo, gaya ng itinuro mo sa akin... Dalawa nga binoto ko eh, si FPJ at

EKSENA 9 Ang Sandali ng Malalim na Pagmumuni-muni


(Napaupo si Jonalyn sa labas ng presinto, may lungkot sa kanyang mukha, may
bahid ng kawalang pag-asa...habang tinitingnan niya ang sitwasyon ng mga
panahong yaon.)
(Ipinakikita ng kamera ang senaryo: Ang karamihan ng mga katutubong Aeta ay
nasarhan na ng presinto, inabutan na ng pagsasara ng botohan kayat hindi na
sila nakaboto. Naroon ang mga ilang sundalo at kapulisan na sa akala niyay
sasaklolo sa kanila ng mga panahong yaon. Ang mga sanggol na katutubo na
buhat-buhat at pasan ng kanilang mga magulang na tila kalunus-lunos ang mga
tinig, patuloy sa kanilang paghikbi at pag-iyak. Para kay Jonalyn, isang kabiguan
sa kaniyang kaluluwa at buong pagkatao ang kaniyang mga pagsusumikap ng
mga panahong yaon...nalaglag sa kanyang mga mata ang butil ng mga
luha...malayo ang tingin.)

(Sa pagkakataong yaon, dumating ang kanyang Apo Bisen, kabababa lamang
mula sa kabundukan, pasan-pasan sa kanyang likuran ang isang malaking baboyramo, sabay nagwika itong:
Apo Bisen:

Tayo na, umuwi na tayo. (Muli silang naglakad pauwi sa tahanan.)

EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang


(Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat, inihain sa
hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo.
Apo Bisen:

Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin, hindi ito


makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.

(Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang na si


Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng kaniyang damit ay
nakasulat ang mga katagang Babangon ang Pilipinas)
(Close-Up Shot ng Camera sa mga katagang yaon)
Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo.
WAKAS

GAWAIN 3.3.c: Hagdanaw (Hagdan at Pananaw)


Mula sa ibaba patungo sa itaas, sagutin mo ang sumusunod na tanong upang
iyong makuha ang bandila. Lalo pa nitong palalalimin ang iyong kaalaman, pagkilala sa
sarili at pagkamulat sa kapaligiran. Isulat ang sagot sa papel.

Paano nakapagpapamulat ng kamalayan ang


isang uri ng media tulad ng Dokumentaryong
Pampelikula na bahagi ng ating kultura at
panitikang popular? Ipaliwanag.
Bilang kabataan, paano mo nakikita ang iyong
sarili bilang isang mahusay na lider at
tagapagtaguyod ng kabutihan sa nakararami
sa kasalukuyang panahon?
Bilang kabataan, ano ang iyong nadarama sa mga
kababayan mo na nagtataglay ng kawalang-alam
(illiteracy) lalo na sa pagbasa at pagsulat? Ano ang
naisip mong mga proyekto para sa kanila?
Paano mo bibigyang-kahulugan ang mga tinahak na
landas sa pamamagitan ng mahabang paglalakad ni
Jonalyn at ng kaniyang ama sa kabundukan kung
ihahambing sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo
at ng bansang Pilipinas?
Kung ikaw si Jonalyn, paano mo isasakatuparan ang pagtuturo
ng pagbasa at pagsulat sa iyong mga kapwa katutubo?
Magbigay ng mga mungkahi
Sa iyong sariling pananaw, bagamat napakabata pa para sa
kaniyang edad, wasto ba ang hakbang na isinagawa ni Jonalyn para
sa kaniyang mga kapwa katutubo?

Maraming salamat sa buong husay mong pagsagot sa mga tanong na ibinigay


sa iyo batay sa akdang iyong binasa at pinanood na pelikula. Mula sa dokumentaryong
pampelikula na iyong napanood at iskrip na iyong nabasa, batid naming namulat ang
iyong isipan sa tunay na kalagayan ng mga katutubo sa mga kabundukan, ang kanilang
lagay sa lipunan at ang tunay na kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman, ang isang
dokumentaryong pampelikulang tulad nito ay isang matibay na instrumento upang
maipamulat sa bawat isa sa atin ang katotohanan ng buhay. Higit pa nating palawakin
ang iyong kaalaman tungkol dito. Basahin ang sumusunod na Ugnay-Panitikan:
Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong
pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon,
manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas
malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang
makita ang realidad at katotohanan.
Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga
Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing
inilalarawan ay ang pagkuha ng ibat ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga
tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang aktuwal na tanawin o eksena.
At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na
dokumentaryo tulad ng travelogue, newsreel tradition at cinema truth.
Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat
ito ang naging instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa
ipinakita nito ang realidad. Naging wartime propaganda, ethnographic film, at
nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa
pamamagitan ng tinatawag na Cinema Verite ang salitang French na
nangangahulugang film truth o pelikula totoo kung saan nagkaroon ng
totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan
ng filmmaker o tagalikha ng pelikula at ng kanyang film subject o
pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging
makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo.
Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga
nabanggit, karaniwang nauuso ang mga Independent o Indie Films, Short
Films, Advertisements at mga Video Advocacies bilang bahagi ng kulturang
popular at panitikang popular nating mga Pilipino.

