Anda di halaman 1dari 13

Pagsulat ng

Kontemporaryong Anyo
ng Sulatin (Anekdota)
April M. Bagon-Faeldan
Mindoro State College of Agriculture and Technology
Anekdota ni Rizal

Pauwi si Jose Rizal sa Calamba mula sa Maynila na


lulan ng isang lantsa. Bata pa siya noon. Naglalaro siya
sa may hulihan ng lantsa. Nahulog sa tubig ang
kanyang kabiyak na tsinelas. Maliksing inihulog ni Jose
ang isa pa niyang tsinelas sa tubig na malapit sa
kinahulugan noong una. “Bakit mo ginawa iyon?” ang
tanong ng isang lalaking katabi niya.
“Maaaring ang kabiyak na tsinelas na nahulog ay
matagpuan ng isang maralitang mangingisdang may
anak na kasinlaki ko. Iyo’y hindi niya pakikinabangan
kung wala ang isa pang kabiyak,” ang tugon ni Rizal.
Ano nga ba ang Anekdota?
Ito ay isang maikli at kawili-wiling kwento na
hinango sa mga dating karanasan. Ito ay payak
na katotohanan ng buhay na kinagigiliwang
pakinggan. Walang nakaaalam kung bakit ,
pero ang alam natin na nasisiyahan tayo kapag
naiuugnay natin ang ating mga karanasan at
natututo tayo mula sa mga kuwento.
Kung pinipili na gamitin ang anekdota sa
iyong pagsulat, makadaragdag ito ng personal
at pantaong dimensyon na maaaring hindi
mapigilan at kaakit-akit.
Pero ang mga anekdota ay kinakailangang
maging kapani-paniwala at buhay na buhay- at
maaari rin itong maging emosyonal at dahil
ang mga anekdota ay mula sa tutuong
kuwento ng buhay kaya nagiging kapani-
paniwala na maaring makapagdagdag ng
awtoridad sa iyong sinulat.
Paano mo magagamit ang anekdota?
Magagamit mo ang anekdota sa:

1. Pagsulat upang manghikayat. Maaari mong


itong gamitin bilang pagpapatunay sa iyong
mga pananaw nang sa gayon ay madali mong
mahikayat ang mga tagapakinig o
mambabasa.
2. Pagsulat ng kuwento upang mang-aliw. Sa
paggamit ng anekdota magiging interesante at
kapani-paniwala ang iyong kuwento na
makapagdudulot ng aliw sa mambabasa.
3. Pagsulat para magbigay ng impormasyon.
Ang pagbibigay ng mga opinyon at
katotohanan ay isang susing aspekto ng
pagsulat para makapagbigay impormasyon.
4. Sa pagsulat para magpaliwanag, magsuri o
magkomento. Sa uri ng pagsulat na ito,
madalas kinakailangan itong maging payak at
malinaw ang isyu. Sa pamamagitan ng
paggamit ng personal na kuwento na
maaaring gamitin sa paghahambing ng isyu,
magagawa nating mas maging interesante at
kapaki-pakinabang ang iyong sinulat.
5. Pagsulat para magpayo. Kinakailangang
maging maingat sa pagbibigay ng payo pero
sa pamamagitan ng anekdota na nagpapakita
kung paano haharapin ng isang indibidwal ang
isang pangyayari na kailangan niyang
malagpasan.
Katangian ng Anekdota
 Ito ay maikli at payak na kuwento.
 Nagsasalaysay lamang ng isang pangyayari.
 Nagsisimula ito sa malapit at pinakasentral na
ideya.
 Kinapapalooban ng mahahalaga at
kongkretong detalye.
 Nagtataglay ito ng maraming sipi (quotes).
 Natatapos agad pagkatapos ng kasukdulan.
 Nangangailangan ito ng tamang oras ng
pagbitiw sa mganagpapatawa o nagbibiro.
Pagtataya
Sa maikling pagpapaliwanag…
1.Ilahad ang mga katangian at kahalagahan ng
anekdota sa pagpapahayag.
2.Paano nagiging popular ang isang artikulo o
pahayag?
Takdang-Aralin

Ano ang maikhaing di-piksyon?


Anu-ano ang kinakailangan sa pagsulat ng
maikhaing di-piksyon?

Sanggunian: Masining na Pagpapahayag


Escoto, Mary Ann C. et.al pp. 256-258
Maraming Salamat!!!
April M. Bagon-Faeldan
Guro sa Filipino

Anda mungkin juga menyukai