Anda di halaman 1dari 20

Chapter 1

Tumawag si Flor kay Victor del Mundo sa telepono. Gusto niyang makipagkita dito.
Habang papunta na si Victor sa Quiapo nalalala niya ang kaklaseng si Estong. Na galit
sa kanila dahil sila ang malimit utusan ng kanilang guro na si Miss Quilala. Ito ang
kinaiyamutan ni Estong ng lubos at sinasabihan pa sila nito ng es es bi. Itinulak niya ito
na siyang ikinagalit ni Victor at doon ay buong tapang na lumaban. Inawat sila ni
Tandang Siyanong Agwador. Ang pakikipaglaban yaon ni Victor ay hindi lamang para sa
sarili. Isang taon nang mahigit ang hindi pagkikita nila ni Flor. Nang nakarating na si
Victor kinamusta niya si Flor at bigla niyang naalala ang mga sandaling nandoon pa sila
sa tundo. Ang mga estero ang mga tsismisan at mga sunod-sunod na putukan.
Umorder si Vic ng serbesa at kapeng walang gatas naman para kay Flor.
Nagkamustahan sila at nag usap tungkol sa isat isa. Kinamusta niya kay Flor si Tonyo.
siFlor ay ang babaing minahal niya ng lubusan noon.
Chapter 2
Nalaman ni Victor na may suliraning dinadala si Flor dahil sa hindi pag-imik nito.
Napansin nito ang singsing ni Flor. Naalala ni Victor ang kaklase niyang si Alma na
naghihintay sa kanya. Ipinagtapat ni Flor na siyay mahigit dalawang buwan nang
nagdadalang tao. Nalaman ni Victor na isang maselang suliraning ang dala-dala ni
Flor. ikwenento ni Flor ang babaeng nagsadya sa kanilang inuupahang apartment nang
si Tonyo ay wala doon. Nakadama ng takot si Flor kung talagang mayroon ngang ibang
pamilya si Tonyo. Nagpasalamat si Flor kay Victor sa pakikinig nito sa kanyang
problema. Habang palayo si Flor, naalala niya si Alma na naghihintay sa may lobby.
Habang hinihintay ni Alma Fuertes si Victor ay nagbabasa siya ng El Filibusterismo.
Nailahad dito ang paniniwala ni Victor "sapagkakaalam ko sa karanasan ko nasa tao
ang gawa at nasa Diyos ang awa". Napalapit na ang loob ni Alma kay Victor. Nang
nakarating na si Victor nag-usisa si Alma kung bakit nahuli ang dating niya pero hindi
sinasabi kung ano ang tunay na dahilan.
Chapter 3
Pasulyap-sulyap si Alma sa katabi niyang si Victor. Iniabot niya ang librong El
Filibusterismo. Wala sa loob ni Victor naipatong ang libro sa dala nitong inilapag sa
kaliwang dulo ng upuang marmol. Nag-usap silang dalawa. Naisipan at ipinasya ni
Almang huwag sumagot ni kumibo. Titiisin niya si Victor. Iisipin nitong siyay talagang
nagtatampo. Tumungo na silang dalawa sa lobby para sa kanilang susunod na
klase.Nang nagkaklase na sila, hindi mapakali si Alma. Wala nang nagawa si Alma
hanggang matapos ang klase kundi tumingin minu-minuto sa kanyang relong
panggalang. Nagtungo na sa labas ng silid ang mga estudyante, naunang lumabas
siVictor, iniiwasan siya ni Alma. Naglalakad siya sa Azcarraga patungong Avenida Rizal,
wala siyang tiyak na paroroonan.Naalala ni Victor ang kagandahan ni Flor, naalala din
niya ang pagkukulitan at pagbibiruan nila ni Flor. Napangiti nalamang si Victor sa
kanyang nagunita. Napabuntong hininga si Victor, nasa Plaza Santa Cruz na siya, sa

ibang araw na dadalawin ni Victor si Flor sa apartment nito. Tiningnan ni Victor ang mga
malalaking litrato ng mga pinanonood sa maliit na sinehang mailaw at pinapasok ng
mga lalaki lamang. Dumukot na siyat pipila upang bumili ng tiket. Ngunit nagbago ang
kanyang isip pupuntahan na lamang niya si Flor. Tumawid siya sa Plaza Sta. Cruz.
Ang tanging nasa isip niyay ang nag -iisang si Flor sa sariling apartment nito sa Ermita.
Chapter 4
Nagbalak na pumunta si Vic sa apartment ni Flor. Si Flor ay nagiisa lamang sa kanyang
apartment, siya ay walang malamang gawin, wala siyang ganang kumain, hindi siya
dalawin ng antok,kung ilang tasang kape na ang kanyang naiinom, walang ganang
magbasa ng mga babasahin na uwi ng kanyang asawa tungkol samoda at
pagpapaganda. Ayaw ni Tonyo na magka anak sila ni Flor, muli niyang naalala ang
babaeng bumisita sa kanyang apartment at nagpakilala bilang asawa niya upang
linawin na may mas karapatan ang pamilya nito kaysa kay Flor. Tinanong ni Flor si
Victor kung kumain na siya at sabi naman ni Victor ay hindi pa at sabay yakag sa labas
at sinabing pang iblo-blowout daw niya si Flor.
Chapter 5
Pagkauwi ni Victor galing kila Flor nakita niya ang kanyang nakatatandang kapatid na
si Lukas na nakikipag inuman kasama ang mga kaibigan nito. Nakisama siya dito at
nakisama din sa kwentuhan at nakikipagtawanan. At nang gabing iyon sa restawrang
intsik ay muntik ng magkaroon ng kaguluhan dahil sinubukang harangin ng mga waray
ang serbesa na dapat ay sa kanila, buti na lamang at nandoon si Victor upang pigilan
sila. Umorder na lamang sila ng bago. Niyanig na naman ng mga waray ang dingding
na kanilang sinasandalan at may kasama pa itong nakakainis na mga tawanan. Maya
maya narinig na lamang ni Victor na nabasag na ang isang bote sa mesa na hawak ng
kanyang kapatid na si Lukas
Chapter 6
Niyakap ni Victor si Lukas, nabuwal ang kanyang silyang batibot at nagka gulo na sa
loob ng restawran. At sa pangalawang pagkakataon ay napigilan muli ni Victor sila
Tatong Bamban sa pakikipag away. Pagsulyap ni Victor sa labas ay nakita niya ang
mga muntik na nilang makalaban na nagpupulong pulong at nag tatawanan. Dahil dito
kinutuban si Victor ngunit hindi siya nagpahalata sa kanyang mga kasama. Maya maya
may isang babaeng nakamisola na pumasok sa restawran. Asawa pala siya ni Paeng
Gasti. Tinugis niya ng kurot ang kanyang asawa. Nagpaalam na si Paeng Gasti habang
hinahabol siya ng bakya ng kanyang asawa. Gusto pa ng isang raun ni Tatong Bamban
ngunit ayaw na talaga ni Victor at nag dahilan ito na may eksamen pa siya sa lunes at
subsob ang pagaaral niya bukas. Tumalab naman kay Paeng Gasti ang pagdadahilan
ni Victor. At nag uwian na nga sila. Habang naglalakad sila, ay sinabi ni Lukas ang
kanyang kanina pang dinaramdam kay Victor. Sinuntok niya si Victor buti na lamang at
nakailag siya. Tumigil lamang si Lukas sa pagsuntok sa kanaya ng may nakita silang

apat na lalaking hindi mamukhaan na bilang sumulpot sa may estero. Pinaaalis na ni


