Anda di halaman 1dari 15

Itinutukoy sa nagaganap o sa isinasagawa ring proseso upang ang isang wikang di pa

intelektwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektwalisado nang sa gayo'y


mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan.

. . . Ayon kay Bonifacio P. Sibayan ang "intellectualized


language" is a "language can be usedto ging and
obtaining in complete education in any field of
knowledge from kindergarten to the universuty and
beyonf
. . . Ayon kay Bonifacio P. Sibayan ang "intellectualized
language" is a "language can be usedto ging and
obtaining in complete education in any field of
knowledge from kindergarten to the universuty and
beyonf

Join Multiply to get updates from george

George Francisco
HomeBlogPhotosCalendarReviewsLinks

Aug 26, '08 9:19 AM


Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino
for everyone
ANG INTELEKTWALISASYON NG WIKANG
FILIPINO

Christian George C. Francisco propgeorgefrancisco


Kagawaran ng Filipino at Panitikan
ccfrancisco@mail.dasma.dlsu.edu.ph • Photos of
george
Layunin ng papel na ito na ipakita ang proseso • Personal
ng pagpaplanong pangwika, paraan ng pag- Message
iistandardays, pagmomodernays, mga salik sa pag- • RSS Feed
iintelektwalays ng wika gayundin ang gamit ng wikang [?]
Filipino sa edukasyong Pilipino sa kasalukuyang
panahon.
• Report
Ayon kay Constantino (1996), ang wika ang Abuse
siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong
panlipunan. Bilang instrumento, maaaring matamo sa
pamamagitan nito ang mga instrumental at
sentimental na pangangailangan ng tao. Ang wika ay
behikulo para makisangkot at makibahagi ang tao sa
mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga
pangangailangang ito. Samakatuwid, ang pahayag na
ito ni Constantino ay nagpapatunay lamang na
napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa
pang-araw-araw na buhay ng tao. Gamit ang wika,
nagagawa ng tao na masatisfay ang kanyang mga
pangangailangan maging ito man ay pansosyal o
pampersonal. Nagiging instrumento ang wika upang
makisangkot ang tao sa mga nangyayari sa kanyang
paligid. Dahil dito, mahalaga para sa isang tao na
maging maalam siya sa kanyang wikang ginagamit
upang ito ay magamit niya sa paraang tiyak at
planado.

Para sa mga taong aral sa wika, hindi na bago


ang katawagang pagpaplanong pangwika o language
planning. Sa larangang ito, tinatanaw ang mga
maaaring pagpiliang wika mula sa isang komunidad
para gawing estandardisado. Sentro rin ng pag-aaral
ng PP ang konsyus na paggamit ng isang wika sa isang
lipunan, kung saan, ito ay kinapapalooban ng pagkalap
ng mga datos o informasyon upang bumuo ng
desisyon kaugnay sa kung anong wika ang
pinakaangkop na gagamitin sa isang lipunan
(Eastman, 1982).

Ang PP ay binubuo rin ng dalawang


mahalagang meyjor komponent. Sa komponent na ito
mahihinuha natin ang mga konkretong batayan sa
maayos na pagpili ng isang wikang sasailalim sa
estandardisasyon. Una, ang patakarang dapat sundin;
ikalawa, pagpili ng wika kaugnay sa napagkasunduang
patakaran. Ang una ay binubuo ng apat na
mahahalagang salik. Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. FORMULASYON – Ito ang yugto ng


deliberasyon at/o pagdedesisyon kaugnay sa
wikang pipiliin. Mahalagang isaalang-alang dito
ang layunin ng mga gagamit nito.
2. KODIFIKASYON – Ito ang yugto kung saan
nagkakaroon ng teknikal na preparasyon ang
mga language academies ng napagkasunduang
patakaran. Mahalaga namang tingnan dito ang
pananaw, paniniwala, saloobin ng kapwa
magpapatupad at tatanggap ng
napagkasunduang patakaran.
3. ELABORASYON – Ito ay pinaiiral ng ahensyang
pangwika na kung saan inihahanda na ang mga
materyal na kakailanganin sa pagpapalawak ng
gamit ng piniling wika.
4. IMPLEMENTASYON – Ito naman ang yugto ng
pagtanaw sa epekto ng plinanong pagbabago sa
wikang pinili.

