Anda di halaman 1dari 14

ANG KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay tunay na maipagmamalaki ng


bawat Pilipino. Ito ay mabisang kasangkapan sa pagbubuklod ng sambayanan na
kung saan ang mga mamamayan ay madaling magkaunawaan sa anumang uri ng
pakikipagtalastasan. Iba't ibang wika ang ginagamit ng mga mamamayan sa buong
kapuluan ng Pilipinas kaya ito ang nag bubungsod sa ating nasirang Pangulong
Manuel L. Quezon upang ang Pilipino ay magkaroon ng isang kinikilalang wika ng
lahat. Mga hakbang na kanyang isinagawa:
1935 - Hinirang ni Pangulong Quezon ang kongreso sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.
1936 - Lumikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at pinagtibay ng Batasang
Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na ang pangunahing tungkulin ay
magsasagawa ng masusing pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas at pipili
ng isa para siyang maging batayan ng wikang pambansang Filipino.
1937 - Hinirang ni Jaime C. de Veyra bilang tagapangulo at di naglaon ay patnugot
ng Surian ng Wikang Pambansa. Sila ay nagpalabas ng resolusyon na ipinahayag na
ang Tagalog ay siyang umiiral na katutubong wika. (Tagalog = 59.6%, Sebuwano =
48.2%, Hiligaynon = 46.6%, Bikol = 39.5%, Ilokano = 31.1%). Ipinahayag ng
Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
Mga dahilan kung bakit sa Tagalog ibinatay ang Wikang Pambansa:
1. Ang Tagalog ay may pinakamayamang talasalitaan at ito ay may 30,000 salitangugat at 700 panlapi. 2. Ito ay may pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng
katutubong wika sa Pilipinas.
3. Tagalog ang wikang ginagamit ng nakararami.
4. Ito ang ginagamit sa punong-lungsod ng Pilipinas, ang Maynila ay siyang lingua
franca ng buong bansa. 5. Ito ay madaling pag-aralan, matutuhan at bigkasin.
6. Ang wikang Tagalog ay kahalintulad ng maraming wikang lokal o diyalekto tulad
ng Kapampangan, Sebuwano, Hiligaynon, Bikol, atbp.
1940 - Paglilimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa
ay itinakda mula Hunyo 19, 1940 ang pagsisimula ng pagtuturo ng Pilipino sa lahat
ng paaralang bayan at pribado sa buong bansa.
- Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570 na ang Pilipino ay magiging isa na sa
mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hunyo 4, 1946. 1954
- (Marso 26) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na
simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 ay ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang
Pambansa taun-taon. 1955
- (Set. 23) Proklama Blg. 186; Inilipat ni Pangulong Magsaysay ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang
ika-19 ng Agosto. 1967
- (Okt. 24) Nagpalabas ng kautusan ang nasirang Pangulong Ferdinand E. Marcos na
ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino.
1978 - (Hulyo 21) Juan L. Manuel, Kalihim ng edukasyon at 1978
- (Hulyo 21) Juan L. Manuel, Kalihim ng edukasyon at Kultura: Ang Filipino (I at II) ay
bahagi na ng Kultura: Ang Filipino (I at II) ay bahagi na ng pangkolehiyong kurikulum
simula sa unang semestre ng pangkolehiyong kurikulum simula sa unang semestre
ng taong 1979-1980.taong 1979-1980. 1987
- Lourdes R. Quisumbing, Kalihim ng Departmento ng 1987 - Lourdes R. Quisumbing,
Kalihim ng Departmento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan; Nagpalabas ng

kautusan sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga


paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng edukasyong
bilinggwal.
- Itinakda ang bagong alpabeto at patnubay sa pagbaybay ng wikang Filipino.
1990 - (Marso 19) Pinalabas ng Kalihim Isidro Carino ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang kautusang Pangkagawaran Blg. 21 na nagtatagubilin na gamitin ang
Filipino sa pagbigkas ng panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan
natin.
Ano ang kahulugan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon?
- Ang komunikasyon ay galing sa salitang Latin na "komunis" na ang ibig sabihin
ay panlahat o para sa lahat.
Ayon kay Webster ang komunikasyon ay pagpapahayag; pagpapahatid o
pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan. Ito ay pakikipag-ugnayan,
pagkikipagpalagayan o pakikipag- unawaan.
Ayon sa isang sikologo, ang komunikasyon ay mapiling pagtugon ng organismo
sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksyon. Mga kahalagahan
ng mabisang komunikasyon:
1. May kahalagahang panlipunan ang komunikasyon.
2. May kahalagahang pampulitika ang komunikasyon.
3. May kahalagahang pangkabuhayan ang komunikasyon.
Mga sangkap ng komunikasyon:
Ayon kay Aristotle ay tatlo ang sangkap ng komunikasyon: ang nagsasalita, ang
sinasabi at ang nakikinig.
Ayon kina Claude Shannon at Weaver ay lima ang sangkap: 1. pinanggalingan 2.
tagapaghatid (transmitter) 3. senyas o kodigo 4. tagatanggap ng pahatid
(receiver) .5. destinasyon.
Ang mga teorya tungkol sa pinagmulan ng wika:
1. TEORYANG BOW - WOW - - ito ay ginagamit ng tao salig sa mga tunog na likha
ng kalikasan. Halimbawa ay sa hayop. Ang tahol ng aso ay "bow-wow.
2. TEORYANG DING - DONG - ito ay hakang ang bawat bagay sa mundo ay may
kasama o kaugnay na tunog, tulad ng kampanang "Ding-Dong.
3. TEORYANG POOH - POOH - nagsasaad ito na ang tao'y lumilikha ng mga likas na
tunog at pakahulugan sa mga tunog na ito, pagkat siya ang lumikha. Sinasabing
ito'y magsisimula sa silakbo ng damdamin o sa pagbulalas ng pagtataka, takot,
galak at iba pa.
4. TEORYANG YUM-YUM - ito ay nagsasaad na ang tao at tutugon sa pamamagitan
ng pagkumpas sa alin mang mga bagay na nangangailangan ng aksyon.
5. TEORYA NI DARWIN - ang wika ay isa lamang gagad na nagsimula sa paggagad
ng mga sangkap sa pagsasalita sa mga kumpas at indayog ng kamay.
6. TEORYANG SING-SONG - ang wika ay nagbuhat sa mga walang kalinawang pagawit ng mga unang tao. Pagtutulad o panggagaya ng tao sa mga katutubong tunog
na naririnig, sutsot, at iba pa.
7. TEORYA NI PHYTHAGORAS, PLATO AT ESTOICO - ang wika ay likha ng "likas na
pangangailangan" o ng kalikasan.
8. TEORYA NI DEMOCRETE, ARISTOTLE AT MGA EPIKUNO - ang wika ay nagsimula sa
pamamagitan ng isang kasunduan.
9. TEORYANG TREE-STEM - ang isang wika ang pinaka-punong kahoy samantalang
ang mga bagong wika ang mga sanga.
10. TEORYANG WAVE - ang mga bagong wika at wika ay sumisipot at lumalaganap
na gaya ng mga munting alon kung ang tubig ay hinagisan ng bato.