Lukas ang kanyang kapatid at sinabing siya na ang bahala doon.
Chapter 7
Hindi nagustuhan ni Victor ang kanyang narinig, kaagad niyang hinabol ang kapatid
upang sabihin na sa kabilang daan na sila magdaan. Ngunit ayaw ni Lukas at sinabihan
pa niya si Victor na bibirahin kita ryan. At nagpatuloy pa rin si Lukas, ibinaba ni Victor
ang kanyang gamit sa isang tabi at dinaluhan na niya ang kanyang kapatid na nakikipag
bakbakan. Nang nakaahon na ang mga pinaglalaglag ni Victor sa estero ay pinigilan na
rin niya ang kanyang kapatid na sasapukin pa sana ang isa. Sabay sabay na nabuhay
ang mga ilaw dahil sa ingay na nilikha ng kanilang pakikipag away. May nakaboses kay
Lukas at nagtanong kung anong nangyari. At malakas na sinabi ni Lukas na kami!
Kami ng utol ko, napasabak kami. Apat sila, mga taga-sawmill. Hindi sila umubra. Hindi
sila umubra samin ng utol ko! kumalat sa buong bayan nila ang nagyaring iyon. At
kinabukasan ay iyon ang usap usapan ng mga taga looban.
Chapter 8
Hindi matiyak ni Alma kung pagseselos nga ang kanyang nararamdaman. Sa
pagkakahuli niya kay Victor na nakipagkita sa dati nitong kasintahan. Hindi niya matiis
si Victor kayat siya na ang unang humingi ng tawad. Pagkatapos ay ikwenento ni victor
ang lahat tungkol kay Flor. Hindi siya nahirapan sap ah kwe-kwento dio sapagkat
magagandang pangarap ang kanyang nasaisip kapag nababanggit si Flor. Ikwenento
din niya kung bakit siya nagkasugat. Sinabi niya ang tungkol sa bakbakan na naganap
doon sa looban. At nagtapos ang araw na iyon sa isa na naming panunukso ni Victor.
Chapter 9
Tumigil na si Alma sa kanyang panunukso. Talagang hanga na siya kay Victor. Hindi na
niya matatanggihan ang katotohanang iyon at hindi na niya mapagsisinungalingan ang
kanyang sarili. Bigla na lamang nabulalas ni Alma sa sarili na Ganito Pala! at saglit na
napapikit sa matinding pagpisil-pisil sa kanyang puso ng di madalamuhat na
kahiwagaang pinangalanang Pag-ibig. Nagpasya siya na bumili ng isang talaarawan at
doon niya ilalagay ang kasaysayan ng kanyang lihim at bagong tuklas na daigdig. Sa
klase nila sa gabing iyon na History 100. Ipinakilala ni propesor butiki ng may kabagalan
ang kanyang katotot kilala raw na mananaliksik ng kasaysayan ng bayan na si Agila.
Hindi niya magawang gumaya sa kanyang mga kaklase na mag pa easy easy lang sa
buhay sapagkat siyay taga tundo. Naghihimagsik siya sa karaniwang buhay sa tundo
dahil alam niyang may pag-asa ang tundo, may katapat na langit ang tundo. Si Victor
lamang ang naglakas ng loob na magsalita at nagsimula na siyang magbigay ng
komento sa librong ipagbibili sana sa kanila ni Agila. Nang tumunog na ang bell, bago
patayin ng kanilang propesor ang mikropono, sinabihan niya si victor na makipagkita sa
kanya sa Department.

Chapter 10
Paglabas ng mga estudyante sa kanilang klase, pinaguusapan pa rin nila ang ginawa ni
Victor kay Agila. Pakiramdam niyay kinakaawan siya at pinagtatawanan. Pumunta na si
Victor sa Department. At si Alma naman ay dali daling lumabas upang bumili ng
kanyang gagawing talaarawan. Pagkabili niya ay bumalik na siya sa lobby at nag-isip
ng maaari niyang isulat na panimula sa kanyang diary. Sa kabilang banda naman
pinanindigan pa rin ni Victor ang kanyang mga binitawang salita na nagkamali ng
malaki ang awtor na libro na si Agila. Napupuyos ang kanyang kalooban sa mga
sinasabi ni Agilang kasinungalingan. Si Victor ay kilala nan g ibang propesor sa history.
Sabi nga niya sa mga propesor nya noon na sa inyo ko natutunan ang magsuring
mabuti ng mga kaisipang maaaring magkaroon ng masasamang kahulugan at lisya sa
mabuting pag-aaral, nagbibigay ng maling interpretasyon. Napangiti na lamang ang
mga propesor niya at sinabihan siyang huwag mag-aalala hindi siya maaano.
Chapter 11
Bago matulog ng gabing iyon si Alma ay ipinagdasal muna niya si Victor. Nang gabing
iyon ay nanaginip si Alma. Subalit hindi si Victor na siyang gusto niyang
mapanaginipan, kundi panaginip na alam niyang may kaugnayan iyon sa kaniyang
nalalaman tungkol sa kanyang ama. Napanaginipan niya ang kanyang ama na may
binibigay na maraming salaping papel sa isang babae. At kilala niya ang babaeng iyon,
iyon ay labandera nila noon. Napaigtad ng bangon si Alma. Umaga na noon. Nahagip
niya ang kanyang talaarawan at niyakap niya ito ng mahigpit. Sinulat din niya roon ang
kaniyang napanaginipan. Ngunit hindi niya inilagay ang tunay na kahuluhulugan niyaon.
Bigla niyang naalala si Dolores. At kung naisilang baga niya ng maayos ang sanggol na
bunga ng kapariwaraan nito sa kanyang ama. Kumain na si Alma at pumasok na sa
kanyang pinagta-trabahuhan. Isang lingo ang nagdaan ng siya ay bumili ng talaarawan.
At kapansin-pansin ang pagbabagong nangyayari kay Alma. Natututo na itong mag
ayos ng sarili at nagkakulay na rin ang kaniyan pisngi. Nagiging absent minded na rin
siya, ngunit walang nakakaalam ng dahilan. Siya lamang at ang kanyang talaarawan
ang nakakaalam ng lahat. Sinusulat niya doon ang kanyang mga tunay na damdamin
kay Victor, ang kanilang mga napag uusapan at ang kanyang mga suliranin. Sinasama
rin niya ang tungkol sa kanyang masamang panaginip. At dahil sa talaarawang ito ay
malaki ang naging pagbabago ni Alma.
Chapter 12
Nagpaalam si Alma sa kanyang mga magulang kung pwede siyang mag pa-party
pagkatapos ng kanilang finals. At tuwang tuwa namang pumayag ang kanyang mga
magulang sapagkat matagal tagal na ring hindi nagpapa-party ang kanilang anak.
Sapagkat akala nila ay ang party na gaganapin ay para sa mga gang ni Alma. Ngunit
ang gusto ni Alma ay isang pribado, tahimik at walang karangyaan ang kanilang
gagawing pagsasalo-salo. At dahil dito, may naisip ang kanyang mga magulang na
plano, susurpresahin nila ang kanilang anak sa araw ng party. Nang araw ding iyon

nabuo ang plano para sa kanyang party. Sa kanilang bahay nila idadaraos ang
pagsasalo-salong ito. Pumasok na siya at hindi naging mahirap ang pangungumbida
niya sa kaniyang mga kaklase. Si Victor ang kanyang huling sinabihan tungkol dito. At
gusting gusto niya na pumunta si Victor, sapagkat balak niyang ipakilala siya sa
kanyang mga magulang. Ngunit ang sabi ni Victor ay susubukan nya daw, dahil
katwiran niya ay tumawag sa kanya si Flor. At gusto siyang kausapin nito sa sabado.
Chapter 13
Nung unay ayaw pang maniawala ni Alma kay Victor, akala nitoy nabibiro lamang ito.
Ngunit ang totooy tumawag nga talaga sa kaniya si Flor. Gusto nitong makipag usap sa
kanya. Nagpunta na sila sa Examinatin Room. Tulad ng inaasahan ni Victor ay ganon
nga ang nakalagay sa eksamen ng kanilang propesor Butiki. Si Victor ang unang
nakatapos sa eksamen, paglabas niyay humithit siya ng sigarilyo. Balak niyang hintayin
si Alma noon. Habang hinihintay niya si Alma ay naalala na naman niya ang mga
nagawa ng kanyang ama at lumipad ang kanyang isip sa mga bagay na gusto rin
niyang gawin. Sa kanyang ina, kaniyang mga kababata, kaibigan ng kanyang kapatid,
mga bata at lahat ng taga looban. Naglabasan na ang ibang mga nakatapos na ng
eksamen. Ng si Alma na ang lumabas ay tila suya ang mukha nito, sapagkat kung ano
ano ang kanyang pinag aralan ngunit hindi naman ito lumabas sa kanilang test. Nag
nalabasan na ang kanilang iba pang mga kaklase ay pinaalalahanan niya ulit ang mga
ito tungkol sa gaganaping party. At pati na rin si Victor ay sinabihan niya ulit. Ngunit sa
di inaasahan ay may nasabi si Alma na nakasakit at dinamdam ni Victor. Bumilis ang
lakad ni Victor, at sa unang pagkakataon ay hinabol siya ni Alma at ng maabutan niya
itoy hinawakan niya sa kamay ng may pagsusumamo.
Chapter 14
Agad namang naintindihan ni Victor ang gusting ipahiwatig ni Alma. Kayat tinugon din
niya ang pisil sa kamay ni Alma, ngunit sa di sinasadya ay nagkatinginan pa sila.
Biglang binawi ni Victor ang tingin sapagkat ayaw niyang maging iba ang ipakahulugan
ni Alma dito. Nang gabing iyon napag desisyonan din ni Victor na huwag ng sumama sa
panood n sine nila Alma. Dumating na nga ang araw ng sabado. Paglabas ni Victor
galing opisina ay nagbihis na siya ng barong tagalog na isusuot nya para sa party,
naisip nya kasi na kapag may panahon pa ay dederetso na siya doon kila Alma.
Pagdating ni Victor kila flor ay nagusap na sila tungkol sa problema nito. Na inamin na
ni Tonyo na mayroon na nga siyang asawa. At bingyan na lamang ni tonyo si Alma ng
pansusyento sa kanya at sa kanyang anak. Mayat maya ang usapan nilay napunta na
naman sa nakaraan, ang mga hinanakit at pagdaramdam. Agad din naman itong
nawala, ngunit ang nakakabigla ay ang sinabi ni Flor kay Victor na libre na ulit siya at
pwede na silang magsama.
Chapter 15
Sadyang ikinagulat ni Victor ang nasambit ni Flor. Na Malaya na siya, at pwede na ulit
silang dalawa. Na magiging maligaya sila ulit, at mayroon na naman silang pera na