May inilahad pa rin si Eastman (1982) kaugnay


sa paraan ng pagpili ng wika. Sa katunayan, may
sampung kategorya kung saan maaaring makapamili
ng isang wika na sasailalim sa estandardisasyon:

1. Indigeneous Language – Wikang sinasalita


ng mga sinaunang tao na nakapanirahan sa
isang lugar.
2. Lingua Franca – Wikang gamitin ng mga
taong may magkaibang unang wika na may
tiyak na layunin sa paggamit.
3. Mother Tongue – Wikang naakwayr mula sa
pagkabata.
4. National Language – Wikang ginagamit sa
politika, sosyal at kultural na pagkakakilanlan.
5. Official language – Wikang ginagamit sa
transaksyong pampamahalaan.
6. Pidgin – (Nabuo sa pamamagitan ng
paghahalu-halo ng wika) Wikang kadalasang
ginagamit ng mga taong may magkaibang
pinagmulang wika.
7. Regional Language – Komong wika na
ginagamit ng mga taong may magkaibang
wikang pinagmulan na naninirahan sa isang
partikular na lugar.
8. Second Language – Wikang natutunan
bilang karagdagan sa unang wika.
9. Vernacular Language – Wika ng isang sosyal
na grupo na nadomina ng ibang wika.
10. World Language – Wikang ginagamit sa
malawak na saklaw ng mundo.

Alinman sa mga nailahad na ito ay maaaring


mapagpilian o maging batayan tungo sa pag-
iistandardays ng wikang napagkasunduan.

Samantala, ang estandardisasyon ng wika


naman o language standardization ay isang sangay ng
pagpaplanong pangwika na konsern sa kaisahan sa
likod ng linggwistikong pagkakaiba-iba ng mga wika.
Ayon kay Eastman (1982) mula kay Haugen (1966),
may proseso ang pag-iistandardays ng wika.

Tungo sa pag-iistandardays ng wika,


mahalagang makapamili muna ng wika, makodifay ito
sa pamamagitan ng paghahanda ng teknikal na
preparasyon o ng mga kagamitan (libro, ensaklopidya
at iba pang mga nasusulat na materyal). Matapos nito,
kinakailangan na maging malawakan ang
pagpapagamit nito sa iba’t ibang domeyn tulad ng:
simbahan, paaralan, pamahalaan, midya at iba pa.
Malaki ang papel ng domeyn sa estandardisasyon
dahil ito ang susukat sa lawak ng gamit ng wika.

Sa kaso naman ng modernisasyon, binigyang


paliwanag ni Eastman (1982) na ito ay ang paglago ng
popular na pagkakakilanlan ng isang estandardisadong
pambansang wika mula sa mga gumagamit nito. Sa
kabilang banda, inilahad naman sa jornal ng Komisyon
ng Wikang Filipino ang dalawang yugto para masabing
modernisado ang isang wika. Ang una ay tinawag na
Popularly Modernized Language o PML at ang
pangalawa ay ang Intellectually Modernized Language
o IML. Ayon dito, ang wika ay maaaring maging
moderno subalit hindi intelektwalisado. Ang wika na
ginagamit sa enterteynment ay pwedeng tawaging
moderno subalit hindi ito masasabing intelektwalisado,
gayundin naman ang wikang ginagamit sa tabloyd ay
hindi rin maaaring iklasipika na intelektwalisado. Sa
kabilang banda, masasabi nating intellectually
modernize ang isang wika kung ito ay nagagamit sa
mga matataas na karunungan gaya ng agham,
teknolohiya, negosyo, kalakalan, industriya, medisina
at iba pa. Tunguhin ng dalawang yugtong ito na
maintelektwalays ang wikang ginagamit ng isang
partikular na lipunan.
Malaki rin ang magiging ambag ng mga
larangang pangwika tungo sa pagpapalakas ng
intelektwalisasyon. Maaaring sumailalim ang isang
wika sa mga sumusunod na larangan:

