Anda di halaman 1dari 2

HARAYA

MICHAEL M. COROZA
(Liwayway, 3 Pebrero 2014)
ANG MGA ANTAS NG TUGMAAN
Ikinagalak kong mabatid na kasama sa tuntunin ng Talaang Ginto sa Tula
2014 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagkakaroon ng mga ilalahok na
tula ng tugmang tudlikan. Sabi nga sa anunsiyo:
Papaksain ng mga tulang ilalahok ngayong taon ang kabayanihan, at kung
papaano nilulutas ng isang makabagong bayani ang isang makabago ring problema.
May sukat at tugma ang mga tulang ipapasa. Nasa antas ng tudlikan pataas ang
tugmaan. Hindi bababa ang blang ng mga taludtod sa apatnapung (40) taludtod at
hindi lalagpas sa walumpung (80) taludtod.
Gaya ng nakasaad, antas ng tugmaan ang tudlikan. Sa Panulaang Filipino,
may apat na antas ng tugmaan: Karaniwan, Tudlikan, Pantigan, at Dalisay.
Ikalawang antas ang tudlikan, at siyempre, mas mataas ito sa karaniwan. Ang
pantigan at dalisay naman ang mas mataas dito.
Bigyang-diin natin: ang apat na ito ay mga antas ng tugmaan, hindi mga uri.
Sa pangkalahatan, may dalawang uri lamang ng tugmaan: Tugmang Patinig at
Tugmang Katinig. Hindi totoong may tugmang ganap at tugmang di-ganap. Sunugin
ninyo ang teksbuk na nagtuturo ng tugmang ganap at tugmang di-ganap! Tugmang
Patinig at Tugmang Katinig lamang ang mayroon!
Ang tugmang Patinig ay nauuri pa sa dalawa: ang May-impit at Walang impit.
Ang tugmang katinig naman ay nauuri rin sa dalawa: Malakas at Mahina.
Magkakatugma ang mga salitang nagtatapos sa iisang patinig at pareparehong may impit. Sa pangkalahatan, tatatlo ang ating patinig: a, e-i, o-u.
Malayang nagpapalitan ang e at i, at ang o at u. May impit ang salita kapag sa dulo
ng pagbigkas ay tila may sumasalak o kumakaskas sa lalamunan. Subuking bigkasin
ang mga salitang diwa, wika, salita, tula. Kung titingnan sa diksiyonaryo, sa
ganitong paraan nakasulat ang mga ito: diw, wik, salit, tul. Malumi ang uri ng
bigkas ng mga salitang diw at wik. Maragsa naman ang bigkas ng salit at tul.
Katangian ng malumi ang bigkas na may diin sa penultima o ikalawa sa huling
patinig at may impit ang huling patinig. Walang diin sa penultima ang maragsa at
may impit ang patinig sa huling pantig. Tandaan: mga salitang nagtatapos lamang
sa patinig ang maaaring magkaroon ng impit at mauuring malumi o maragsa.
Sa karaniwang antas, magkakatugma ang mga salitang diw, wik, salit, at
tul dahil pare-parehong nagtatapos ang mga ito sa patinig na a na may impit. Kung
itataas sa antas na tudlikan, ang diw at wik na lamang ang magkatugma dahil
parehong malumi ang mga ito. Sa kabilang banda, parehong maragsa ang salit at
tul kay ang mga ito na lamang ang magkatugma. Samakatwid, tudlikan ang antas
ng tugmaan kung magkakapareho ang bigkas ng mga salitang pinagtutugma:
maragsa sa maragsa, malumi sa malumi. Bagaman parehong
nagtatapos sa a na may impit, hindi magkatugma sa antas na tudlikan ang mga
salitang wik at salit. Dahil malumi ang wik, maragsa ang salit.
Kung iaakyat sa antas na pantigan, hindi na magiging magkakatugma ang
apat na salitang ito. Kahingian kasi sa pantigan na pare-pareho ang bigkas ng mga
salitang pinagtutugma at dapat ding parehong-pareho ang katinig-patinig (KP) o
patinig-katinig (PK) ng huling pantig ng mga ito. Ang isang salitang katugma ng
diw sa antas na pantigan ay aw. Pansinin, parehong malumi ang bigkas ng mga
ito at parehong w ang huling pantig. Puwede ring katugma ng diw sa antas na