nasa bangko na galing kay tonyo. Hindi na napigilan ni Victor ang kanyang sarili. Gusto
niyang maimulat si Flor sa kanyang bulag na kapusukan. Sabi pa nga ni Flor ay hindi pa
tao ang kanyang dala dala at maaari pa niya itong ipalaglag. Na isang napakalaking
kahibangan at kasalanan. Hindi na alam ni Victor ang kanyang gagawin. Gusto na
niyang umalis doon sa apartment ngunit gusto muna niyang makatiyak na kapag umalis
siya doon ay walang gagawing masama si Flor sa kanyang dinadala. Nagdalawang isip
din si Victor na kung ano nga kaya at tanggapin niya ang gustong mangyari ni Flor sa
kanilang dalawa. Ngunit kapag nangyari itoy sira lahat ng kanyang pinaghirapan at
pangarap. Naging panatag na ang loob ni Victor ng sa wakas ay nakapag desisiyon na
si Flor, at gusto nitong ipakita kay Victor na kaya niyang itawid ang bata sa gutom at
hirap. Biglang nag ring ang doorbell. At nagulat si Victor sapagkat akala niya ay si Tonyo
ang dumating.
Chapter 16
Ng muling tumunog ang bell ay tumayo na si Flor. Hindi malaman ni Victor ang kanyang
gagawin sapagkat hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay tonyo sa una nilang
pagkikita. Ng binuksan na ni Flor ang pinto ay pumasok na ang isang babae na may
itsura. Ito ay ang maid ni Flor na si Dolores. Nang makadaan na si Dolores ay tinukso
pa ni Flor si Victor sa kanyang reaksyon sa paaakalang si Tonyo ang dumating.
Pagkatapos magbihis ni Dolores ay ipinaligpit na sa kanyani Flor ang mga tasa at
pinagluto na rin niya ito ng hapunan. Sinabi pa nito na damihan dahil mayroon silang
bisita. Agad naman na tumanggi si Victor, sapagkat pupunta pa siya sa kanilang
graduation party. nagtungo na si Victor kina Alma. Pagdating niya dooy pinagmasdan
niya ang sadyang kay gandang bahay nila Alma. Nagtaka naman si Victor ng Makita
niyang madaming tao sapagkat ang akala niya ay sila sila lamang magka kaklase. Nang
sobrang dami na ang bisita ay napaalis pa sila sa sala at napapunta sa may hardin.
Maya maya ng sabihan na ni Alma na magsikain na sa kanyang mga kaklasenay
nangahihiya na ang mga ito. Sobrang dami ng handa, buffet ang handa. Nang lumalim
na ang gabi ay isa isa na ring nag paalam ang mga kaklase niya. Nang Makita ni Alma
si Victor ay humingi ito ng paumanhin dahil hindi na niya ito naasikaso. Lumapit ang
mga kaibigang babae ni Alma, at sinabing silay nagtatampo sapagkat kung hindi pa raw
sila tatawagan ng kanyang mommy ay hindi pa raw sila kukumbidahin. At bigla na
lamang tumakbo papalayo si Alma. Nagpaalam na si Victor sa kanyang ibang kaibigan.
Chapter 17
Nagdamdam si Alma sa ginawa ng kanyang mga magulang. Pinuntahan siya ng
kanyang pinsan na si Minnie sa kanyang kwarto at inaayang lumabas muli at harapin
ang mga bisita. Ilang araw na ang lumipas, nagkausap sila ni Victor at nasabi nitong
hindi siya dadalo sa baccalaureate sermon. Na hindi siya magmamartsa at aabot ng
kanyang diploma. Gusto ni Alma na dumalo doon si Victor. Naibiro na laman ni Victor na
mas mahusay mag martsa kung sa harap ng altar. Nakaramdam naman ng kakaiba si
Alma sa sinabing ito ni Victor.

Chapter 18
Dahil sa sinabing iyon ni Victor na mas mabuti pa ang martsa sa altar. May lihim na
pagkatuwang nadama si Alma sa pagaakalang may nais ipakahulugan dito si Victor.
Ngunit napahiya lamang siya sa kanyang sarili ngunit hindi niya ito pinahalata. Dahil sa
kulit ni Victor ay nakurot tuloy siya ni Alma. Hindi maikakaila ang kasayahan ng dalawa
ng silang umuwi na. Habang pauwi si Victor nagmumuni muni ito sa kanyang sarili
kung ano ang mangyayari sa kanya pagka graduate niya. Kung makakahanap agad
siya ng trabaho o baka mga ilang taon pa bago siya magkaroon ng permanenteng
trabaho. Nang makarating na siya sa looban ay may kakaibang tingin at sa kanya ang
mga taong taga doon at ang ibay binabati siya ng congratulation. Pagdating niya sa
bahay nila ay nadatnan niya si Lukas, pinaakyat na niya si Victor at tinawag ang
kanyang ina. Pinasukat nila kay Victor ang ipinatahing toga at cap. Gusto sana niyang
sabihin na hindi siya pupunta sa kanilang graduation, ngunit pinigil nya ang kanyang
sarili dahil sa nakikita niyang taglay na kasiyahan ng kanyang ina at kapatid. Ang totoo
ay kinakahiya sila ni Victor. Ngunit napagtanto niya na may karapatan ang kanyang ina
at si lukas upang masaksihan nila ang isang pangyayaring napakahalaga at minsan
lamang dumaan sa buhay ng isang tao.
Chapter 19
Kaya nagpunta doon sila Paeng Gasti, Tatong Bamban at Pilo ay upang ibigay kay
Victor ang kanilang regalo para sa kanya. Binuksan agad ni Victor ang kahon at
nagulat siya sa laman noon. Barong tagalog ang regalo sa kanya. Isinukat niya ito.
Tuwang tuwa si Victor at nagawa pa niyang umakyat sa taas ng kanilang hagdan. At
habang nag kakasiyahan ay inilabas ni Pilo ang isang stateside na inumin. At
nagkwentuhan din sila tungkol sa graduation ni Victor. Nagpaalam na sila sa isat isa.
Napatingin si Victor sa langit. Napakaganda ng pagkakalatag ng mga bituin sa
kalangitan. Nang siyay mahiga niya ay naalala niya ang kanyang laging sinasabi sa
kanyang sarili na may katapat na langit ang tondo. At ito ang patuloy pa niyang
pinagsususmikapang hanapin at maunawaan. Tiningnan nya ulit ang kalangitan at
nasambit na Ang tundo man, may langit din. Nakatingin din si Alma sa langit sa mga
panahong iyon habang hawak hawak ang kanyang talaarawan. Bago siya matulog ay
binasa muli niya ang kanyang diary. Gusto talaga niyang dumalo si Victor sa graduation.
Nakasulat din doon ang tungkol sa daigdig ni Victor na may katapat na langit. Sa mga
sandali ding iyon ay nakatingala rin si Flor sa kalangitan. Iniisip niya kung ano ang
kanyang ibibigay sa graduation ni Victor. Naalala din niya ng may panghihinayang ang
mga pangarap na sabay nilang binuo na hindi na maibabalik pa ng dahil sa pagkawala
ng tiwala ni Flor kay Victor na Ang tundo man, may langit din.
Chapter 20

Nakapag pasya na si Victor na magkakalahating araw lamang siya sa opisina.


Nagpaalam siya sa kanilang hepe at pinayagan naman niya ito at binate siya ng
congratulations. Mamaya ay nag ring ang telepono. Si Alma ang tumawag, gusto
niyang matiyak kung dadalo si Victor sa araw ng kanilang graduation at ang sabi ni
Victor ay magkita na lamang sila mamaya at dadalo siya sa baccalaureate. Pagkatapos
ng paguusap nilay hindi maalis ni Victor ang kasiyahang nasa kanyang dibdib.
Natatakot siya kung ano ang ibig sabihin nito. Bago siya dumiretso sa iskwelahan ay
bumili muna siya ng isang libro na ibibigay niya kay Alma na sanay iyon ay
makapagpaalala sa kanya kay Victor. Matapos na ang lahat ay nagkagulo na, hindi
hinayaan ni Victor na mawala sa paningin niya si Alma. Nilapitan niya ito at iniabot ang
regalo at sinabing bukas na niya ito buksan. Nagkwento si Victor kung bakit dadalo na
siya sa kanilang graduation na napagtanto niyang hindi nya dapat ipagkait ang
sandaling iyon sa kanyang kapatid lalong lalo na sa kanyang ina. Sa loob loob naman
ni Alma ay gusto niyang sabihin kay Victor ang tungkol sa katotohan na kanyang
inililihim tungkol sa kanyang ama. Nagulat ng banggitin ni Alma ang pangalan niya,
basag ang tinig nito.
Chapter 21
Hinihintay ni Victor kung ano ang gustong sabihin sa kanya ni Alma. Nagsimula ng
magsalita si Alma. Gusto na niyang sabihin kay Victor ang matagal na niyang tinatago.
Ngunit hindi niya pa din ito nasabi sapagkat dumating na sila Minnie. Nagpasya si Victor
na huwag na lamang sumama sa kanilang pupuntahan nila Minnie. Nagdahilan nalang
ito na may pupuntahan pa. At sabi ni Alma ay hihintayin niya si Victor bukas sa may
lobby sa kanilang dating hintayan. Naglakad na palayo si Victor at hindi na siya
tumingin pabalik. Nang gabing iyon ay mas lalo pang tumindi ang pagkagusto niya na
sumapit na ang umaga. Konting oras na lamang ay matatanggap na ni Victor ang
kanyang diploma. Nag aayos-ayos na si Victor ng dumating na ang kanyang kapatid,
humiram ng kotse ang kanyang kapatid sa kaibigan nilang intsik. Nang makapag bihis
na siya, habang papunta siya sa may labasan ay nakatingin sa kanya ang mga taga
looban at muli siyang binati ng mga ito. Nang makarating na silay pinaalalahan niya si
Lukas na hanggat maaga ay pumunta na sila ng kanilang ina. At sinabi rin ni Victor na
palakpakan din ang kanyang matalik na kaibigan na si Alma Fuertes. Nadulas si Tatong
Bamban ng nasabi niyang may susunduin lang silang sorpresa kayat siniko siya ni
Lukas at pinaandar na agad ang kotse.
Chapter 22
Nakapila na ang mga kaklase ni Victor. Ang ayos nila ay kagaya ng ayos nila sa
baccalaureate kahapon. Nagsimula na, sunod sunod ng tinawag ang bawat sangay.
Nang sangay na ng edukasyon ang binabanggit. Hinihintay ni Victor na tawagin na sa
unahan si Alma. At nang tawagin na itoy may isang grupong nagpalakpakan alam na ni
Victor na sina Tatong Bamban ito. At nang si Vcitor na ang tinawag ay muntik pa itong
mapasubsob nang siya ay matisod. Narinig niya ang mga palakpakan na galing sa
kanila. Bago siya bumalik sa kanyang upuan ay tinanaw muna niya ang kanyang ina.

Nakita niya dito ang isang napakatamis aat napakasayang ngiti. Natapos na ang pagbibigay ng mga diploma. Dinalian ni Victor ang paglalakad papunta sa kanyang ina.
Pagdating niya doon ay halos nandoon lahat ng kaniyang kakilala na taga looban. Nang
makalapit na siya sa kanyang ina nagyakapan ang dalawa. Pumikit na lamang si Victor
upang mas lalong damhin ang saya na ipinagkaloob sa kanya ng araw na iyon at saya
sa pagkakayap sa kanya ng ina. Iniabot ni Victor sa kanyang ina ang diploma at
sinabing para talaga iyon sa kanya. Ang sabi naman ng kanyang ina ay para din iyon sa
kanilang itay. Nagkaroon ng malaking katahimikan sa paligid. Si Lukas ang bumasag ng
katahimikan. At napatawa ang nasa paligid. Paglingon niya ay nahagip niya ang isang
babae na nakangiti at naghihintay sa kanya.
Chapter 23
Si Flor iyon. Iyon pala ang sorpresa sa kanya nina Lukas. Niyakap ni Flor si Victor at
binati ito ng congratulations. At iniabot na din niya ang regalo niya kay Victor. Bigla
namang naalala ni Victor si Alma. Nagdiretso silang lobby sa tagpuan nila Victor.
Habang naglalakad ay ikwenento naman ni Lukas kung paano nakasama sa kanila si
Flor. Masaya silang nagtatawanan papunta sa lobby. Marami din doong tao. Sa
kabilang banda naman, tinanggal na ni Alma ang kanyang toga. Naroon sila Minnie at
ang kanyang ina at ama, at ang iba pang mga taong may mga pangalan sa lipunan. Sa
mga sandaling iyon ay naroon sila ngunit hindi upang damhin ang saya ng pagtatapos
ni Alma. Hindi na kinaya ni Alma ang mga nangyayari, gusto na niyang dumating si
Victor. Nang paglinga niya sa pintuan ay muntik pa siyang mapasigaw ng nakita na niya
si Victor. Nang magkalapit na sila ay sabay pa silang nagbatian ng Congratulations sa
isat isa. Ipinakilala niya ang bawat isa kay Alma. Nakangiti itong kinamayan sila Tatong
Bamban. At hinagkan naman niya ang ina ni Victor. Ipinakilala din naman ni Alma ang
mga pinakamalapit sa kanila at pati na rin yung iba, muli ipinakilala ni Victor ang
kanyang mga kasama. Kinuha na niya ang regalo at ibinigay kay Victor. Nagpaalam na
sila kina Alma at Minnie. Sinabi din ni Alma na aalis na sila ngunit tumango lamang ang
mga ito. Pagkatapos ay nagmamadali ng umalis sa lobby si Victor. At sa loob niyay
nagsabi siyang paalam, Alma
Chapter 24
Talagang nagmamadali si Victor. Para makalayo na kung nasaan sila Alma. Doon sila
kumain sa may kilalang pansiterya. Silang lahat ay nagkakasayahan at may kaunting
biruan. Naalala ni Victor ang paghalik ni Alma sa kanyang ina. Siniko ni Lukas ang
kapatid, patapos na silang kumain ngunit marami pa ang natira. Habang iniintay ang
mga pinabalot na pagkain pinabuksan na nila ang mga regalong natanggap ni Victor.
Ang una niyang binuksan ay iyong galing kay Flor. Isang mamahaling relo. Nang kay
Alma naman ang kanyang binuksan. Isang set ng fountainpen at lapis ang bigay ni
Alma. Naka engraved doon ang Victor-Alma. Inihatid na nila si Flor at nagpasalamat si
Victor sa kanilang tatlong kaibigan ng kanyang kapatid. Iniisip pa rin ni Victor ang
tungkol sa fountainpen. Ayaw na niya itong bigyan ng ibang kahulugan. Si Alma naman
hindi makatulog at inaalala ang mga mukha ng mga kasama ni Victor kanina. Gusto na