1. Larangang pangwika na nagkokontrol


(Controlling domains of language) – Ang wika at
varayti ng wikang ginagamit dito ay dinidikta
kapwa pasulat at pasalita. Nangangahulugan ito
ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita.
Kadalasan itong ginagawa sa matataas na antas
ng karunungan gaya ng: simabahan, batas,
midya, paaralan, pamahalaan, industriya,
negosyo, komersiyo at iba pa. Dahil nga
nagiging diktador kung ano ang wikang
gagamitin, nadedevelop ang isang wika tungo sa
tinatatawag na estandardisado at
intelektwalisado.
2. Nagkokontrol nang bahagya sa larangang
pangwika (Semi-controlling domains of
language) – Ang wika at ang mga varayting
ginagamit naman dito ay pasulat subalit tanging
tagapakinig lamang ang mga gumagamit nito.
Di-tulad ng nauna, hindi kasinghigpit ang
paggamit ng wika rito. Ipinahihintulot rin nito
ang pakikibahagi ng tao sa iba’t ibang gawain
subalit hindi kinakailangan na maging dalubhasa
ang isang tao sa paggamit ng wika. Halimbawa
nito ay sa relihiyon at enterteynment.
3. Di-nagkokontrol na mga larangan ng wika
(Non-controlling domains of language) – Ang
wikang gamit dito ay pasalita lamang na
kadalasang makikita sa tahanan at lingua franca
ng isang bansa.

Gayumpaman, ang salitang intelektwalisasyon


ay nagdudulot pa rin ng pagkalito mula sa iba’t ibang
taong sangkot sa paggamit ng wika. Sa paliwanag ni
Sibayan (1999), ang wika ay intelektwalisado kung ito
ay nasusulat. Hindi sapat ang pasalitang paraan para
masabing intelektwalisado ang isang wika.
Kinakailangang ang wika ay nakapagpapalimbag ng
iba’t ibang balon ng karunungan (libro, ensaklopidya
at iba pa) na magagamit ng tao tungo sa paglago ng
kanyang kaalaman. Sa kaso ng Filipino, ani Sibayan,
ang pag-iintelektwalays dito ay nararapat ifokus sa
mga lawak na kumokontrol na wika o controlling
domains of language, mga lawak na ayon sa kanya ay
nagdidikta ng wikang inaasam at pinapaboran ng mga
taong gumagamit ng wikang iyan. Halimbawa nito ay
ang gamit ng wika sa mahahalagang larangan tulad sa
edukasyon, pamahalaan, batas, hukuman, agham at
teknolohiya, negosyo, pangkalakalan, industriya, mga
propesyon na may bahaging larangan (sub domains)
tulad ng medisina at abogasya, masmidya at
literatura.

Sa paliwanag naman nina Espiritu at


Catacataca (2005), nakaankla sa pagpaplanong
pangwika ang salitang intelektwalisasyon. Ito ay
pumapaloob sa apat na dimensyon: seleksyon,
estandardisasyon, diseminasyon at kultibasyon. Sa
kultibasyon papasok ang konsepto ng
intelektwalisasyon. Ani Neustupny (1970), ang
kultibasyon ay isang proseso na nagmumula sa
kodifikasyon ng wika tungo sa kultibasyon at
elaborasyon nito. Sa kabuuan, nangangahulugan
lamang na ang tanging layunin ng intelektwalisasyon
ay upang magampanan ng wika ang kanyang mga
tungkulin sa mga gumagamit nito.

Samantala, inilahad ni Acuna (1994) na ang


mga pambansang wika sa buong mundo ay maaaring
iuri sa tatlo: Intellectualized languages of wider
communication; confined, independent and
intellectualized national languages; and developing
national languages. Ang unang uri ay tumutukoy sa
popular na mga internasyunal na wika gaya ng: Ingles,
Pranses, Aleman at Espanyol. Ang mga wikang ito ay
ginagamit bilang mga kontroling na domeyn sa
paggawa (work) at iba pa. Samantala, ang ikalawang
uri naman ay tumutukoy sa mga intelektwalisadong
wika na saklaw lamang ang bansang pinaggagamitan
nito. Ang wikang ito ay sapat na upang magamit sa
lahat ng domeyn ng isang bansa. Halimbawa ng mga
bansang ito ay ang Korea at Japan. At ang panghuling
uri naman ay tumutukoy sa mga bansang nasa
proseso pa lamang ang intelektwalisasyon ng wika
gaya ng Indonesia, Malaysia at Pilipinas. Sa mga bansa
kasing ito ay patuloy pa rin ang pagdevelop sa
tinawag ni Sibayan na idyomang pedagojikal.
Ngayon, ano naman ang hinaharap ng wikang
Filipino kaugnay sa isyu ng estandardisasyon at
intelektwalisasyon? Ang tanong na ito ay nagdulot ng
mga kalituhan sa maraming Pilipino, kahit mga
dalubwika ay patuloy na nagdedebate kung
estandardisado o intelektwalisado ba ang Filipino.
Kadalasang sagot na maririnig sa kanila ay ganito: Ang
Filipino ay patuloy pa sa pagdevelop tungo sa
estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang
pahayag na ito ay totoo. Sapagkat ayon na rin sa
Konstitusyon sa ilalim ng Artikulo XIV ng Seksyon 6:

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.


Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa batay sa iba pang mga wika sa
Pilipinas.”

Nangangahulugan lamang ito na ang Filipino ay


kailangang umasa sa mga intelektwalisadong wika
hindi lamang sa mga wika sa Pilipinas. Isang
magandang halimbawa na nito ay ang wikang Ingles.
Ang Ingles man ay umasa rin sa mga
intelektwalisadong wika tulad ng Griyego, Latin at
Pranses. Sa kabilang banda, tinukoy sa jornal ng KWF
ang mga kadahilanan kung bakit kailangan ng Filipino
na umasa sa Ingles. Narito ang mga kadahilanan:

1. Halos lahat ng nakasulat na bersyon ng


makabagong Filipino kabilang na iyong sa
mga paaralan ay puno ng hiram na salita
sa Ingles, may mga binaybay ng tulad ng
sa mga orihinal at karamihan naman ay
isina-Filipino ang pagbabaybay.
2. Malinaw na ipinakikita sa mga pag-aaral
tungkol sa mga intelektwalisadong varayti
ng sinasalitang Filipino ng mga mag-aaral
sa anim na pamantasan sa Metro Manila
(UP, DLSU, Araneta U, PNU, PUP at PLM) na
kayang talakayin ng mga mag-aaral ang
kanilang mga takdang aralin sa
matematika, biyolohiya at iba pa sa
pamamagitan ng maramihang
panghihiram sa Ingles.
Sa madaling salita, para masabing
intelektwalisado ang wikang Filipino, kinakailangan na
magamit ito sa pagtuturo sa mga Pilipino sa halos
lahat ng larangan o antas.

Kung kaya, ani Espiritu at Catacataca (2005)


mula kay Sibayan (1988), para maisakatuparan ito,
pangunahing pangangailangan sa intelektwalisasyon
ang manunulat sa kurikulum at mga teksbuk at isang
idyomang pedagojikal sa Filipino. Ang idyomang
pedagojikal ay ang kabuuan ng mga ginradong teksto,
mga sanggunian, patnubay at iba pang mga
kagamitang panturo na magagamit mula sa unang
baytang sa elementarya hanggang antas tersyarya
isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga
teksbuk at kagamitang pangkurikulum at mga iskolar
at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Kung
babalikan natin ang unang pahayag ni Sibayan, ang
wika ay kailangang NASUSULAT para masabing
intelektwalisado ito.

Gayumpaman, may apat na katangian ang


isang intelektwalisadong wika. Una, aktibo, marami at
malawak ang gumagamit ng wika partikular na ang
pasulat na anyo kaysa pasalita. Pangalawa, ang wika
ay estandardisado. Ibig sabihin, walang kalituhan
kaugnay sa palabaybayan nito, nararapat na ito ay
kodipikado sa mga diksyonaryo at iba pang
referensiya. Pangatlo, ang wika ay nararapat na may
kakayahan na maisalin sa iba pang intelektwalisadong
wika. At panghuli, ang wika ay nararapat na maunlad
at tanggap sa iba’t ibang rejister na ang ibig sabihin
ay nagagamit ito sa iba’t ibang larangan o bahaging-
larangan. Mahalaga ito sa konsepto ng
intelektwalisasyon dahil tumutukoy ito sa lawak ng
gamit ng wika.

