Anda di halaman 1dari 1

Ang Komonwelt ng Australya o Australya[1][2] (bigkas

/ostrlya/) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa


mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang
kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng
Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang
ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito ay ang Tasmania,
na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia
ay isang federasyon at pinamamahalaan bilang
parliamentary constitutional monarchy.
Kasama sa mga karatig bansa ng Australia ay ang
Indonesia, East Timor, at Papua New Guinea sa hilaga,
ang Pacific Islands sa hilagang-kanluran, at ang New
Zealand sa timog-silangan.
Ang Oceania ay ang pangalan na ginagamit sa
heograpiya para sa rehiyon na binubuo ng Australia, New
Zealand, New Guinea, at iba pang mga islang bansa na
paloob dito. Ang ibang tao ay tinatawag ang bahaging ito
ng mundo bilang Australasia. Para sa iba, ito ay
itunuturing kasama sa lupalop ng Australasia.
Ang Malayang Estado ng Papua New Ginea
(internasyunal: Independent State of Papua New Guinea;
di-pormal, Papua New Guinea o PNG) ay isang bansa sa
Oceania, sinasakop ang silangang kalahati ng pulo ng
Bagong Guinea at ilang mga panlabas na pulo (ang mga
lalawigan ng Indonesia ng Papua at Kanlurang Irian Jaya
(Irian Jaya Barat) ang sumasakop ng natitirang kalahati
ng Bagong Guinea). Matatagpuan ito sa Karagatang
Pasipiko, sa isang rehiyon na ikinahulugan noong ika-19
siglo bilang Melanesia. Port Moresby ang kapital at isa sa
mga ilang pangunahing lungsod nito.

Anda mungkin juga menyukai