Anda di halaman 1dari 8

SCENE 1: Ang Pagtitipon

 OPEN CURTAIN
 Sumasayaw ang apat na muses sa gitna sa tugtog ni Apollo (Sound effects:
Masaya na parang pang 300, Spartacus or FF).
 Patakbo si Hermes galing sa kaliwa, lumampas, umatras at hingal na hingal
(exagerrated).
 Tinaas ni Zeus kamay niya at pinahinto ang sumsayaw na muses at si Apollo.

HERMES: (hingal) Whew, sandali lang po Mahal na Ama (deep breath) ha.. yan...

Kagalang-galang na Ama, tinupad ko na po ang ‘yong kautusan. Sa kasamaang palad,


di po makakarating ang inyong mga kapatid at si Hephaestus. Si Poseidon po ay
natatakot na mawala ang kanyang paghahari sa karagatan dahil sa pangahas (stress)
na pag-uugali ng mga mortal. Si Hephaestus naman po ay abala sa paggawa ng inyong
mga sandatang kidlat, habang si Hadis naman po ay.....

ZEUS: (sumabat at tinaas ang kamay) TAMA NA! (pasigaw). Hindi ko rin sila
kailangan. (Si Hebe busy pa rin pagliligpit ng kung ano sa table) HEBE!! Ano ba! Itigil
mo muna yang ginagawa mo! (Hebe total stop talaga) Ihanda mo na ang nektar upang
makainom ang mga immortal.

HEBE: (bow) Opo kataas-taasang Zeus. (nagmurmur bigla) Eto talagang matandang to
oh, utos lang ng utos eh Diyos din naman ako.

ZEUS: Ano yun Hebe? May sinasabi ka?

HEBE: Wala po mahal na Zeus. (sarcastic)

 Lasing na naglakad si Silenus sa may gitna mula sa kanan ng stage.

SILENUS: (lasing) Sinumang gustong mabuhay at sinumang nais maghanap ng aliw,


ay dapat talikuran si Athena, at lumapit saking mga ubas!

ATHENA: (nairita) Tumahimik ka! Hindi mo ba nakitang magsasalita ang mahal na


Zeus?

ARES: Athena, wag mo na lang pansinin yan! Lasing lang yan!

BELLONA: Eh lagi naman siyang lasing eh...

ARES: Oo nga pala noh. (nod ng head)

ATHENA: Nakikinig ba kayo?! Sabing tahimik nga eh! (Thunder sounds?)


SILENUS: (nakatingin kay Ares tas biglang tumingin kay Athena at mukhang walang
pakialam) At ano ngayon? Hindi pa naman na-bwibwisit ang nakatalo sa mga titans.
Lahat ng Diyos ay umiinom, kung kaya’t kahit sino pwede maghandog ng aliw. Sya nga
pala... Nalaman kong may nagawa ang aking disipolo na nagpagalit sayo kaya ka
ganyan ngayon.

MOMUS: (natatawa) Protektahan mo ang yong disipolo, Silenus, para hindi nila sabihin
na ang mga alagad mo ay padalus-dalos!

 Galit tumingin si Athena kay Silenus. Magsasalita sana si Athena pero pinigilan
siya ni Zeus.
 Kinuha ni Hebe ang mga baso.

SCENE 2: Ang Patimpalak

 Tumayo si Zeus at tumahimik lahat

ZEUS: Nagkaroon ng panahon na ang mga mayayabang anak ng lupa’y sinubukang


umakyat sa Olympus upang kuhanin ang aking kapangyarihan. Hindi maipagkakait na
sila’y magtatagumpay kundi dahil sa inyo (VEE: TAMA!) at sa aking lakas na nagpadala
sa kanila sa Tartarus. Sila’y habang buhay na masusunog sa Etna.

SILENUS: TAGAY! WOOOH!

HERMES: Ano ba yan, ang ingay naman nito...

ATHENA: Bastos ka talaga Silenus! Tumigil ka nga kung ayaw mong...

ARES: (sumabat kay Athena at excited) Ayos! Sama mo ko sa away! Laban!

