Anda di halaman 1dari 8

BASIC ED-FRM-002

ST. PAUL UNIVERSITY, QUEZON CITY


Aurora Blvd., corner Gilmore Ave., Quezon City
KAGAWARAN NG BATAYANG EDUKASYON
T.P. 2015 2016
GABAY SA PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN 4
Unang Markahan

YUNIT 1: Ang Aking Bansa


NILALAMAN: Pagkilala sa Bansa

DURASYON: 4 na Pagkikita
PETSA:

MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO

natatalakay and konsepto ng


bansa

nakapagbubuo ng kahulugan
ng bansa

naipapaliwanag na ang
Pilipinas ay isang bansa

PAGTATASA
Pangkabatiran (Knowledge)
Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi
ng katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa.
1. May mga mayayamang naninirahan sa bansa.
2. Pinamamahalaan pa ng ibang bansa.
3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang.
4. Nagtataglay ito ng sariling pamahalaan.
5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at
katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa
itaas nito.
Proseso at Kasanayan (Process and Skills)
Suriin ang isang maikling tula at hanapin ang mga
salitang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa.
(Magbibigay ng kopya ng tula sa bawat mag-aaral)
Pag-unawa (Understanding)

Nananatiling Pag-unawa (EU)


Ang bansa ay lugar o teritoryo na may
naninirahang mga pangkat ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung
saan makikita ang iisa o pare-parehong wika,
pamana, relihiyon at lahi. Ang Pilipinas ay isang
bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may
sariling teritoryo, may pamahalaan at may ganap
na kalayaan.

MGA GAWAIN
Unang Pagkikita:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Panimula
Balitaan
Magbahagi ng mga mahahalagang kagananpan sa ating
bansa sa panahon ngayon.
Balik-aral
ARTE MO!
Bumunot ng isang papel na naglalaman ng mga salita
kaugnay sa mga gawain tuwing Morning Assembly.
Ipakita sa klase ang wastong posisyon o tindig ng
salitang mabubunot.
Paglalahad ng mga Layunin
Inaasahan na:
1. naisusulat sa papel ang pangalan ng isang bansa
2. nasusuri anmg konsepto ng isang bansa sa
pamamagitan ng isang laro
3. nakabubuo ng kahulugan ng bansa

PAGPAPAHALAGA
Ubod Pagpapahalaga:
Nakapagbibigay ng mga
mahalagang impormasyon at
pangyayari sa ating bansa
(Community)
Gawain:
Iugnay ang tekstong iskriptural
sa natapos na Gawain sa
pamamagitan ng Think-PairShare.
Anak ko, huwag mong
lilimutin ang anking pangarap,
ingatan mo sa puso ang aking
tuntunin.
-Kawikaan 3:1

Pangganyak
TRAVEL-LOG
Isulat sa kapirasong papel ang pangalan ng bansa na
iyong nalalaman o nais mapuntahan maliban sa Pilipinas
sa loob ng tatlumpung (30) segundo. Matapos nito,
ibahagi sa klase ang bansang napili mo.

Araling Panlipunan 4, Gabay sa Pagtuturo Pahina 1 ng 8

MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO

PAGTATASA

Mahahalagang Tanong (EQ)


Paano nakaaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang
pagtukoy sa Pilipinas bilang isang bansa?

Pagganap at Produkto (Performance/ Product)

Paglilipat/Pagsasabuhay ng Mithiin
Nagagamit ang mga kaalaman sa kasanayang
pangkasaysayan sa pamamagitan ng pagbuo ng
slogan.

Gawaing Pagganap
Bumuo ng pangkat na may tatlong kasapi. Bumuo
ng isang slogan ukol sa pagiging bansa ng
Pilipinas. Ipaliwanag sa klase ang binuong slogan.
Mamarkahan ang binuong slogan batay sa mga
sumusunod na pamantayan:

MGA GAWAIN

PAGPAPAHALAGA

Panlinang
Paglalahad ng Konsepto
SAKAY, LAKBAY, SALAKAY!
Bumuo ng isang malaking bilog na nakaharap sa loob
nito. Ilapag sa inyong harap ang sinulatang papel. May
isang taya na magsasabi ng mga salitang: sakay, lakbay
at salakay. Kapag sinabing Sakay! kailangan ninyong
tumalikod sa bilog at kapag sinabing Lakbay! kailangan
ninyong umikot pakanan. Kapag sinabi naming Salakay!
Kailangan ninyong huminto sa tapat ng mga papel na
may nakasulat na bansa. Ang walang matatapakan na
papel ay hindi na kasali at makakaupo na.
Pagpapalalim ng Konsepto
Ilahad ang pagsusuri sa gawain sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gabay na tanong:
a. Ano-ano ang mayroon sa laro na inyong ginawa?
b. Kung wala ang mga bagay na bumubuo sa laro,
magagawa kaya ang laro?
c. Sa mga natanggal sa laro, ano ang naramdaman
ninyo?
d. Sa mga nanatili sa laro, ano ang naramdaman ninyo?
e. Bakit mahalagang makapuwesto ka sa tapat ng papel
na may nakasulat na bansa? (MT)
Pangwakas
Pagbubuo
FILL ME UP
Punan ng mga salita ang pahayag upang makabuo ng
isang pangungusap.
Ang isang bansa ay ______________________.
Kasunduan
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng katangian
ng Pilipinas bilang isang bansa. Ilagay ito sa isang short
bond paper at maghanda sa pagbabahagi sa susunod na
pagkikita.

