Iisa lamang ang tunay na Diyos na kinilala ng mga manunulat ng Bagong Tipan - ang
Ama. Hindi nila itinuro na si Cristo ang tunay na Diyos.
SA NAKARAAN AY ipinakitang maliwanag sa pamamagitan ng mga katotohanang nakasulat sa
Biblia na ang mga likas na katangian ni Cristo ay naghahayag na hindi Siya ang tunay na Diyos.
Sa pagpapatuloy ng ating pagtalakay, ipakikita sa atin na maging sa mga sulat ng mga apostol ay
makikitang hindi Diyos ang pagkakilala nila kay Cristo sapagkat batid nila na hindi si Cristo ang
iisang tunay na Diyos at Siya (si Cristo) ay hindi kapantay ng Diyos.
Si Cristo ay mababa kaysa sa Diyos
1. Kinilala ni Cristo na sa ganang Kaniyang sarili lamang ay wala Siyang magagawa
"Hindi ako makagagawa ng anoman sa aking sarili: humahatol ako ayon sa aking naririnig: at
ang paghatol ko'y matuwid; sapagka't hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban kundi
ang kalooban niyaong nagsugo sa akin." (Juan 5:30)
Maliwanag na si Cristo ay hindi ang tunay na Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Hindi Siya
omnipotente sapagkat inamin Niyang wala Siyang magagawa sa ganang Kaniyang sarili lamang.
2. Hindi alam ni Cristo ang araw at oras ng paghuhukom
"Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makaaalam, kahit ang mga anghel sa langit,
kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang." (Mat. 24:36)
Maliwanag na iba si Cristo sa tunay na Diyos na nakaaalam ng lahat o omnisiyente. Hindi
nalalaman ni Cristo ang araw at oras ng paghuhukom.
3. Hindi si Cristo ang nagpapasiya kundi ang Ama
"Totoong iinuman ninyo ang Aking saro', sinabi ni Jesus. 'Subalit hindi Ako ang magpapasya
kung sino ang mauupo sa mga trono sa magkabilang tabi ko. Para lamang iyan sa mga
pinaghandaan ng Aking Ama'." (Mat. 20:23, Salita ng Buhay)
Nang hilingin ng ina nina Santiago at Juan na paupuin sila sa Kaniyang kaharian sa kaliwa at sa
kanan ni Jesus, malinaw ang isinasagot ng Panginoon, "hindi Ako ang magpapasya kundi ang
Aking Ama."
"Nang panahong yaon ay sumagot si Jesus at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama,
Panginoon ng langit at ng lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at
matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol." (Mat. 11:25)
"At lumakad siya sa dako pa roon, at siya'y nagpatirapa at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko,
kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko,
kundi ang ayon sa ibig mo." (Mat. 26:39)
"Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata a langit, ay
sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay
luwalhatiin ng Anak." (Juan 17:1)
"At si Jesus, na sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama sa mga kamay mo ay
ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga." (Lucas 23:46)
3. Sa Ama ni Cristo ikinakapit ang salitang "Diyos"
Ang salitang "Diyos" ay hindi ikinapit kay Cristo ng mga manunulat ng Bagong Tipan, kundi sa
Ama ng ating Panginoong Jesucristo:
"Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang
Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo." (Roma 15:6)
"Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at
Dios ng buong kaaliwan." (II Cor. 1:3)
"Ang Dios at Ama ng Panginoong Jesus, na mapalad magpakailan pa man, ang nakakaalam na
ako'y hindi nagsisinungaling." (II Cor. 11:31)
"Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyaong nagpala sa atin ng
bawa't papapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo." (Efe. 1:3)
"Nagpapasalamat kami sa Dios, na Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo'y laging
idinadalangin." (Col. 1:3)
"Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking
awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na
maguli ni Jesucristo sa mga patay. (I Ped. 1:3)
Pansinin natin na hindi si Cristo ang tinatawag na Diyos. Bukod dito, ang Diyos na tinatawag ni
Cristo na Kaniyang Ama ay Siya ring Diyos na tinatawag ding Ama ng mga unang Cristiano:
"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong
Jesucristo." (I Cor. 1:3)
"Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong