SUMMARY. Iilan tao lamang ang kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan dahil marami pa ring palihim na nangungutya sa kanya at tinatawag siyang Sakristang Tyago. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang limanlibong piso at madalas pang kinagagalitan ng alkalde mayor. Walang ibang mayaman sa San Diego kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso at maayos niyang napatakbo ang San Diego. Kung dati ang parusa ay pagpapahirap, ngayon ay multa na lamang. Ang Alperes, sila ang mga namumuno sa mga guardia civil. Subalit ito naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Filipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. POINT OF CHAPTER. Pinapaliwanag sa Kabanatang ito ng Noli Me Tangere ang kapangyarihan na tinataglay ng mga namiminuno sa lipunan. Ang kapangyarihan na tinutukoy dito ay ang kakayahan ng isang tao na kontrolin ang kapaligirang nakapaligid sa kanya, kabilang ang ugali o asal ng iba pang mga taong nasasakupanNangangahulugan lamang na kadalasan ang mga may kakayahang maminuno sa lipunan ay nagiging sakim sa kapangyarihan. SOCIAL ISSUES. Ang kabanatang ito ay maaaring iugnay sa ibat-ibang issue na kinakaharap ng lipunan. Una, hindi lahat ng mayaman ay may kapangyarihan sa lipunan gaya na lamang ni Don Rafael na nagmamay-ari ng pinakamalaking lupain at may utang na loob ang mga tao sa kanya, dahil siya ay mapagpakumbaba sa huli ay kinalaban pa siya ng mga tao dahil sa masamang kapalaran. Pangalawa, maging ang mga mayaman at may kakayahang mamuno sa lipunan gaya ni Kapitan Tyago, ay hindi rin makamit ang kapangyarihan. Sa kabila na marami ang animoy tila mga tagasunod nya, sinisiraan pa rin sya sa lipunan at tinatawag syang Sakristang Tyago. Pangatlo, kung sino pa yung mga taong may kakayahang mamuno sa lipunan at masasabing may kapangyarihan, sila pa yung mga hindi magkasundo tulad na lamang nina Padre Salvi at Alperes. Pareho silang sakim sa kapangyarihan. REFLECTION. Para sa akin, ang kabanatang ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng tao sa lipunan. Ang kapangyarihang tinutukoy dito ay ang kakayahan ng isang tao na kontrolin ang kapaligirang nakapaligid sa kanya, kabilang ang asal o ugali ng ibang mga taong nasasakupan niya. Si Don Rafael na mayaman at mapagpakumbaba, subalit sa huli hindi nya nakamit ang simpatya ng iba. Si Kapitan Tyago ay mayaman at iginagalang subalit may masasabi pa rin sa kanya ang ibang tao na mga paninira sa kanyang pagkatao. Silang dalawa ay masasabing walang kapangyarihan sa lipunan. Sina Padre Salvi at Alperes ang masasabing tunay na may kapangyarihan sa lipunan noon subalit pareho silang sakim at makasarili. Para sa akin, ang tunay na kapangyarihan ay ang kakayahan ng isang tao na dalhin ang kanyang nasasakupan sa ikabubuti nito. Hindi basehan ang yaman kundi ang impluwensya ng isang tao sa lipunan na kanyang ginagalawan, kung paano niya ito baguhin, ito ang basehan ng tunay na kapangyarihan.
ARAW NG MGA PATAY
Noli Me Tangere KABANATA 12 SUMMARY. Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok Kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan. Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan. Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin. Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may 20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik. Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa utos ng malaking kura na si Padre Garrote POINT OF CHAPTER. Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga nating mga Pilipino sa pumanaw nating mga mahal sa buhay.. Ipinakita rito ni Rizal ang kawalan ng lohika ng purgatoryo ang isang namatay na ipinagdadasal ng kaniyang anak sa maraming taon, kapag namatay ang anak na ito ay maaring magkakasama pa sila sa purgatoryo. Ang mga pagkakaroon ng purgatoryo at Todos Los Santos ay siyang malaking katunayan na ang mga yumao sa Pilipinas ay hindi namamahinga sa kapayapaan. Ang mga detalyeng inilagay ko, ay ayon mismo kay Rizal. SOCIAL ISSUES. Ang kabanatang ito ay nagtataglay ng ilang mga isyung panlipunan. Una, ang pagkibit-balikat ng sepulturero nang siya ay tanungin ng matanda. Maihahalintulad ito sa isang empleyado ng pamahalaan sa mga katanungan ng karaniwang tao. Maaaring hindi niya alam ang isang partikular na tanong subalit ang pamahalaan ay isang network na ang empleyado ay may paraan upang gabayan ang nagtatanong. Pangalawa, ang suhulan na nagaganap sa buong bansa. Sepulturero ang lalaki, trabaho nya yun subalit bakit kailangan pa siyang suhulan, dahil alam niyang mali ang kaniyang ginagawa. Katulad sa ilang mga sangay ng gobyerno, may ilang mga sangay ng gobyerno ang tumatanggap ng suhol para mapadali ang isang gawain. Gaya nga ng nasa kwento, kahit gabi at umuulan pa ay ginawa pa rin niyang hukayin ang pinapahukay sa kanyang libingan. Isipin na lang natin na ang sepulturero ay public servant o empleyado ng gobyerno, naipakita rito na ang isang empleyado ng gobyerno ay tumatanggap ng suhol. Makikita rin dito ang isyu na dahil hindi makita ang bungo na ipinahahanap ay nasabi ng sepulturero na ihahanap na lamang ng iba. Ito rin ang katulad na paraan ng mga tiwaling empleyado ng pamahalaan, na gumawa ng palsipikadong mga dokumento. REFLECTION. Para sakin ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga tradisyon ng Pilipino na nakuha natin sa kolonyalismo tulad ng pagpapahalaga sa mga pumanaw nating mga mahal sa buhay. Bilang isang Pilipino, pinapahalagahan ko rin naman ang mga yumaong mahal ko sa buhay. Subalit, para sakin bilang Kristyano, di na dapat pinapagdasal na makalapit sa Diyos ang mga yumao na, di ako naniniwala sa purgatoryo. Dalawa lamang ang mapupuntahan ng tao kung siya ay mamamatay, langit o sa impyerno. Bilang isang Pilipino at tao, wala nang mas aayos pa kung ang mahal mo sa buhay ay mailibing ng maayos at hindi yung parang basura lang na nagkalat sa paligid at hahanapin mo pa ang mga piraso ng buto para mapagtirikan ng kandila, bagamat di ako nagtitirik ng kandila sa Araw ng mga Patay. Para sa akin ang kabanatang ito ay puno ng kahulugan na maaaring di ko nailagay sa repleksyon na to subalit kung babasahin mabuti makikita ang ibat ibang kahalagahan nito bilang isang Pilino.