Anda di halaman 1dari 13

I.

Pamagat:
Isang Pagsusuri kay Jose Rizal Bilang Little Bad Boy
II.
Suliranin:
Anu-ano ang ginawa ni Rizal sa Europa kaya siya ay
III.

binansagang Little Bad Boy?


Panimula:
Wala na sigurong ikasisikat pa kay Doktor Jose Rizal
kung ihahambing sa iba pang katutubong bayaning nag-alay
ng kanilang buhay para sa kalayaan ng Inang Bayan. Sa
bawat sulok ng bansa, mayroong makikitang mga bantayog
ni Rizal na nagsisimbolo sa kadakilaan ng ating pambansang
bayani. Pati na sa mga lupaing banyaga ay
kinahahalumingan siya at ang kanyang mga obra. Sa
pagkakaroon ng opurtunidad na ungkatin muli ang pagkatao
ni Rizal, malalaman na siya ay isa ring imperpektong
nilalang. Siya ay nakaranas ng kabiguan, at siya ay mayroon
ding sinasabing dark side.
Sa pampanahunang papel na ito, nakalahad ang mga
pagkakataon sa buhay ni Rizal kung saan naipamalas niya
ang kakaibang personalidad na mag-uugnay sa

IV.

interseksyon sa kanyang pagiging tao at pagiging bayani.


Mga Layunin:
1. Matutuklasan ang pagiging Little Bad Boy ni Jose Rizal.

2. Maikukumpara si Little Bad Boy sa tauhan nito bilang


Simoun na naging Bad Boy rin sa El Filibusterismo.
3. Mapapahalagahan ang mga ginawa ni Rizal para sa bayan
V.

at sa mamamayan nito.
Kahalagahan ng Paksa:
Napakahalagang malaman ang buhay ni Doktor Jose
Rizal pati na rin ang katauhan nito. Sa mundong unti-unti
nang nawawalan ng kaalaman sa pambansang bayani,
karapat dapat lamang na buhayin ang pagnanais na mapagaralan ang tungkol dito sapagkat ang buhay niya ay
napupulutan ng aral lalung lalo na ang pagmamahal sa

VI.

Lupang Sinilangan, ang Pilipinas.


Paraan ng Pananaliksik:
1. Pagbuo ng balangkas
2. Paghalugilap ng mga impormasyon at datos
3. Pagbasa at pagsipi ng mga mahahalagang tanda tungkol
sa paksa
4. Pagkabit-kabit ng mga natuklasang detalye sa paraang

pagsasalin sa wikang Filipino


VII. Katuturan ng mga Salita:
1. principalia mga mayayamang mamamayan noong
panahon ng mga Kastila
2. kalakhan kadakilaan
3. bilyete tiket
VIII. Paglalahad ng Paksa:
Noong ika-19 ng Hunyo ng 1861, iniluwal ang isang
sanggol sa munting bayan ng Kalamba sa lalawigan ng

Laguna. Naging mahirap ang panganganak ng ina dahil sa


malaking ulo ng sanggol. Gayunpaman, matagumpay na
naisilang niya ito dahil sa pananampalataya niya sa Birhen
ng Antipolo. Hindi pa batid ninuman ang kalakhan na
ipamamalas ng sanggol sa buhay na tatahakin nito.
Tatlong araw pagkatapos isilang ang sanggol,
bininyagan siya ni Padre Rufino Collantes sa isang Katolikong
simbahan. Pinangalan siyang Jose Protacio Alonso Realonda
Mercado Rizal na mas kilala bilang Jose Rizal.
Si Jose Rizal ang ikapito sa labing-isang anak nina
Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda.
Nabibilang ang kanilang pamilya sa mga principalia. Naging
maginhawa ang buhay nila dahil sa mga pangkalakalan na
pinagmamay-ari nila. Nagkaroon sila ng isang malaking
bahay sa Kalamba at mga negosyo.
Musmos pa lamang si Rizal ay mababanaag na ang
kanyang natural na angking katalinuhan kaya noong siya ay
walong taong gulang, pinaaral siya ng kanyang magulang sa
Paaralan ni Maestro Justiniano Aquino Cruz sa Bian. Ngunit
noong unang araw niya sa eskwelahan, pinagtawanan siya
ng kanyang mga kaklase sapagkat hindi pa siya masyadong

hasa sa pagbibigkas ng lenguwaheng Espaol at Latin.


