Anda di halaman 1dari 11

Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010

Araling Panlipunan I
Ikalawang Markahan: Aralin 1: Paglinang sa Kamalayang Pilipino Bilang ng araw/sesyon: 25 araw
Antas 1
Pamantayang Nilalaman Pamantayang Pagganap

• Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagpupunyagi ng mga Pilipino • Ang mga mag-aaral ay nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat sa
na mawakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa. pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino

Mga Kakailanganing Pag-unawa: Mahahalagang Tanong:

• Nakabuo ng isang bansa ang mga Pilipino bunga ng kanilang pagpupunyagi at • Paano nabuo ng mga Pilipino ang pagiging isang bansa na nagbigay-wakas sa
pagbubuklod na wakasan ang kolonyalismong Español. kolonyalismong Español?
Nauuwaan ng mag-aaral ang pag-unawa sa: Ang mag-aaral ay:

Pagkabuo ng Pilipinas bilang isang bansa mula sa pagkakaisa ng adhikain at • nasusuri ang mga motibasyon at istratehiya sa pananakop ng mga Español;
pagpupunyagi ng mga Pilipino na makalaya sa kolonyalismo: • natataya ang mga patakaran ng mga Español na nakaapekto at nagdulot ng
a. Kolonisasyon at Kristiyanisasyon transpormasyon sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino;
 Mga layunin at istratehiya sa pananakop ng mga Español • nakikilala ang katangian ng mga Pilipino na nag-alsa at lumaban sa mga
 Mga patakaran ng mga Español na nakaapekto at nagdulot ng mananakop;
transpormasyon sa mga sinaunang pamayanang Pilipino • napahahalagahan ang kagitingan ng mga Pilipinong Muslim at Igorot na lumaban
 Reaksyon ng mga Pilipino sa mga mananakop at ang kagitingan ng sa mga Español;
mga Muslim at Igorot • nasusuri ang mga pangyayari at salik sa pag-usbong at paglinang ng
 Reaksyon ng mga Pilipino sa iba pang mga dayuhan na nasyonalismong Pilipino;
nagtangkang manakop • napaghahambing (compare and contrast) ang katangian ng nasyonalismo sa
b. Pagsibol at Pag-unlad ng Nasyonalismong Pilipino kilusang propaganda at katipunan; at
 Pagbabago sa ekonomiya at lipunan noong ika-19 na siglo bunga • natataya ang mga kaganapan sa panahon ng Rebolusyong Pilipino at sa
ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan Digmaang Pilipino-Amerikano.
 Mga pangyayari at salik nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismo ng mga Pilipino
 Ang nasyonalismo sa kilusang Propaganda at Katipunan
 Ang rebolusyong Pilipino, paghahayag sa Kasarinlan ng Pilipinas at
ang pagtatatag ng Unang Republika sa Malolos
 Ang Digmaang Pilipino-Amerikano

1
Antas 2
Inaasahang Pagganap: Mga Patunay sa Antas ng Pag-unawa Sa Antas ng Pagganap;

• nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa • pagtataya sa pagpapahayag ng malikhaing
sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino. pamamagitan ng: panghihikayat sa pagpapayabong ng
nasyonalismong Pilipino batay sa sumusunod na
Pagpapaliwanag kraytirya:
Patunayan na ang pagkabuo ng Pilipino bilang isang
bansa ay dahil pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan
ang kolonyalismong Español. Rubrics
Kraytirya:
Nagpapakita ng katibayan, kalidad ng impormasyon, • Mensahe
malalim • Kaangkupan sa paksa
• Kaangkupan ng mga mungkahing gawain
Interpretasyon
Bigyang-puna ang iba’t ibang paraan ng pagpupunyagi ng
mga Pilipino na wakasan ang kolonyalismong Español at
mabuo bilang isang bansa.
Kraytirya:
Kaangkupan, makatotohanan, imparsyal (fair)