Mga Uri at Paraan ng Komunikasyon:


Ang komunikasyon ay maaring pasalita o pasulat. Kapag nakikipag-usap tayo sa
ating mga kasambahay o kapitbahay, pasalita ang ating komunikasyon. Kung
nakikipag-usap kayo sa isang kakilala sa pamamagitan ng telepono, pasalita rin ang
ating komunikasyon. Gayun din ang masasabi sa ginagawa ng mga tagapag balita
sa radio at telebisyon sa mga nakikinig sa kanila. Ano pat kapag sangkot ang bibig
ng nagbibigay ng mensahe at tainga naman ng tagatanggap ng mensahe, ang
komunikasyon ay pasalita. Kapag ang ating nais ay ipahayag sa ating kapwa ang
ating mensahe nang nakatitik, pasulat ang ating komunikasyon. Ang talastasan sa
pamamagitan ng liham, telegrama, magasin at mga aklat ay komunikasyong
pasulat. Kaya nga kapag sangkot ang mga kamay ng tao o mga makinang
pinalimbag ng nagbibigay ng mensahe at ang mga mata naman ng tumatanggap
ng mensahe, pasulat ang komunikasyon.
Apat (4) na paraan ng pagpapahayag:
PAGLALAHAD - ibig ng nagsasalita o sumusulat na magpaliwanag. Maaring
binibigyan niya ng kahulugan ang isang termino o isipan, maaari ring ipaliliwanag
niya kung paano ginagawa ang isang bagay. Paglalahad ang pinakagamit ng paraan
ng komunikasyon.
PAGLALARAWAN - ang layunin ng nagsasalita o sumusulat ay maipakita sa
kausap at tagapakinig ang kabuuang anyo ng tao o bagay, pook, damdamin sa
pamamagitan ng mga pananalitang mapaglarawan nang sa gayon ay maipakita ang
kaibahan ng bagay o tao sa mga kauri nito. Tao ang karaniwang paksa ng
paglalarawan.
PAGSASALAYSAY - hangad ng nagsasalita o sumusulat na maihayag sa nakikinig
o bumabasa ang mga pangyayaring naganap at minamahalaga at nais na mabatid
ng nakikinig o bumabasa. Ang paraang ito ang ginagamit sa pagbibida ng kuwento
at nobela.
PANGANGATWIRAN - ang hangarin ng nagsasalita o sumusulat ay maihayag ang
mga dahilan o sanhi sa pagkaganap ng pangyayari. Ginagamit ang pangangatwiran
upang makaakit sa mga mambabasa
MODULE I MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN BILANG 1 ANG PANGNGALAN
I.
PANANAW
Lahat ng makikita sa ating paligid ay may kanya kanyang tawag na
ginagamit natin sa pangungusap. Mauunawaan lamang namin ito sa tamang
pananalita at magbibigay linaw sa lahat ng bagay na ating isinasagawa.
II.
MGA LAYUNIN
Matapos nating matutunan ang nilalaman ng masusing talakayan ng araling
ito. Ang mga mag aaral ay maasahang: a. Maipaliwanag ang tamang paggamit ng
pangngalan sa pangungusap. b. Kilalanin at alamin ang tamang kasarian ng
pangngalan
III.
MGA NILALAMAN
Ating malalaman at mauunawaan ang tamang paggamit ng pangngalan sa
pangungusap. Susuriin ang bawat pangalang ginamit sa bawat tinawag na
pangngalan at ibigay ang tamang gamit, katuturan, kailangan, kasarian, uri,
kaanyuan, kaukulan, at panandang gamit.
ANG PANGNGALAN
Pangalan- ito ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lagay, gawa, pangyayari at kalagayan.
A. Gamit ng Pangngalan sa Pangungusap

