Anda di halaman 1dari 3

Bugtong

5.Buhok ni Adan, hindi mabilang.


Sagot: Ulan
6.Bibingka ng hari, hindi mo mahati.
Sagot: Tubig
9.Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob
Sagot: Kulambo
10.Dalawang pipit nag titimbangan sa isang siit.
Sagot: Hikaw
11.Maikling landasin, di maubos lakarin
Sagot: anino
13.Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala
Sagot:sapatos
14.Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore.
Sagot: langgam
16.Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
17.Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako.
Sagot: langka
18.Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
19.Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
20.Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
21.Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
22.Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
23.Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
24.Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
25.Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

Sagot: kulambo
26.Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
27.Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
28.May bintana ngunit walang bubungan,
may pinto ngunit walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
29.Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
32.Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
33.Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
34.Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
35.Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
36.Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
38.Butot balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
39.Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
40.Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote
41.May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok
42.Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw
43.Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas
44.Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukhay nakaharap pa.
Sagot: balimbing

1. Magkakabit na kutsilyo
Gamit ng barbero.
Sagot: GUNTING
2. Binili ni Ina Isasabit lang pala.
Sagot: HIKAW
3. Isang butil na dilaw Kinalatan buong bahay.
Sagot: ILAW
4. Baong kinayuran Lamay kayamanan.
Sagot: ALKANSIYA
5. Bumubukay walang bibig Ngumingiti nang tahimik.
Sagot: BULAKLAK
6. May ulo, walang tiyan, May leeg walang baywang.
Sagot: BOTE
7. Pinilit na mabili Saka ipinambigti.
Sagot: KURBATA
8. Korona ni Andoy Sa ilalim nakalagay.
Sagot: DIKIN
9. Kabit-kabit na uling Tingnat bibitin-bitin.
Sagot: DUHAT
10. Isang malaking suman Sandalan at himlayan.
Sagot: UNAN

Anda mungkin juga menyukai