Samantala, iminungkahi naman ni Sibayan ang


mga tiyak na referensiya upang masubok kung
intelektwalisado ba talaga ang wikang Filipino.

1. Nagagamit ba ang Filipino bilang pangunahing


wika ng instruksyon mula sa kindergarten
hanggang level pampamantasan?
2. Ang Filipino ba ay ang pangunahing wika sa
trabaho kung saan Ingles ang kasalukuyang
gamit?
3. Ang Filipino ba ay ang nais at mithiing wika ng
mga Pilipino upang magamit sa kanilang sosyo-
ekonomiko at intelektwal na pag-unlad?

Ani Sibayan, mahirap makamit ito subalit ito ang


mga katangian ng isang intelektwalisadong wika na
maaring magamit bilang kontroling na domeyn ng
isang bansa. Sa kasalukuyan, ang Filipino ay
kinakaharap ang napakaraming problema, kung kaya,
hindi maiiwasang maging mabagal ang tinatahak
nitong landas tungo sa intelektwalisasyon. Ilan sa mga
problema ay ang mga sumusunod:

1. Kulang ang “political will” sa pag-


iintelektwalays nito.
2. Kulang ang suportang ibinibigay ng mga nasa
industriya, komersyo, negosyo at iba pa. Ingles
pa rin ang ginagamit sa mga larangang ito
bilang pangunahing midyum ng komunikasyon.
3. Kulang sa pondo mula sa pamahalaan kaugnay
sa pagpapalawak ng gamit ng Filipino sa iba’t
ibang ahensiya nito gayundin ang mga sapat na
treyning.
4. Mismong ang akademiya ay may kakulangan
tungo sa intelektwalisasyon ng Filipino. Ito ay sa
apektong pagdevelop ng mga libro na naka-
Filipino.
5. Dagdag pa ang mismong Pangulo ng bansa na
nagnanais na ibalik ang Ingles bilang
pangunahing midyum ng pagtuturo. Mula ito sa
kanyang EO 210 na pagpapalakas sa gamit ng
Ingles.

Ang mga ito ay refleksyon ng realidad na


kasalukuyang kinakaharap ng wikang Filipino. Isang
nakakalungkot na pangyayari dahil hindi masalamin
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang
pambansang wika na siyang makapagbubuklod at
magbibigkis sa isang kulturang maka-Pilipino na
kakikitaan sana ng ating identidad.

Isang hamon sa kasalukuyan sa mga Pilipino


partikular na sa mga akademisyan kung paano ba
maiintelektwalays ang wikang Filipino? May
iminungkahi kaugnay rito si Sibayan.
1. Kinakailangan ng mga tagatangkilik at
tagapagpaunlad nito.
2. Kinakailangan ng mga praktisyuner at employer
na naniniwala sa epektibong gamit ng Filipino sa
anyong pasulat hindi lamang sa pagtuturo
gayundin sa pagkatuto.
3. Hindi lamang sa mga disiplinang teknikal
gamitin ang Filipino, bagkus, magamit ito sa iba
pang disiplina.
4. Kinakailangan ng mga pablisher na handang
maglathala ng mga publikasyon sa Filipino.
5. Kinakailangan din ng mga taong handang
ponduhan ang programang pang-
intelektwalisasyon.
6. Ang Filipino ay kailangang tanggap ng
nakararaming bilang ng mga Pilipino lalo na sa
erya ng kontroling na domeyn ng wika.
7. Pagkamahinahon ay higit na kailangan din. Ang
Filipino ang hindi magiging ganap na
intelektwalisado sa madaling panahon.
8. Huwag magturo ng Filipino kung walang libro o
materyal na nakasulat sa Filipino.

Ang mga mungkahing ito na inilahad ni Sibayan


ay ang mga maaaring mapagnilayan ng bawat Pilipino
habang patuloy na dinidivelop ang wikang Filipino.
Magsilbi sana ito gabay nating lahat tungo sa mabilis
at malawakang estandardisasyon at intelektwalisasyon
ng ating wika – ang wikang magsisilbing
tagapagbuklod sa lahat ng mamamayan ng bansang
ito tungo sa iisang mithiin makabansa.