1. Simuno nakapila ang mga pasahero sa paradahan ng dyip


2. Panaguri si Daniel ay kaibigan ko.
3. Tuwirang Layon Nagdadala ako ng payong araw- araw.
4. Layon ng Pang- ukol Para sa lola ang binili kong bulaklak.
5. Paniyak Si Carol, ang aking kapatid ay dalaga pa.
6. Panawag Gina, narito ang kaklase mo.
7. Panuring Batang babae ang binigyan ng premyo.
B. Katuturan ng Pangngalan
1. Tahas Ang katuturan ng salita ay tiyakang tumutukoy sa pinangalanan. hal:
Bahay, lapis, tao
2. Basal Mga bagay na hindi nakikita o nahahawakan Hal: Isip, diwa, asal, buhay
3. Hango Ang mga payak na pangngalan ay may panlapi. Hal: palaisipan, pandiwa,
kabuhayan
4. Lansak nangangahulugan na karamihan o kalipunan ng marami maging nasa
anyong payak o may lapi. Hal: kapisanan, buwig, pangkat
5. Patalinghaga- kung ang salita ay di- tuwirang tumutukoy sa pinag- ukulang salita
kundi sa katulad o halimbawa nito. Hal: ilaw (gabay), haligi (ama), bulaklak (dalaga)
C. Kailangan ang Pangngalan ay makikilala sa tulong ng:
1. Paggamit ng pantukoy o pang ukol Halimbawa: Pupunta ako kay Susan. (Isahan)
Pupunta ako kina Susan. (Maramihan) Ang ibon ay lumipad. (Isahan) Ang mga ibon
ay nagliparan. (Maramihan)
2. Paggamit ng Pamilang Hal: Isang Mag- aaral ang lumiban kahapon. (Isahan)
Dalawang tindera ang nag- agaawan sa timba. (Dalawahan) Daan- Daang bahay
ang nasalanta ng bagyong Ising. (Maramihan)
3. Paggamit ng Pang- uri Hal: Mabango ang bulaklak na pinitas ko. (Isahan)
Mababango ang bulaklak na pinitas ko. (Maramihan)
4. Paggamit ng panlaping magka- at mag-sa pag- uulit sa unang pantig na salitang
ugat. Hal: Ang magkapatid ay nag- aayos ng bahay. (Dalawahan) Ang magkakapatid
ay mag- aayos ng bahay. (Maramihan) Umalis ang mag-ina patungong Cebu.
(Dalawahan) Umalis ang mag-iina patungong Cebu. (Maramihan)
D. Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki kung ang tinutukoy ay mga tao o bagay na para sa lalaki. Hal: tatay,
ninong, tiyo, ingkong, sangko, bayaw
2. Pambabae kung nauukol sa babae. Hal: tiya, nanay, impo,ale, ina, ate
3. Di- tiyak di alam kung lalaki o babae ang tinutukoy. Hal: kapatid, panauhin,
bata, guro, kapitbahay
4. Walang kasarian nauukol sa mga bagay at lugar. Hal: lalawigan, bato, bahay,
puno, papel
E. Uri ng Pangngalan
1. Pangtangi ang mga sadya o tanging pangngalan ng tao, bagay, lugar o
pangyayari. Isinusulat na nagsisimula sa malaking titik.
2. Pambalana tumutukoy sa karamihan o balanang bagay, tao, hayop, lugar o
pangyayari. Isinusulat na nagsisimula sa maliit na titik.Hal: bata, bolpen, aso,
lungsod, pagdiriwang
F. Kaanyuan ng Pangngalan
1. Payak pangalang binubuo ng salitangugat lamang. Hal: buhay, bata, ina,
bahay
2. Maylapi binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Hal:kabuhayan, kabataan, mag-ina

3. Inuulit ang mga pangalang payak o maylapi inuulit ang buong salita kapag
dadalawahing pantig o inuulit ang unang pantig kapag mahigit sa dalawang pantig
ang salita. Hal: laru-laruan, ina-inahan, pitu-pito, bahay-bahayan
4. Tambalan binubuo ng dalawang salitang pinag-isa na may bagong kahulugan.
Hal: bahaghari anak-araw dalagang bukid bagumbayan
G. Kaukulan ng Pangngalan
1. Palagyo ang pangngalan ay simuno ng pangungusap. Hal: Ang leon ang hari ng
matalik na magkaibigan. Sina Jaime at Jose ay matalik na magkaibigan.
2. Palayon ang pangngalan ay ginagamit na tuwirang layon ng pang- ukol. Hal:
Naglalaro sa parke ang mga bata. Wala ng papantay pa sa pagmamahal ng ina sa
anak.
H. Pananda ng Pangngalan
1. Pambalana pananda sa mga ngalang bagay, lugar, hayop o pangyayari. Hal:
ang ang mga (ng ng mga) mga ng ng mga sa sa mga
2. Panao pananda sa mga ngalang tiyak na pantao. Hal: si sina kay kina ni nina
PAGSASANAY
Gawain 1: Gumupit sa isang artikulo ng kuwentong binasa at kahunan ang bawat
pangalang ginamit. Gawain 2: Lagyan ng angkop na panlapi ang mga sumusunod
upang maging pangngalan na nangangahulugan ng tungkulin, ugali, gawi o
hanapbuhay. Hal: laro manlalaro
1. Digma
6. bote
2. Tanggol
7. lipad
3. Lupig
8. gamot
4. bigas
9. singil
5. Gulay
10. kulot
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Bumasa ng isang kuwento at kunin ang mga talasalitaang hindi maunawaan
at ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin nito at gamitin sa tamang pangungusap.
MODULE I: MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN BILANG 2: ANG PANGHALIP
I.
PANANAW
Lubos na maunawaan ang kahalagahan ng panghalip sa pangngalan na
makakatulong sa mag-aaral ng paggamit nito.
II.
MGA LAYUNIN
Matapos ang masusing talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang: a.
Malaman ang ibig sabihin ng bawat uri ng panghalip b. Mga gamit at
kailanan ng panghalip
III.
NILALAMAN
Ating tatalakayin at uunawain ang mga uri, gamit, kailangan at tamang
kahulugan ng panghalip ng naayon sa tamang paggamit nito.
ANG PANGHALIP
Panghalip ito ay bahagi ng pananalita na pinang hahalili sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar, gawa o pangyayari na di na nais ulitin o banggitin pa.
A. Uri ng Panghalip
1. Panao inihalili sa pangngalan ng tao.
a. Kaukulan ng panghalip na panao.
1. Palagyo ginagamit na simuno ng pangungusap. Hal: Siya ay natikang
manunulat ng sanaysay.

