Anda di halaman 1dari 3

Ang Engkantada ng Makulot

Ang mga naninirahan sa munting bayan ng Cuenca ay maligaya,


matahimik at matakutin sa diyos. Ang Cuenca ay tirahan ng mabait na
prinsesang reyna ng Makulot. Siya ay mahiwaga. Ang kanyang
kinalulugdang alaga ay Torong Ginto. Ang Torong Ginto, katulad din
ng pangkaraniwang baka, ay malimit makitangnanginginain ng damo sa
kaparangan.
Ang Torong ito ay siyang tulay ng pag-iibiganat pagmamagandang-loob ng
mga mamamayan at ng prinsesa. Ang prinsesa ay napakabait at
mapagkawanggawa sa mga taong dukha. Dahil sa Torong Ginto
nabibigyan ng salapi ng prinsesa ang mga mahihirap nanangangailangan ng
tulong upang ipagtawid-gutom.
Sila ay dapat may mabutingbudhi't malinis na asal. Nguni't kung ang mga
tao'y mahilig sa pagkakasala walasilang hihintaying gantimpala sa prinsesa.
Lumakad ang mga araw at ang mgamamamaya'y nakalimot sa magandang
halimbawa at malinis na pamumuhay. Dahil diya'y nawalang bigla ang Torong
Ginto. Nawala rin ang prinsesa.
Sakali mang makita ang Torong Ginto, ito'y nangangahulugang
magkakaroon ng gutom, salot, sakit at kung anu-anong sakuna,kaya ang mga

tao ay nagprusisyon, nagdasal, nagpamisa at tumutupad ng sarisaring pangako


sa kanilang mga anitos.
Naging hampas na parusa ng mga anito sa mga taoang paglabas ng
Torong Ginto. Kung makita ang Torong Ginto, ito'y babalang matutuyo ang mga
halaman o di kaya'y magkakaroon ng malaking baha o masamang ani.
Ang raha't lakan ng magkakaratig na balangay ay nagkaisang
tumawag ng pulong. Kanilang isinaalang-alang kung ano ang dapat
gawin upang ang Torong Ginto ay huwag nang makita. Pinagkaisahan ng
lahat na ang pinakamatapang at makisig na binata at subok na kawal ay ialay sa
prinsesa upang maalis ang kanyang galit.
Ang kaawa-awang binata ay itinali sa puno ng kahoy upang
sunugin. Di-umano'y ang usok nito ay isusubo sa Reyna ng Makulot. Anong
pagpapakasakit!
Nang kakanin na ng apoy ang bagong taong ubod ng tapang ay
siyang paglabas ng Torong Ginto sa yungib ng bundok. Sakay rito ang
Engkantada ng Makulot. Iwinagayway ng prinsesa ang kanyang
mahiwagang baston.
Ang binata ay tinangayng hangin at naagaw sa nagngangalit na apoy. Sa
isang iglap ay iniupo siya sa Torong Ginto. Ang prinsesa at binata na kapuwa
sakay ng Torong Ginto ay pumasok sa yungib ng bundok. Ang Torong Ginto mula
noon ay hindi na napakita.

Ang mga mamamayan naman, dahil sa takot na baka sumipot uli iyon, ay
nagbago na rin atnanatiling mabubuting tao.

Anda mungkin juga menyukai