Anda di halaman 1dari 6

Alamat ng Sampagita

Noon, lahat ng halaman ay may pinagmamalaking kayamanan tulad ng


masarap ng bunga o bulaklak na marikit, mabngo at may kakaibang ganda.
Maliban sa isa.

Ang Sampagita ay parating naging tampulang ng katatawanan sa hardin.


Parati siyang inaapi ng mga kasamang halaman.

Madalas na pagmamayabang ng Santan, "Ano ang iyong silbi? Salat ka


na sa ganda, wala pang bulaklak na ipagmamalaki. Hindi tulad ko na
biniyayaan ng makukulay na bulaklak. Ako'y nakakawili."

Kutya naman ng Milegwas, "Oo nga, pangit ka na, wala pang bangong
kahali-halina. Amuyin mo ko, ang sarap ng samyo, ang tamis, ang bango.
Mahalaga ako sa mga tao sapagkat ako ang parating inaalay sa kanilang mga
Santo."

"Ako rin," gatong pa ni Rosas. "Di ba't sadyang ako'y napakaganda? Ang
mga bulaklak ko, pula, puti man o dilaw, sikat na panregalo sa mga dalaga.
E ikaw para saan ka? Hindi ka dapat sa amin sumasama."

Tawanan ang mga magandang mga halaman. Araw-araw, ganito ang


kanilang usapan. Isang araw, hindi na makapagtimpi ang kawawang
Sampagita. Nagtangis, nakiusap, nagmakaawa sa mabait na Bathala.
"Panginoon, bakit naman ganoon? Ano nga ba ang silbi ko? Ako'y abang
halaman lamang."

Narinig ng Bathala ang wangis ng naaping Sampagita. Awang-awang


nagwika, "Iha, tumigil ka na sa pag-iyak, bibiyayaan kita bulaklak na
kaiingitan nila." Dumakot siya ng mga bituin sa langit at saka ito dinurog.
Bawat isa nito ay kanyang hinalikan bago isinaboy sa humihikbing
Sampagita.

Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na sadyang


napakatamis ng samyo. Ang kanyang mga bulaklak ay naging paborito ng
mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga at bisita at pang-alay sa mga Santa.

Nahigitan ng Sampagita ang lahat ng nngungutyang halaman. Siya pa ang


tinanghal na pambansang bulaklak ng bayang sinisinta.
ANG ALAMAT NG MAKOPA

Noong unang panahon ay may isang bayan na kalapit nag isang mataas
na bundok at halos naliligiran na mapulong dagat.Ang mga mamayan dito ay
tahimik at maligaya sa kanilang pamumuhay. Ang malawak na bukirin at
mayabong pinong-kahoy ay nagbibigay ng masaganang ani na siyang
ikinabubuhay na bawat taong naninirahan doon.

Ngunit sa lahat ng ipinagmamalaki ng mga mamamayan ay ang kanilang


gintong kampana na nakasabiy sa simboryo ng simbahan.Ang pinagmulan
nito ay matagal ng nalimutan.Ayon sa mga kanunu-nunuan nila ay ang
kampanang iyon ay nagisnan na nila at kanila ngang iginalang.Dito ay may
napapaloob na mga hiwaga at ang paniniwala'y doon nanggagaling ang
biyayang tinatamasa nila sa buhay.Ang batingaw na iyon ay napakaganda ng
hubog,malakas at buo ang tunog.Kung tumutunog ay kinariringgan ng
magandang tinig na ang bawat taong makarinig ay sapilitang luluhod at
taimtim na magpapasalamat sa may kapal dahil sa mga biyaya nilang
tinatanggap.Talagang napakalaki ng pagsamba at paggalang ng mga tao sa
kanilang batingaw.

Maraming tao sa malalayong bayan ang naka-alam sa kahalagahan ng


kampanang ito.Hindi lamang kakaunti ang nagkaroon ng masamang nasa na
makamtan ang nasabing batingaw.Higit sa lahat ng may nais ay ang mga
tulisang naninirahan sa gubat.Balak nilang tunawin ito kapag nakuha nila.

Isang araw, ang buong bayan ay nagimbal sa sigaw na


"Tulisan,tulisan,ang mga tulisan ay dumarating."Di nagaksaya ng pnahon
ang pari at dalawang sakristan.biglang ibinaba ang kampana at itinago. Nang
dumating ang mga tulisan wala na ang batingaw.Ang pari at mga sakristan
ay pinagsasaktan ng mga tulisan at pilit na ipinanalalabas sa kanila ang
batingaw.Datapwat hindi nagtapat ang mga ito hanggang sa pagkamuhi ng
mga tulisan ay pinagpuputulan sila ng leeg.Nagbalik ang mga tulisan sa
gubat na hindi nakamtan ang pakay nila.

Ang bayan ay nagulo.Lahat ng tao'y nalungkot pagka't ang


pinakakamahal nilang batingaw ay di na nila makita sapagkat ang nakaka-
alam lamang nito ay ang tatlong pinatay na tulisan.Lahat ng mamamayan-
bata,matanda,mayaman, mahirap ay pareparehong nagsisihanap.Ngunit di na
rin nila matagpuan.Lumipas ang maraming araw at ang batingaw ay tuluyan
na naglaho.Sa hinaba-haba ng panahon ang mga tao ay nakalimot na sa
kanilang banal na gawain.Wala ng pumupunta sa simbahan upang magdasal
lamang lalo't gulo sa bayan.Anupa't ang bayan ay nababalot ng kalungkutan.