Higit pa rito, dapat mong malaman na ang isang epektibong dokumentaryong


pampelikula ay nagtataglay ng sumusunod na elemento:

Mga Elemento ng Pelikula


a. Sequence Iskrip Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang
kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng
kuwento.
b. Sinematograpiya Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa
manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong
timpla ng ilaw at lente ng kamera.
c.Tunog at Musika Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi
ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang
interes at amdamin ng manonood.
Iba pang mga Elemento
a. Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at
paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay
naihaharap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng
palabas.
b. Disenyong Pamproduksyon Pagpapanatili sa kaangkupan ng
lugar, eksena, pananamit at sitwasyon para sa masining na
paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
c. Pagdidirihe - Mga pamaraan at diskarte ng direktor kung paano
patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula.
d. Pag-eedit Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng
mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling
sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na
nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng
pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

GAWAIN 3.3.d: Patinikan sa Panitikan


Muli nating balikan ang ibat ibang eksena mula sa dokumentaryong pampelikula
na Manoro (Ang Guro), Para sa iyo, ano ang mga nais bigyang-tuon nito? Isulat ang
sagot sa papel.
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
_________________________
__________________________
______
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
_______________________
Mula sa mga naunang gawain, nabatid natin na upang maging nakasisiya at
mabisa ang isang dokumentaryong pampelikula, mahalagang isaalang-alang ang bawat
kuha at anggulo ng kamera na tinatawag na camera shots and angles nito sapagkat
lalo nitong pinagaganda ang screenplay ng isang obra maestra. Malaki rin ang
bahaging ginagampanan nito sa emosyon, lalim at kakintalan at ang magiging
implikasyon ng isang dokumentaryo sa mga manonood nito.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

1.

Establishing / Long Shot Sa ibang termino ay tinatawag na


scene- setting. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong
senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging
takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.

2.

Medium Shot Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula


baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong
may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.

3. Close-Up Shot Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay


lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay
ang pagpokus sa ekspresiyon ng mukha; sulat-kamay sa isang
papel.
4. Extreme-Close Up Ang pinakamataas na lebel ng close-up
shot. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up
. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip
na sa buong mukha.
5. High Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa
ilalim.
6. Low Angle Shot Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang
anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
GAWAIN
Kuha Ko,
Hula Moring maging isang aerial shot na
7. Birds3.3.e:
Eye-View
Maaari
anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay
nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang senaryo ng buong
karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang
Matapos
mongsa
matutuhan
ang ibat ibang uri ng anggulo at kuha ng kamera at
ibong
lumilipad
himpapawid.
ang
nito sa
pelikula,
ngayon
ay pagmasdan
mo ng
ang
kasunod na mga
8. kahalagahan
Panning Shots
Isang
mabilis
na pagkuha
ng anggulo
isang
larawan ng mga aktuwal na kuha ng kamera sa pelikulang iyong napanood. Isulat kung
masundan
ang detalyeng
kinukunan.
Halimbawa
anongkamera
uri ito ngupang
camera
shot at ipaliwanag
ang nais
nitong ipahiwatig.
nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong
kumakaripas ng takbo.

Uri ng Kuha: _______________________

Nais Ipahiwatig:
__________________________________
__________________________________
Uri ng Kuha: _______________________

Nais Ipahiwatig:
__________________________________
__________________________________
Uri ng Kuha: _______________________

Nais Ipahiwatig:
__________________________________
__________________________________
Uri ng Kuha: _______________________

Nais ipahiwatig:
__________________________________
__________________________________
Mula sa: http://www.google.com.ph/images

Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula


ay ang Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng
Pagpapahayag. Sa pamamagitan nito, higit nating naipauunawa ang
mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kaniyang mga pananalita.
Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon
sa anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo
nating maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang sumusunod
na pangungusap.
a. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin
1. Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo. (pagtanggap)
2. Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala? (pag-aalinlangan)
3. Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga
pananalitang yaon. (pagtanggi)
4. Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.
(pagsang-ayon)
5. Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.
(pagsalungat)
b. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at
ipinadarama
1. Pagbibigay-babala
Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad. (pagbibigay-babala)
Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.
2. Panghihinayang
Sayang, tama sana ang aking kasagutan.
Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari
yaon.
3. Hindi Pagpayag
Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.
Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais nyong isagawa.
GAWAIN 3.3.f: Pahayag Ko, Tugon Mo

Bigkasin ang sumusunod na linya o mga pahayag batay sa iyong napanood.


Alamin kung anong gawi ng pagsasalita ang nakapaloob sa bawat pangungusap. Pillin
ang tamang sagot mula sa kahon sa itaas . Isulat sa papel ang mga sagot.
Pagtanggi
Pagbibigay-babala
Panghihikayat

Pagsang-ayon
Panghihinayang
Pagsalungat

Ama mag-ingat ka sa iyong


paglalakbay, mapanganib sa
daan!

Hindi dapat maiwan si


Jonalyn, dapat kasama natin
siya sa pagboto.

1.
____________________________
__

2.
__________________________
____

Sa ginagawa nilang iyan,


inaagawan nila ng tahanan
ang mga ibon.

3.
__________________________
____
Ang sampagitang ito ay para
sa mga ga-gradweyt lamang,
isuot mo, huwag kang mahiya,
bagay sa iyo ito.

