Anda di halaman 1dari 4

Ang larawan sa itaas ay isang tipikal na senaryo sa ating bansa.

Ang aborsyon o pagpapalaglag


ng isang sanggol ay pinaparusahan ng mahigit na anim na taon ng pagkakabilanggo ayon sa
Revised Penal Code ng ating bansa ngunit bakit marami ang sumasailalim sa mga ganitong
operasyon at marami pa rin ang mga nagsasagawa nito? Ang aborsyon din ay kinokontrahan
din ng Simbahang Katolika dahil itinuturing itong gawain ng makakasalanan. Bakit marami pa
rin ang sumasailalim sa operasyong ito dito sa itinuturing maka-Diyos na bansa?
Ang aborsyon ay kaugnay rin ng mga di-inaasahang pagbubuntis at maagang pagbubuntis.
Ayon sa statistika, mahigit na 1.43 milyong Pilipina ang dumaranas ng mga di-inaasahang
pagbubuntis. (Ang ganitong mga sitwasyon ay babalik rin sa mainit na usapin tungkol sa RH Bill
na ipinagbabawal din sa ating bansa, ngunit tama bang iasa sa mga contraceptives ang pagiingat ng mga kababaihan? Sa tingin ko, hindi.) Sa 1.43 milyong kababaihang nabanggit, 54%
dito ayang mga nagpalaglag ng kanilang mga dinadala. Bawat isa sa kanila ay may sari-sariling
dahilan at ang lahat ng ito ay kaugnay sa kahirapan. May mahigit na 473,000 na kaso ng
aborsyon taun-taon, ayon sa statistika at sa tuwing tinatanong kung bakit sila nagpapalaglag,
72% ang bumabanggit ng gagastusin sa pagpapalaki ng bata, 54% ang nagsasabing masyado
na silang marami sa pamilya at 57% ang nagsasabing masyado raw maagang nasundan ang
huli nilang ipinagbuntis. Ngunit dapat din nating isipin na tayo ang responsable sa ating mga
ginagawa. Wala namang nabubuntis nang hindi nalalalaman kung pano sila nabuntis.
Imposibleng walang nangyare bago nabuntis ang isang babae. Dapat panagutan ng mga
magulang ang kanilang mga anak kahit na hindi pa ito naisisilang.
Ayon sa mga dalubhasa, isang mapanganib na operasyon ang aborsyon. Ang mga
kababaihang sumasailalim dito ay nilalagay ang kani-kanilang mga buhay at kalusugan sa
peligro dahil sa mga komplikasyong maidudulot nito. Ang mga komplikasyong maaaring
maranasan sa pagpapalaglag ay: hemorrhage o pagsuka ng dugo, sepsis, peritonitis, trauma sa
cervix, vagina, uterus, at sa mga abdominal parts. Noong 2008, mahigit na 90,000 kababaihan
ang nakaranas ng mga komplikasyon ng aborsyon at 1,000 rito ang namatay.
Alam kong hindi lamang ang mga babaeng buntis ang nagpasyang sumailalim sa ganoong mga
operasyon. Alam kong ang isang Pilipina ay takot sa hirap na dadanasin ng pagpapalaglag.
Makukunsensya ito dahil ang nilalang sa kanyang sinapupunan ay kanyang anak na kumakapit,
nagtitiwala at umaaasa sa kanyang ina na bibigyan niya ito ng magandang buhay. Marahil ay
isang daang beses pa ito pinag-isipan ng babae bago niya ito ipalaglag o kumokonsulta siya sa
mga malalapit sa kanya. Ang pagpapalaglag ng bata ay dala lamang ng takot at ng kahirapan,
ngunit marami itong kapalit. Una rito ay ang parusa mula sa Diyos, ikalawa ay ang parusa na
dala ng kunsensya, at ikatlo ay parusa na dala ng batas. Dapat nating isipin na tayo rin ang
gumagawa ng ating sariling ikababagsak. Dapat lagi tayong humihingi ng tulong sa Diyos upang
harapin ang bawat problemang dumarating. Ang aborsyon ay hindi ang solusyon.

