Anda di halaman 1dari 2

Mga Katanungan:

1. Para sa iyo ano ang Presensya ng Diyos? Kailan at paano mo


masasabing naranasan mo ang presensiya ng Diyos sa iyong buhay.
2. Kailan mo nararanasan ang mga pagkakataong ikaw ay nag-aalinlangan
sa presensiya ng Diyos sa iyong buhay? Ano ang iyong ginagawa upang
mapagtagumpayan ito at mapalitan ng matatag na pananampalataya?

C H U R C H
M E M B E R S H I P
Pagiging Kabahagi Ng Iglesya
January 24, 2016

A Call To Worship
(Panawagan Sa Pagsamba)

3. Magbigay ng halimbawa ng iyong paraan upang mapukaw ang


damdamin ng kapatid at gumawa sya ng mabuti.

Ang Diyos ang Makapangyarihang Hari


4. Ano ang iyong motibasyon upang maging mapagpatuloy sa pagtitipon?
Gaano kahalaga sa iyon ang pagtitipon?

Purihin ang Panginoon, awitan ng bagong awit;


Si Yahweh ay papurihan nitong lahat sa daigdig!
2Awitan ang Panginoon, ngalan niya ay purihin;
Araw-araw ang ginawang pagliligtas ay banggitin.
3Kahit saa'y ipahayag na si Yahweh ay dakila,
Sa madla ay ipahayag ang dakila niyang gawa.
1

Si Yahweh ay tunay na dakila, marapat na papurihan


Higit sa sinumang diyos, siya'y dapat katakutan.
5Ang diyos ng sanlibuta'y pawang mga diyus-diyusan;
Si Yahweh lang ang may likha ng buong sangkalangitan.
6Naliligid siyang lagi ng dangal at kabanalan,
Ang lubos n'yang kagandahan ay sa templo mamamasdan.
4

Church Membership
Pagiging Kabilang Sa Iglesia
Lesson 1
v20Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko,
naroon akong kasama nila."
Mateo 18:20

Hebreo 10:19-25
19Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan

dahil sa dugo ni Jesus.

20Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buhay na daang naglalagos hanggang sa

kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan.

21Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos.

Mga Pangunahing Elemento Sa


Pagiging Miembro Ng Iglesia Ng Panginoon
Prebilehiyo At Responsibilidad
(Part 2)
1. Pagiging Miembro ay paglapit sa Presensiya Ng Diyos.
1 Corinto 14:24-25
v24Ngunit kung ang lahat ay nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos, at dumating
doon ang isang di nakakaunawa, o di sumasampalataya, makikilala niyang siya'y
makasalanan, madarama ang kanyang tunay na kalagayan, v25at malalaman niya ang
mga lihim ng kanyang puso. Kaya't luluhod siya, sasamba sa Diyos, at sasabihing,
"Talagang ang Diyos ay nasa inyo."

22Kaya't lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya
sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at
hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan.

2. Pagiging Miembro ay paglapit na may tapat at matibay na pananampalataya, at


matatag at walang alinlangan na Pag-asa sa Diyos.

23Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang
nangako sa atin ay maaasahan.

24Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa

paggawa ng mabuti.

3. Pagiging Miembro ay mayroong pagsisikap na pukawin o gisingin ang


damdamin at pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.

25Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan.

Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang
araw ng Panginoon.

Reader: Ito ang Salita Ng Diyos !


Lahat: Basbasan Ng Diyos Ang Kanyang Salita!

4. Pagiging Miembro ay mapagpatuloy sa pagtitipon sa pagpapatibay at


paghihintay sa Araw ng Panginoon.

Anda mungkin juga menyukai