Hindi na ako bomoto, dahil


naniniwala akong hindi
naman ito makapagpapababa
at makababawas ng aking
pagkatao.

4.
__________________________
____

O sige, mag-aaral tayo


pagkatapos ng pananghalian
natin.

6.
5.
___________________________
__________________________
___
____
GAWAIN 3.3.g: Pahayag Ko, Interpretasyon Mo
Ngayon naman ay basahin mo ang Sanaysay na ito. Sa pamamagitan nito ay
higit ka pang magkakaroon ng kasanayan sa ating tinatalakay na paksang pangwika.
Nakapaloob rito ang ilan sa mga pagpapahayag at pag-alam ng mga kaisipan, saloobin,
paggawi at pagdama. Hanapin ang mga ito mula sa Sanaysay at isulat ang iyong mga
kasagutan. Ipaliwanag din ang kahulugan ng bawat pahayag. Isulat sa papel ang iyong
kasagutan. Sundin ang pormat.

Pintig, Ligalig at Daigdig


Jet Oria Gellecanao
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging
mga oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging mga
segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat sandali, ng bawat
puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay rin sa isang maligalig na
daigdig.
Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga usapang ito
Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito, wika ng isang lola. Kakaiba na
ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib! Mas matigas na rin ang ulo ng
mga kabataan! sambit naman ng isa. Sumagot naman itong si lolo: Hindi ako sangayon riyan, mas marurunong at mas maabilidad na ang mga bata sa ngayon. Kaya,
kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila? Paano mo pinatunayan sa iyong sarili ang
taglay mong mga talento at taglay na kaalaman?
Madalas rin silang magpayo sa atin: Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka
ikay madapa, mas malalim ang sugat. Dapat lamang na pakinggan natin ang mga
payong ito sabay sambitin ang mga katagang Taos-puso po naming tinatanggap
ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong kaisipan. Kaisipang
nagpapaalala sa atin na naway tahakin natin ang tama at tuwid na landas.
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga
pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na
talaga sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng pamumuhay ng
bawat isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na sa kanilang mga
pananaw,

paniniwala

at

paninindigan

sa

buhay.

Isa

sa

mga

higit

na

nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng modernong


teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng Globalisasyon at ang paglitaw ng
teoryang Global Village kung saan ang mundo, ang bawat bansa at bayan na
naririto ay wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan lalo na sa larangan ng
pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba
pa upang mas higit na mapadali at mapabilis ang komunikasyon.

Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na


dahil sa labis na ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at magugunaw na ang
mundo. Maaari kayang mangyari ang ibat ibang mga hula ng mga tao tungkol dito?
Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi upang gunawin at sirain
lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya
lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam
kung kailan niya mangyayari ang pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng
kanyang mga nilikha.
Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulay-bulay.
Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? Higit sa lahat, ay
ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kayat ito ang tamang panahon upang
harapin ang mga bagong hamon sa buhay. Magpatuloy ka, upang minsan sa isang
araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang Sayang, kung
ginawa ko lamang sana iyon.
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras,
nagiging minuto hanggang maging

segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig

sadyang may ligalig sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo


ang hamon sa iyo!

Pahayag:
_____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________
Pahayag:
_____________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________
Pahayag:
______________________________
Paliwanag/Interpretasyon: ____________________________________
Pahayag:
______________________________
Paliwanag/Interpretasyon:____________________________________

GAWAIN 3.3.h: Katutubo Kapatid, Kapamilyat Kapuso


Sumulat ng isang talata tungkol sa kung paano pahahalagahan ang mga
kapatid nating katutubo. Gumamit ng mga pangungusap na may angkop na
komunikatibong pagpapahayag. Lapatan ito ng sariling pamagat.

Pagnilayan at Unawain
Mula sa mga nauna nating pinag-aralan, natutuhan mo ang
mahahalagang konsepto tungkol sa dokumentaryong pampelikula. Kabilang na
rito ang pagsusuri sa nilalaman nito at kung ano ang panlipunang kahalagahan nito lalo
na sa panahon ngayon. Alam mo rin na ang isang pinakamahalagang elemento ng
dokumentaryong pampelikula ay ang iskrip kung saan nakapaloob ang mga diyalogo o
mga pananalitang namumutawi sa bibig ng mga artistang gumaganap. Sa pananaw ng
scriptwriter at ng direktor, ang mga diyalogong ito ay may mas malalim na
pagpapakahulugan, sapagkat mula sa mga ito ay makukuha mo ang mga nakapaloob
na mensahe upang magsilbi itong kamalayan upang buksan ang isipan ng bawat isa
tungkol sa mga isyung panlipunan. Narito ang ilan pang gawain na may kinalaman dito
upang higit pa nating mapalalim ang iyong pag-unawa sa kung paanong ang isang
dokumentaryong pampelikula ay mabisang instrumento sa pagpapaunlad ng pagkatao
at pagbabagong panlipunan?
GAWAIN 3.3.i: INTERDAYAL (Diyalogo Ko, Interpretasyon Mo)
Ang sumusunod na diyalogo ay halaw sa dokumentaryong napanood. Paano mo
ito bibigyang-pakahulugan? Ipaliwanag ang kaugnayan nito sa tunay na buhay at sa
kalagayan ng ating lipunang ginagalawan sa ngayon. Isulat sa papel ang sagot
Hindi na ako bomoto, sapagkat
para sa akin, hindi ito
makapagpapababa
at makababawas ng aking
pagkatao
Huwag na, hindi na mahalaga
yon, pagsasayang lang ng oras
yan, narinig mo naman ang mga
Koreano, kelangan ko na mag-fillup ng aplikasyon.
Apo Namalyri
Kamiy wala, kung hindi dahil sa yo
Makapangyarihang Isa
Kami ngayoy nangagtipon
Dito sa aming taniman
Kayo lamang ang makatutulong sa
amin