2. Paari nagsasaad ng pagmamay-ari. Maari ring simuno na


pinangungunahan ng pantukoy na pambalana. Hal: Ang bag ay akin Sa kanila
ang bahay sa gulod
3. Palayon ginagamit na layon ng pang-ukol o tinuturing layon. Hal: Umalis
si Jose sa bahay nila. Si Juana ay dumalo sa pagtitipon namin
b. Panauhan ng Panghalip Panao
1. Unang Panauhan tumutukoy sa taong nagsasalita. Hal: ako, kami, ko,
tayo, atin, namin
2. Ikalawang Panauhan tumutukoy sa kausap. Hal: mo, ka, iyo, ikaw, iyo,
ninyo
3. Ikatlong Panauhan tumutukoy sa pinag-uusapan. Hal: sila, siya, nila,
kanila, niya
2. Ang panghalip pamatlig - ay ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, lugar
o pangyayari. Ang mga ito ay napapangkat sa limang uri:
1. Paturol - Ito ang matamis. Matalas ba iyan? Iyong nasa itaas ang ibigay mo
sa akin.
2. Paari Pahiram nito. Gusto ko niyan
3. Patulad Ganito ang gawin sa pisi. Ganoon pala ang kilos ng mga
nagtatanim
4. Paukol Umupo ka rito sa tabi ko. Lilipat ako riyan sa tabi mo. Pumunta
tayo roon sa lilim ng puno
5. Pahimaton Eto na ang mga manggagawa. Heto ang baon mo sa paaralan.
Hayan na ang bus na sasakyan natin
6. Pananong pinanghahalili sa pangngalan sa paraang patanong. Isahan.
Maramihan.sinu, sinu-sino, ano, anu-ano, saan, saan-saan
7. Panaklaw sumasaklaw sa kaisahan, dami, bilang o kalahatan. Hal: isa,
bawat, lahat, tanan, madla, balana
B. Gamit ng Panghalip
1. Simuno Sila ay nagbibigay ng mga tulong sa mga nasalanta ng Mt. Pinatubo.
2. Kaganapang pansimuno Ang hinihintay namin ay ikaw.
3. Panuring Kilala sa buong daigdig ang ating bansa.
4. Layon ng Pandiwa Gumawa ka ng ganito.
5. Layon ng Pang-ukol Para sa iyo ang mga regalong ito.
C. Kailanan ng Panghalip Isahan ko, ka, niya, siya, ikaw, ako Dalwahan kata, ta,
kita Maramihan amin, sila, nila, nayin, namin
PAGSASANAY
Gawain 1: Sumulat ng isang komposisyon na ginagamitan ng ibat-ibang panghalip.
Lagyan ng salungguhit ang bawat panghalip na ginamit.
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Gumawa ng isang mapa ng inyong lalawigan/pamayanan. Ilahad ninyo ng inyong
kaklase ang patungo o papunta rito.
MODULE I: MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN BILANG 3: ANG PANG-URI
I.
PANANAW
Malaman at mailarawan ang tamang paggamit ng lubusang makakatulong
sa mga mag-aaral sa madali at mabisang pagpapaliwanag.
II.
MGA LAYUNIN
Matapos ang masusing talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Magpaliwanag ng ibig sabihin ng mga uri ng limang uri ng pang-uri


b. Magagamit ng tama sa pangungusap ang mga pang-uri
III.
MGA NILALAMAN
Lubusang magamit ng wasto sa pangungusap at maipaliwanag ang
mga uri, kaayusan, at kailanan ng tamang paggamit nito.
ANG PANG-URI
Pang-uri ito ay salitang ginagamit upang magbigay turing sa pangngalan at
panghalip.
A. Uri ng Pang-uri
1. Panlarawan naglalaman sa pangngalan o panghalip. Nagbibigay ng katangian,
hugis, kulay, lasa, anyo at laki. hal: mabait na guro, bilog na tasa, pulang damit
2. Pamilang ginagamit sa pagbibigay ng tiyak o di-tiyak na bilang.
Uri ng Pang-uring Pamilang:
1. Patakaran mga likas na pagbilang wala 0 isa hanggang sampu 1-10 sandaan
100
2. Panunuran nagsasaad ng ayos ng pagkaka sunud- sunod ng mga tao o bagay.
Ginagamit ang ika at ipang, pam, o pan. Ang ika ay ginagamit nila sa dalawa pataas
sapagkat ang nauukol sa isa ay una. Hal: una pang-una ikalawa pangalawa ikaanim
pampito Kapag ang ika ay ilinapi sa pagbilang, ginagamitan ito ng gitling. Hal: ika3 ika-20 ika-9 ika-100
3. Pamahagi ginagamit sa pagbabahagi o pagbubukod ng ilang hati sa isang
kabuuan. Hal: kalahati tatlong-kapat 1/3 katlo 2/3 dalawang-katlo kapat
100% sandaang bahgdan o Ang mga panlaping mang at tig ay ginagamit sa
pamamahagi ng patas-patas at langkay-langkay. Inuulit ang patakarang bilang,
maaari ring hulapian ng an o han ang patakarang bilang. Hal: mandalawa tig-apat
mantatlo tigsiyam
4. Pamilang na Palansak- mangangahulugan ng bilang na minsanan, maramihan at
langkay-langkay. Inuulit ng patakarang bilang, maaari ring hulapian ng an o han ang
patakarang bilang. Hal: isahan isa-isa animan libu-libo waluhan sampu-sampu
5. Pamilang na Patakda nagsasaad ng tiyak na bilang, wala kundi ayon o
hanggang doon lamang at hindi na mararagdagan o makukulangan pa. Hal: iisa
sasampu tatatlo sisingko lilimahin dadalawapuin
B. Kaayusan ng Pang-uri
1. Payak mga likas na salita at walang panlapi. Tinatawag natin minsan na
salitang-ugat. Hal: Wagas na pag-ibig ang iniuukol nya sa aming magkakapatid.
Simple lamang ang kasuotan ng mutya sa gabi ng kanyang koronasyon.
2. Maylapi ginagamitan ng panlapi ang salitang-ugat Hal: Mayaman ang bansang
Pilipinas sa mga likas na yaman. Kay gandang pagmasdan ang maliwanag na
buwan.
3. Inuulit-ulit ang salita Hal: Pinalitan ni Anna ang punit-punit na papel de hapon ng
munti naming parol. Kahalina-halina ang pagsasamahan at pagtutulungan ng mga
kabataan sa nayon nila.
4. Tambalan maaaring pinagtambal na dalawang payak o may pang-angkop ang
isa. Hal: Ang asal-hayop na pag-uugali ng bata ay nagbago sa matiyagang
pagsubaybay ng kanyang ina. Kay gandang pagmasdan ang hugis-pusong mukha ni
Inang.
C. Kailangan ng Pang-Uri
1. Isahan Hal: Masuwerte ka, anak-mayaman ka. Hindi mabuti ang asal na
pagsisinungaling.