Isang umaga, may maraming taon na ang nakakalipas,ang taong


nagdaraan sa simbahan ay nakakita ng punong kahoy sa tabi ng kumbento
nahitik na hitik sa bungang-kaiba sa mga bungang-kahoy,ang mga bunga ay
kakaiba ang hugis,at hugis kampana.Nagkagulo ang tao sa paligid ang puno
at sila ay nagtataka kung saan nanggaling ang punong yaon na bukod sa
hugis kampana ay mumua-mula pa na anajki'y ginto.Isang matandang lalaki
ang pumagitna sa taong nangaroroon at nagasalita ng,'Habang ako'y
natutulog,tila nakarinig ako ng isang tinig na nag-uutos na hukayin ko ang
ilalim ng isang puno sa tabi ng kumbento.Ngunit ito'y diko pansin sa pag-
aakala ko na isang panaginip lamang."

Madaling ginawa ng mga tao ang sinabi ng matanda.Laking tuwa nikla


ng matagpuan ang batingaw sa ilalim ng ugat ng nasabing puno.Ang lahat
ng tao ay nagtungo sa simbahan at nagpasalamat sa Diyos sa pagkakabalik
sa kanilang kampana.Makailang sandali,ang naggagandahang tunog ng
kampana ay narinig na.Ito ay nagbigay na kasiyahan at katahimikan sa puso
ng mga tao habang sila ay taimtim na nananalangin.

Ang mahiwagang puno naman ay patuloy ang pagbubunga at ng lumaon


ay napag-alamang iyon ai kinakain.Ang mga bata'y ngatutuwa sa hugis ng
bunga nito,kawangis ng kopa.Paglipas ng mga araw,ang bunga ay
tinaguriang"Makopa."
ANG ALAMAT NI MALAKAS AT MAGANDA

Sinasabing sa simula ay wala pang daigdig at tao; mayroon lamang langit at


dagat. Magkasinlawak ang dalawa sapagkat sila'y magkatapat. Ang tanging
nilalang na nakapagitan sa kanila ay isang ibon.

Walang tigil sa kalilipad ang ibon sa kalawakan hanggang mainip it at


mapagod. Naroon nga ang langit sa itaas ngunit hindi niya ito abot. Naroon nga
ang dagat sa ibaba, ngunit hindi naman siya makalapag.

Nag-isip ang ibon kung paano niya maaabot ang dalawa. Sumisid itong
pabulusok at kumahig nang kumahig sa tubig. Nadama ng ibon na nagkaroon ng
silbi ang kanyang ginawa. Mabilis at walang aptid ang kanyang pagkahig na
ikinasaboy paitaas ang tubig.

Nagimbal ang langit. Natiyak na kapag hindi tumigil sa pagkahig ang ibon ay
baka umabot sa kanyang dibdib ang tubig-dagat. Naramdaman na rin niyang nag-
alab ang dibdib ng dagat sapagkat ginalit nga ito ng ibon; dahil dito, nag-isip na
siya ng paraan para mapahinto ito.

Naiisip ng langit na gumawa ng bato sa kanyang mga ulap at saka ibinagsak


iyon sa dagat upang maampat ang galit niyo na nilikha ng ibon.

Sa mga batong ibinagsak niya sa dagat, inatasan lumapag ang ibon upang
siyang gawing pugad, at saka sinabing huwag na silang gambalain pa ng dagat.

Lumapag anga ang ibon sa isang batong pulo ngunit my namataan naman
siyang isang bagay na lulutang-lutang. Hindi niya iyon pinansin, ngunit nang siya
ay masagi at masaktan ng putol na kawayang nakalutang, siya ay napoot at walang
tigil na tinuka ang kawayang may dalawang biyas.

Nabiyak ang kawayan. Sa unang biyas ay lumitaw ang isang lalaki at isang
babae naman sa ikalawa.

Sa dalawang ito nagsimula ang daigdig sapagkat sila ang naging unang tao.
ANG ALAMAT NG PINYA

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang
ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang
kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto
si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na
niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang niya ang
kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng


gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang
ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok
at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit
paano ng anak.
Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang gumagawa sa
bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong
ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap.
Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong
ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya´t nawika
nito: " Naku! Pinang, sana'y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo
ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.
Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis
siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa
bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang
sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.
Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si
Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak.
Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi
niya alam kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang
sa ito'y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng
bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.
Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina, na sana'y
magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na
nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa
anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang, Sa palipat-
lipat sa bibig ng mga tao ang pinang ay naging pinya.
Saan nagmula ang butiki?

Naalala nyo pa ba ang kwento ng butiki na ikinukwento sa atin ni


Mama nung tayo'y maliliit pa? Itinanong ito sa amin ng Philo teacher
kanina… Akala ko di ko pa naririnig ang kwento, ngunit nang simulan
na nyang isalaysay ito, unting-unting bumalik sa aking alaala ang
kwento ni Mama…
Isang binata ang masugid na manliligaw ng isang dalaga sa
kanayunan. Para mapasagot ang dalaga, hiningi nito na 'kunin ng
binata ang puso ng kanyang ina'. Literal ang pakahulugan dito ng
binata kaya pinatay nya ang kanyang ina upang kunin ang puso nito.
Sa kanyang paghangos patungo sa babaeng iniirog, dala ang puso ng
ina, ang binata ay nadapa. "Tsk!" sambit niya. Nanghinayang siya sa
ginawa nya sa kanyang ina. Unti-unting lumiit ang katawan ng binata,
tinubuan siya ng buntot. Hanggang sa naging maliit na hayop na
tinatawag natin ngayong BUTIKI.

Anda mungkin juga menyukai