Araling Panlipunan 4, Gabay sa Pagtuturo Pahina 2 ng 8

MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO

PAGTATASA

MGA GAWAIN

PAGPAPAHALAGA

Ikalawang Pagkikita:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Panimula
Balitaan
Magbahagi ng mga mahahalagang kagananpan sa ating
bansa sa panahon ngayon.
Balik-aral
(Maghanap ng awit tungkol sa mga bansa)
Paglalahad ng mga Layunin
Inaasahan na:
1. natatalakay ang konsepto ng bansa
2. nakabubuo ng kahulugan ng bansa
3. naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
Pangganyak
SULAT IN A MINUTE
Sa loob ng isang (1) minuto, isulat sa pisara ang mga
salita na maaring iugnay sa salitang:
BANSA
Panlinang
Paglalahad ng Konsepto
PANGKATANG GAWAIN:
Magpangkat sa anim (6), talakayin ang mga paksa
batay sa mga sumusunod na gawain:
Pangkat 1 at 2- Basahin ang mga pangungusap at
tukuyin kung alin sa mga ito ang
nagpapaptunay na ang Pilipinas
ay isang bansa
Pangkat 3 at 4- Ilarawan ang mga elementong dapat
taglayin ng isang lugar upang matawag
itong bansa sa pamamagitan ng pagguhit
ng simbolo sa short bond paper
Pangkat 5 at 6- Suriin ang isang maikling tula at hanapin
ang mga salitang nagpapatunay na ang
Pilipinas ay isang bansa

Araling Panlipunan 4, Gabay sa Pagtuturo Pahina 3 ng 8

MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO

PAGTATASA

MGA GAWAIN

PAGPAPAHALAGA

Pagpapalalim ng Konsepto
Ilahad ang pagsusuri ng inyong pangkat sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga gabay na tanong:
a. Paano masasabing ang isang lugar ay isang bansa?
b. Bakit tinawag na bansa ang Pilipinas?
c. Batay sa mga tinalakay, paano bibigyang kahulugan
ang salitang bansa?
Pangwakas
Pagbubuo
FILL ME UP
Punan ng mga salita ang pahayag upang makabuo ng
isang pangungusap.
Ang Pilipinas ay isang bansa dahil,
______________________.
Kasunduan
Gumawa ng isang poster na nagpapakita na nagpapakita
ng katangian ng Pilipinas bilang isang bansa. Ilagay ito
sa isang short bond paper at maghanda sa pagbabahagi
sa susunod na pagkikita.
Ikatlong Pagkikita:
Lagumang Pagsusulit Bilang 3: Patakarang Kolonyal ng
Estados Unidos at Pilipinisasyon
Panimula
Balitaan
Magbahagi ng mga mahahalagang kagananpan sa ating
bansa sa panahon ngayon.
Balik-aral
DUGTUNGAN TAYO!
Dugtungan ang pangungusap:
Sa nakaraang talakayan, nalaman ko na ________

Araling Panlipunan 4, Gabay sa Pagtuturo Pahina 4 ng 8

MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO

PAGTATASA

MGA GAWAIN

PAGPAPAHALAGA

Paglalahad ng mga Layunin


Inaasahan na:
1. nasasagutan ang 90% ng mga katanungan na
inihanda ng guro
2. nasasagutan ang bahagi ng batayang-sanayang aklat
na kaugnay sa paksa.
3. napahahalagahan ang katapatan sa pagkuha ng
pagsusulit
Pangganyak
Ipaliwanang ang kasabihahan:
Honesty is the Best Policy
Panlinang
Paglalahad ng Konsepto
Makinig ng mabuti sa panuto ukol sa inyong lagumang
pasgsusulit at sa Gawain sa inyong aklat.
Pagpapalalim ng Konsepto
Sagutan ng maayos at tahimik ang lagumang pagsusulit.
Sagutan ng maayos at tahimik ang batyayang-sanayang
aklat.
Pangwakas
Pagbubuo
Magpalitan ng aklat upang maiwasto ang mga sagot sa
gawain ngayon araw.
Kasunduan
Magsaliksik sa mga iba pang aklat o sa internet ukol sa
mga patakarang kolonyal ng Estados Unidos. Isulat ang
inyong sinaliksik sa kwaderno kasama ang tala ng
sanggunian. Maghanda sa pagbabahagi sa susunod na
pagkikita.