Noong hapon ng araw ring iyon, unang nakipagtunggali si
Jose laban sa mapangutya nitong kaklase na si Pedro. Tinalo
niya ito sa wrestling kahit mas malaki ang kaaway nitong
siga. Sa sumunod na mga araw, nakipag-away pa si Jose
laban sa ilang batang lalaki sa Bian.
Sa taong 1872, pumasok si Rizal sa Ateneo Municipal sa
Maynila. Kumuha siya ng Bachiller en Artes sa Paaralan. Sa
apat na taong inilagi niya sa Paaralan, pawang mga
magagandang grado ang nakukuha niya.
Patuloy ang hangarin ni Rizal na palawakin pa ang
kanyang pag-iisip kaya kumuha siya ng Kursong Pilosopiya
ng isang taon at Kursong Medisina sa Unibersidad ng Santo
Tomas kahit labag ito sa kagustuhan ng kanyang ina. Kung
gaano napamahal kay Rizal ang Ateneo, kabalintunaan nito
ang naramdaman niya sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nang
matapos ang ika-apat niyang taon sa Kursong Medicina ,
nagdesisyon siyang sa Europa na lamang ipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral.
Humayo siya papuntang Espanya noong ika-3 ng Mayo
ng 1882. Ang kanyang paglisan ay hindi tanto ng kanyang

mga magulang. Tanging sina Paciano, Saturnina, Lucia,


Antonio Rivera, Kapitan Juan, Kapitana Sanday, Pedro A.
Paterno, Chengoy at mga paring Hesuwita ang nakaalam sa
kanyang pakikipagsapalaran.
Sa Europa, naging matiyaga si Rizal sa kanyang pagaaral hindi lang sa kanyang kurso pati na ang kultura ng
ibang bansa. Dito rin gumana ang kanyang loob sa pagsulat
kaya naman ang unang nobelang naipalimbag niya na ang
Noli Me Tangere ay tinangkilik talaga ng mga Pilipino at
maging ng mga dayuhan.
Ang El Filibusterismo ay ang ikalawang nobela ni Rizal
na sinimulan niyang sulatin noong Oktubre ng 1887 sa
Kalamba. Ipinagpagtuloy niya ang pagsulat nito sa Londres,
Paris at Madrid at natapos sa Biarritz noong ika-29 ng Marso
ng 1891. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Valentin
Ventura, naipalimbag niya ito sa Ghent sa F. Meyer Van Loo
Press.
Sinasabi na ang El Filibusterismo ay isang nobelang
pampulitika na binubuo ng mga emosyong galit, poot, dahas,
hapdi at kasawian.
Katulad ng Noli Me Tangere ang mga tauhan sa El
Filibusterismo ay mga totoong tao sa lipunang Pilipino noon.

Ang pangunahing tauhan ng nobela na si Simoun, ang mangaalahas na nagbalak ng himagsikan, ay kinuha mismo sa
karakter ni Rizal. Marami ang nagulantang dito sapagkat
ipinalilitaw nito ang personalidad ni Rizal na hindi
pangkaraniwan. Ayon pa kay Teodoro A. Agoncillo, si Simoun
ay siyang kumakatawan sa mapaghimagsik na bahagi ng
pagkatao ni Rizal.
Sa panahon na iginugol ni Rizal sa pagsusulat ng El
Filibusterismo, maraming hindi kanais-nais ang nangyari sa
buhay niya na siyang nagpasiklab ng temang himagsikan sa
nobela. Nagdulot sa mapait na karanasan niya ang
kasakiman ng mga prayle laban sa mga mahal niya sa
buhay, hindi pagkakaisa ng mga Pilipino, ang pangulila niya
sa kanyang mahal na si Leonor Rivera na noon ay ikakasal
na sa isang Ingles na si Charles Kipping at kakulangan ng
pinansyal na suporta.
Ganoon pa man, isang gawi ni Rizal ang iprinisenta niya
sa ikalawa niyang nobela. Maaalala sa kabanata labing-isa,
ang Los Baos, ang karunungan ni Rizal sa pagsusugal.
Noong napili si Simoun na humalili kay Padre Camorra, isang
maliksing tugon ang sinambit ni Simoun ukol sa nais niyang

