Anda di halaman 1dari 2

Ang mga natutunan ko sa Entrepreneur Summit sa World Trade Center

Ni Lemuel Ballestamon
Sinalin ni Princess Nicole G. Blando

Isa sa mga bagay na aking natutunan sa mga Negosyante sa Summit ay kung paano
hanapin at gawin ang mga paraan upang maging mayaman at matagumpay. Aking natutunan
ang isang paraan sa pagiging mayaman o pagiging matagumpay ay sa pamamagitan ng pagiging
“boss” ng sarili momg kumpanya o sa pamamagitan ng pagiging isang mabuting negosyante. Sa
seminar na aming naranasan, napagtanto ko na una pala dapat naming alamin ay ang mga
kagustuhan namin sa buhay dahil ito ang pangunahing haligi sa ating mga pangarap na maging
matagumpay. Ang pagalam sa mga kagustuhan o nais ay mahalaga dahil ito ay kumakatawan sa
aming mga intensyon at ang mga simbuyo ng damdamin na maaari naming kontribusyon sa
anumang bagay na maaari naming gawin sa buhay.

Isa pang bagay na aking natutunan ay ang mga lihim sa kung paano maging isang
maganda, mabait at matagumpay na negosyante. Ang mga lihim na dapat mayroon ka ay ang
mga (A, E, I, O, U) Ambition, Education, Innovation, Observation at Utilization. Una ang
ambisyon sa buhay upang maging isang mabuting negosyante dapat mayroon kang magandang
ambisyon dahil makakatulong ito sa ating buhay na magkaroon ng kahulugan. Ang ikalawang
pinaka mahalagang bagay ay ang Edukasyon. Ito ay mahalaga dahil sa hindi lamang tayo ay
edukado bagkus nagpapakita ito ng magandang imahe sa kung ano ang gagawin namin at kapag
maganda ang edukasyon mo mas maraming oportunidad ang maari mong pasukin o harapin.
Ang ikatlo ay ang Inobasyon, sa pagiging matagumpay ito ay kailangan namin upang magkaroon
ng makabagong ideya Para sa amin ang patuloy na pagsagawa ng inobasyon ay upang maging
popular sa mga tao na aming nakakasalimuha at para ang aming serbisyo ay makilala ng ibang
tao. Ang ikaapat ay Oberbasyon, natutunan ko na ito ay napakahalaga sa negosyo upang
maging mapagmasid dahil sa mabilis na pagbabago ng ekonomiya. At Panghuli, ang Utilisasyon
sa negosyo, ito ay mahalaga dahil ito ay makakatulong sa pagplaplano ng tama sa maikling
panahon at ito ay nagpapakita kung paano namin maaaring gamitin ang oras namin sa
matalinong pamamaraan at nang ang oras naming bilang isang negosyante ay hindi masayang.

Aking ding natutunan na sa negosyo ang di pagsuko ang pinaka importante at


number one rule dahil mula sa simula ng pagtatayo ng negosyo ito ay ang bagay na nais at
kagustuhan mo at ito ay ang iyong passion. Kaya’t dapat hindi ka susuko dahil dito makikita
kung paano mo ipagtatanggol at gagawin ang buong responsibilidad mo sa iyong negosyo. Ang
pag-suko ay hindi kailanman kasagutan dahil sa bawat kabiguan natin nagkakaroon tayo ng
karanasan at ito ang nagiging dahilan upang tayo ay maging mas malakas at matagumpay.
Huwag kalimutan na ang pag-suko ay hindi isang opsyon bagkus darating ang pating mga
hinahangad kung kaya nating maghintay at inaalay natin ang puso’t isipan sa ating negosyo o
trabaho man ito. Ang Diyos ay gumagawa ng mga paraan upang tayo’y magtagumpay. Lagi
lamang tandaan, nasakanya ang awa, nasa atin ang gawa.
Ang pagpasok sa isang negosyo ay tulad ng pagsusugal, hindi ka sigurado kung ito
ay lalaki o mabibigo ngunit ayon sa mga negosyante na nagbahagi ng kanilang karanasan,
walang tagumpay na walang pagkabigo “There is no success without failures” Ang kabiguan ay
nagsisilbing aral sa amin at pinatitibay kami upang tumayo muli at baguhin para sa mas
mahusay at sa lalong madaling panahon gumawa ng isang makabago at IBA.

Iba't ibang kuwento ng pagkabigo, sakripisyo at twists sa buhay ngunit sa katapusan


tagumpay parin ang nakamit.

Ayon kay Bo Sanchez “Attitude matters most rather than the skills we possess. In
life, there are two ways: to go on with the right path or to take the wrong way of our journey.
The choice is in our hands and it is us who draw our future. Always put God as the center of our
lives for God has plan for us and without him we are nothing. Leadership plays an important
role in one’s life. It’s like an eagle that flies high, freely in V-shape without doubts and
hesitations. In reality, we can fly as high as eagle can but we should always remember to keep
our feet on the ground and learn to express thanks and gratitude to all those who helped and
supported you. Time is precious. We should grab the opportunity until it’s not yet late. It is
better to fail rather than doing nothing or not even trying to do something because when you
fail, you will be awaken and soon try to make things work out.”

Naalala ko ang isa na kuwento ng isang negosyante na halos 6 na taon siya nag-aral
sa hayskul ngunit ng matutunan niyang magsikap, maghirap upang magtagumpay at ayusin ang
mga bagay at nag-aral ng puspusan para sa kanyang hinaharap. Hindi siya kailanman huminto
sa paniniwala sa kanyang sarili at sa kanyang sarili at ang tagumpay nga ang bunga ng kanyang
mga pagsasakripisy. “A Steward sows what he reaps.”

Innovation is very essential in business, for it is the key to make difference among
others. Never stop learning and thinking. Education never stops; study, study and study for it
serve as the stepping stones reaching success in life. Engaging into business is not more on
MONEY or PROFIT it is in the SERVICE that you will offer for other people and it is the essence of
valuing oneself.

Ito ang paborito kong sibabi ng isang negosyanteng bilyonaryo na si Brian Tracy
“Today the greatest single source of wealth is between your ears.”
Tandaan lamang natin ang kasabihan na ito ni Thom, “A life without purpose is a
languid, drifting thing; Every day we ought to review our purpose, saying to ourselves: This day
let me make a sound beginning, for what we have hitherto done is naught.”

Anda mungkin juga menyukai