2. Dalawahan Hal: Magkakasing-ganda sina Snow White at Cinderella. May


dalawang taong dapat nating pasalamatan, ang ating ina at ama.
3. Maramihan Hal: Masayang-masaya ang mga bata sa kanilang pagtatampisaw sa
malinaw na tubig ng batis. Pawang magaganda ang lahat ng nilikha ng Diyos.
PAGSASANAY
Gawain I: Isulat ang salitang bilang ng tambilang na hinihingi. 1 11 2 12 3 13 20 31
40 50 500 800 1, 000 1,000,000
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Gumuhit ng bagay na maiuugnay mo ang iyong sarili. Isulat ang pagkakaugnay mo
dito. Gumamit ng mga pang-uri sa komposisyong bubuuin.
MODULE I: MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN BILANG 4: ANG PANG-ABAY
I.
PANANAW
Makabuluhang malaman kung paano magagamit at mauunawaan ang
tamang pagbibigay turing sa iba pang bahagi ng pananalita na naaayon
sa dapat na isagawa.
II.
MGA LAYUNIN
Matapos ang masusing talakayan, ang mga mag-aaral ay maasahang:
a. Malaman ang tunay na kahulugan ng pang-abay
b. Maipaliwanag ng isa-isa ang labing-dalawang uri ng pang-abay
c. Magagamit ng tama sa pangungusap ang mga pang-abay
III.
MGA NILALAMAN
Matalakay at bigyan ng tamang kahulugan ang labindalawang uri ng
pang-abay at
maipaliwanag ang bawat isa ng naaayon sa tamang
paggamit nito.
ANG PANG-ABAY
Pang-abay ito ay bahagi ng panalitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri o
kapwa pang-abay. Halimbawa: Pandiwa -Nagsimula kahapon ang kanilang
komprensiya. Pang-uri Tunay na msigla ang mga kabataan. Pang-abay Talagang
napakabait ng aming guro.
Ang pang-abay ay may 12 uri:
1. Panahon ay sumasagot sa tanong na kailan. Tulad ng: kahapon, ngayon, bukas,
kagabi, mamaya, magdamag, kamakalawa, noong linggo, sa Biyernes, atbp. Hal:
Kahapon kami ay nagsimula sa Central. Maghapon kaming namasyal sa Tagaytay.
Dumating kanina ang aking ina mula sa probinsya.
2. Panlunan ay sumasagot sa tanong na saan. Ang mga pang-abay tulad dito,
dyan, doon, dine, malayo, malapit, sa loob, atbp. ay mga halimbawa ng panlunan.
Hal: Dito ka na mamili ng paninda ko. Sila ay nagdaraos ng palatuntunan sa loob ng
bulwagan. Malayo ang pupuntahan nila.
3. Pamaraan sumasagot sa tanong na paano. Ang mga pang-abay na kusa, lubos,
ganap, bahagya, kunwa, mabagal, atbp. At mga halimbawa ng pamaraan. Hal:
Paika-ikang lumakad si Lolo Carding Ang kriminal ay kusang sumuko sa mga pulis
Lubos na nasisiyahan ang mga bakasyunita
4. Panggaano sumasagot sa tanong na gaano. Tulad ng mga marami, kaunti,
bihira, kulang, at di-gaano. Hal: Bihirang magtinda ng isda si Aling Sonya. Ang bata
ay kaunting kumain. Di-gaanong umiimik ang kaibigan ni Lolo .
5. Pananong mga pang-abay na ginagamit sa pagtatanong: gaya ng gaano,
magkano, paano, ilan, kailan at saan. Hal: Saan namasyal sina Jean at Joan? Paano
sila nakarating doon? Kailan babalik ang magkaibigan?