itaya ng mga prayleng sina Padre Irene at Padre Sibyla


sakaling matalo niya ang mga ito sa laro. Hinamon ni Simoun
na itaya nila ang pag-ayaw sa mga gawaing mabubuti tulad
nang pagpapaumabaw sa kapangyarihan, kayabangan at
katamaran. Hindi kataka-taka ang kaalaman nito ni Rizal
pagkat siya ay talaga namang sumusugal sa totoong buhay.
Ayon pa kay Wenceslao E. Retana, nakaugalian na ni Rizal
ang maglaan ng tatlong pesetas para sa bilyete ng loto.
Nanalo rin siya ng mahigit P6, 200 sa Dapitan nang ang
Lottery Ticket No. 9736 niya ang napulot.
Si Jose Rizal kahit wala masyadong maibubuga sa
pisikal na anyo ay matirik din pagdating sa mga kababaihan.
Una niyang naranasang umibig kay Segunda Katigbak,
ngunit , dahil ang kanyang naramdaman ay tila banyaga
para sa kanya, hindi niya nagawang ipagtapat ang sigaw
nang kanyang puso. Hindi nagtagal isang babae sa Kalamba
na pinangalanan lamang niyang Miss L sa kanyang mga
sulatin ang kanyang nakatagpo subalit madali rin lang ang
romansang iyon. Noong ikalawang taon niya sa Santo Tomas
nakilala niya ang anak nina Kapitan Juan at Kapitana Sanday

na si Leonor Valenzuela o si Orang. Niligawan niya ito ngunit


bigla rin lang naunsyami ang kanilang pag-iibigan. Isa pang
Leonor ang abot langit na minahal ni Rizal, si Leonor Rivera.
Siya ay isang pinsan ni Rizal na minahal niya nang lubos. Sa
isang pagkakataon, nagdesisyon na silang magpakasal.
Ganoon na lamang ang pagmamahal niya kay Leonor Rivera
kaya lahat ng mga pangunahing karakter na babae sa Noli
Me Tangere at El Filibusterismo na sina Maria Clara at Paulita
Gomez ay inalay niya para kay Leonor. Noong lumisan si
Rizal papuntang Europa upang mag-aral, magkatipan pa sila
ni Leonor Rivera. Ngunit, hindi ito naging dahilan upang
huwag niyang pansinin ang mga nagagandahang dalaga na
nakilala niya sa kanyang paglalakbay. Una siyang
nakipagromansa kay Consuelo Ortiga Y Rey sa Madrid.
Natigil ang kanilang suyuan nang naalala ni Rizal na ikakasal
na sila ni Leonor Rivera. Sa ikalawang pag-alis ni Rizal sa
Pilipinas, una niyang narating ang Land of the Cherry
Blossoms- ang Japan. Dito niya nakilala si Seiko Usui o mas
kilalang O-Sei-San. Ang pag-ibig niya kay O-Sei-San ay
katulad din noong kay Leonor Rivera. Binalak na nilang

magpakasal ngunit umiral ang pagiging nasyonalismo ni


Rizal kaya napilitan siyang iwanan ang magagandang alaala
sa Japan. Si Gertrude Beckett ay nakilala ni Rizal sa London.
Nahinto ang kanilang suyuan dahil kinailangan ni Rizal na
lisanin ang lugar. Nag-iwan siya ng isang iskultura ng mga
ulo ng magkakapatid na Beckett bago siya umalis. Dahil sa
kalayuan nila ni Leonor Rivera, naibaling ni Rizal ang
kanyang damdamin kay Petite Suzanne Jacoby sa Belgium.
Noong umalis si Rizal sa Brussels upang manirahan sa
Espanya, nakipag-ugnayan si Petite Suzanne kay Rizal sa
pamamagitan ng pagsulat. Laman ng isa sa mga ito ang
katagang: There will never be any home in which you are so
loved as that in Brussels. So you little bad boy, hurry back.
Noong namasyal si Rizal sa Biarritz, mainit na sinalubong
siya sa pamilyang Bousteads. Sa panahong inilagi niya sa
lugar, nabatid na niya ang balitang ikakasal na si Leonor
Rivera sa isang Charles Kipping. Kaya naman noong
nagpaunlak ng pagiging interesado si Nellie Boustead,
binalak ni Rizal na pakasalan ito ngunit hindi rin ito natuloy
pagkat ayaw niyang isuko ang kanyang pagiging Katoliko. Si

Rizal ay ipinatapon sa Dapitan dahil sa mga isinulat niya


laban dito. Dito niya nakita ang huling babaeng nagpatibok
sa kanyang puso. Ito ay walang iba kundi si Josephine
Bracken. Naging Masaya sila sa piling ng isat isa kaya kahit
hindi sila ikinasal sa Dapitan namuhay sila na parang magasawa. Sina Rizal at Josephine ay Nagkaroon ng anak na
pinangalanan nilang Francisco. Binawian lang din ito nang
IX.

buhay ilang oras matapos isilang.


