Anda di halaman 1dari 3

“Ang aking tunay na IDOLO”

Gulat kayo ‘no? Oo! Ako to! Hindi kayo bulag, ako nga ito- ang nag-iisang John Lloyd Cruz.
Hephephep.. Teka lang.. wag muna kayong lumapit at baka marumihan ang napakagara kong
damit. Hayaan niyo muna akong magpakilala.
Rodulfo Mario Claro Pedro Santiago Jr. ang tunay kong pangalan. Ulila na ako na sa ama.
Tanging si Inay na lamang at ako ang magkasamang namumuhay.
Bata pa lang ako ay pangarap ko na talagang maging sikat tulad ni John Lloyd. Pangarap ko
‘ring maging leyding-leydi sina Bea at Angel. At hiiht sa lahat [pangarap kong magkaroon ng
sariling teleserye. Minsan nga pagkagising sa umaga nagdadrama ako at ginagaya ko angmga
linya ng aking idolo.
Rodulfo: “Jackie hindi ko kayang mabuhay na wala ka. Kailangan kita sa mga panahong ito.
‘Wag na ‘wag mo akong iiwan Jackie.”
            At kapag ganyan ang eksena sa bahay, sa sobra kong pag-iimagine, ‘di ko
nanamamalayan na nasa harap ko na si inay.
Rodulfo: Jackie bakit ang gaspang ng mukha……. Nyaaaaaaaak?!?. Jackieaswang este ikaw
pala ‘yan Inay. Ano ka ba naman kasi Inay. Nagdadrama pa nga ‘tong gwapo mong anak
pagkatapos bigla nalang kayong susulpot. ‘Di man lang kayo kumatok sa pinto.
Inay: Hoy! Rodulfo Mario Claro Pedro Santiago Jr. kanina pa ako ako kumakatok sa pinto at
dahil sa busy ka d’yan sa pagdadrama mo eh hindi mo namalayan. Kung kaya’t pumasok na
lamang ako. Isa pa kanina pa ang alas siyete emidya at maleleyt ka na naman sa klase mo……..
Rodulfo: …Alalahanin mo nasa kolehiyo ka na. Kahit minsan naman anak magtino ka. Kelan ka
ba magbabago ha? Kung nabubuhay lang ang itay mo……..(mabilis)
Hay naku! Hindi ko na hinahayaan pang magsalita si Inay dahil araw-araw ganun na ganon rin
lang naman ang naririnig ko sa bunganga niya. Subalit wala na ‘epek’ sa akin yon. Diretso
lamang sa kabilang tenga ang kanyang mga paninermon sa akin. Paano ba naman kasi,
kinokontra niya talaga ako. ‘Yon bagang akala niya tama siya sa lahat ng bagay. Hay ewan ko
nga ba kay Inay. Mabuti pa sa paaralan masaya ako lalo na kapag mga babae kasama ko.
Pakiramdam ko nasa langit na ako. Hayst… hanggang sa dumating ang pagkakataon na
naglalaro ang aking isipan sa klase.
Guro: Okey Rodulfo bigyan mo ako ng halimbawa ng sugnay na makapag-iisa….. Rodulfo!!!
(pasigaw)
Rodulfo: Ah Ma’am? Sungay at Isda?
Halos nagtawanan ang buong klase sa aking naging sagot. At halata naman sa mukha ni Ma’am
ang pagkainis at galit.
Guro: Ano ka ba naman Rodulfo. Nandito ka nga sa klase, eh lumilipad naman ‘yang isip mo.
Sakit ka lang palagi ng ulo.
Rodulfo: Sakit kamo ng ulo Ma’am. Ay naku Ma’am, magteyk lang BIOGESIC, pagkainom,
galling agad. Effective na, prescribed pa ng maraming doktor.
Nagtawanan ulit ang buong klase. ‘di na nga napigilan ni Ma’am ang kanyang pagkainis..
Guro: Rodulfo, Get out of this room! Now!!!!!
Katulad sa bahay, ganyan ang eksena sa klase ko kay Ma’am Gladys. Palibhasa wala asawa
kaya mainitin ang ulo. Gayunpaman, hindi si Ma’am ang sisira ng araw ko. Alam ko magkikita
kami ngayon ng crush ko. Si Bea. Isang A.B student, maganda, mahinhin, mabait at higit sa
lahat sexy.
Maya-maya habang naglalakad ako ay nakasalubong ko siya. Dahil sa gwapo at ‘me’
pagkapilyo ako. Hinarangan ko siya at sabay sabing…
Rodulfo: Hi Bea. Libre ka ba mamaya?
Bea: Ah, helow sayo Rodulfo. Hmmm.. mamaya? Bakit?
Rodulfo: Wala lang gusto lang sana kitang yayaing magdate..
Bea: Magdate? Ahh…ehh.. Pag-iisipan ko muna (sabay sabi) Ah sige payag na ako.
            Salat man sa yaman, wala akong pakialam. Ang alam ko lang ay gumastos ng gumastos
ng pera para lang kay Bea. Date doon, date ditto at kung ano-ano pa. Kahit hirap na hirap na si
Inay sa pagtitinda ng gulay, hindi ko pinapansin ‘yon. Palibhasa kasi sarili ko lang iniintindi ko.
Inay: Oh anak, ba’t bihis na bihis ka?