niya talagang sabihin kay Victor ang tungkol sa kanyang ama at sana ay tulungan siya
nito na mahanap ang babaeng sawimpalad na pinangahasan ng kanyang ama. Sumulat
sa kanya si Victor tungkol doon sa regalo niya dito. Gustong magpaliwanag ni Alma
tungkol doon ngunit gabi na noong mga panahong iyon. Nung gabi ding iyon
pinuntahan ni Victor si Flor. Ibinalita ni Flor ang tungkol sa puhunan na ibibigay sa
kanya ni Tonyo. Dahil para gustong ipakita ni Flor na hindi siya duwag at handa na
niyang kaharapin ang bunga ng kanyang kapangahasan. Ipinagtapat din ni Flor na
mahal siya ni Alma sa isang tingin pa lamang.
Chapter 25
Nagpasyang pumunta si Alma kung saan nag ta-trabaho si Victor. Pagdating niya doon
ay nakasubsob sa kanyang trabaho si Victor at pag tunghay nito ay nagulat siya ng
Makita si Alma. Ipinagbilin ni Victor ang iba pang Gawain kay mang pabling. Nangpunta
sila sa may palamigan at doon nag-usap. Biniro pa ni Victor si Alma na kaya siya
gustong makausap ay mag papalimbag sila ng imbitasyon para sa kanilang kasal.
Napasimangot si Alma. Gusto niyang makausap si Victor dahil alam niyang
nagdamdam ito sa nakasulat sa fountainpen. Nagpasya sila na huwag doon pag
usapan ang ganong bagay. Pumara ng taksi si Alma at doon sila bumaba sa may harap
ng Lehislatura. Pagdating doon ay hindi pa rin tumitigil si Victor sa kanyang pagloloko.
Naiinis na sa kanya si Alma. Binabawi na niya ang ibinigay niyang fountainpen at
papalitan na lamang daw niya iyon. Sinabi din niya na wala talaga siyang gustong
ipakahulugan ng ipa engrave ang Victor-Alma doon. At nagbiro naman si Victor na okay
lang daw iyon para makaligtas siya sa nagtatangkang magpaloko sa kanya na siya ay
hindi na Malaya. Namula naman ang mukha ni Alma. Maya maya ay napagdesisyonan
ni Alma na sabihin na kay Victor ang tungkol sa kanyang panaginip. Inanyayahan muna
ni Victor na silay maupo at ipinagpatuloy na ang pag kwe-kwento ni Alma. Pagkatapos
niyang ikwento ay humingi siya ng pabor kay Victor na tulungan siyang hanapin ang
babaeg iyon. Nagtaka naman si Victor kung bakit e biinayadan na naman siya ng
kanyang ama. At sinabi naman ni Alma na mayroon siyang kapatid doon. Ngunit hindi
niya alam ang buong pangalan nito. Ang alam lamang niyay ito ay si Dolores.
Chapter 26
Tinanong muli ni Victor na bakit pa niya hahanapin iyo, kung nabayadan na naman ng
kanyang ama na tumahimik at huwag ng mag iskandalo, pabiro ito ngunit may
panguuyam dito. Nangatwiran naman si Alma na kailangan managot ang nagkasala
kahit na ama niya pa ito. Nangako naman si Victor na tutulungan niya ang kaibigan na
hanapin ang nilapastangan ng kanyang ama. At sinabihan niya si Alma na magtanongtanong din sa ibang mga katulong upang mas lalong mapabilis ang paghahanap nila.
Maya maya naitanong ni Alma kung ano ngayon ang ginagawa ni Victor. Magtatayo
umano ito ng isang adult education class sa may looban. At kung hindi man ay isang
kindergarden tutal ay bakasyon naman. Nagpatuloy ang kanilang pagbibiruan na
umabot na naman sa isang pagkukurutan. Nang maghiwalay na sila pauwi. Ay hindi
maikakaila na siya mayroon ngang pagtingin kay Alma, ngunit takot siya na baka

lamang ito ay mabigo. Dumaan na ang mga araw, nagsimula na ring itayo ni Victor ang
education Class ang katulong niya dito ay si mang Simon ang pinaka-tininti del baryo.
Noong mayo din ay naghahanap na si Flor ng maaari niyang pagtayuan ng kanyang
patahian. Sinabihan din niya si Dolores na dalahin na niya ang kanyang anak pagbalik
doon. At sabi pa nito ay ipapakita nila sa gumawa sa kanyang paglapastangan na kaya
niyang buhayin at mapalaki ang kanyang anak, ang iniisip ni Dolores ng panahong iyon
ay si Mr. Fuentes.
Chapter 27
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Dolores, iniisip niya ang kanyang anak.
Gustong sabihin ni Dolores kay Flor ang kanyang lihim sa ama ng kaniyang anak.
Ngunit tinanggap niya ang pera na ibinigay sa kanya ni Mr. Fuertes. Isang hapon,
walang tao sa bahay ng mga Fuertes at may suliranin si Dolores noon. Pagka-plantsa
niya ay inihatid na niya iyon sa kwarto ng mag asawang Fuertes. Naramdaman niyang
isinarado nito ang pintuan. Inutusan niya na siya ay kanyang masahihin, sumunod
naman si Dolores at doon nangyari ang isang pagkakamali. Ngunit naulit na naman
ang pagkakamaling iyon. Isang araw biglang sumama ang lasa ni Dolores, naalala nya
ang kanyang ina ng siya ay nagdadalantao. Nang hapong iyon ay ipinagtapat niya ang
tungkol sa kanyang pagdadalang tao. Pinatawag siya ni Mister Fuertes, binigyan niya
ito ng isang libot limampung daang piso. Hindi niya natanggihan iyon dahil na din sa
labis nitong pangangailangan ng pera. Umuwi siya sa probinsya ngunit hindi niya sinabi
ang totoo. Nakahanap na ng apartment si Flor. Kayat tinawagan niya si Victor at
sinabing doon na lamang nila iintayin si Victor. Paglabas ng opisina ni Victor
nakasalubong niya si Alma at humihingi ito ng blowout. Tinanong ni Victor kung gusto
niyang sumama sa gagawing patahian nila Flor. Pagdating doon ay tinanong ni Alma
kung pwedeng siya na ang Buena mano. Umoo naman si Flor. Tinawag niya si Dolores
at nang sumilip ito ay napasigaw si Alma.
Chapter 28
Nung una ay nagkamustahan sila ni Dolores. Hindi pa rin siya makapaniwala na doon
nya makikita ang matagal na niyang hinahanap. Sumusulyap si Alma kay Victor na
wariy humihingi ng tulong kung paano niya sisimulan ang pagtatanong. Nagpatuloy
naman sa pagsasabi si Flor ng kanyang nais na gawin doon. Ngunit wala doon ang
atensyon nilang lahat. Siguroy may naisip na si Alma kaya nagsimula na itong
magsalita at magtanong. Noong una ay tinatanggi ni Dolores ang tungkol sa bata.
Ngunit ng sabihin ni Alma na may alam din siya dito at narinig niya ang usapan nila ng
kaniyang ama. Patuloy pa ring sinasabi ni Dolores na wala naming kasalanan ang
kanyang ama at matagal na niyang nilimot ang tungkol sa nangyari sa kanila. At
nagtanong tanong na si Alma tungkol sa bata kung babae ba o lalaki at kung anong
apelyido ang kanyang daladala. Napagpasyahan ni Alma na bigyan ng sustento ang
bata buwan buwan at bago siya matulog ay nagsulat muli siya sa kanyang talaarawan
na umaasa siyang ang pagsusustentong kanyang gagawin ay makakatulong upang
mapanatag ang kanyang loob. Pagkaraan na ilang araw, abala ng nagaayos si Alma sa

kanyang pagtuturo, sila Flor at Dolores naman ay lumipat na doon sa apartment.


Nagpasalamat si Flor kay Tonyo sa puhunan na ibinigay nito. Ikwenento rin niya ang
tungkol kay Dolores at Alma. At sinabing marahil siya ang mapapangasawa ni Victor sa
hinaharap. Mahal mo si Victor ano? Nasambit naman ni Tonyo. Natigilan at napatingin
sa kanya si Flor. Sapagkat iyon din ang tanong na matagal na niyang itinatanong sa
kanyang sarili.
Chapter 29
Sinabi ni Flor na tapos na ang lahat sa kanilang dalawa ni Victor, at itutuon na lamang
niya ang kanyang pansin sa kanyang anak. Ating anak, pagaayos ni Tonyo. Hinawakan
niya ang kamay ni Flor at sinabing huwag siyang itulad sa iba. Ngunit napagusapan na
nila ang tungkol sa bagay na iyon. Bago umalis si Tonyo ay nagpasalamat pa siya kay
Flor. Mas lalo naming lumamig ang pakikitungo ni Alma sa kanyang ama ngunit hindi
niya pa rin ito nilalapastangan. Isa na siyang ganap na maestra sa Mataas na
Paaralang Torres. Unang araw niya ng pagtuturo doon at hindi lamang iisa ang
natanggap niyang sipol galinng sa mga estudyanteng nagbibinata. Hindi siya
masyadong nahihiyang humihingi ng tulong sa mga matagal ng guro doon. Sa kanyang
pag-uwi ay lagi niyang nadadaanan ang looban papunta kela Victor. Isang sabado
nagpuntsa si Alma sa patahian nila Flor. Kinamusta nito si Dolores at ang bata. At sinabi
naman ni Flor na pauwi na rin ang mga iyon. Nang dumating si Dolores ay sabik na
sabik ito at gusto niya sanang kargahin ang bata ngunit pinigilan nya ang sarili.
Kinausap niya ang bata pero nakikita niyang nahihiya ito sa kanya. Binigyan siya ng
tseke ni Alma at ang sinasabi ay ipinaparinig kay Dolores. Ngunit hindi tinanggap ni
Dolores ang tseke na iniaalok ni Alma.
Chapter 30
Hindi malaman ni Alma kung bakit ayaw tanggapin ni Dolores ang tseke. At hindi din
siya maunawaan ni Dolores kung bakit kailangan pa siyang bigyan at ipilit sa kanya ang
tsekeng iyon. Inilagay ni Alma ang tseke sa bulsa ng kanyang kapatid. Nahihiya si
Dolores sapagkat baka kung anong isipin ng iba tungkol dito. At nagpasalamat ito sa
awa at tulong na binigay ni Alma. Ngunit kay Alma ay hindi ganon ang ibig sabihin ng
pagsustentong iyon. Ito ay tungkulin at pag-asa para kay Alma. Nagpaalam na sila sa
bawat isa, dumaan siya sa isang simbahan at nagpasalamat dahil naging maayos ang
paguusap nila ni Dolores. Hindi naman masaya si Victor ng panahong iyon. Tinalakay
niya ang tungkol sa mga kasaysayan ng hapong iyon. Ngunit para bang hindi nila
naiintindihan ang kanyang mga itinuturo. Palagay niya ay napapalayo na siya sa
kailangan niyang gawin. Itinayo niya ang adul education upang matulungan ang mga
matatanda na mas lalong tumibay ang kakayahan upang magamit nilang
mapagkakakitaan. Dumating na ang kanyang kapatid at sinabi ang napagusapan nila
ng konsehal. At sinabing aaregluhin nito ang papeles ni Victor. Byernes ng hapon,
inanyayahan si Victor ng mga kabataan na dumalo sapagkat gusto niyang magtayo ng
isang klab. Pumayag naman dito si Victor bastat alas sais dahil mayroon pa siyang
klase. Pagkakain niya nagpasya siyang gumala sa may gilid ng estero. Nakita niya ang