Paglalapat
Kilalanin ang mga banta at oportunidad sa pagkabansa
ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon ng globalisasyon.
Kraytirya:
Kaangkupan, naglalahad ng mga ebidensya

2
Inaasahang Pagganap:
Perspektibo
Timbang-timbangin ang mga layunin ng mga
pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan ang
kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa.
Kraytirya:
Imparsyal (fair), makatotohanan, kalidad ng
impormasyon

Empatiya
Ilagay ang sarili sa katauhan ng mga Pilipinong
nagpunyagi at pahalagahan ang kanilang ginawa na
wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang
isang bansa.
Kraytirya:
Makatotohanan, may katapatan

Pagkilala sa Sarili
Magnilay sa kahalagahang pangkasaysayan ng
pagpupunyagi ng mga Pilipino na wakasan ang
kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa.
Kraytirya:
May katapatan, naglalahad ng kahinaan at kalakasan

3
Antas 3
Gabay sa Pagtuturo_Pagkatuto ng Aralin
1.Pagtuklas (Explore)

Bilang panimula, ang guro ay magbibigay ng gawain na gigising at hihikayat na malinang ang dating kaalaman/karanasan ng mag-aaral tungkol sa mga
pagbabagong naganap sa ating lupain sa pagdating ng mga Español. Gamit ang iba’t ibang mga pamamaraan at istratehiya, gagabayan ang mag-aaral tungo sa
direksyon ng pagkatuto batay sa paksang tatalakayin (Paglinang sa Kamalayang Pilipino), ng Inaasahang Pagganap (nakapagpapahayag ng malikhaing
panghihikayat sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino) at ang mga kraytirya kung paano ito tatayain. Bibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na bumuo na sa
palagay nila ay Mahahalagang Tanong at Kakailanganing Pag-unawa (EU) kaugnay ng aralin. Iminumungkahing tanggapin ng guro ang lahat ng sagot ng mag-aaral
upang mataya kung gaano na ang alam nila sa araling ito. Itanong ng guro ang Mahalagang Tanong “Paano nabuo ng mga Pilipino ang pagiging isang bansa na
nagbigay-wakas sa kolonyalismong Español?” Inaasahan ding lilinangin ang Anim na Aspekto ng Pag-unawa ng mag-aaral mula sa bahaging ito hanggang sa
bahaging Paglalapat.

Ang mag-aaral ay:

• Magsasagawa ng travel brochure (Ang gawaing ito ay magbibigay ng pagkakataon upang ang mag-aaral ay magpakita ng mga lugar na nais nilang puntahan. Ang iba’t
ibang interes ay maaaring iugnay sa interes ng Spain na makita at masakop ang ating lupain). Pagkatapos na maisagawa ang travel brochure, itanong ang sumusunod.
(Maaaring gamitin ang istratehiyang K-W-L)

o Bakit gusto nyong pumunta sa lugar na iyon?
o Ano ang alam ninyo tungkol sa lugar na iyon?
o Anu-ano ang mga nais nyong malaman bago punthan ang lugar na iyon?
o Saan kayo titingin upang makakuha ng mga impormasyon sa lugar na nais ninyong puntahan?
o Sa panahon ng mga Español, ano ang kanilang pangunahing layunin sa pagtungo sa ating bansa?
o Paano sila nagkaroon ng kaalaman ukol sa atin?
o Paano sila nakarating at ano ang nagtulak sa kanila upang manatili at sakupin ang ating bansa?
• Maaari rin na gumawa ng Comics and Graphic Novels o pagpapalabas ng pelikulang Lapu-Lapu at ito ay iuugnay ng mag-aaral sa Bakit at Paano nagkaroon ng interes ang
4
Spain sa mga lupain sa mundo. Inaasahan din na ang mag-aaral ay magbibigay kahulugan sa layunin at istratehiya ng Spain sa pagtungo, paggalugad, at pagtuklas ni
Magellan at ng kanyang mga tauhan sa ating bansa. Ang paggamit ng internet ay maaari ring maging bahagi sa pagtuklas ng araling ito.

