Anda di halaman 1dari 2

Ang karunungang bayan ay tumutukoy sa isang klase o uri ng panitikang idinadaan sa

maraming paraan ng pagsasagot o paghuhula gaya ng paraang gawin ito sa bugtong na


kailangan ng malalim na pagiisip at pwede rin itong idaan sa panitikang salawikain o
maga idyomatikong salita na may mas malalim na kahulugan kesa sa literal na
kahulugan nito

Salawikain Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda,


nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa
batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga.
1.) Naghangad ng kagitna
Isang salop ang nawala.
2.) Kapag aali-aligid ang lawin
Tangkang may daragitin
3.) Kapag taimtim sa loob,
Nagiging mabisa ang paghulog.

Bugtong Inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng


mabisang pag-iisip.
1.) Binaltak ko ang baging
Nagkakarang ang matsing. (Kampana)
2.) Ang manok kong pula
Umakyat sa puno ng sampaka
Ng umuwi ay gabi na.

(Araw)

3.) Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.

(Saging)

Palaisipan Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong,


ito ay nangangailangan ng talas ng isip.

1. Puno ay buku-buko, Dahon ay abaniko, Bunga ay parasko Perdegones ang mga buto.
Sagot: PAPAYA
2. Hindi tao, hindi hayop, May taingat may buhok.
Sagot: MAIS
3. Nagtanim ako ng dayap Sa gitna ng dagat, Marami ang nagsihanap Iisa lamang ang
nagkapalad.
Sagot: PAGLILIGAWAN

Kasabihan o kawikaan Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga


maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa
ating pangaraw-araw na pamumuhay. Pinalalaganap ng mga nakatatanda ang mga
salawikain, kawikaan, at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata ukol sa
angkop na pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa kapwa, at sa tahimik at
masayang pamumuhay.
1. Ang babaeng salawahan,
Hindi dapat pagpaguran.

2. Ang puri ng dalagay parang Kristal


Nawawalang halaga kapag nalamatan.

3. Kay tagal namili,


Nauwi sa bungi.

Anda mungkin juga menyukai