pantigan ang mga salitang law at saw. Hindi nito magiging katumbas kahit sa
antas na tudlikan ang salitang tuw o luw. Maragsa ang bigkas ng mga salitang ito.
Kaya nga kapag nakasulat sa diksiyonaryo, ang huling pantig ng mga ito ay w,
hindi w. Sa kabilang banda, ang tuw at luw ay magkatugma sa antas na
pantigan dahil parehong maragsa ang bigkas ng mga ito, at parehong wa ang
huling pantig.
Kung tutuusin pa, ang tuw at luw ay nasa antas na dalisay. Hinihingi sa antas na
ito na parehong-pareho hindi lamang ang bigkas at ang huling KP o PK kundi pati na
rin ang patinig bago ang huling pantig. Pansinin: parehong u ang patinig bago ang
huling pantig ng tUw at lUw. Ang diw at aw ay hanggang antas na pantigan
lamang. Hindi puwedeng maging dalisay sapagkat magkaiba ang patinig bago ang
huling patinig ng mga salitang ito: dIw, Aw.
Magkakatugma ang mga salitang nagtatapos sa iisang patinig at pareparehong walang impit. Muli, napapangkat lamang sa tatlo ang patinig: a, e-i, at ou. Walang impit ang bigkas ng salitang nagtatapos sa alinman sa mga patinig kung
sa halip na parang may kumakaskas sa lalamunan ay may hanging bumubuga sa
dulo ng salita. Subuking bigkasin ang mga salitang ligaya, parusa, mata, at sinta. Sa
diksiyonaryo, sa ganitong paraan nakasulat ang mga salitang ito: ligya, parsa,
mat, sint. Malumay ang uri ng bigkas ng ligya at parsa. Mabilis ang bigkas ng
mat at sint. Katangian ng bigkas na malumay ang pagkakaroon ng diin sa
penultima o ikalawa sa huling pantig at walang impit ang patinig sa huling pantig.
Walang diin sa penultima at walang impit ang patinig sa huling pantig ng bigkas na
mabilis.
Sa antas na karaniwan, magkakatugmang lahat ang mga salitang ligya,
parsa, mat, sint. Pare-pareho kasing nagtatapos sa iisang patinig na walang
impit. Gayunman, kapag iniakyat sa antas na tudlikan, tanging ang ligya at parsa
ang magiging magkatugma dahil ang dalawang ito lamang ang pareho ng bigkas
malumay. Sa ganitong paraan din, tanging ang mga salitang mat at sint ang
magtutugma sa antas na tudlikan sapagkat ang dalawang ito lamang ang may
bigkas na mabilis. Muli nating bigyang-diin, kahingian sa antas na tudlikan na
parehong-pareho ang bigkas ng mga salitang pinagtutugma: mabilis sa mabilis,
malumay sa malumay.
Kung iaakyat sa antas na pantigan, tanging ang mat at sint na lamang ang
magtutugma. Ang dalawang ito na lamang kasi ang magkapareho ng bigkas
(mabilis) at parehong-pareho ang huling KPt. Ngunit, hindi na maiaakyat sa antas
na dalisay ang mat at sint. Bagaman pareho ng bigkas at huling KP, hindi
magkapareho ang patinig bago ang huling pantig ng mga ito: mAt, sInt.
Halimbawa ng mga salitang puwedeng itugma sa mat sa antas na dalisay ang
kAnt at sAlt. Halimbawa ng mga salitang puwedeng itugma sa sint sa antas na
dalisay ang sIt at pIst.
Kahit parehong-pareho ang huling tatlong titik ng mata at pata (bahagi ng
baboy), karaniwan lamang ang antas ng tugmaan nito. Hindi ito papasang tudlikan
dahil hindi pareho ng bigkas ang mga salitang ito: mabilis ang mat, malumay ang
pta. Puwedeng makatugma sa antas na pantigan ng pta ang bta. Puwede naman
nitong makatugma sa antas na dalisay ang lta.

Anda mungkin juga menyukai