Araling Panlipunan 4, Gabay sa Pagtuturo Pahina 5 ng 8

MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO

PAGTATASA

MGA GAWAIN

PAGPAPAHALAGA

Ikaapat na Pagkikita:
Pagsupil sa Nasyonalismong Pilipino
Panimula
Balitaan
Magbahagi ng mga mahahalagang kagananpan sa ating
bansa sa panahon ngayon.
Balik-aral
Punan ng impormasyon ang graphic organizer ukol sa
nakaraang aralin sa loob ng isang (1) minuto.
Paglalahad ng mga Layunin
Inaasahan na:
1. nailalahad ang saloobin ukol sa mga ginawang
pagsupil sa nasyonalismong Pilipino
2. naipapaliwanag ang ilang paraan upang labanan ang
mga Amerikano gamit ang mga piling larawan
3. nakabubuo ng simbolismo ukol sa pagsupil sa pagsibol
ng nasyonalismo sa pamamagitan ng pangkatang
gawain.
Pangganyak
Piliin sa pisara ng mga larawan na maaring magamit
upang magtagumpay ang mga Pilipino sa labanan
sa mga Amerikano.
Panlinang
Paglalahad ng Konsepto
Kayo ay pagpapagkat-pangkatin sa anim (6) upang
bumuo ng isang simbolismo gamit ang cartolina at mga
pangkulay na mamglalarawan sa pagsupil ng mga
Amerikano sa pagsibol ng nasyonalismo ng mga Pilipino.
Bago magpatuloy, basahin at unawain ang mga
pamantayan sa pagmamarka na nakapaloob sa
PowerPoint slide.

Araling Panlipunan 4, Gabay sa Pagtuturo Pahina 6 ng 8

Pagpapalalim ng Konsepto
Ilahad ang pagsusuri ng inyong pangkat sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga gabay na tanong:

MGA KASANAYAN SA
PAGKATUTO

PAGTATASA

MGA GAWAIN

PAGPAPAHALAGA

a. anu-ano ang mga istratehiya na ginamit ng mga


Amerikano upang masupil ang pagsibol ng
nasyonalismo sa Pilipinas?
b. Bakit kailangan masupil ng mga Amerikano ang
pagsibol ng nasyonalismo sa bansa?
c. Paano nakaapekto ang pagsupil na ginawa sa lalong
paggising ng damdaming makabansa ng mga
Pilipino? (MT)
Pangwakas
Pagbubuo
Dugtungan ang pahayag:
Sa kabila ng pagsupil sa nasyonalismo,
ang mga Pilipino ay _______________.
Kasunduan
Magdala ng short bond paper at mga kagamitang
pangkulay sa susunod na pagkikita.
Mga Sanggunian:
MGA NAKALIMBAG
Batayang Aklat

Viloria, Ed.D, et.,al. (2014). Isang Bansa Isang Lahi. Quezon City:Vibal Publishing House
Iba pang Pinagsangguniang Sipi at Aklat
Kagawaran ng Edukasyon (2013). K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurikulum. Pasig City, Philippines
Agno, L. N., (2010). Kultura, kasaysayan at kabuhayan. Quezon City: Vibal Publishing .
Antonio, E. D., Banlaygas, E. L. & Lagarto, J. L. (2013). Kayamanan 6. Manila: Rex Publishing House.
Baisa-J. A. G., Cortez, M.M & Lontoc, N. S.(2013). Lakbay ng lahing Pilipino. Quezon City: Phoenix Publishing House.
Hornedo, F. H. (2001). Ideas and ideals: Essays in Filipino Cognitive History. Manila: UST Publishing House.
Manuel, Arsenio.(1994). Documenting Philippine Asian. Quezon City: New Luna Press.
Pelingo, L.R., Sablaon, E. R. (2010). Ang Lahing Pilipino, Dakila at Marangal.Manila: Rex Publishing House.

Araling Panlipunan 4, Gabay sa Pagtuturo Pahina 7 ng 8

Inihanda at Ipinasa nina:

Iniwasto ni:

G. JUSTIN J. ESMAA at BB. CIELO CAMILLA A. TAMARES


Mga Guro, Araling Panlipunan
Petsa:

Sinuri at Pinagtibay ni:


BB. MA. THERESA M. DADIVAS
STL, Araling Panlipunan

Petsa:

GNG. EVANGELINE A. SORIANO


ATL, Batayang Edukasyon
Petsa:

Araling Panlipunan 4, Gabay sa Pagtuturo Pahina 8 ng 8

Anda mungkin juga menyukai