__________________________
__________________________
__________________________
____________

__________________________
__________________________
__________________________
____________

_________________________
_________________________
_________________________
_______________

Ipinakikita lamang nito na mahalaga sa mabisang


komunikasyon ang
pagpapakahulugan sa mga diyalogo. Ngayon ay muli mong balikan ang ilang diyalogo
sa dokumentaryong pinanood na sa palagay mo ay tumimo sa iyong isipan, bigyan ito
ng pagpapakahulugan.
GAWAIN 3.3.j:

Pelskrip (Pelikula at Iskrip)

Sa iyong naunang mga gawain ay nalaman mo ang uri ng mga pahayag na


mahalagang bahagi ng epektibong komunikasyon na nakatutulong upang magkaroon
ng mas malalim na pagpapakahulugan ang mga diyalogo o pahayag. Ngayon naman ay
subukin mo ang iyong kakayahan sa bagay na ito.
Ang sumusunod na larawan ay batay sa isang Indie Film na Ang Babae sa
Septic Tank sa direksiyon ni Marlon Rivera, isang pelikulang nagkamit ng maraming
parangal na ang pangunahing tema ay suliraning panlipunan. Subukin mong bumuo ng
mga diyalogo mula sa mga ito na ginagamitan ng ibat ibang uri ng mga pahayag na
ating tinalakay sa mga naunang aralin. Gawin sa papel.
_________________________________
_________________________________
_________________________________
_____________________

_________________________________
_________________________________
_________________________________
____________________

Mula sa: www.starcinema.com.ph/

GAWAIN 3.3.k:

Dokyufil: Pelikula at Dokumentaryong Filipino


Epekto Sa Iyo

Ang mga pelikulang katulad ng Babae sa Septic Tank at Manoro (Ang Guro)
ay pangunahin at tahasang tumatalakay sa napapanahong mga isyu sa ating lipunan.
Kayat ang matataas na uri ng mga obra-maestra na katulad ng mga ito sa larangan at
industriya sa paglikha ng pelikula ay nararapat lamang tangkilikin bilang bahagi ng
kultura at panitikang popular sa ating bansa. Hindi lamang ito nakalilibang kundi
naimumulat nito ang ating kamalayang panlipunan, at kung ano ang naging implikasyon
o bisa nito sa iyo bilang mag-aaral. Ipaliwanag ang naging implikasyon sa iyo ng
dokumentaryong Manoro (Ang Guro) batay sa sumusunod na aspeto. Gawin sa
papel. Gayahin ang pormat.

MANORO (Ang Guro)


Dokumentaryong Pampelikula

IMPLIKASYON
Kaugnayan sa Tunay na Buhay

SARILI

PAMILYA

LIPUNAN

_____________
_____________
_____________
_____________
____

_____________
_____________
_____________
_____________
____

_____________
_____________
_____________
_____________
____

GAWAIN 3.3.l: Ako Mismo, Kikilos Ako!


Ngayong alam mo na ang naging implikasyon sa iyo ng akda, panahon na
upang ibahagi mo naman kung paano ka makatutulong sa iyong pamayanan bilang
isang batang lider sa pagharap at paglutas ng mga suliraning panlipunan na
kinakaharap sa kasalukuyan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

AKO MISMO,
BATANG

LIDER

Matapos mong maisagawa ang napakahalagang gawaing ito ay lubos kitang


binabati at pinasasalamatan!
Mula pa lamang sa simula ng iyong pag-aaral ay nabanggit na sa iyo na
mahalagang maunawaan mo na mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
dokumentaryong pampelikula sa lipunang ating ginagalawan at pati na rin sa iyong
sarili. Batay rin sa mga gawaing iyong isinagawa, naging bahagi ka sa paglutas ng ilang
mga suliranin sa inyong pamayanan bilang isang batang lider. Mula sa mga ito ay iyong
mahihinuha ang kahalagahan ng media o anumang uri ng midyum sa paglutas ng mga
suliraning panlipunan at ikaw bilang isang natatanging kabataan na nagtatalay ng
matibay na personalidad sa pagharap mo sa marami pang hamon na darating sa iyong
buhay. Kaugnay nito bumuo ka ngayon ng isang Repleksiyon batay sa lahat ng iyong
mga natutuhan sa araling ito. Sundin ang pormat.