6. Pang-agam ay nagsasaad ng pag-aalinlangan at walang katiyakan. Ang mga


pang-abay na tila, yata, marahil, baka, wari ay mga pang-agam. Hal: Tila
nagmamadali ang manggagawa. Ang pangulo ay waring naiinip na. Baka
naginhawan na rin ang mga tao.
7. Panang-ayon ay nagsasaad ng pangsang-ayon. Tulad ng mga pang-abay na oo,
tunay, nga, din, totoo. Hal: Talagang masipag ang ama niya. Ang mga Pilipino ay
tunay na masayahin. Maligaya nga ang mga naninirahan doon.
8. Pananggi nagsasaad ng pagsalungat o pagbabawal gaya ng hindi, huwag, wala,
ayaw, di at aywan. Hal: Ang mga estudyante ay walang ginagawa. Huwag kang
malikot. Ayaw niyang sumama sa atin.
9. Pamitagan nagsasaad ng paggalang o pag-aalang-alang. Ang mga pang-abay
ay: po, ho, paki, pasintabi, pakundangan, alang-alang at mawalang-galang. Hal:
Tutulangan ni aida si Nanay alang-alang sa kabaitan nito. Ikaw ay dapat magsikap
sa iyong pag-aaral pakundangan sa ginagawang pagsusumikap ng iyong mga
magulang makatapos ka lamang.
10. Panunuran tumutukoy sa ayos ng pagkakasaunud- sunod sa hanay o
kalagayan. Ang mga pang-abay ay muna, bago, saka, sabay-sabay ay katapustapusan. Hal: Kauna-unahang umalis si John sa bahay. Sabay-sabay na sumagot ang
mga estudyante. Si joyce muna ang aawit.
11. Panulad ginagamit sa pagtutulad o paghahambing gaya ng pang-abay na:
gayon din, higit, di-hamak, ga, kaysa, atbp. Hal: Gayon din ang isinagot ni Jojosa sa
tanong ni James. Di-hamak na mataas ang nakuhang marka ni Faye kaysa kay Cely.
12. Panturing nagpapahayag ng pagtuturing, pagkilala o pagtanaw ng utang na
loob. Ginagamit ang mga: salamat, mabuti naman, mabuti na lamang o maraming
salamat.
PAGSASANAY
Gawain I: Hanapin ang pang-abay na ginagamit at ibigay ang uri nito.
1. Ang mga nasunugan ay madaling nasaklolohan ng Social Welfare Administration.
2. Baka makaligtas ang inabot ng sakuna.
3. Ang mga estudyante ay matiyagang nag-iipon ng mga pahayagang luma para sa
kampanya.
4. Sa kasalukuyan, ang mga kabataan ay nakikilahok sa proyekto ng paaralan.
5. Ang may sakit ay kaagad nabigyan ng lunas ng manggagamot.
6. Talagang naghandog siya ng tulong sa mga bulag at bingi.
7. Ayaw niyang umampon ng ulila.
8. Siya ay naghandog ng tulong sa parokya.
9. Ang manggagamot ay namudmod kahapon ng mga gamot sa taga baryo.
10. Salamat sa mga gamot na inyong pinagkaloob sa amin.
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Simula/Magkuwento ng isang karanasang di-malilimutan, katawa- tawa man o
nakakalungkot atbp. Sikaping makagamit ng mga Pang- abay.
MODULE I: MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN BILANG 5: ANG PANDIWA
I.
PANANAW Bilang isang mahalagang bahagi ng pananalita dapat maunawaan
at lubusang maintindihan ang tamang paggamit nito ng naaayon sa
pangungusap upang magbigay liwanag sa mga mag-aaral.
II.
MGA LAYUNIN Matapos ang masusing talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang: a. Malaman kung ano ang ibig sabihin ng pandiwa at magamit
ito sa pangungusap. b. Matutong tamang pagbabanghay at mga dapat

tandaan sa bagay na ito. c. Maunawaan at matutunan ang mga aspekto ng


pandiwa.
III.
MGA NILALAMAN Dito ay dapat maipaliwanag ang mga uri, aspekto, pokus at
tamang pagbabanghay na magbibigay-aral at tamang paggamit nito sa mga
pangungusap.
ANG PANDIWA
Pandiwa ito ay tinatawag na kaluluwa o buhay ng pangungusap. Nagsasaad ito ng
kilos o galaw.
A. Uri ng Panlapi
1. Unlapi ang panlapi ay nasa unahan gaya ng amin, in, mag, mang, maka, maki,
magpa, magka, pa, pasa, I, ipaki, ika, ipa, pag, ipag, pang at ipang.
2. Gitlapi ang panlapi ay nasa gitna tulad ng um at in.
3. Hulapi ang panlapi ay nasa hulihan. Ito ay ang in, hin, am at han.
4. Kabilaan ang panlapi ay nasa unahan at hulihan. Halimbawa ay mag-an/han,
pain/hin, pa-an/han.
5. Laaguhan ang panlapi ay nasa unahan, gitna at hulihan. Neutral ang anyo ng
mga hindi pa nababanghay sa ibat-ibang aspekto at itoy ang dating pawatas at
pautos na tinatawag.
B. Aspekto ng Pandiwa
1. Naganap ang kilos ay natapos na. Hal: Bumaha kamakailan lamang. Siyay
naghanap ng mga paninda.
2. Nagaganap ang kilos ay kasalukuyang nagaganap. Hal: Laging tinutulungan ni
Celsa ang kanyang ina. Lumalayo si Michael sa masamang barkada.
3. Magaganap ang kilos ay gagawin o mangyayari pa lamang. Hal: Sisikapin kong
matapos ng pag-aaral. Pag-iisipan ko ang darating kong kaarawan.
Pagbabanghay: Salitang-ugat Panlapi Neutral Naganap Nagaganap Magaganap
Akyat um umakyat umakyat umaakyat aakyat Labas um lumabas lumabas
lumalabas lalabas Alis in inalis inaalis inaalis aalisin Bago in binago binago binabago
babaguhin Laba mag maglaba naglaba naglalaba maglalaba Hatak mang
manghatak nanghatak naghahatak manghahatak loko mang manloko nanloko
naloloko manloloko
Mga Dapat Tandaan sa Pagbabanghay
1. Ang panlaping um at in ay ginagamit na unlapi sa mga salitang-ugat na
nagsisimula sa katinig.
2. Ang ma, mag, mang ay nagiging na, nag at nang sa lahat ng aspekto.
3. Inuulit ang mga unang pantig ay salitang-ugat pagadating sa aspektong
nagaganap at magaganap.
4. Sa aspektong naganap at nagaganap, sa banghay na panlaping ika
1. Ang tagaganap ng kilos ang tagaganap o aktor ay siyang simuno ng
pangungusap. Ang mgapanlaping ginagamit dito ay: um, ma, mang, mag,
makapag-, maki-, maka-, nagpa-. Hal: Nagpadala ng tulong ang pamahalaan na
nasunugan. Sumusulat ng talumpati si Gng. Garcia sa silid-aralan.
2. Gol pokus o tagatanggap o layon ang tuwirang layon ang simuno ng
pangungusap. Ginagamit ang mga panlaping I, ma, paki, ipa-, -in/-hin, -an/ihan, paan/pa-han. Hal: Ipinadala ng pamahalaan ang tulong sa nasunugan. Sinulat ni Gng.
Garcia ang talumpati sa silid-aralan.
3. Loktib opokuso ganapan ang pinangyarihan olugar ang simuno.Ang mga
panlaping ginagamit ay: an/-han, pag-an/-han, paki, an/-han, ma an/-han, mapagan/-han. Maari ring gamitin ang in/-hin. Hal: Ang Espanya ang pinagsulatan ng
nobela ni Dr. Jose Rizal. Pinuntahan nila ang lalawigang dinarayo ng mga turista.