mga batang naglalaro ng taguan-pong. Palinga linga lamang ang bata at ayaw iwanan
ang lata. Pero hindi niya mahahanap ang mga kalaro kung hindi siya lalayo sa may lata.
Bigla naming sumagi sa isipan ni Victor si Flor at si Alma. Habang naglalakad ay may
nakasalabong naman siyang mga lalaking ibig sanang mangharana. Sinasama nila si
Victor pero tumanggi ito dahil may pupuntahan pa daw siya.
Chapter 31
May lungkot na nadarama si Victor. Ang nasa isip na lamang niya ay mairaos ang
panibagong araw na naman. Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Alma na pwede nitong
ilakad ang papeles nito. Napabuntong-hininga na lamang siya. Napadaan siya sa Juan
Luna at nakita niya si Pasing. Lumapit ito dito at sinabing wala pa sila. Hindi pa tapos
ang kanilang pag-uusap ay may dumating na kotse-ang kotseng gamit nila sa kaniyang
graduation. Ipinakilala ni Lukas si konsehal sa kanyang kapatid. Nagkamayan silang
dalawa at sinabi ni konsehal na matagal na niyang gustong kausapin si Victor. Umorder
sila ng pulutan at mga serbese. Maya-maya ay nagkwentuhan na sina Victor at
Konsehal,at pilit isinasama sa Gagalangin si Victor. Tinanggihan ni Victor ang konsehal.
Nagulat sina Tatong Bamban at ang mga kasama niya sa pagtangging iyon ni Victor.
Bago umalis ang konsehal,sinabihan niya si Victor na siya na ang bahalang umareglo
sa looban. At aaregluhin naman nito ang papeles niya para siyay makapagturo na, pero
hindi ito maipapangako ni Victor. Kinabukasan naman ay dumalo siya sa miting ng mga
kabataan na gustong magtayo ng klab. Si opreng ang naging pangulo ng samahan.
Naging tagapayo si Victor. Nagbigay ito ng suhestiyon na ang acquitance party nila ay
sa halip na magsayawan ay maglilinis na lang ng estero. Marami ang tutol dito. Gusto ni
Victor na makatulong ng malaki ang samahang ito sa paligid at gusto niyang huwag na
itong iasa sa gobyerno. Hinayaan niyang makapag usap, makapag-pasya ang mga ito
at siyay nagpaalam na. Marami ang napag-usapan nila Victor at iba pang matatanda sa
klase niya. Tungkol sa graft and corruption dahil mag e-eleksyon na naman.
Napapunta ang usapan kay konsehal at ang naiwan lamang salita ni Victor sa mga ito
ay kilatising mabuti ang mga lalapit sa kanila.
Chapter 32
Pinag-iisipan ni Victor ang alok sa kanya ng konsehal. Kung tatanggapin ba niya ito o
hindi. Nagtatanong si Victor sa kanyang ina. Ngunit wala itong ibinibigay na sagot.
Habang nakaupo siya sa silya ay lalo niyang nilalaksan ang kanyang boses upang
marinig siya ng kanyang ina. Maya maya naman ay sumagot ang kanyang ina nna
kanyang ikinagulat dahil noon lamang niya siyaulit narinig magsalita. Sinabi nitong siya
ang bahala kung gustong tanggapin ang alok ng konsehal. Nanghihinayang siya na
hindi na niya matuturuan ang mga taga Looban. Dumating ng humahalakhak si Lukas
malakas ang boses nito at pasuray-suray. At ibinalitang aregalado na ang papeles ni
Victor.
Chapter 33

Nagdesisiyon na si Victor na tanggapin ang alok ng konsehal. Dahil sa palagay niya ay


mas lalo siyang higit na makakatulong. Ibinigay nan g konsehal ang appointment bilang
substitute teacher. Nagpunta na siya sa opisina ng principal at nag-kausap sila at
maaari na siyang magsimula bukas. Tuwang tuwa naman si Victor dahil makakapag
turo na rin siya at makikita na rin niya si Alma. Hindi namanlayan ni Victor na papunta
na siya sa teachers room upang makitang muli si Alma. Lumabas silang dalawa at nag
blowout si Alma. Nagkwentuhan sila at nagkamustahan dahil matagal na silang hindi
nakakapagkita. Ikwenento din ni Victor kung paano siya nakapasok sa Torres High.
Nang matapos na silang kumain ay masaya silang naghiwalay. Kinabukasan ay
masayang nagising si Alma at Victor. Maya maya ay nakita ni Victor sila Opreng na may
dalang mga panlinis at tinanggap nila ang hamon ni Victor na maglinis ng estero.
Natuwa naman siya, at ang ibang mga taga looban ay tumulong na rin sa paglilinis.
Dumating naman si Alma at sinabing siya na ang bahala sa pagkain at inumin. At dahil
ditoy nagkaisa ang mga taga looban. At nakitang may pag-asa pa na makamit na may
langit ding katapat ang tundo.
Chapter 34
Ilang araw na ay tungkol pa din sa paglilinis ng estero na pinamunuan na Victor ang
usap-usapan sa Looban. Marami ang natuwa dito at ang iba ay gustong araw-arawin
ang gawaing iyon. Ikwenento naman iyon ni Alma kay Minnie ng may pagmamalaki.
Narinig ng kanyang daddy ang kanilang pinag-uusapan noon lamang niya nakita ang
kanyang anak na masaya. Ilang araw pay mas lalong uminit ang labanan sa
pangangampanya. Ang iba ay kanya kanyang paraan upang makait ng boto. Sila Lukas
ay todo din ang pangangampanya. Nagpunta si Lukas sa restawran at doon naabutan
niya si Pasing. Umorder ito ng beer. Maya maya ay may isang dyip at may apat na
lalaking bumaba na sa alam niyay butangero ni Reyes. Alam na ni Lukas ang
mangyayari kayat pinalayo na niya si Pasing. Si Pasing naman ay tumakbo habang
humihingi ng tulong at sinasabi ang nangyayari kay Lukas. Narinig ito ni Victor at
kaagad na pumunta sa may kanto, ngunit pagdating niya doon ay naabutan na lamang
niya na duguan ang kanyang kapatd. Agad naman nilang dinala sa Hospital ito, madami
ang nawalang dugo kayat nagsalin ng dugo si Victor kay Lukas.
Chapter 35
Sinisisi ni Victor ang kanyang sarili sa nangyari. Dapat ay sinabihan niyang mapanganib
ang panahong iyon. Dahil ng ibang mga pulitikong gagawin ang lahata para lamang
mahakot ang boto ng mga tao. Dumating naman si Paking doon sa hospital na may
kasamang mga reporter at sinabi kung anong nangyari. Pagkatapos ay nagpatuloy siya
sa pangangampanya at kinakamayan niya ang lahat ng mga paseyenteng nandoon.
Nang nagpaalam na si Pilo at sinabing hahanapin nila ang gumawa niyon kay Lukas ay
pinigalan niya ito. Hindi malaman ni Victor kung malinis ang hangarin niya o para
lamang makuha ang suporta ng mga nakakarinig sa kanya. Tiningnan niya ang iba
pang nandoon sa Hospital na nakakaramdam ng hirap sa kanilang kalagayan. Nagulat