Ang Aking Repleksyion


________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________

Ilipat
GAWAIN 12: Iskripkoto
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay makalilikha ng
isang iskrip para sa isasagawang dokumentaryong pampelikula gamit ang ibat ibang uri
ng mga pagpapahayag.Ngunit bago iyon, dapat mong malaman na bago ka gumawa ng
isang iskrip para sa mga diyalogo ay dapat mo itong simulan sa pagbuo ng isang
sequence script na magsisilbi mong pinakapundasyon at pinakagabay sa iskrip na
iyong isusulat. Narito ang isang halimbawa, (halaw sa Manoro, Ang Guro) basahin,
pag-aralan at unawain mo itong mabuti.
ANG ISKRIP NG MGA EKSENA (SEQUENCE SCRIPT )
Eksena Bilang at
Tagpuan
Eksena / Sequence
1:
School Grounds
(Graduation Day)

Kuha at Anggulo ng
Kamera
Establishing
Shot sa school
grounds
Medium Shot sa mga
taong nakapaligid (ibat
ibang senaryo)
Close-Up Shot na
ipakikita ang ilang
eksena ni Jonalyn
(pangunahing tauhan)

Eksena / Sequence
2:
Sa isang Jeep na
patungong
Resettlement Area
ng mga Katutubo

Long Shot sa isang


Jeep na papunta sa
Resettlement Area ng
mga Katutubo
(tinatahak ang
mababato at
maalikabok na mga
daanan)
Medium Shot sa mga
nagsisipagtawanang
katutubo tungo sa
Close-Up Shot sa
nagsasalitang si
Jonalyn (pangunahing
tauhan)

Mga Detalye/
Paglalarawan at
Kaisipan ng Eksena
Magbubukas ang
eksena sa school
grounds sa araw ng
graduation.
Hindi magkamayaw
ang mga tao.
Masayang-masaya
ang lahat at lubos
ang pananabik.
Ngunit kasabay nito
ay ang pag-iyak ng
mga batat sanggol.
Maririnig ang ilang
mga usapan.
Ipakikita ang andar
ng isang jeep sa
mabato at
maalikabok na
daanan, may ilang
batang lalaki na
nakasakay sa itaas
ng jeep
Masayang
nagtatawanan ang
mga katutubo tungkol
sa katatapos na
Graduation
hanggang sa
pagdating sa
kanilang lugar

Mga Tauhan at Iba


pang Datos na
Kinakailangan
Karamihan ng mga
tao sa isang tipikal na
Graduation Day
(ibat ibang eksena)
Isa sa mga unang
makikita ang
pangunahing tauhan
(Jonalyn Ablong)
kasama ang ilang
miyembro ng
kanyang pamilya
(matatapos nang
masaya ang
graduation)
Mga ilang batang
katutubo na
gumradweyt, mga
ina, sanggol at iba
pang mga batang
sumama sa
graduation at tampok
ang pangunahing
tauhan na si Jonalyn
Ablong

Gumawa ka ng isang iskrip pandiyalogo na maaaring isadula ng pangkat ng


mag-aaral kabilang ka sa loob ng limang minutong pagtatanghal na may temang: Tiwala
ang Tanging Sandigan Pagsisikap at Pagdarasal Upang Malampasan ang Kahirapan.
Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga gawaing inilaan ko
para sa iyo, sagutin mo muna ang Pangwakas na pagtataya para sa araling ito.

VII. PANGWAKAS NA PAGTATAYA:


Isulat ang wastong sagot sa patlang.
1. Ito ay isang uri ng camera shot na sa ibang katawagan ay scene setting.
____________
2. Isang elemento ng pelikula na ang pangunahing konsentrasyon ay ang
pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon
para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
____________
3. May katuturang pelikula totoo at katangian ng isang dokumentaryong
pampelikula upang maipakita ang realidad at aktuwal na pangyayari.
____________
4. Terminong French na ang ibig sabihin ay ang aktuwal na pagtatagpo at pagkuha ng
pangyayari ng isang filmmaker at ng kanyang film subject.
Naging pamamaraan ng mga makabagong direktor sa kasalukuyan. ____________
5. Ito ang mga pelikulang may malayang tema at pamamaraan, sapagkat pangunahing
layunin nito na buksan ang kamalayang panlipunan ng mamamayan.
____________

Natapos mo na ang huling aralin ng modyul na ito. Sa kabuuan naunawaan


mo na ang tungkol sa ibat ibang uri ng panitikang popular mula sa mga
babasahing popular, radyo, telebisyon at maging pelikula. Ngayon, subukin natin
kung talagang naunawaaan mo ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa
modyul na ito na nais kong maiwanan sayo. At masasagot mo na nang tama kung
paano nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular, at
bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino
tungo sa panitikang popular? Bago pa man kita pinasagot sa mga gawain sa
bawat aralin ay tinanong ko na sa iyo sa simula pa lamang.

PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Binabati kita at natapos mo nang buong husay ang tatlong aralin na
nakapaloob sa modyul na ito. Natitiyak ko na naunawaan mo na ang
mahahalagang konsepto tungkol sa mga panitikang popular tulad ng
ibat ibang uri ng print media, radyo, telebisyon at pelikula. Natitiyak ko
rin na alam mo na kung paano nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan
sa panitikang popular. Napag-alaman mo rin na may ibat ibang mga aspeto na
nakaimpluwensiya at nakaapekto kung bakit unti-unting nabago ang mga anyo ng
panitikan mula noong sinauna pang panahon tungo sa kasalukuyan.
Kaugnay nito, nais ko muling subukin ang lawak ng iyong pag-unawa at ang
taglay mong kaalaman tungkol sa bagay na ito. Ito ay masusukat sa sumusunod
na gawain.
Ipaliwanag kung paano nakaapekto at nakaimpluwensiya ang sumusunod na
aspeto o mga bagay sa pagbabago ng mga anyo ng panitikan mula sa tradisyunal na
uri tungo sa mga panitikang popular.
Lengguwahe/Wika

Tradisyunal
na
Anyo ng
Panitikan

Makabagong
Teknolohiya
Mga Suliranin at
Kalagayang Panlipunan

Panitikang
Popular

Prinsipyo at mga
Paniniwala
Batay sa iyong natapos na gawain, buuin ang sumusunod na pahayag

Napag-alaman ko na bilang anyo ng panitikan, ang tradisyunal ay


_________________________. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng
mga pagbabago mula sa tradisyunal na uri ng panitikan tungo sa popular
dahil sa ________________________. Nakatutulong ang panitikang
popular upang __________________. Bilang isa sa mga kabataan,
sisikapin kong ____________________________.
Natugunan mo na ang lahat ng gawain na inilaan sa iyo ng modyul na ito.
Tunay na marami ka ng naipon na kaalaman at higit na ang iyong kahandaan
hindi lamang sa pagsagot ng modyul na ito, ngunit higit sa mas malalim na
pagtingin sa mga kaganapan sa iyong paligid. Bilang isang hamon bakit hindi mo
sikaping higitan ang inaasahan kong magagawa mo. Tunguhin mo ang panuto sa
kasunod na pahina at isagawa ang iniaatang sa iyong gawain.

ILIPAT
Dapat nating maunawaan na lahat ng mga midyum na tinalakay sa
bawat aralin ng Modyul 3, kabilang ang Kompyuter o ICT bilang malaking bahagi
ng Kulturang Popular tungo sa mga Panitikang Popular na umiiral sa kasalukuyan.
Basahin at unawain mong mabuti ang nakaatang na gawain para sa iyo at ng iyong
mga kamag-aral. Basahin ang nakasulat sa loob ng kahon:
Nalalapit na ang Social Awareness Campaign na tatampok ng mga
likhang-sining na tumatalakay sa mga suliraning panlipunang kinasasangkutan
ng kabataan. Bukas ang patimpalak sa lahat at hinihikayat ang mga barangay na
lumahok dahil sa tampok na paksa. Nakita ng pamunuan ng inyong barangay ang
oportunidad ng naturang patimpalak sa pagpapaigting ng responsibilidad at
paninindigan ng kabataan sa inyong baranggay. Ikaw ang pinili ng barangay na
maging kinatawan sa MAF. Bumuo ka ng isang multimedia campaign o
kampanya tungo sa kamalayang panlipunan gamit ang multimedia na
maglalahad sa isang suliraning kinasasangkutan ng kabataan ng inyong
barangay at mga paraan upang masolusyunan ang mga ito. Ang materyal na
iyong bubuuin ay huhusgahan gamit ang sumusunod na pamantayan:
komprehensibong paglalahad, malikhaing paggamit ng wika, kahusayang
teknikal at praktikal na mga rekomendasyon.
Ang iyong mabubuong kampanya tungo sa kamalayang panlipunan o social
awareness campaign ay maaaring ilathala gamit ang ibat ibang midyum na iyong
natutuhan mula sa modyul na ito. Nariyan ang print media na gamit ng mga
kontemporaryong uri ng panitikan gaya ng komiks. Maaari ka rin namang bumuo ng
isang dokumentaryo o documentary clip sa anyong video na siya namang ginagamit
na midyum sa pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula. Maaari
mo ring i-post sa internet ang iyong malilikhang campaign material. Inaasahang
maitatampok sa iyong bubuuing kampanya ang mga suliraning umiiral sa inyong
baranggay at ang magagawa ng mga kabataang tulad mo sa paglutas ang mga umiiral
na suliranin ayon sa inyong taglay na kakayahan at abilidad.
Ngunit bago ninyo ito tuluyang simulan, kinakailangang makalikha kayo ng isang
balangkas sa isasagawang campaign material. Kabilang na rito ang inyong
mahahalagang mga plano para maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito
kung makalilikha kayo ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging
batayan para sa pangkalahatang produkto.

Bago mo tuluyang isagawa ang nakaatang na gawain, narito ang ilang


mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha mo ng iskrip para sa
mga eksena sequence script at iskrip na pandiyalogo
1. Tandaan na ang isasagawa mong iskrip ay dapat na maging
makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala.
2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag
kalimutang maging malikhain.
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin
ang ibat ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang
wastong wika nito.
4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa
pagsulat ng mga diyalogo.
5. Dapat na magkakaugnay ang bawat diyalogo at eksena ng
isang mabisang iskrip.

Narito naman ang magiging pamantayan sa iyong mabubuong campaign


material

Orihinalidad at Pagkamalikhain
Pagkakaugnay ng Diwa at Eksena Linaw ng Kaisipan at Mensahe Epektibong Gamit ng Wika
Aplikasyong Teknikal
-

40 %
20 %
10 %
20 %
10 %
_______
100 %

Kaugnay nito, narito ang mga batayan at pamantayan sa pagmamarka ng


iyong isasagawang proyekto
MGA
PAMANTAYA
N

Kapugaypugay
4

Magaling
3

Umuunlad
2

Nagsisimula
1

Masaklaw na
paglalahad ng
napapanahong
impormasyon

Komprehensibo
at makabuluhan
ang
napapanahong
mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok.