4. Benepaktibo pokus o kalaanan ang pinaglalaanan ang siyang simuno ng


pangungusap. Panlaping ipag-, I-, ipang-, ma- I, ipaki-, maipag-, pag-an/-han. Hal:
Ipinagpagawa niya ng bahay ang mahihirap na pamilya. Pinagkalooban ng
gantimpala ng pamahalaan ang ulirang magsasaka.
5. Instrumental, Kasangkapan o Pangganap ang simuno ng pangungusap ay
kasangkapan. Ginagamit ang panlaping ipang at maipang. Hal: Ipamputol mo ng
damo ang aking itak. ipinanghukay namin ang piko.
6. Kosatib pokus o kadahilanan ang sanhi o dahilan ang simuno ng pangungusap,
panlaping ika ang ginagamit. Hal: Ikinatuwa ni Joshua ang pagtatagumpay ko.
Ikinalungkot ng mga tao ang paglaganap ng krimen.
PAGSASANAY
Gawain I: Isulat ang lahat ng ginagawa mo mula pagkagising hanggang sa pagtulog.
(1-10)
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Sumulat ng mga tuntuning kung ano ang dapat gawin. Pumili ng isa sa mga paksa.
1. Sunog
4. sakuna
2. Lindol
5. pagsabog ng bulkan
3. Baha
MODULE I: MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN 6: ANG MGA PANGATNIG
1. PANANAW Magagamit sa tamang paraan ang pag-uugnay ng salita sa kapwa
salita at magamit ng naayon sa pangungusap. Mapagsama-sama ang mga lipon ng
mga salita sa isangpangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangatnig.
II. MGA LAYUNIN Matapos ang masusing talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang: a. Maunawaan ang bawat uri ng mga pangatnig b. Matutong lagyan ng
tamang pangatnig ang mga halimbawa ng mga pangungusap na mali.
III.MGA NILALAMAN Ating susuriin ang bawat uri ng mgapangatnig at magamit ito
ng naaayon sa tamang pangungusap.
ANG PANGATNIG
Pangatnig ito ay salitang nag-uugnay ng isang salita ng parirala sa kapwa parirala
ng sugnay sa kapwa sugnay at pangungusap sa kapawa pangungusap.
Sugnay ito ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri. Buo o di-buo ang
diwang taglay.
Parirala ito ay lipon ng mga salitang walang simuno at panaguri at walang
ibinibigay na diwa.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Pamukod ginagamit sa pagpili, pagtatakwil, pagbubuklod o pagtatanggi. Ang
mga pangatnig na ginagamit ay ang mga sumusunod: o, no, maging at man.
2. Panubali mag papakilala ng kalagayang pasubali. Nangangailangan ito ng
paliwanag upang mabuo ang kahulugan. Ang mga pangatnig na ginagamit ay ang
mga sumusunod: kung, pag, kapag, sakali, disin sana, baka, tila, wari at kundi.
3. Paminsay ginagamit kung ang unang bahagi ng pangungusap ay sinasalungat
ng pangalawa. Ang mga sumunod ay mga pangatnig ng panansay: ngunit,
datapwat, kahiman, subalit, bagaman, samantala, maliban, habang at manapa.
4. Panamhin panagot sa tanong na Bakit? at nagbibigay ng pangangatwiran o
kadahilanan para sa pagkakaganap ng isang bagay. Ginagamit na pananhi ang mga
sumusunod: palibhasa, kasi, dahil sa, sanhi sa, sapagkat at mangyari.
5. Panapos Nagpapahiwatig ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita. Ang mga
pangatning na ginagamit ay upang, sa lahat ng ito, sa di kawara, nang, para sa
bagay na ito at sa

6. Panlinaw ginagamit sa pagpapaliwanag ng bahagi o kabuuan ng isang banggit.


Ginagamit sa isang uring ito ang mga sumusunod: anupat, kung gayon,
samakatuwid, alalaong sana, sa isang salita, sa madaling sabi at kaya.
PAGSASANAY
Gawain I:
Bilugan ang mga pangatnig at isulat sa patlang ang mga uri nito.
1. Si Lita at si Rebecca aykapwa napalo ng ina.
2. Maganda siya ngunit galisin.
3. Nagsisisi ka kapag hindi ka sasama sa aming lakad.
4. Sasama ako kung sasama ka.
5. Nadapa siya saka nasugatan pa.
6. Aling ang ibig mo? Matamis o maasim
7. Magkatabi kami sa upuan datapwat hindi kami nagkikibuan.
8. Madali ang pagsubok na ibinibigay ng guro ngunit napakahaba.
9. Pag-umalis ka, iiyak ako.
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Gumawa ng sampung pangungusap at salungguhitan ang mga pangatnig na
ginamit.
MODULE I: MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN 7: ANG PANG-ANGKOP
I.
PANANAW Ang kahalagahan ng pag-angkop ay makatutulong ng lubusan
sa mga mag-aaral na matutunan ang tamang paggamit nito.
II.
MGA LAYUNIN Matapos ang masusing talalkayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang: a. Maipaliwanag ang tamang kahulugan ng pang-angkop b.
Magagamit at lagyan ng angkop na pang-angkop ang bawat pangungusap
III.
MGA NILALAMAN
Tatlo ang pang-angkop na dapat bigyang pansin at magamit sa tamang
paggamit sa pangungusap na nakapaloob dito.
ANG PANG-ANGKOP
Pang-angkop ito ay tagapag-ugnay ng dalawang salita na karaniwan ay panuring
at salitang tinuturingan. Ito ay ginagamit upang maging madulas ang pagbigkas ng
mga nagkakasamang salita. Tatlo ang pang-angkop na ginagamit: na, na at g.
Ang pang-angkop na NA ay ginagamit kung ang salitang aangkupan ay nagtatapos
sa katinig maliban sa N. Hal. Baul na kahoy mahirap na buhay rehas na bakal bahay
na bato
Ang pang-angkop na NG ay ginagamit kung ang salitang aangkupan ay nagtatapos
sa patinig. Hal. Binatang makisig binting mabalahibo damong ligaw dugong bughaw
kabibeng buhay ulong pugot
Ang pang-angkop na G ay ginagamit kuna ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa
n. Hal. Sabong mabangon pamahalaang maayos balong malalim bayaning makisig
dahong lagas bagyong tahimik PAGSASANAY
Gawain I: Lagyan ng angkop na pang-angkop ang bawat patlang.
1. Malansa isda
2. Sasakyan mabagal
3. Panyo pula
4. Halaman sariwa
5. Ulan tikatik
6. Gusali mataas
7. Takas bilanggo
8. Larawan punit