Konklusyon:
Hinahangad ng mananaliksik nito ang mabigyang
kaalaman ang mga mambabasa tungkol sa isang katauhan
ni Rizal na nalalayo sa katauhang nakilala at hinahangaan ng
nakararami. Ang pagkatao ni Rizal na ito ang siya ring
nagsisilbeng daan sa katotohanan na si Rizal ay hindi rin
perpekto. Ito ay hindi ibig sabihan na hindi na siya dapat
igalang bagkus siya ay mas nararapat pang ipagbunyi.
Ipinakita niya sa kanyang ginawa na ang mga dakilang tao
kagaya niya ay namumuhay bilang mga simpleng
mamamayan lang din kung kaya lahat ng tao sa buong
mundo ay pupuwedeng maging isang bayani. Yaon ay kung
ninanais nilang ipaglaban ang mabuti laban sa kabagsikan.

X.

Pagbibigay ng Kuru-kuro at Mungkahi:


Kung ipagpapalagay na nabubuhay pa ngayon si Rizal,
maaari nating sabihin na siya ay isang sugarol na malimit
nating matagpuan sa mga casino o hindi naman sa mga
lotto. Maaari rin siyang isa sa inyong mga kilala na sobra
kung makipagkalaguyo sa mga kadalagahan. Mangyayari rin
na isa siyang taong hindi magpapalupig kung kaya hindi niya
hinahayaang makaalis ang kanyang kalaban hanggang hindi
niya ito nagagantihan. Kahit ganito ang maaaring
maibiwalisasyon kay Rizal kung ito ay buhay pa, hindi
maipagkakaila na mas mamahalin natin siya sa kabila ng
mga ito. Ito ay dahil alam na natin na si Rizal ay minsan ring
tumapak sa lupang tinatapakan natin, huminga sa hanging
hinihinga natin at higit sa lahat, nagkasala at nagkamali na
gaya ng kadalasang nagagawa natin. Ito ay kwento ng

XI.

ordinaryong Pilipino. Ito ang kwento ni Doktor Jose Rizal.


Talasanggunian:
Zaide, Gregorio at Sonia M. Zaide, Jose Rizal: Life, Works,
and Writings of a Genius, Writer, Scientist, and National
Hero, Quezon City: All-Nations Publishing Co., Inc., 1994.

--- Jose Rizal: Life, Works, and Writings of a Genius, Writer,


Scientist, and National Hero. 2nd ed., Quezon City: All-Nations
Publishing Co., Inc., 1995.
Zulueta, Francisco M. at Virsely M. dela Cruz, Rizal:Buhay
at mga Kaisipan, Navotas, Metro Manila: Navotas Press,
1995.
Cordero, Aurora S. at Corazon G. Magbaleta, Usbong: Wika
at Panitikan Ikaapat na Taon, Valenzuela City: Mega-Jesta
Prints, Inc., 2002, p. 139t.
de Vera, Estrella E. at Amelia V. Bucu, Obra Maestra: El
Filibusterismo, Bagong Edisyon, Quezon City: Rex Printing
Company, Inc., 2006.
A Heros Day Quiz, Current Events Digest Senior
Edition, vol.47 is. no. 10, Quiapo, Manila: Current Events
Digest, Inc., 2008, p. 7.
Severino, Howie, Who called Rizal Little Bad Boy?
Rizal: Bad Boy, June 19, 2008.
http://blogs.gmanews.tv/sidetrip/blogindex. php?
archives/342-who-called-Rizal-little-bad-boy.html.
Little Bad Boy, The Best of I-Witness, vol.2. CD ROM
Philippines: GMA News and Public Affairs, 2005.
Diksyunaryo:

Santiago, Aurea Jimenez at Manuel Franco, Talahulugang


Pilipino (Pilipino - Pilipino), Manila: Merriam and Webster
Bookstore, Inc., 1985.
De Guzman, Maria Odulio, Diksyunaryo Pilipino - Ingles Pilipino,
Mandaluyong: National Bookstore, 1970.
Enriquez, M. Jacobo at E. Santos, Pilipino Dictionary
Talatinigang Pilipino ( English Tagalog English
Vocabulary), Manila: Philippine Book Company, 1949.

Pamanahong Papel IV
Isang Pagsusuri kay Jose Rizal Bilang Little
Bad Boy
Ipinasa ni:

Denise Dawn H. Duran


Fourth Year Namuncura
Ipapasa kay:

Ginang Chona Mongcopa

Anda mungkin juga menyukai