• Magsasagawa ng The Year I Was Born: An Autobiography Project bilang pagkilala sa sarili, sa pamilya at pamayanan.
o Ang araw ng kapanganakan ay maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa kung ano ang nangyari sa bansa sa kaparehong araw ngunit sa nakaraang isa, dalawa
o tatlong milenyo.
o Ito ay magbibigay ng pagkakataon na matukoy ang naging buhay ng mga miyembro ng pamilya sa panahon ng Español at Amerikano.

• Maaari ring manood ng mga pelikula/dokumentaryo tulad ng Julian Makabayan, Rizal at iba pa o kaya ay ipabasa ang mga panitikan at mensahe ng musika tulad ng
Lupang Hinirang, Bayan ko at iba pa, Huling Paalam ni Jose Rizal, Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio, Dekalogo ni Apolinario Mabini at iba pa).
• Ipasuri sa mag-aaral ang napanood/nabasa.
• Bigyan ng pansin ang pagkakatulad sa mensahe/nilalaman ng mga nabasa at napanood.
• Iugnay ang mga natukoy na pagkakatulad sa mga naging reaksyon ng mga Pilipino sa pagdating ng nga Español.

• Makikibahagi sa pagbibigay parangal ala Eat Bulaga’s Heroes o CNN Man of the Year Efren Penaflorida. Ito ay pagkilala sa mga natatanging Pilipino na nakagawa ng
kabutihan sa nakararami nang walang hinihintay na anumang pabuya o pagkilala. Maaaring gamitin ito upang matukoy kung sino ang mga natatanging Pilipino na tumatak
sa kasaysayan dahil sa pagmamahal sa bayan sa panahon ng pananakop ng Español.

5
2. Paglalahad (Firm Up)

Sa bahaging ito, ipababasa/ipanonood/iparirinig ang iba’t ibang mga kondisyon at pangyayari na naging daan sa Kolonisasyon ng bansa at Kristiyanisasyon ng
maraming Pilipino gayundin ang Pagsibol at Pag-unlad ng Nasyonalismong Pilipino upang masuri/mataya kung ang mga nabuong Kakailanganing Pag-unawa ng
mag-aaral sa bahaging pagtuklas ay tama/katanggap-tanggap.

Iminumungkahi na maging maingat ang guro sa di pag-tanggap sa mga mali/di-katanggap-tanggap n Kakailanganing Pag-unawa. Inaasahang naitama na
(kung mayroon mang mali/di-katanggap-tanggap) na Kakailanganing Pag-unawa (EU) sa pamamagitan ng mga makahulugan at mapaghamong gawain.

Ang mag-aaral ay:

• Magsasagawa ng gawaing read,’rite, ‘rithmetic –bilang pagpaparanas sa kanila na mabuhay bilang mag-aaral sa panahon ng mga Español. Maaari rin na magpakita ng
mga larawan, mga palabas sa pelikula o telebisyon o kaya ay mga akda na naglalarawan sa pamumuhay ng mga mag-aaral sa panahon ng mga Español tulad sa Noli Me
Tangere o El Filibueterismo.Pagkatapos ng gawaing read,’rite, ‘rithmetic, itanong ang mga sumusunod:

o ano ang inyong naramdaman sa naging gawain?


o Ano ang pagkakaiba sa pamamaraan noon sa ngayon ng pagtuturo?
o Sa iyong plagay, ano ang kabutihan ng sistema ng edukasyon noon at ang sistema na mayroon ngayon? Patunayan.