The state recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the
family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the
mother and the life of the unborn from conception.
-Article 2, Section 12 of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines
http://filproj1-aborsyonsapinas.blogspot.com/

Bakit marami sa ating mga kababayan ang gustong magpalaglag ng sanggol na


kanilang ipinaglilihi? Karamihan ay dahil sa kahirapan: hindi nila kayang suportahan
ang sanggol. Ngunit kung hindi nila kaya, bakit nabuntis ang babae?

Ang sagot: walang wastong family planning. Sa makatuwid, para maka-iwas


sa sitwasyon ng pagsisisi, dapat gawin ang ABC: Abstinence (Pag-iwas sa
Pakikipagtalik) Birth Control o Family Planning at Condom Use o paggamit ng
condom. Tandaan na ang aborsyon ay hindi lamang responsibilidad ng babae, kundi
ng lalaki rin. Dapat ang lalaki ay gumamit ng condom o suportahan ang babae sa
paggamit ng pills o iba pang paraan ng family planning.

Ang Kalusugan.PH, bilang isang website na dedikado sa kalusugan ng bawat


Pilipino, ay hindi sumasang-ayon sa aborsyon, sapagkat itoy nakakasasama
hindi lamang sa baby na magiging biktima ng aborsyon, pati narin sa nanay. May
mga kasong kontrobersyal, kung saan ang aborsyon ay ang tanging paraan para
mailigtas ang babae. Sana magkaroon ng batas na papayag sa ganitong mga kaso,
ngunit ang mga ito ay exception sa prinsipyo.

Una, sapagkat ang aborsyon ay ipinagbabawal sa Pilipinas, walang sinumang


doktor, midwife, o hilot na lisensyadong gumawa ng procedure na ito. Hindi ka
makakatiyak kung ligtas ba o wasto ang paraan na gagawin nila. Mas lalalong hindi
ligtas ang sari-saring mga gamot gaya ng Cytotec o instrumentong maaaring mabili
sa Quiapo o irekomenda ng kung sino-sino. Marami nang kaso ng septic abortion na
ikinamatay ng mga babae: kaya nagkakaroon ng septic abortion ay dahil may
natirang bahagi sa loob ng matris na siyang naging ugat ng impeksyon sa buong
katawan.

Pangalwa, mabigat ang psychological stress na dadalhin ng isang babaeng nagpaabort, lalo na kung nasa bandang dulo na ng pagbubuntis. Ayon sa batas at ayon sa
paniniwala ng karamihan ng mga Pilipino, ang buhay ay naguumpisa sa pagsasama
ng sperm ng lalaki at egg cell ng babae. May mga hindi sumasang-ayon dito pero
lahat ng tao ang nagkakasundo na ang aborsyon ay isang hindi kanais-nais na
karanasan at dapat gawin ang lahat para itoy maiwasan.

Muli, para maiwasang mapapunta sa sitwasyon kung saan ang pagdadalang-tao ang
pinagsisisihan at ang aborsyon ay pinag-iisipan, mag-family planning! Gumamit ng
condom, pills, o iba pang. At umiwas sa pakikipagtalik sa kung kani-kanino.

http://kalusugan.ph/%E2%80%9Cpampalaglag-ng-bata%E2%80%9D-aborsyon-sapilipinas-at-bakit-ito%E2%80%99y-nakasasama/

Ang Epekto ng Pagpapalaglag: Post-Abortion Syndrome


Maraming dahilan kung bakit ang babae ay nagpapalaglag o nakukunan. Maraming paraan din
ang maaaring gamitin sa pagpapalaglag.
Ngunit higit sa lahat, marami ang epektong nararananasan ng mga kababaihan matapos
magpalaglag katulad ng :

matinding kalungkutan

major depression o gustong magpakamatay

hindi makatulog

nakakatakot ang mga panaginip

binabalisa maghapon o sa mahabang panahon

galit at madaling mainis, lalo na sa mga bata o sa mga lalaki

bisyo-alak, sigarilyo, droga, sugal, sobrang kain o walang ganang kumain

mababang pagtingin sa sarili at hindi nakakatagal sa isang relasyon

nakikipagrelasyon sa iba-ibang lalaki

http://proliferesources.blogspot.com/2008/01/ang-epekto-ng-pagpapalaglagpost.html

Anda mungkin juga menyukai