BELLONA: Haaay... Dapat kasi di pinapainom yang kambing na yan....

ZEUS: (napikon) ANO BA?! Nagkukwento pa ako!! Nasan na ba ako? (tahimik lahat)
Hmmm...

HEBE: Ama, nasa...

ZEUS: (pinutol ang sinabi ni Hebe) Alam ko na. Dahil sa ating tagumpay, inaalay ko
ang pagdiriwang na ito. Hinahangad kong simulan natin ang kasiyahan na ito sa
pamamagitan ng isang patimpalak sa panitikan.

Ang mga mapipili ay makakatanggap ng mga gantimpalang hinanda ko. Ang una’y
isang kahanga-hangang trumpetang pandigma likha ni Hephaestus. Ang metal nito ay
mas mahalaga kesa ginto o pilak. (naaamaze lahat at nagbubulungan maliban kay
Athena, Hera, Aphrodite) Ikalawa ay ang lirang dinisenyo rin ni Hephaestus. Gawa sa
ginto at sa ina ng mga perlas, ang mga hibla nito’y ginawa mismo ng ng mga Muses
(kikindat at tuturo sa mga Muses; kinikilig at nagbubulungan ang mga Muses) kung
kaya’t kahit lira ni Apollo ay hindi kayang tumbasan ito.

MOMUS: Wala pala yang Lira mo Apollo eh!

 Tawa lahat kasama si Zeus

ZEUS: (Tumigil sa pagtawa at sumunod ang lahat) AT, ang panghuli ay isang koronang
laurel na hinabi ng mga Grasya gamit ang pinakamagandang halaman na tumutubo
sa’king hardin. (medyo napatayo ng konti si Aphrodite and sinilip yung korona). Ito’y
matatawag na tala sa lupa dahil walang sinabi ang lahat ng korona sa lupa sa
kaningningan nito.

Ang tatlong ito’y magkakapareho ng halaga at sinuman ang lubos na nagpayaman ng


sulat at isinabuhay ang mga asal, ay ang magmamay-ari ng mga gantimpala. Sabihin
niyo sakin ngayon ang mortal na sa inyong pagkakilanlan ay karapatdapat tumanggap
ng parangal!

 Umupo muli si Zeus at nag-usap usap muli ang mga Bathala

SCENE 3: Ang Debate

HERA: (mayabang) Kung papayagan mo kong unang magsalita Zeus, dahil ako ang
iyong asawa at ina ng mga pinakamalakas na diyos.

ARES: Totoo po iyan! Sige lang ina at sabihin mo ang iyong saloobin.

HEBE: Tama, tama...

HERA: (napangiti) Naniniwala ako na walang mas karapatdapat tumanggap ng


parangal na ito kundi ang perpektong mortal na si HOMER.

MOMUS: Walang perpektong mortal Hera!

HERA: Tumigil ka Momus at pakinggan mo ko! (medyo galit, balik composure)


Naipamahagi niya sa atin ang kanyang –kadakilaan- dahil hangang ngayon, walang
akdang kayang tumapat sa habangbuhay na Illiad at Odyssey. Inilahad niya sa mga
mortal ang -karangyaan at lakas- nating mga banal at ipinadama niya ang takot sa mga
mortal na magtatangkang sumuway sating mga Batas. Bingiyan niyang hustisya ang
tunay na kahulugan ng kadakilaan, katalinuhan, katapangan at kabanalan.
APHRODITE: Ha! Patawad kapatid, asawa ng napakagaling na Jove, kung ako man ay
tumututol sayong opinyon. At kayo naman po Ama, pakinggan mo ang aking sasabihin.
Bigyan naman natin ng – pakundangan- si Virgil, ang makatang kinanta ang ating
kaluwalhatian at pinatamis ang lungkot ng biguang pag-ibig.

SILENUS: (lasing) Napakaganda mo talaga Aphrodite!

APHRODITE: (nagsmirk kay Hera sa sinabi ni Silenus) Kinuwento niya ang kadakilaan
ng aking anak na si Aeneas na kilala bilang bayani sa Troy. Hamak na mas dakila at
banal ang aking anak kumpara sa bayani ng Illiad na si Achilles.

