Anda di halaman 1dari 7

Araling Panlipunan IV

Problema ng Lipunan
Aaron Kaiser V. Garcia
Felipe de Leon- Lazaro Francisco

Traffic sa Kalakhang Maynila


Ang Pilipinas ay nawawalan ng tatlong
bilyong piso ($64 million) sa ating
ekonomiya bawat araw dahilan sa
malalang trapiko sa kalakhang Maynila.

Mahinang Implementasyon ng
Batas
Maraming magagandang batas sa ating bansa
ngunit hindi malakas ang pagpapatupad nito sa
ating bansa. Karamihan sa mga opisyal ng
gobyerno ay hindi pinatutupad ng maayos ang
batas at sinusuway pa ang mga ito.

Kakulangan sa Enerhiya
Sa Mindanao, hindi pa rin matugunan ang
problema sa enerhiya. Nag aangkat tayo ng langis
mula sa ibang bansa upang matugunan ang
paggawa ng enerhiya sa ating bansa. May mga
magagandang paraan upang matugunan ang
problema sa enerhiya na hindi na gumagamit ng
fossil fuel at paggastos ng bilyong piso ng
pamahalaan.

Maynila bilang Sentro ng Pilipinas

Dahil sa klase ng ating gobyerno, ang Maynila ay


kinikilalang sentro ng Pilipinas. Ang halos lahat ng
pondo ng gobyerno ay napupunta sa kalakhang
Maynila. Hindi nabibigyan ng malaking pondo ang
mga rehiyon na malayo dito tulad ng mga rehiyon
sa Visayas at Mindanao.

Ibat- ibang Kultura at


Tradisyon ng mga Pilipino
Ibat-iba ang kultura ng mga Pilipino. Ngunit hindi lahat ng mga
kulturang ito ay nairerepresenta sa Kongreso at sa Senado. Mas
marami pa ring mga nagrerepresenta na Kristiyano kaysa sa mga
Muslim sa mataas na gobyerno. Ang mga pribilehiyo at mga batas
ay mas pumapanig sa mga Kristiyano.
Hindi rin napagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang mga maliliit na
mga komunidad ng mga katutubo sa ating bansa.

Transisyon sa bagong administrasyon


Sa pagtatapos ng halalan, may bago na ulit na presidente
ang Pilipinas. Sa kanyang panunungkulan, ipapatupad niya
ang pagkakaroon ng Federal Republic sa ating bansa. Ang
mga rehiyon ang magiging mga estado ng ating bansa.
Ang ideyang ito ay ipinatupad upang mas matutukan and
mga ibat-ibang etniko sa ating bansa at para magkaroon
ng pagkakapantay-pantay sa pondo ang bawat estado.
Ang Ilocos, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon,
Calabarzon, Bikol, Kanlurang Visayas, Silangang Visayas,
Central Visayas, Kanlurang Mindanao, Hilagang Mindanao,
Caraga and Timog Mindanao ay magiging estado.