Anda di halaman 1dari 3

Introduksyon

Ang hospital-acquired o nosocomial infection ay isang klase ng inpeksyon na nakukuha


ng mga pasyente na nasa pangangalaga ng ospital. Ito ay isa sa mga sakit na nagiging dahilan ng
madaming kaso ng kamatayan sa loob ng isang ospital. Taliwas ito sa tungkuling ginagampanan
ng hospital sa komunidad na mabigay lunas at kaginhawaan sa mga pasyenteng pinapasok dito.
Nakakadagdag pa ito ng pasanin hindi lamang para sa mga pasyente kung hindi pati rin sa
kanilang mga pamilya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nalalaman ng pamilya na mayroong
nosocomial infection ang kanilang pasyente. Walang malay ang mga pamilya na mas pinapalala
pa ng inpeksyon na ito ang kondisyon ng kanilang pasyente. Namamatay ang ilang mga
pasyente sa hindi malamang dahilan at ang kalagayang ito ay nakakapagbigay ng madaming
kataungan sa sanhi ng pagkamatay ng kanilang kapamilya. Ang hospital ay may obligasyon na
ipagbigay alam sa pamilya ang anumang kaso ng kanilang pasyente.Karapatan ng mga pamilya
na malaman ang sitwasyon at kung may paraan man ay matutugunan ito.

Mga bakterya na nagiging sanhi ng impeksyon:

 Enterococcus spp.
 Escherichia coli
 Psuedomonas spp.
 Staphylococcus aureus

Mga karaniwang daanan ng bakterya:

 Urinary tract/ daanan ng ihi


 Mga sugat (burns, etc)
 Respiratory tract
 Dugo
 Gastrointestinal tract

Mga taong madaling kapitan ng impeksyon/sakit:

 May mga hiwa/sugat sa balat


 May mahinang resistensya
 May kasalukuyang sakit

Paano ito nakukuha:

 Droplet Transmission – pagubo¸pagbahing, pagsasalita


 Vehicle Transmission – kontaminadong bagay (pagkain, tubig, dugo, gamit sa
pagkain,unan at matress)

 Airborne Transmission

 Other mode of Transmission

Biologic (animals) – daga, langaw, lamok

Mechanical (fomites) - needles, syringes

Mga paraan kung paano maiiwasan ang nosocomial infection:

 Tamang kalinisan sa sarili at kapaligiran

 Palaging maghugas ng kamay

 Iwasan ang muling paggamit ng mga single-use disposable items (pang-inject, NGT, foley
catheter)

 Maglaan ng sariling kagamitan para sa pasyente/ may sakit (plato, kutsara, tinidor, baso,
panyo, at iba pa)

 Tamang preparasyon, pagluluto at pag-iimbak ng pagkain

 Iwasang uminom ng tubig na galing sa di sigurado ang pinagkunan

 Paggamit ng face mask kung kinakailangan

 Tamang pagtatapon ng mga basura at mga secretions(ihi, dumi, plema, sipon, dugo)

 Pagtatakip ng bibig at ilong kapag umuubo, sumisinga at bumabahing

 Palakasin ang resistensya ng katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang


pagkain na mayaman sa vit. C gaya ng mga prutas at gulay

Anda mungkin juga menyukai