Masaklaw,
makabuluhan
at
napapanahon
ang mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok.

Makabuluhan
at
napapanahon
ang mga
impormasyong
inilalahad sa
materyal
alinsunod sa
paksang
itinatampok
ngunit may
mga detalyeng
hindi nailahad

Natatangi ang
paggamit ng
wika ng
kabataan nang
higit pa sa
inaasahang
pamamaraan sa
materyal.

Masining at
maingat na
nagamit ang
wika ng
kabataan sa
kabuuang
pagpapahaya
g sa nabuong
materyal.

Masining at
maingat na
nagamit ang
wika ng
kabataan sa
karamihan ng
pahayag sa
nabuong
materyal.

May
makabuluhan
at
napapanahon
g mga
impormasyon
g inilahad sa
materyal ukol
sa paksang
itinatampok
ngunit
limitado ang
mga ito.
Masining na
ginamit ang
wika ng
kabataan sa
karamihan ng
pahayag sa
nabuong
materyal
ngunit hindi
maingat ang
paggamit.

Tipong
propesyonal ang
pagkakagawa
sa materyal
dahil sa husay
ng pagtatagpitagpi ng mga
elemento nito.

Taglay ang
lahat ng
kailangang
elemento sa
mabisang
pagbuo ng
materyal.
Naipapamalas
ang
kahusayan sa
teknikal na
pagganap.

Taglay ang
mga susing
elemento sa
mabisang
pagbuo ng
materyal at
naipamalas
ang angkop
na teknikal na
pagganap.

Naipamalas
sa materyal
ang minimal
na antas ng
pagtatagpitagpi ng
elemento at
teknikal na
pagganap.

Ang mga
inilahad na
rekomendasyon
ay
nagmumungkahi
ng kaisipang
pangmatagalan
sa kamalayan
ng madla

Malinaw at
kapakipakinabang
para sa lahat
ang inilahad
na
rekomendasyo
n.

Makabuluhan
ang
karamihan sa
inilahad na
rekomendasyo
n.

May mga
rekomendasy
ong inilahad
ngunit
mabuway
ang mga
iminumungka
hing kaisipan.

Masining at
maingat na
paggamit ng
wika

Mahusay na
aspetong
teknikal

Pagkapraktikal
ng
rekomendasyo
n

MARKA

KABUUANG
MARKA

Matapos mong masagutan at maisagawa ang lahat ng mga gawaing


iniatang sa iyo bilang isang mag-aaral, binabati kita! Isang matagumpay na pagaaral para sa iyo! Tunay na isa kang masipag at matalinong mag-aaral!

VII. PANGWAKAS NA PAGSUSULIT (PARA SA KABUUAN


NG MODYUL 3)
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of
Information Bill na hindi maipasa-pasa sa senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay
Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga
politiko na ipasa yan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI, partner?
Roel: Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan
ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na
transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky:
Naku! Delikado naman pala yan! Eh di magdiriwang na ang
mga tsismosa at pakielamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na
naman yan! Demanda dito, demanda roon!
1. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
a. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang
mga politiko na ipasa yan kahit na nakapikit!
b. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng kalayaan ang
publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksyon ng mga
ahensya ng gobyerno.
c. Naku! Delikado naman pala iyan!
d. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.
2. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may
salungguhit?
a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.
b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.

3. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong


panradyo gaya ng halimbawang nabasa?
a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga
pahayag ng mga personalidad.
c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang
bansa.
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.
4. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ng pananaw mula
sa akda?
a. naman pala
c. sang-ayon sa
b. sabi nga
d. ng mga
5. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang
komentaryong panradyo?
a. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin.
b. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na
pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng isyung
tinatalakay.
c. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu.
d. Lahat ng nabanggit.
Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng
bullying. Ang masaklap pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob
mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga
paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng
pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay
hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang mga
magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa
palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan pinagtatawanan at
minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang
maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang
na paaalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang
iparamdam sa kanila ang pagmamahal, pagpapahalaga at pagtanggap
sa kanilang mga anak.
6. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng
___________.
a.

sanhi at bunga

b.

paraan at layunin

c. paraan at resulta
d. kondisyon at kinalabasan

7. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying?


a.
Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya.
b.

Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.

c.

Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.

d.

Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.

8. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang
na paaalalahanan ang kanilang mga anak. Alin ang nagpapakita ng kaugnayang
lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag?
a.
bunga + sanhi
c. paraan + resulta
b.

sanhi + bunga

d. resulta + paraan

9. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?


a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.

10. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting


ng kamalayang panlipunan?
a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
b. Natatalakay dito ang ibat ibang panig ng isang isyu.
c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong
nabibigyan ng pansin.
d. Lahat ng nabanggit.
(1)

Nais kong linawin ang mga kumakalat na masamang balita laban sa

akin. Akoy wala ginagawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais
na mapag-isa. Tama kayo. (2) Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa
aking bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga
naisusulat. (3) Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito
maririnig at maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang
nagkaroon ng interes sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo
nito. (4) Tungkol naman sa aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa
iyong nakaugaliang paglakad, ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging
kakatwa sa karamihan. Hindi ko lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid
ko na mauunawaan nyo rin ako balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.
Mahinahong paglilinaw ni Mokong Talangka.

