Anda di halaman 1dari 2

Ang kahalagahan ng edukasyon sa kabataan

Ni Harrienica Hofilena
tinamnan ng binhi. Kung ang lupa ay alaga sa pataba, higit ding lulusog
ang binhing tumutubo rito. Tutubuan ito ng malala-king ugat na hindi
mabubuwag ang pagkakakapit
sa lupa. Magkakaroon ito ng matibay na pundasyon at hindi mabilang na
mga sanga kung saan tutubo ang malalago nitong dahon at ang malalaki
nitong bunga.
Ang binhing aking tinutukoy ay ang kabataan. Ang kanilang kinabukasan
ay nakasalalay sa kanilang edukasyon.
Sa tulong ng mga magulang, mga kaibigan at lalung-lalo na ng mga guro,
lumalago ang kanilang kaalaman sa iba't ibang larangan. Ang mga
natutununan ay makatutulong sa kanila hanggang sa kanilang pagtanda.
Ang kailangan lang gawin ng kabataan ay buong pusong tanggapin ito sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti at pagsasabuhay nito. Kung
lubos na maiintindihan ng bawat mag-aaral ang tunay na kahalagahan ng
edukasyon, maiiwasan sana ang mga karaniwang suliraning hinaharap ng
kabataan ngayon gaya ng hindi planadong pagkabuntis, maagang
pag-aasawa at pagtigil sa pag-aaral.
Ang edukasyon ay isang bagay na hinding-hindi maaagaw ninuman.
Ito ay kailangan upang maisakatuparan ang pangarap ng isang bata. Sa
pamamagitan nito, siya ay nahuhubog upang magkaroon ng matatag na
pundasyon nang sa gayon ay hindi ito manghina ni masira sa pagharap
nito sa mga pagsubok at suliranin ng buhay. Sa pamamagitan din ng
edukasyon, lumalago ang karunungan ng bata at hindi lamang limitado sa
akademiko.
Ito rin ay nagiging daan upang ang isang bata ay makapulot ng gintong
aral na tatatak sa kanyang buhay.
Kung magagamit ng isang bata ang kanyang karunungan nang wasto at
lubos, siya ay magiging isang mahalagang bahagi ng kanyang pamilya,

ng kanyang lipunan at ng inang bayan.


Isa sa magandang proyekto ni Jose Rizal ay ang pagpapatayo ng paaralan
dahil naniniwala siya na sa sa pamamagitan ng edukasyon, ito ang
magiging daan sa mga kabataan na maiangat sila para sa mas mabuting
kinabukasan sapagkat kung may pinag-aralan mas makakahanap ng mas
magandang trabaho na tulay rin tungo sa matiwasay at pagkakaroon ng
magandang kinabukasan.
Di nga ba't ang mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan? Kaya dapat
lang na magkaroon ng tama at angkop na edukasyon para naman ang
pangarap ng ating mga ninuno na mabuting kinabukasan para sa bayan
ay makamtan.

http://www.ssam.edu.ph/news%20bh/Ang%20kahalagahan%20ng
%20edukasyon.html

Anda mungkin juga menyukai