MGA REFERENS

A. Mga Buk

Acuna, J. et.al. (1994). The language issue in


education.
Manila & QC: Congress of the Philippines.
Atienza, M at Constantino, P. (1996). Mga piling
diskurso
sa wika at lipunan.QC: UP press.
Catacataca P. at Espiritu C. (2005). Wikang Filipino:
kasaysayan at pag-unlad. Manila: Rex bookstore.
Eastman, C. (1982). Language planning: an
introduction.
San Francisco, USA:Chandler and sharp publishers,
inc.
Sibayan, B. (1999). The intellectualization of Filipino.
Manila: LSP-DLSU-M.

B. Jornal

__________. (1998). Ang KWF at intelektwalisasyon ng


Filipino. Manila: KWF.

C. Internet Link

http://www.geocities.com/CollegePArk/Field/4620/fil_
met.html.

cgcfrancisco@yahoo.com/mgababasahinsafili123/kfp/0
30106
Prev: Filipinismo Tungo sa Pagiging Nasyonalismo
Next: Ang Rehistro ng Wika sa Masmidya sa Pilipinas
reply share

Sponsored Links
FLAIR TOWERS Women's
Condomini Shoes
um by Batch
DMCI 3
HOMES - PM me for your
0917872998 order: For faster
1 transaction:
Please send us a
SOON TO RISE!!
message using
FLAIR TOWERS
this format:
MANDALUYONG A
Name Shipping
two-tower high rise
Address Contact
condominium project
Number Email
of DMCI Homes, along
Address Order
Reliance corner Pines
Description
St. near EDSA,
Mandaluyong City.
audio reply video reply
Add a Comment

Quote original message


Preview
Submit & Spell Check

© 2010 Multiply · English · About · Blog · Terms · Privacy · Corporate · Advertise ·


Translate · API · Contact · Help

Pagsasalinwika
Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Para sa ibang gamit, tingnan ang salin (paglilinaw).
Ang pagsasalinwika[1][2] ay ang gawain ng pagpapaunawa ng mga kahulugan ng panitik
(teksto), at ng kinalabasang paglikha ng katumbas na teksto – na tinatawag na
salinwika[1] – na naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika. Tinatawag na
pinagmumulang teksto ang panitik na isasalin, samantalang ang patutunguhang wika ay
tinatawag naman na puntiryang wika. Ang pinakaprodukto ay tinatawag na puntiryang
teksto.

Isinasaisip sa pagsasalinwika ang mga limitasyon na kabilang ang diwa (konteksto), ang
patakarang pambalarila (gramatika) ng dalawang wika, ang pamamaraan at gawi ng
pagsulat sa dalawang wika, at ang kanilang mga wikain (kawikaan o idyoma). Isang
karaniwang kamalian sa pagkakaintindi na may payak na paraan ng pakikipaugnayan ang
bawat dalawang (ang literal na salin o pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita); at ang
pagsasalin ay isang tuwiran at mekanikal na proseso. Sa pagtutumbas ng salita-sa-bawat-
salita, hindi pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa, balarila,
mga gawi, at kawikaan.

Puno ang pagsasalinwika ng mga kaipala (o posibilidad) ng pag-apaw ng mga wikain at


paraan ng paggamit mula sa isang wika patungo sa isa, sapagkat kapwa wika ay
nakasalalay sa nag-iisang utak ng tagapagsalin (o tagapagsalinwika)[1]. Madaling
makasanhi ang pag-apaw na ito ng mga pinaghalong wika (ang mga haybrid) katulad ng
"Prangles" (Pranses-Ingles), "Espanggles" (Kastila-Ingles), "Pogles" (Polaka-Ingles),
"Portunyol" (Portuges-Kastila o Portuges-Espanyol), “Taglish” (Tagalog-Ingles), at
“Englog” (Ingles-Tagalog).