• Magsasagawa ng rebyu at pagsusuri sa mga dokumentong primarya at sekundarya tulad ng mga sinulat ni Pigafetta, ang buhay at mga akda ni Rizal at iba pang mga
Pilipino na nabuhay sa panahon ng mga Español ay isasagawa upang malinaw na makita ang uri at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pananatili ng mga Español
sa bansa.
o Nakalalahok sa paggawa ng isang presentasyon (powerpoint, ohp o anuman ang posibleng gamitin).
o Ang paggamit ng case analysis at pagsasagawa ng roundtable discussion (o buzz session/brainstorming) ay makatutulong upang maipakita ang mga pananaw at
konklusyon na mabubuo mula sa rebyu at pagsusuri.

6
• Magkakaroon ng pag-uulat sa mga nasaliksik tungkol sa mga pagbabagong naganap sa aspeto ng sosyo-pulitikal, ekonomiya at iba pang aspeto ng buhay sa Pilipinas
gamit ang Graphic Organizer o Fact Storming Web. (maaaring ibigay bilang takdang aralin)

• Susulat ng isang repleksyon na nagpapakita ng sariling pananaw kung paanong ang pamumuhay, kultura at tradisyon ng mga Pilipino ay nagbago sa pananatili ng mga
Español sa bansa.
o Pagrebyu sa impluwensya ng mga Español sa mga Pilipino gamit ang photo exhibit (pananamit, kultura tulad ng sayaw at awit, relihiyon at iba pa).
o Ang mga pagbabagong ito ba ay indikasyon ng paglakas ng colonial mentality na bunga ng kasaysayan o pag-aangkop ng mga Pilipino o kawalan ng pagmamahal
sa bansa? Ito ba ay nangangahulugan ng pag-survive o pag adapt? Bakit oo? Bakit hindi? Patunayan.

• Makikilahok sa pagsasagawa ng debate tungkol sa kalakasan ng ilang pangkat ng mga Pilipino partikular ang mga Muslim at Igorot na hindi mapailalim sa kapangyarihan at
impluwensya ng mga Español.
o Maaaring maging punto ng pagtatalo ay ang kanilang katangian, lokasyon at kultura na wala sa ibang pangkat ng mga Pilipino.

• Makikilahok sa pagsasadula (role play) na nagpapakita sa ilang kalat-kalat na mga pag-aalsa sa iba’t ibang dako ng bansa at ang reaksyon ng mga Pilipino sa iba pang
dayuhang nagtangkang manakop dito.
o Anu-ano ang iba pang mga dayuhan na dumating sa bansa maliban sa mga Español?
o Ano ang pangunahing dahilan ng mga ito sa pagdating ng bansa?
o Bakit hindi nagtagumpay ang mga ito na manatili sa bansa tulad ng mga Español? Patunayan.
o Sa kabila ng mga pag-aalsa sa iba’t ibang bahagi ng bansa, bakit hindi nagtagumpay ang mga Pilipino na matamo ang kanilang mga layunin?

• Makikilahok sa pangkatang pagsusuri at pag-uulat kung paano nagkaroon ng mga pagbabago sa sosyo-pulitikal, ekonomiya at ibang aspeto ng buhay Pilipino sa pagpasok
ng mga liberal na pananaw mula sa Europe at iba pang mga pangyayari at salik sa pag-usbong ng nasyonalismo sa mga Pilipino. Maaaring mag-imbita ng mga historyador
o propesor upang magbigay ng mahahalaga at dagdag na impormasyon sa mga naganap simula ng sumibol ang nasyonalismo sa mga Pilipino.

• Maglalahad (maaring sa pamamagitan ng powerpoint, ohp o anuman ang mayroon) ng mga impormasyong nasaliksik. (maaaring naibigay bilang takdang aralin at
nagkaroon ng pangkatang brainstorming para sa pagbuo ng isang presentasyon tungkol sa mga pangyayari at salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino).

• Magsusuri sa katangian, layunin at pamamaraan ng mga Kilusang Propaganda at Katipunan gamit ang venn diagram (o mga kahalintulad na istratehiya).

• Bigyan ng formative test ang mag-aaral.

