Anda di halaman 1dari 3

Ang Pagiging Alagad ng Diyos

Pagaaral/pagsasalin/pagbabahagi (sa isang grupo) ukol sa pagiging isang tagasunod ni Cristo hango sa
aklat na "Discipleship" ni G. Ferguson
Kalakip ng pagiging alagad ang pagkakaroon ng malapit na ugnayan sa kapwa alagad (kaparehong
kasarian) sa pagnanais na magtulungan na maging katulad ni Cristo.
Iniutos sa atin ni Jesus na gawin nating mga tagasunod at turuan natin ang mga nabautismuhan na
sumunod sa lahat ng iniutos nya. Mateo 28:20
Ang nagnanais na maging tagasunod ni Cristo ay nagpapakita ng kababaang loob na sya namang
pinagpapala ng Diyos.
Ano ang mga katangian ang dapat tayong mag karoon upang maging matagumpay?

*Ang Pagiging Bukas


Ang 2 Corinto ay liham ni Pablo sa mga alagad sa Corinto. Nakasaad dito ang pagpapayahag at pagiging
bukas ni Pablo sa kanyang mga saloobin:
kanyang mga paghihirap:
v8 Mga kapatid gusto naming malaman ninyo ang mga paghihirap na dinanas namin doon, halos hindi
na namin nakayanan at nawalan na kami ng pag-asang mabuhay pa.
--ito ay naramdaman ko din ngunit ang aking dinadanas ay walang katuturan kung ikukumpara sa kanila.
kanyang kagalakan:
7:4 Malaki ang tiwala ko sa inyo, at pinagmamalaki ko kayo!Labis ninyong ninyong pinalakas ang aming
loobat nag-uumapaw sa aming pusoang kagalakan sa kabilang aming mga paghihirap.
kanyang pangamba:
7:5 Nang dumating kami sa macedonia,wala rin kaming pahinga,dahil kahit saan ay nagdadalamhati
kami.Sa paligid ay nariyan ang mga kumokontra sa amin,at sa loob naman namin ay may pag-aalala para
sa mga mananampalataya.
Ang pagpapahayag natin ng ating mga hinanakit at sinasaloob ay mayroon malaking epekto sa ating mga
kilos at disposisyon/kondisyon.Matapos tayong maglabas ng sama ng loob tayo ay nakakaramdam ng
ginhawa sa dibdib.
Hamon: Kung hindi tayo bukas sa ating buhay patungkol sa ating mga hinanakit, tagumpay, pangamba
takot at iba pa, tayo ay magsisi at magbago.Hindi tayo magiging ganap na maligaya at matagumpay na
tagasunod kung wala nito.

*Ang Paghingi ng Payo


Kawikaan 12:15 Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama, ngunit ang taong marunong ay nakikinig sa
payo.
15:22 Mabibigo ka,kapag hindi ka humingi ng payo tungkol sa iyong mga pinaplano ngunit kapag marami
kang tagapayo magtatagumpay ang mga plano mo.
27:9 Ang langis at pabango ay gaya ng tapat na payo ng isang kaibigan na nagdudulot ng kaligayahan.
Ang ating pagpapayo at pagbibigay patnubanay ay lumalago mula sa ating pagmamahal sa isa't isa at sa
pagnanais na tulungan ang bawat isa na matamasa ang kaligayahan.
Ang ating mga desisyon ay maaring hindi ganun kahalaga ngunit bilang mga tagasunod ni Jesus, marapat
lamang na lagi nating piliin ang mabubuting hakbang bilang ang ating Panginoon ay "napakagaling"
(Marcos 7:37)
Humingi ng payo ukol sa:
mga prioridad
pag gamit sa oras
pakikipag kita sa mga dating kaibigan
pangangaral ng ebanghelyo
libangan
pananalapi
Hamon:
Kung ang mga bagay na ito ay napag-uusapan natin, atin pang ipagpatuloy ito at laging piliin ang mas
mainam na hakbangin.
*Ang Pagiging Masunurin/Nagpapasakop
Santiago 3:17 Ngunit ang taong may karunungan mula sa Dios, una sa lahat ay may malinis na
pamumuhay.Maibigin sya sa kapayapaan,mahinahon,masunurin,puno ng awa at kabutihan, walang
pinapaboran, at hindi nagkukunwari.
Tularan natin si Cristo na hindi naghiganti nang siya ay pinagmalupitan dahil ipinagkatiwala niya ang
kanyang sarili sa Diyos.
Roma 8:28 Alam natin na sa lahat ng bagay,gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa
kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.
Nagtitiwala ba tayo na ang mga taong inilagay ng Dios sa ating buhay ay may papel sa ating paglago?
Tulad ni Cristo dapat tayong magtiwala sa mga kristiyanong gumagabay sa atin.
Hamon:
Paunlarin natin sa ating mga sarili ang pagiging masunurin.

*Ang Patulad/Paggaya sa mabubuting gawa


Ang isang patunay ng kababaang loob ay ang pagnanais na tularan si Cristo sa pamamagitan ng mga
kristiyano.Ito ang pinakamabilis na paraan para matutunan natin ang mga dapat nating gawin.
pangangaral ng ebanghelyo
pagsisilbi sa simbahan
pananalita
pagkilos
Lucas 6:40 Walang mag-aaral na mas higit sa kanyang guro.Ngunit kapag lubusan nang naturuan,
magiging katulad sya ng kanyang guro.
1 Corinto 11:1 Kaya nga, tularan ninyo ako, dahil tinularan ko rin si Cristo. (Pablo)
Filipos 3:17 Mga kapatid, tularan n'yo ako, at tularan n'yo rin ang iba pang namumuhay nang tulad
namin. (Pablo)
3 Juan 1:11 ...huwag mong gayahin ang masamang ginagawa ng taong iyan (Diotrefes).Sa halip, gawin
mo ang mabuti.
Kung wala tayong kababaang loob hindi tayo matuto ng husto.
Hamon: Tularan natin ang lahat ng maganda at pwede nating matutunan upang tayo ay mabilis na
lumago sa ating ispiritwalidad.

*Ang Pagiging Maaasahan/Mapagkakatiwalaan


Ang isa sa mga mahahalagang katibayan ng isang disiplinadong pamumuhay ay ang pagiging maaasahan
o mapagkakatiwalaan.
2 Tim 2:2...Ituro mo rin sa mapagkakatiwalaang tao, na makapagtuturo rin sa iba, ang mga aral na
narinig mo sa akin sa harapan ng maraming saksi.
1 Tim 4:8...may mas mabuting maidudulot ang pagsasanay sa kabanalan sa lahat ng bagay...
Hamon:Sanayin natin ang ating mga sarili hanggang sa tayo ay maging maaasahan at
mapagkakatiwalaan sa lahat ng panahon at turuan ang iba na gawin din ito.
Closing:
Ang isa sa mga talata na nangusap sa akin sa aking pag-aaral sa paksang ito ay ang
1 Cor. 13:7 (ang pag-ibig ay) hindi sumusuko,laging nagtitiwala, laging may pag-asa, at tinitiis ang lahat
Bilang mga magkakapatid sa pananampalataya tayo ay wag sumuko sa bawat isa, magtiwala sa Diyos at
sa isa't isa, magkaroon ng pag asa sa bawat isa at magtiyaga sa pag papalakas at pagmamahal sa bawat
isa.

Anda mungkin juga menyukai