Kanya kung dati ay isang tawag o lapit mo lamang ngayon, ay hindi bagkus ito’y
kanyang tinatanggihan o kay minsan hinihinhgan niya ito ng sobra-sobrang bayad sa
kanyang pagkanta. Isang araw nagkaroon ng malubhang sakit ang kanyang ina, ang
kanyang ina ay nagkasakit ng kanser. Sa perang kanyang kinikita imbis na pambili ng
gamot ay sa luho niya napupunta. Simula ng siya ay magkapangalan sa baryo
masighay, si Kara ay bili ng bili ng gamit na hindi naman importante.
Pagkauwi ni kara sa kanilang bahay kasama ang bagong karaoke ay agad niya
itong ipinagyabang at ipinagmalaki sa kanilang mga kapit-bahay. Sa hilig niyang
kumanta ay halos oras-oras, araw-araw o linggo-linggo ay wala siyang sawa sa
pagkanta. Hindi niya alam na kayrami na ng naiinis sapagkat kahit oras na ng tulugan
ay patuloy pa din siya sa pagkanta, minsa nga medaling araw na siyang natatapos.
Kinabukasan, pagkamulat ng kanyang mata ay karaoke agad ang nasa isip niya.
Hindi man lamang niya naiisip ang kanyang ina na may karamdaman sapagkat ang
pera na para sa gamot ay napunta sa pambili ng karaoke. Hindi naglaho sa sobrang
lala ng karamdaman ng kanyang ina ito ay binawian na ng buhay.
Seksyon: BSA-2A