Kasingtanda ng panitikan ang sining ng pagsasalinwika. Ang mga bahagi ng tulang-


bayani ng mga Sumeryan – ang Epika ni Gilgamesh – na isa sa mga pinakamatandang
mga akdang pampanitikan, ay natagpuan sa anyo ng mga salinwika na nasa iba’t ibang
mga wikang Asyano (mga wikang ginagamit noong ikalawang milenyong BCE).
Maaaring nabasa ng mga isinaung may-akda ng Bibliya at ng Iliad ang Epika ni
Gilgamesh.[3]

Standardization or standardisation is the process of developing and agreeing upon


technical standards. A standard is a document that establishes uniform engineering or
technical specifications, criteria, methods, processes, or practices. Some standards are
mandatory while others are voluntary. Voluntary standards are available if one chooses to
use them. Some are de facto standards, meaning a norm or requirement which has an
informal but dominant status. Some standards are de jure, meaning formal legal
requirements. Formal standards organizations, such as the International Organization for
Standardization (ISO) or the American National Standards Institute, are independent of
the manufacturers of the goods for which they publish standards.

The goals of standardization can be to help with independence of single suppliers


(commoditization), compatibility, interoperability, safety, repeatability, or quality.

In social sciences, including economics, the idea of standardization is close to the


solution for a coordination problem, a situation in which all parties can realize mutual
gains, but only by making mutually consistent decisions. Standardization is defined as
best technical application consentual wisdom inclusive of processes for selection in
making appropriate choices for ratification coupled with consistent decisions for
maintaining obtained standards. This view includes the case of "spontaneous
standardization processes", to produce de facto standards.

Istandardisasyon o istandardisasyon ay ang proseso ng pagbuo at sumasang-ayon sa


mga teknikal na mga pamantayan . A standard is a document that establishes uniform
engineering or technical specifications, criteria, methods, processes, or practices. standard
ay isang dokumento na nagtatatag ng uniform ng engineering o teknikal na detalye,
pamantayan, mga pamamaraan, proseso, o mga kasanayan. Some standards are
mandatory while others are voluntary. Ang ilang mga pamantayan ay sapilitan habang
ang iba ay kusang-loob. Voluntary standards are available if one chooses to use them.
Voluntary pamantayan ay magagamit kung isa piliin na gamitin ang mga ito. Some are
de facto standards , meaning a norm or requirement which has an informal but dominant
status. Ang ilan ay de facto na pamantayan , ibig sabihin ay isang pamantayan o
requirement na kung saan ay isang impormal na ngunit nangingibabaw na katayuan.
Some standards are de jure , meaning formal legal requirements. Ang ilang mga
pamantayan ay ayon sa batas , ibig sabihin ay pormal na legal na kinakailangan. Formal
standards organizations , such as the International Organization for Standardization (ISO)
or the American National Standards Institute , are independent of the manufacturers of
the goods for which they publish standards. Pormal pamantayan organisasyon , tulad ng
mga International Organization para sa Istandardisasyon (ISO) o ang American National
Standards Institute , ay hiwalay sa mga tagagawa ng mga kalakal para sa kung saan sila-
publish ng mga pamantayan.

The goals of standardization can be to help with independence of single suppliers (


commoditization ), compatibility , interoperability , safety , repeatability , or quality .
Ang layunin ng istandardisasyon maaaring makatulong sa kasarinlan ng solong supplier (
commoditization ), compatibility , interoperability , kaligtasan , repeatability , o kalidad .

In social sciences , including economics , the idea of standardization is close to the


solution for a coordination problem , a situation in which all parties can realize mutual
gains, but only by making mutually consistent decisions. Standardization is defined as
best technical application consentual wisdom inclusive of processes for selection in
making appropriate choices for ratification coupled with consistent decisions for
maintaining obtained standards . Sa agham panlipunan , kabilang ang ekonomiya , ang
ideya ng standardisasyon ay malapit sa mga solusyon para sa isang problema sa
koordinasyon , isang sitwasyon na kung saan lahat ng partido ay maaaring mapagtanto
ang isa sa isa na natamo, ngunit lamang sa pamamagitan ng paggawa ng magkabilang
kaayon ng mga desisyon. Istandardisasyon ay tinukoy bilang pinakamahusay na teknikal
na application consentual karunungan napapabilang ng mga proseso para sa pagpili sa
paggawa ng angkop na pagpipilian para sa pagpapatibay kaisa sa pare-pareho ng mga
desisyon para sa pagpapanatili ng nakuha pamantayan. This view includes the case of
"spontaneous standardization processes", to produce de facto standards . tingnan
Kabilang dito ang mga kaso ng "likas na proseso standardisasyon", upang makabuo ng de
facto na pamantayan .

Anda mungkin juga menyukai