sila nang bigla na lamang dumaing si Lukas. Agad namang tumawag ng nars at doktor
si Victor.
Chapter 36
Sumasakit na naman ang tiyan ni Flor kayat maaga siyang nagising. Tinanong ni
Dlores kung kamusta siya, at doon ay alam na niyang malapit ng manganak si Flor.
Hindi naman malaman ni Flo rang kaniyang dapat gawin. Tinawagan naman ni Dolores
ang doktor ni Flor. Nag-ayos na siya ng mga damit at gamit na kakailnaganin mamay.
Inihabilin muna ni Dolores ang kanyang anak sa kaibigang si Aling Naty. Nagdiretso na
sila sa Hospital. Tiningnan muna ng Doktor ang blood pressure niya ta pinaglakad-lakad
muna siya nang kaunti. Pagbalik ng Doctor ay may dala itong dyaryo at iyon ay
pinabasa muna niya sa kanya upang hindi ito mainip. Nakita niya dito ang nangyari kay
Lukas, na dahil sa pulitikay napahamak. Biglang sumipa ang anak niya, at tinawag na
ni Dolores ang Doktor. Nang oras ding iyon ay nagmamadali si Tonyo na makarating sa
Hospital upang Makita ang panganganak ni Flor. Naabutan naman niya ito at umalalay
sa paghahatid sa delivery room. Nang mailuwal na ang bata ay labis ang kaligayang
nadama ni Flor. Kahit na ang batang iyon ay bunga nang pag-ibig na ipinagbabawal.

Chapter 37
Nailabas na ni Flor ang bata, lalaki ito. Nilinis na ng mga nars si Flor, maya maya ay
nasa may nursery na si Tonyo at hinanapa ang anak nila ni Flor. Boy Anton Flores ang
nakalagay sa tag ng kanilang anak. Nagpunta si Tonyo kay Flor at nagpasalamat. Dahil
dala dala ng kanilang anak ang pangalan ni Tonyo Na ibinigay ni Flor. Magkahawak ng
mahigpit ang kanilang mga kamay. Nagdesisisyon siyang ipagtatapat ang lahat sa
kanyang asawa. At lalaki ang bata sa katotohanan. Paguwi ni Tonyo sa kanila
inakbayan niya ang kanyang asawa at sinabing galing siya sa hospital. Tinanong
naman nito kung kamusta si Flor at ang bata. Nayakap na lamang ng mahigpit sa kanya
si Tonyo dahil lubos na naiintindihan siya ng kanyang asawa at walang pagdaramdam.
Dinalaw niya si Flor sa hospital na ikinagulat nito at kinamusta niya ito doon. At sinabing
kamukha ni Tonyo ang bata. Wala naman daw hinanakit si Chabeng sa kanya, basta
daw ay mahal nila ang isat isa ay okay lamang sa kanya. At hinahayaan na niya sila.
Sobrang gaan ng loob ni Flor sa kanya. Nauna ng umalis si Chabeng dahil may bibilhin
pa daw ito. Sunod namang dumating ay sila Alma at Victor. Nakita ni Victor na walang
pagdaramdam sa mata ni Flor. Naalala niya ang sinabi ni Flor na isisilang niya ang bata
at palalakihin na kayang harapin ang hamon ng buhay. Nagpaslamat naman siya kay
Flor sa kanyang isipan. Sinisiko na siya ni Alma kanina pa. Hindi malaman ni Victor
kung anong gagawin at kung kanino ibibigay ang dalang regalo. Nagkabiruan pa sila.
Biglang nasambit ni Flor na bagay talaga sila at kung kalian ba ang kasalan. Pagka alis
nila sa hospital ay pumasyal pa sila. At tinanong ni Alma kung siya bay mahal ni Victor
o hindi.

Chapter 38
Hindi malaman ni Victor kung ano ang isasagot niya kay Alma. Gusto na niyang
matapos ang usapang iyon pero patuloy si Alma sa pagtatanong. Natatakot si Victor na
sabihin ang totoo dahil hindi niya alam kung siya ay sinusubok ni Alma sa ganitong
bagay. At nasabi na lamang niya na gusto niyang mapag-isa. Pinaandar na ni Alma
papalayo ang kanyang sasakyan. Nang gabi namang iyon napatigil sa pagbabasa ng
talaarawan niya si Alma. Kinausap siya nang kanyang ama. At dahil sa galit sa sinabi
nito ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na sabihin ang tungkol kay Dolores,
ang tungkol sa anak nito sa kanya at sa pagbibigay ng sustento nito sa bata. Umalis
ang kanyang ama ng walang imik. Iyak ng iyak noon si Alma. Pag gising niya
kinabukasan ay may kakaibang pakiramdam habang silay kumakain ng sabay sabay.
Pagdating naman niya sa paaralan ay binate siya ni Victor at nakiusap si Alma na dalhin
nito ang kanyang gamit dahil mahuhuli na siya sa kanyang klase. Nabuksan niya ang
bag ni Alma at nakita ang talaarawan. Gustong gustong basahin iyon ni Victor ngunit
alam niyang mali ang kanyang gagawin. Sa huli ay hindi pa rin nakapagpigil si Victor at
nanginginig siyang hawak hawak ang talaarawan ni Alma.
Chapter 39
Tuluyan na nga binuksan ni Victor ang talaarawang iyon ni Alma. Nung una ay hindi
niya malaman kung kay Alma nga iyon dahil iba ang pagkakasulat dito. Nang
ipagpatuloy niya ang pagbabasa ay natuklasan nga niya na kay Alma iyon. Nabasa niya
ang mga nangyari dati na siyay kasama din sa pangyayaring iyo. At pati si Flor at
Tonyo ay nakasulat din doon. Isinauli na nang maayos ni Victor ang talaarawan sa bag
ni Alma. Nang tumunog ang bell ay dali dali ng umalis si Victor at hindi na niya inintay si
Alma. Na dati ratiy iintayin muna niya ito bago siya umalis. Ipinagtaka naman ito ni
Alma. Iniisip niya na nabasa nalaman na ni Victor ang kanyang inililihim na daigdig.
Nang tanghalian na ay nagyayang kumain sa labas si Alma. Dahil gusto niyang sabihin
kay Victor na nasabi na niya sa kanyang ama ang lahat, ang tungkol kay Dolores. At
gusto rin nitong matiyak kung nabasa ba ni Victor ang kanyang talaarawan.
Chapter 40
Nagkukunwari pang hindi alam ni Victor kung ano iyon. At kung saan saan na niya
dinadala ang usapan. Ngunit gusto talagang malaman ni Alma kung nabasa nya ba
talaga ito. Hindi pa rin sinabi ni Victor ang totoo. Inialok naman ni Alma kung gusto
niyang basahin ang talaarawan niya. Tinanggihan naman ito ni Victor at sinabing
kuntento na siya sa kanyang sariling daigdig. Nagpasama si Alma upang hanapin ang
kanyang langit, tinanong ni Victor kung saan gustong magsimula nito at ang sinabi nito
ay sa Tundo. Pinaalalahanan niya na hindi niya doon makikita ang langit na kanyang
hinahanap. Pero inilibot din niya si Alma sa Tundo. Nang magdidilim na ay sinabi ni
Alma na gusto niyang makarinig ng miting ng pulitiko. Kayat doon sila nagdiretso sa
miting nila Paking. Naging masaya ang maghapong ito para sa kanila at patuloy na
ibinibigay ni Alma kay Victor ang kanyang talaarawan. Nagpasalamat naman si Victor