7
3. Pagpapalalim (Deepen)

Sa bahaging ito ay pagtitibayin ang nabuong wastong Kakailanganing Pag-unawa ng mag-aaral sa pamamagitan ng mapanghamong tanong/gawain upang
sila’y magnilay, muling balikan ang mga natutunan na, muling mag-isip at magbago kung kinakailangan. Dito isasagawa ang pananaliksik at pagsasagawa ng mga
gawain na nagpapakita ng malalim at konkretong pagkaunawa sa paksa.

Ihahanda ng guro ang mag-aaral upang mailapat ang kanyang natutuhan sa pagsasagawa ng Inaasahang Pagganap sa bahaging Paglalapat. Inaasahang
tutugunan ng guro ang pagkakaiba-iba ng mag-aaral, ang kaniyang mga kalakasan at kahinaan sa pamamagitan ng pagtuturong kailangan/angkop sa kanya. Bigyan
din ng pagkakataon ang mag-aaral na mataya ang natutuhan at kakayahan.

Ang mag-aaral ay:


• Makilalahok sa pagsusuri ng mga primaryang dokumento tulad ng kartilya, ang aral ng katipunan, mga isinulat nina Rizal at iba pang Pilipino na nagpakita ng kanilang mga
damdaming makabansa sa kanilang panahon.
o Pagsasalaysay sa epekto ng mga patakarang ipinatupad ng kolonyalistang pamahalaan sa mga Pilipino gamit ang istratehiyang puno at bunga (cause and effect).
o Pagtitimbang sa mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagkilos ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan.
 Sa inyong palagay, makatwiran ba ang pamamaraan na isinusulong ng Katipunan sa pagkakamit ng layunin nito? Panindigan.

• Susulat sa patnugot ng isang pahayagan na naglalaman ng pananaw sa naging transpormasyon ng mga Pilipino, mula sa kaisipan at pamumuhay na nalinang sa mga ito
noong panahon ng mga Español hanggang sa pangingibabaw ng galit at pagpupunyagi na makalaya mula sa mga kolonyalismong Español.
o Paano nalinang ang pagmamahal sa bansa noong panahon na iyon?
o Paano ipinakita ang pagmamahal na iyon ng mga Pilipino?
o Napanatili ba ng mga Pilipino ang damdaming nararamdaman hanggang sa makamit ang kalayaan mula sa Spain? Bakit oo? Bakit Hindi? Patunayan.
o Ilagay ang sarili sa katauhan ng mga Pilipinong nagpunyagi at pahalagahan ang kanilang ginawa na wakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang
bansa.

• Magpapalabas ng isang satirikong pagsasadula (o drama) o sumulat ng isang reaction paper sa naging papel ng Amerika sa himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga
Español at ang interes nito sa bansa na naging daan sa ikalawang yugto ng himagsikan: Ang Digmaang Pilipino-Amerikano.
o ilagay ang sarili sa katauhan ng mga Pilipino noon na nabuhay sa panahon ng mga Español at ang damdmain na namayani sa pagkakamit ng kalayaan.
o Ilarawan ang mararamdaman na pagkatapos makamit ang kalayaan, isang panibagong dayuhan na nagkanlong bilang kaibigan ang muling sumakop sa bansa.
8
o pagpapakita ng kamulatan sa epekto ng kolonyalismo sa sariling pamumuhay, kaisipan at kagawianbunga ng mahabang pananakop ng mga Español.

