Anda di halaman 1dari 10

Ang Epekto ng Kronolohiyang Bilang sa Pagkapanganak sa Grado ng mga Mag aaral

ABCO-1A
G. Raffy Santos
La Salle College Antipolo

Jamille Myca U. Alteza Student #4

Marso 3, 2016

I.

Panimula

Ang edukasyon ay ang susi sa maginhawang buhay, ika nga, ito ay ang magbibigay sa mga
kabataan ng higit na kaalaman upang maging mga propesyonal. May mga bagay bagay na
nakaka apekto sa mga grado ng studyante, katulad nalang ng pamilya, kaibigan, mga panlipas
ng oras at iba. Ang pananaliksik na ito ay nais malaman ang kapasidad ng mga studyante sa
Math, Science, English at Filipino at ang epekto ng kronolohiyang bilang nila sa pagkapanganak
sa mga grado nila. Ang pananaliksik na ito ay may nais na ibigay ang kasagutan kung saan
kelangan ng studyante magbigay ng mas malaking eport sa isang sabjekt para maituwid ang
kanilang grado. Ang bilang sa pagkapanganak ay matagal ng pinagsisimulan ng away sa
pamilya, mapa tungkol man ito sa edukasyon o mana. Ang pananaliksik na ito ay nagbibigaw
ilaw sa impluwensya ng bilang sa pagkakanak kung saan ang bata ay nakakatamasa ng mas
onting atensyon mula sa nanay o tatay. Ipinaliliwanag rin ng pananaliksik na ito na mayroong
pagkakaiba iba sa mga magkakapatid. Ang pananaliksik na ito ay magsasagawa ng
pananaliksik tungkol sa epekto ng kronolohiyang bilang sa pagkapanganak sa grado ng mga
studyante.

II.

Kapaligiran ng Pagaaral

Ayon sa libro na The Birth Order Book: Why You Are the Way You Are ni Kevin Leman, ang
mga panganay raw ay maasahan at organisadong tao. Mayrroon rin silang maganda konsepto
ukol sa tama at mali at mayroon silang malalim na paniniwala tungkol sa tuwid na daan pag

dating sa paggawa ng mga bagay bagay. Sila ay pinanganak na natural na namumuno o lider
sa mga magkakapatid. Ang mga panganay ay matatalino dahil mayroong matagal na panahon
na sila lamang nag nakakatanggap ng atensyon galling sa kanilang mga magulang bago
dumating ang kanilang mga kapatid. Sila rin ay lumaking nagbabasa ng maraming libro kayat
silay matatalino.
Ang mga anak naman na napalagitnaan sa mga magkakapatid ay ang kabaliktaran o oposit ng
panganay pag dating sa ugali. Ika nga, sila ang black sheep ng pamilya. Ang mga pang-gitnang
anak ay karaniwang yunik o hindi sumusunod sa uso, silay ay tapat, mahilig sa kompetisyon, at
importante sa kanila ang pagkakaibigan. Ang mga panggitnang anak ay karaniwang magaling
na negosyador pagdating sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa pamilya. Ang mga pang-gitna
na anak ay magaling makaalala ng mga detalya katulad ng mga espesyal na okasyon katulad
ng mga kaarawan ng mga miyembro ng pamilya. Mainitin ang ulo nila ngunit sila ay karaniwang
nagiging mas matagumpay sa larangin na propesyon na pinili nila kaysa sa mga iba nilang
kapatid, ngunit silay ay hirap na hirap pagrating sa mga desisyon ukol sa buhay at mabibigat na
trabaho. At dahil sila ay pangawala o panggitna, nararamdaman nila ang bigat na kelangan
nilang mag aral ng mabuti upang makakuha ng atensyon mula sa kanilang mga magulang
sapagkat ang pangnay ay lagging napapansin at mas lalo na ang mga bunso. Ang mga
panggitnang anak ay karaniwang mas matalino sa kanilang mga kapatid dahil dito.
Ang mga bunso o panghuli na anak naman ay mahilig makihalubilo sa mga tao sapagkat sanay
sila sa atensyon. Para sa kanila, ang buhay ay isang malaking kasiyahan. Maluwag ang
magulang sa mga bunso at pinapayagan sila sa kung ano ang gusto nila kayat naman pag
dating sa pagaaral o edukasyon ay minsan kulang sila sap pag aasikaso. Ngunit hindi rin
masaya lagi ang buhay ng bunso sapagkat sila rin lagi ang sumasalo sa mga lumang gamit ng
mga nakakatanda sa kanila.