9. Manipis damit
10.Sabon panlaba
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Gumawa ng isang talata o isang alamat na mababasa at salungguhitan ang mga
pang-angkop na ginamit.
MODULE I: MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN 8: ANG PANG-UKOL
I.
PANANAW Matutong gumamit ang mga mag-aaral ng tamang pang- ukol
sa pangungusap at malaman ang tamang kahulugan nito.
II.
MGA LAYUNIN Matapos ang masusing talalkayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang: a. Maipaliwanag ang ibig sabihin ng pang-ukol b. Magamit sa
pangungusap ang mga pang-ukol
III.
MGA NILALAMAN Maunawaan ang kahalagahan ng mga talaan ng pangukol na ginamit at matutunang gamitin sa pangungusap.
ANG PANG-UKOL
Pang-ukol ito ang tawag sa mga kataga o salitang ginagamit sa pangungusap
upang matukoy kung sang lunan o kung sa anong bagay ang mga mula o tungo,
ang pinaroroonan o pinagkakaroonan ang pinangyarihan o kinauukulan ng isang
kilos, gawa, balak, ari at layon. Ang mga pang-ukol na gamitin ay: sa, kay, laban
kay, lubag sa, labag kay, tungkol sa, tungkol kay, ayon sa, ayon kay, alinsunod sa,
alinsunod kay, ukol kay, nang walang at nang may. Hal. Ayon sa balita may darating
na malakas na bagyo. Para kay Inay ang bibili kong purselas. Marami ang tumutol sa
pagtaas ng presyo ng gasolina. Ang ukol kina Maria ay huwag mong
panghimasukan.
PAGSASANAY
Gawain I: Salungguhitan ang nararapat na pang-ukol.
1. (Ayon kay, ukol kay, laban kay) G. Amante ang sinabi niya kaya siya inihabla.
2. (Tungkol, ayon, ukol) sa balita na nagkakagulo ang mga nag-aaral sa Malaysia.
3. Ang binili kong laruan ay (para, tungkol, hinggil) sa aking pinsan.
4. (hinggil, laban, tungkol) sa pag-iisang dibdib ang pinag- uusapan nila.
5. Maglaan tayo ng salapi (sa, para sa, ukol sa) ating magandang kinabukasan.
6. Ang dalagang ayaw magtungo sa pista (para sa, nang walang, nang may)
pasalubong sa daratnan.
7. Ibig kong makarating (nasa, sa, ng) Canada.
8. Ipaliliwanag ko sa iyo ang (para sa, hinggil sa, tungkol kay) nais mong malaman.
9. (Ayon kay, alinsunod kay, ukol kay) rizal nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.
10. (laban, labag, alinsunod) sa batas ang paninira ng reputasyon ng isang tao.
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Ipaliwanag ang pagkakaiba sa gamit ng: Sagot:
1. Sa at kay 1.
2. Labag sa at laban sa 2.
3. Ayon sa at alinsunod sa 3.
4. Para kay at ukol kay 4.
5. Ayon kay at hinggil kay 5.
MODULE I: MGA BAHAGI NG PANANALITA ARALIN 9: ANG PANDAMDAM
I.
PANANAW Malaman ang tama at nararapat na panuntunan na kailangan
sa tamang paggamit sa pangungusap.

II.

MGA LAYUNIN Matapos ang masusing talalkayan ang mga mag-aaral ay


inaasahang: a. Masabi ang kahulugan ng pandamdam b. Nakapagbibigay
ng halimbawa c. Magamit sa pangungusap
III.
MGA NILALAMAN Maging lubusang maunawaan at matutunan ang tamang
kahulugan ng pandamdam na ginagamit sa tamang pangungusap.
ANG PANDAMDAM
Pandamdam ay kataga, parirala, sugnay o kahit na isang buong pangungusap na
nagbibigay ng masidhing damdamin, pagkagulat, pagkabigla, pagkatakot,
pagtataka,
paghanga,
pagdaing,
paghihinagpis,
pagdalangin,
pagkaawa,
pagkasuklam,
paglalambing,
pagkamuhi,
panghihinayang,
pasasalamat,
pagpapagibik, pagkalugod, pagkagalak, atbp. Hal. Ay! Hep! Ak! uy! hoy! he!Ha! Be!
Aba! Aray! aruy! Ehem! Hala! Wag! Adyos! aysus! Harinawa! Sukat na! tulong!
Sunog!
PAGSASANAY
Gawain I: Ibigay ang tamang pandamdam na nararapat sa mga sumusunod na
pangungusap.
1. Nahulog ang sanggol.
2. nadapa ako.
. Magdasal na siya.
4. ako ang hari dito
5. ano ba yang ginawa mo?
KARAGDAGANG PAG-AARAL
Gumawa ng 10 pangungusap na ginagamitan ng pandamdam.

Anda mungkin juga menyukai