• Makikilahok sa paggawa/pagbuo ng historical essay o Historical Chronology tungkol sa katapangan gamit ang mga larawan na nagpapakita sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari at magpapatibay sa kagitingan at pagpupunyagi ng mga Pilipino sa laban sa mga Espanyol.
o Ano ang mga mahahalagang pangyayari na nagbigay- daan sa himagsikan?
o Sino ang mga naging instrumento at nanguna sa pakikipaglaban sa mga Español?
o Ano ang mga naging kahinaan at kalakasan ng mga Pilipino at ng mga kilusan sa pagkakamit ng kalayaan mula sa Spain? Patunayan.
• Susulat ng isang Reflection paper/journal at gumawa ng isang komitment bilang pagpapayabong sa nasyonalismong Pilipino. Ito ay batay sa pagninilay-nilay sa
kahalagahang pangkasaysayan ng pagpupunyagi ng mga Pilipino na mawakasan ang kolonyalismong Español at mabuo bilang isang bansa.
o Paano nagbago ang sariling pananaw bilang isang ma-aaral dahil sa mga pagpupunyaging ipinakita ng mga Pilipino noong panahon ng mga Español?
o Ipayahag ang mga balakin para sa patuloy na pagpapayabong ng nasyonalismo sa kabila ng mga banta at oportunidad sa pagkabansa sa gitna ng globalisasyon?
Patunayan.
• Ano ang naging ugat ng ikalawang yugto ng himagsikan: Digmaang Pilipino-Amerikano at ang epekto nito sa bansa?
• Bigyan ng summative test ang mag-aaral.

9
4. Paglalapat (Transfer)

• Aktwal na isasagawa ng mag-aaral sa bahaging ito ang Inaasahang Pagganap (nakapagpapahayag ng malikhaing panghihikayat sa pagpapayabong ng
nasyonalismong Pilipino) bilang patunay na naunawaan niya ang aralin. Muli, balikan ang mga kraytirya sa pagtataya ng nasabing gawain. Ipakita/ipadama sa
mga mag-aaral ang kahalagahan at kaugnayan ng Inaasahang Pagganap sa kanilang sarili/sariling lugar bilang isang malaya at katangi-tanging Pilipino.

Ang mag-aaral ay:

• makikilahok sa paggawa ng Blog o simpleng website o pagbubukas ng account sa mga social networking sa internet tulad ng Facebook o Friendster. (Ang paggamit ng
internet ay isang napapanahong interes ng mga kabataan). Gamit ang blog, simpleng website o mga social networking, ang mga nagawang output sa Historical Chronology
tungkol sa katapangan gamit ang mga larawan ay maaaring ilagay ditto gayundin ang mga reaction/reflection paper, upang makita at mabasa ng mga kaibigan ng may-ari o
ng sinuman na maliligaw dito. Maaaring magbigay ng komento ang mga makababasa ng mga entries na ito at mapalawak ang palitan ng pananaw at kuro-kuro mula sa
mga larawan na nasa blog. Ang mga site na ito sa internet ay maaaring maging isang midyum upang ang mga mag-aaral ay makapagpahayag ng malikhaing panghihikayat
sa pagpapayabong ng nasyonalismong Pilipino. Dapat rin na ito ay nagpapakita at nagbibigay babala/tanda sa mga banta at oportunidad sa pagkabansa ng mga Pilipino sa
gitna ng mga hamon ng globalisasyon;
• o maaaring gumawa ng mural na nagpapakita sa kabayanihan ng mga Pilipino ngayon tulad ni Efren Peñaflorida. Ang ganitong mga gawain ay makapanghihikayat sa mga
Pilipino, lalo sa kabataan na mabuhay at panatilihin ang pagmamahal sa bayan sa mga paraang napapanahon at ayon sa kanilang interes; at
• Ilan pa sa mga maaaring gawin ay paggawa ng MTV, dokumentaryo, CAI material at iba pa.

Mga Websites:

Making sense of Documentary Photography http://historymatters.gmu.edu/mse/photos/


Classrooms @ work http://www.netc.org/classroom@work/index.html
Teacher Resources – using Primary Sources in the Classroom http://memory.loc.gov/learn/lessons/primary.html
Illuminations: Activities http://www.illuminations.nctm.org/activitysearch.aspx
Read write Think: Learning Beyond the Classroom http://www.readwritethink.org/beyondtheclassroom/summer
http://www.wikipilipinas.com
http://www.e-turo.org
10
11

Anda mungkin juga menyukai