III.

Batayan teoretikal

Ang teorya ng pananaliksik na ito ay naka tutok sa pagkakaiba iba ng mga grado ng mga magaaral at kung bakit ito nangyayari dahil tiyak na may mga bagay bagay na nakaka apekto rito
katulad nalang ng bilang sa pagkakapangnak. Ayon sa mga lumipas na pag-aaral mayroong
tiyak na epekto ang bilang ng pagkakapanganak sa grado kayat naman ginawa ang
pananaliksik na ito upang mapatunayan na totoo nga ang mga lumipas napag aaral o teorya
ukol sa pananaliksik na ito. Ang teorya ng pananaliksik ay ihahalimbawa ko sa paraan na
diagram. Sa diagram na makikita sa baba ng teksto na ito ay nagpapahiwatig na ang mga
panganay ay nakakakuha ng kaalaman sa kanilang magulang sa maagang edad, at ang
pangalawa ay nakakakuha naman sa panganay, at ang bunso ay nakakakuha ng kaalaman sa

magulang nila at sa mga nakakatandang kapatid.

IV.

Layunin ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay nais malaman ang kapasidad ng mga studyante sa Math,
Science, English at Filipino at ang epekto ng kronolohiyang bilang nila sa pagkapanganak
sa mga grado nila. Ang pananaliksik na ito ay may nais na ibigay ang kasagutan kung saan
kelangan ng studyante magbigay ng mas malaking eport sa isang sabjekt para maituwid
ang kanilang grado. Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay ang
pagsasagawa ng teorya tungkol sa epekto ng kronolohiyang bilang sa pagkapanganak sa
grado ng mga studyante.

Narito ang mga sumusunod na tiyak na layunin, Una, aalamin kung pang ilang anak ang
studyante. Pangalawa, magsagawa ng pananaliksik gamit ang serbey upang malaman
kung ano ang grado at bilang sa pagkapanganak ng studyante. Pangatlo, ipunin ang datus
na nakuha. Pangapat, obserbahan ang koneksyon ng grado at bilang ng pagkapanganak
upang makakuha ng konklusyon. Nais talaga ng layunin na ito makakuga ng sapat na datos
na makakatulong sa mag aaral na malaman kung saang siyensya o paksa ang mas higit
nilang kailangan pagbigyan ng pansin. Makakatulong ang pananaliksik na ito sa karamihan
ng mga magaaral sa buong Pilipinas.

V.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ako pananaliksik na ito dahil bilang isang magaaral importante ang higit na
kaalaman ukol sa mga siyensa o paksa na kailangan naming ihasa pa ang kaalaman at
mas maipabuti ang pagaaral. Makikinabang ng husto ang mga magaaral sa pananaliksik na
ito dahil mabibigyan sila ng kaalaman kung saan ang kahinaan nila, mapa bunso,
panganay, o panggitna man sila. Hindi lang magaaral at kabataan ang makikinabang rito sa
pananaliksik, ksama na rin ang mga magulang nila dahil mas matututukan nila ang mga
paksa kung saa mas nahihirapan ang kanilang mga anak na intindihan. Malaking tulong rin
itong pananaliksik sa mga guro dahil mas maiintindihan nila na ibat iba ang mga kakayahan
ng studyante at mas mabibigyan nila ng tamang payo ang mga batang nahihirapan sa kung
ano mang paksa ang kanilang tinututro.