11. Sa anong bilang ng talata matatagpuan ang paksa?


a. 1

c. 3

b. 2

d. 4

12. Ang tonong nangingibabaw sa huling pangungusap ay _____________.


a. paghanga

c. pag-asam

b. pananabik

d. kasiyahan

13. Mapapansin na ang layon ng tekstong binasa ay ___________________.


a. manghikayat

c. magbigay-parangal

b. magpaliwanag

d. magbigay-kaalaman

Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang


paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip. Hanggang sa
marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng kaniyang tiyuhin.
Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang binabagtas nang may
marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa
isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya,
narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo na sila. Paroot paritong
nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng
kaniyang tiyuhin. Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na
kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at
may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet.
14. Alin sa sumusunod na pangyayari ang may malapit na kaugnayan mula sa
tekstong binasa?
a. Demolisyon ng mga bahay sa Brgy. Jose Corazon de Jesus sa San
Juan, Metro Manila.
b. Pagputok ng bulkang Pinatubo na naging sanhi ng paglikas ng mga
katutubong Aeta.
c. Pakikipaglaban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita tungkol sa
usapin sa lupa
d. Tensyon sa pagitan ng bansang Tsina at Pilipinas sa isyu ng Panatag
Shoal
e.

15. Anong pinakamalapit na kaisipan ang lumutang sa teksto?


a. Nasa pagtutulungan ng bawat isa ang ikatatagumpay ng anumang
layunin.
b. Kung makikiisa ang lahat, makakamit ang mabuting hangarin.
c. Walang hangad na mabuti ang mga taong sakim sa kayamanan at
kapangyarihan.
d. Hindi nagbubunga ng kabutihan ang anumang kasamaan

EKSENA 10 - Isang Natatanging Pagdiriwang


Kinagabihan, nagdiwang ang buong barangay, nagsaya ang lahat,
inihain sa hapag-kainan ang nahuling baboy-ramo...Doon nagwika ang
kaniyang Apo Bisen Hindi na ako bomoto, sapagkat para sa akin,
hindi ito makapagpapababa at makababawas ng aking pagkatao.
Nagdiwang, nagsaya at nagsipagsayawan ang mga katutubo, kabilang
na si Jonalyn at ang isang batang sumasayaw at sa likuran ng
kaniyang damit ay nakasulat ang mga katagang Babangon ang
Pilipinas
16. Ano ang layunin ng dokumentaryong pampelikula batay sa bahaging nabasa?
a. Ilarawan ang kalagayan ng mga barangay sa Pilipinas.
(Close-Up
Shot ang
ng Camera)
b. Ipakita
kahalagahan ng pagboto upang magkaroon ng pagbabago.
Natapos na ang pagdiriwang...ubos na rin ang inihaing baboy-ramo.
c. Maraming mga mahirap na bayan na hindi na magiging maunlad.
d. Darating ang panahon na uunlad din ang ating bansa.
17. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig ng bahaging may salungguhit?
a. Maraming mamamayan ang hindi nakakaunawa ng kahalagahan ng
pagboto.
b. May mga katutubo na mangmang at hindi marunong magsulat.
c. Masama ang loob ng ilang mga mamamayan sa pamahalaan.
d. Maraming mahihirap na barangay sa ating bansa.
18. Ano ang kinakailangang isagawa sa pagbuo ng isang dokumentaryong
pampelikula?
a. pananaliksik
c. pag-eedit
b. pagdidisenyo ng produksyon

d. lahat ng nabanggit

19. Ano ang mensahe ng pelikula batay sa bahaging nabasa?


a. Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa lipunan dahil sa kamangmangan ng
mga mamamayan.
b. Maraming mga pulitiko ang tiwali at hindi matapat.
c. Mahirap ang maraming mga lipunan sa Pilipinas.
d. May mga lipunan sa Pilipinas na nananatiling masaya sa kabila ng
kahirapan.

20. Aling pangyayari sa akda ang may ipinahihiwatig na mensahe sa mga manonood
batay sa bahaging nabasa?
a. Nagsasayaw ang mga bata sa barangay.
b. Nagdiwang ang buong barangay at nagsaya ang lahat.
c. Natapos ang pagdiriwang ng mga katutubo.
d. Nakasulat sa likuran ng mga bata ang katagang Babangon ang Pilipinas
Binabati kita at matagumpay mong nasagot ang mga gawain sa bawat
aralin ng modyul na ito. Naniniwala akong naunawaan mo ang mahahalagang
konsepto na nais kong iwanan sa iyo na magagamit mo sa iyong pang-araw-araw
na pamumuhay. Naway naging makabuluhan sa iyo ang ginawa nating pag-aaral.
Handang-handa ka na para sa Modyul 4 ito ang tungkol sa awit na FLORANTE
AT LAURA. Muli, maligayang paglalakbay sa pagtuklas ng bagong karunungan.

Anda mungkin juga menyukai