dito ngunit hindi niya iyon tinanggap at sinabing ipagpatuloy niya ang kanyang itinatala
doon.
Chapter 41
Nakaramdam ng galit at pagkainis si Alma kay Victor. Hindi niya akalain na may pagka
duwag si Victor sa ganoong bagay. Kayat nag desisyon siyang siya na ang unang
magtatapat ng kanyang nararamdaman kay Victor. Isang hapon niyaya na mamasyal ni
Alma si Victor. Nagkwentuhan sila at nagpalitan ng nalalaman tungkol sa mga sularin
na kinakaharap ng mga Pilipino. Humanap ng tyempo si Alma upang maisingit ang
kanyang nais na ipagtapat na damdamin. Nabigla naman si Victor at wala itong kibo sa
kanyang kinatatayuan. Nagtanong si Victor kung matatanggap ni Alma ang kahirapan
ng buhay at ang magiging sabi-sabi ng kanyang mga kaibigan. Habang nag-uusap ay
nagging malambing ang pagsasalita ni Alma. At hindi namalayan ni Victor na
nakahawak na pala ang kamay nila sa isat-isa.
Chapter 42
At dahil dito sa kanilang pag-hahawak na kamay ay para na rin nilang naipagtapat at
nasabi ang kanilang mga nararamdaman sa isat-isa. Hindi naiwasan ni Alma na
magsalita sa labis na kaligayahan. Nagtuloy-tuloy ang kanilang pagbibiruan. Makikitang
masayang masaya ang dalawa. At inamin niyang dahil kay Victor ay mas lalong
tumatag ang kanyang paniniwala at natuto siyang magsikap dahil dito at maipahayag
ang sariling karapatan. Nang makarating na sila sa Tundo ang lahat nang madadaanan
nila ay sinasalaysay ni Victor ang mga nangyari doon sa mga lugar na iyon. Nang
nandoon na sila sa may labasan. Nagpaalam na sila sa isat-isa at bago makaalis si
Alma ay nakapangako siya na pupunta siya sa kanilang bahay kahit nandoon ang
kanyang daddy.
Chapter 43
Hindi mawala sa isip ni Victor ang mga nangyari kanina. Iniisip din niya kung sila ni
Alma ay magkasintahan na. Isang kaligayahan ang nararamdaman ni Victor dahil iniibig
din naman niyang tunay si Alma. Dumalo siya sa caucus at nakinig sa mga paksang
tinatalakay ni Paking. Nakita niya ang mga taga-Looban na matamang nakikinig dito
pati na rin ang mga naturuan niya noon sa adult education. Sinabi doon ni Paking ang
tungkol sa nangyari kay Lukas at ibinalitang humihingi ng areglo ang mga gumawa sa
kanya nito. Bago umalis ito ay kinausap muli si Victor at sinabing siya na ang bahala
dito. Kinabukasan itinanong ni Victor kung pumayag ito sa areglong sinasabi. Pumayag
naman ito dahil bibigyan siya ng isang libong piso. Hindi makapaniwala si Victor na
pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kapatid ay babayaran lamang siya at parang wala
ng nangyari. Inayos na ni Victor ang kanyang gamit at mga librong dadalhin para sa
kanyang klase. At nagpaalam na siya sa kanyang ina.
Chapter 44

Na ikwento ni Victor kay Alma ang tungkol sa pag-areglo ng mga nanakit kay Lukas.
Patuloy na nagkwe-kwento si Victor ngunit ang gustong pag-uspan ni Alma ay ang
tungkol sa kanilang dalawa. Kayat gumaawa si Alma ng paraan upang mabaling doon
ang kanilang usapan. Nagbiro na naman ng kung anu-ano si Victor na siyang dahilan
kung bakit ito nagdamdam. Tumigil sila sa isang tabi at nag-usap, humingi rin ng tawad
si Victor sa kanyang mga nasabi. Tinitiyak ni Victor na buo na sa loob niya na ang gusto
niyang makasama ay ang isang mahirap na kagaya niya na nakatira lamang sa Tondo.
Naalala ni Victor ang pakikitungo ng ama ni Alma sa kanila noong graduation. Tinanong
muli ni Alma kung mahal siya ni Victor. At sinabi nitong yaman lamang ang habol sa
kanya ng kagaya niyang mahirap lang. Hindi naniwala si Alma dito dahil iba ang
pagkakakilala niya kay Victor. Ayt iyong Victor na iyon ang kanyang hihintayin sa
Sabado.
Chapter 45
Sabado nang hapon, may mga bisita ang Fuertes, ngunit hindi ito ang bisitang hinhintay
ni Alma. Kinausap ng kanyang ina si Alma. Nagtanong tungkol sa dadating na bisita
mamaya. Sinabi niyang si Victor iyon isa ding guro sa Torres. Doon naman tinanong ng
kanyang ina kung bakit kailangan pa niyang magturo at kung bakit sa tondo pa. Gusto
ng sabihin ni Alma ang kanyang nasa loob ng damdamin, ngunit pinigilan niya ang sarili.
Sa kabilang dako naman ay naghahanda na si Victor sa pagpunta kina Alma. Nagbihis
siya ng pantalon at kamisadentrong maiksi ang manggas at isinukbit ang fountainpen
na regalo ni Alma. Paalis na siya ay naksalubong naman niya sina Pilo at binalita ng
mga ito na napalaban si Paeng Gasti at si Lukas. Sumakay na sila sa dyip at tinanong
ni Victor kung anong nangyari.

Chapter 46
Nagpaalam na si Misis Fuertes kahit wala pa ang bisita ni Alma dahil may dadaluhan
siyang pulong. Naalala ni Mister Fuertes ang sinabi sa kanya ng kanyang anak tungkol
kay Dolores. Ibang-iba si Alma, mayroon itong sariling paniniwala na kanyang
pinangangatawanan. At alam ni Mister Fuertes na may kinalaman dito ang tagatundong si Victor kayat may kung ano sa kanyang damdamin na gusto na din niyang
makilala ang lalaking ito. Ang lalaking nakakapagpasaya sa kanyang anak. Nang
dumating si Victor ay dali-dali si Alma. At kunwaring nagtatampo pa ito, sinabi naman ni
Victor ang dahilan kung bakit siya natagalan. Masayang masaya si Alma dahil dumating
si Victor ng sabadong iyon kagaya ng na ipangako niya. Nagmamasid ang kanyang
ama sa itaas, at natutuwa ito sa kanyang nakikita. Nang tawagin niya ang kanyang ama
ay ipinakilala niya si Victor. Wala na ang tingin na tila pagmamaliit ng nagkamayan sila.
Sinabi naman ni Alma na engaged na silang dalawa.
Chapter 47

Nakangiti si Mister Fuertes ng mga sandaling iyon, itinatanong nito kung kailan
gaganapin ang kasal. Sinabi din niyang sila ng dalawa ang bahala doon at kinamayan si
Victor. Naluha na lamang si Alma sa kaligayang nadama ng mga sandaling iyon.
Masaya din si Flor ng panahong iyon, dinalawa siya ni Tonyo at Chabeng, at dahil sa
kabaitan ni Chabeng sa kanya ay nakagawa siya ng isang desisyon. Napagpasyahan
na niyang palayain si Tonyo. At dahil sa tama niyang pagpapasya ay doon nakita niya
ang langit sa kanyang Daigdig. Kumalat na ang balita sa Looban na ikakasal na Victor.
Madami ang natuwa at bumabati sa kanya ang iba naman ay nanunukso at sinasabing
huwag silang kakalimutan. Napapunta naman ang usapan kay Lukas at sinabing
naunahan pa siya ni Victor.
Chapter 48
Isang hapon ay nagpunta ang kanilang ina sa mga Fuertes. Naging magiliw naman ang
mag asawang Fuertes kina Victor na siya naman ikinatuwa ni Alma. Lumayo sila sa
mga matatanda. At pinagusapan ang tungkol sa kanilang kasal. Gusto ni Alma na
simple lamang ang kasal nila at pumayag din naman dito ang kanyang ama. Naging
maayos at nagkasundo ang magulang ng nilang dalawa. Kagaya ng sabi ni Alma ay
nagpunta nga siya sa looban. Nagulat si Victor ng alisin ng kanyang ina ang mga
kuwadrong may larawan ng kanyang ama. Ibinigay ni Lukas ang resibo at sabay na
binasa nila ang nakasulat dito. Ito ang regalo sa kanila nito. Labis ang pagkatuwa ni
Alma sa nabasa, pumasok na sila sa loob ng bahay at nakitang maroon na ding mga
kasangkapan.
Hinihintay na ni Victor si Alma. Inihatid na ng kanyang ama si Alma papunta kay Victor.
Naalala ni Mister Fuertes ang huling paguusap niya ng kanyang anak. Naroon din si
Flor na inala-ala ang mga panahon ng kanilang pag-iibigan. Pero ngayon ay para sa
kanyang anak na at kay Tonyo nakatuon ang kanyang atensyon. Natapos na ang kasal.
Nagpasalamat si Alma dahil naging masaya ang araw na iyon. Hindi pa sila inaantok ng
panahong iyon. Ibinigay ni Alma ang talaarawang iyon kay Victor. Pinapikit din ni Victor
at ibinigay ang regalo nitong isang madamdaming halik. Habang nakatingin sila sa
langit ng mga oras na iyon. At doon nasabi nilang may langit nga talaga ang tundo.
Isang panagarap ang bagong nabuo at ang Langit sa tundo ay biyaya ng dalawang
taong pinagkaisa ng dahil sa pag-ibig.

Buod ng
Ang Tundo Man May Langit Din
Ni Andres Cristobal Cruz

Ipinasa ni
Edann Pampo

Ipinasa kay
Bb. Eden Arguelles

Anda mungkin juga menyukai