VI.

Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Kasama pagaaral o pananaliksik na ito ang bilang ng pagkapanganak ng magaaral, bilang


nilang magkakapatid, at kung ilang taon na sila. Kasama rin dito ang kaalaman kung saan
sila nagaaral at kung anong kurso ang kanilang kinukuha. Hindi kasama sa pananaliksik na
ito ang kasalukuyang marriage status ng kanilang magulang at kung saan sila nakatira.
Hindi rin kasama sa pagaaral na ito ang estado ng pamilya ng mgaaral sa buhay. Kasama
ang lahat ng magaaral sa pnanaliksik na ito mapa mahirap man sila o mayaman.

VII.

Depinisyon ng mga Katawagan


Kronolohiyang Pagkakasunod sunod o bilang ng pagkakasunod
Mag-aaral Tao na kasalukuyang nasa proses ng pagaaral o naka enroll sa
paaralan
Panganay Unang anak ng magulang
Panggitna Pangalwang anak ng mga magulang
Bunso huling anak ng mga magulang
Matematika Pagaaral ukol sa mga numero
Siyensa Pagaaral ukol sa pangkalawakang kaalam ukol sa mundo at tao
Ingles Pag aaral sa dialektong Ingles at ang tamang pagsulat at paggamit nito
Filipino- Pag aaral ukol sa dialektong Tagalog at ang tamang pagsulat at
paggamit nito

VIII.

Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng deskriptibong pag-aaral tungkol sa mga
kasalukuyang pangyayari. Nakapokus ang pananaliksik na ito sa epekto ng bilang sa
pagkakapanganak ng mga maagaral s akanilang grado. Ang pananaliksik na ito ay
upang malaman ang mga hakbang na kakailanganin ng mga studyante upang maihasa
ang kanilang galling sa mga paksa nila. Ang Deskriptibo ay magiging malaking tulong
para maisagawa ang pananaliksik na ito. Ginamit sa pag-aaral ang mga sumusunod;
Nagbasa ng ibat ibang libro at artikulo ayon sa paksa, nilikom ang mga artikulo na
makakatulong sa pag-aaral at kumuha ng mahahalagang impormasyon, pinag samasama ang mga impormasyong nalikom, gumawa ng ilang katanungan ayon sa nasabing
paksa, inilahad ang importansya ng pananaliksik na ito dinagdagan ang mga
impormasyong nakalap mula sa ibatibang artikulo at pag-aaral galing sa sariling
pagkakaunawa sa paksa. Ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng serbey dahil
ang datos na makukuha mula rito ay malaking parte ng pananaliksik na ito. Ito rin ang
mabisa at pinakamabilis na paraan para malaman ang koneksyon ng bilang
sapagkapangank sa grado. Ang internet o libro ay makatutulong din upang makakuha
ng mas maraming impormasyon at datos tungkol sa pananaliksik na ito. Ang serbey ang

puwedeng ipasagot sa mga magaaral ng La Salle College Antipolo habang sila ay nasa
iskwelahan. Iprepresenta ang datos na nakuha sa paraan ng serbey sa pamamagitan ng
table kung saan nakasaad kung pang ilang anak ang magaaral at ang grado nila sa mga
paksang kasama sa serbey. Ang table sa ibaba ng tekstong ito ay magsisilbing
halimbawa.

Bilang sa
Pagkapangnak
Panganay

Matematik
a

Siyensa

Pang-gitna

87

Panghuli/Bunso

64

56

Ingles

Filipino

Sanggunian

http://lasvegas.cbslocal.com/2015/08/12/10-things-you-should-know-about-middle-children/
http://assets.bakerpublishinggroup.com/processed/bookresources/files/Excerpt_9780800734060.pdf

http://lasvegas.cbslocal.com/2015/08/12/10-things-you-should-know-about-middle-children/

Anda mungkin juga menyukai