Rodulfo: ah.. eh.. kasi po.. kasi… Inay may gagawin kaming proyekto ni Sam Milbis. Tsaka
Inay, medyo may kamahalan nga poi yon. Baka naman may pera pa kayo diyan, bigay niyo na sa
akin nay para ‘di naman nakakahiya kay Sam.
Inay: ah,, sige anak,, itong 250, pambili ko sana ng gamut ko ‘yan pero sige, dahil mahal kita
gamitin mo na lamang ‘yan.
Rodulfo: Maraming salamat po Inay. Sige po aalis na ako at baka magalit si Bea este si Sam
pala sa kahihintay.
Inay: Oo nga anak. Oh sya.. magmadali ka na d’yan at umuwi ka ng maaga ha.
            Palabas n asana ako ng bahay ng….
Inay: Anak medyo masakit ata ulo ko. Baka naman pwedeng bawasan natin ‘yang pera mo.
Rodulfo: Sige po Inay. Ito pong kwatro pesos, ibili biyo ng BIOGESIC- effective at prescribed
pa ng mga doktor.
Inay: Salamat anak. Sige na puntahan mo na si Sam. Ingat ka anak. Umuwi agad ng maaga.
Rodulfo: Sige Inay..
            Masayang- masaya ako paglabas ko ng bahay. Sa wakas may pera na ako. Pagdidate na
kami ni Bea sa isang magandang restawrant..
                May malapit na restaurant sa amin kaya napagisip-isip ko na doon nalang kami
kakain ni Bea.
Rodulfo: Ang tagal naman ni Babes. Halos tatlumpong minuto na akong naghihintay sa kanya.
            Nang biglang may nagtext…. Tototot..tototot….
Rodulfo:From: Bea
            Rodulfo pasensya ka na powh at hindi powh akow matutuloy kasi powh sumama
pakiramdam kowh. Pasensya ka na powh talaga rodulfowh. Sa ibang araw nalang.
Rodulfo: Ano!?! Pa’no to at naorder ko na…….
Ng biglang dumating ang waiter.
Waiter: Sir, excuse po. Bill niyo po.
Rodulfo: Ah okey, itong bayad oh. Keep the change.
Waiter: Maraming salamat sir
            Pauwi na ako ng bahay ng my biglang dumaan na ambulansya.
Rodulfo: Sino nanaman kaya ang naaksidente. Haixt, ang mga tao talaga ‘di nag-iingat.
            Ngunit kinabahan ako at nang malapit na ako sa bahay, lumapit sa akin si Ryan.
Ryan: Rodulfo iyong Inay labas kanina. Sabi ako raw sabi sayo na labas siya para hanap ka.
Tagal mo raw kasi uwi. Wala ka naman raw Sam.
Rodulfo: Haixt si Inay talaga oh. Oh sige salamat Lyan este Ryan.
Halos dalawang oras na akong naghihintay kay Inay at ‘di pari siya dumadating. Pero, imbis na
hanapin ko siya, mas pinili ko munang manood ng IMORTAL kung saan bida si Idol. Maya’t-
maya ng mag komersyal break ay biglang nag FLASH REPORT
ReporterL Magandang gabi mga madlang pipol. Para sa mga naglalagablab ngunit nagyeyelong
balita. Isang Ina naospital matapos umanon nakitang nahimatay sa gilid ng kalsada. Napag-
alaman na inatake ang ginang ng kanyang High Blood. Mabuti na lamang at may nakakita sa
nangyari dahil ayon sa dokto kung hindi agad nadala sa ospital ay posibleng namatay na siya.
Ayon sa marami, hinahanap raw ng ginang ang kanyang anak na ‘di pa umuuwi. Ang ginang ay
kasalukuyang nasa Dr. Rafael Rosell Memorable Hospital sa Oyo Torong St. Kalibo, Aklan.
Kung sino man ang anak ng nasabing ginang ay puntahan lamang niya ito sa nasabing ospital. At
‘yan ang nakakhighblood na naglalagablab ngunit nagyeyelong balita. Magandang gabi.
            Saglit akong natulala. Tumulo na lamang ang aking mga luha habang pinapanood ang
balita. Dali-dali akong lumabas ng bahay at pinuntahan si Inay sa ospital. Pasado alas dose
nang ako’y dumating. Nang Makita ko si Inay ay agad ko siyang niyakap at sabay halik sa
pisngi.binantayan ko si Inay hanggang mag-umaga. Ipinagtapat ko rin sa kanya ang lahat. Sa
unang pagkakataon ay pinakinggan ko ang kanyang mga pangaral. Ikinintal ko ito sa aking
puso at isipan.
                Nasabi ko sa aking sarili. Sa lahat ng tao dito sa ibabaw ng mundo, isa lang ang
tunay at pinakaidolo ko, yon ay hindi si John Lloyd, kung hindi ang nag-iisang walang katulad
na si INAY.
            Ikaw..?
            Kayo.. ?
            Sino iniidolo niyo?

Anda mungkin juga menyukai