DANA: Gusto ko si Aeneas, napakadakila at napakatalino...

ANDREA: Mas pipiliin ko si Achilles, hindi mo ba alam ang kadakilaang nagawa niya sa
Troy?

ABIGAIL: (nods sa sinabi ni Andrea) Oo at higit na matipuno.

TINE (seryoso): Oy, makinig na kayo.

APOLLO: Huwag kayong maingay.

APHRODITE: (mayabang na ngiti) Paano bayan? Talagang mas magaling si Virgil


kaysa sa bulag na makata ng Chios na si Homer.

HERA: (nairita) At anong ibig mong sabihin? Na ang isang Romanong makata ay mas
dapat tangkilikin kaysa sa isang makatang nanggaling sa Gresya? Manggagaya lang si
Virgil kay Homer, Aphrodite! Sagutin mo nga ko, kalian pa naging mas maganda ang
kinopya kaysa sa orihinal? Ha, sabihin mo?

ARES: (excited) Mag-away na kayo!

HERA: Haaay, magandang diyosa, hindi nako nagugulat sa iyong pagkakamali dahil sa
larangan lang ng pag-ibig pinapakinggan ang iyong saloobin. Isipin niyo yun, sa pag-
big? Pakiusap ko lamang sayo, wag ka na makisali sa pagtatalo.

APHRODITE: (smug) O –napakamahal- na Hera, nakalimutan mo na ba ang


paligsahan natin noon tungkol sa isang ginintuang mansanas?

HEBE: Oo! Yun? Naaalala ko yun!

 lahat tumahimik atnakatitig lang sa kanya ng parang yung expression: WTF


Hebe?

APHRODITE: Sa pagkakatanda ko, ipinagkait ‘to sayo at di man lang binigyang


konsiderasyon ng mortal na si Paris, ang iyong karangyaan. Hindi mo na natatandaan
ang mga pagaalipusta at paglalait na binigay satin ng yong pinakamamahal na si
Homer? Pero kung sayong palagay ay makatotohanan at makatarungan ang mga sinabi
niya, ginagalang ko iyon, pero para sakin ay....

MOMUS: (pinutol si Aphrodite) Sige lang! Sige pa! Purihin mo pa si Virgil! Puro ka na
lang Virgil! Viril lang ng Virgil! Tutal, ikaw na rin ang nagsabi ng maayos ang
pakikitungo niya sa iyo. Ikaw naman Hera, pinoprotektahan mo si Homer dahil makata
siyang kilala sa paghihiganti. Puro kayo palitan ng papuri! Ikaw si Zeus? Bakit ayaw
mong tumutol sa debateng ito? Nakaupo ka lang diyan na parang walang pakealam na
bobo at nakikinig sa kanilang mga pagmamayabang.

HERA: Aking asawa, hahayaan mo bang insultuhin kami ng pangit na halimaw na ito?!
Paalisin mo siya sa Olympus ngayon din! NGAYON NA! (pasigaw) HINDI SIYA
KARAPATDAPAT SUMAMA SA PRESENSYA NG MGA BANAL!

MOMUS: (sarcastic) Kapuri-puri ka talaga INA ng mga pinakamalakas na diyos dahil


HINDI ka nanglalait! HINDI TALAGA NOH? Tinawag mo lang naman akong pangit na
halimaw!

 tumawa lahat maliban kay Hera

HERA: (indignant and glaring at everyone lalo na kay Momus) Tumahimik ka -diyos ng
panunuya-! PUTRES! Tama na ang kalokohang to at pakinggan natin si Athena, na ang
saloobin ay aking sinusuportahan noon pa man.

MOMUS: Tama! Isa pang katulad mo! Mayabang na mapagpanggap! Laging nakikialam
sa mga bagay na hindi naman dapat pakielaman!

SCENE 4: Ang Panig ni Athena

ATHENA: (umaarteng hindi narinig ang sabi ni Momus) Pakiusap, pakinggan mo ko,
-makapangyarihang- anak ni Cronus at lahat kayo, mga diyos na namamahala sa
sangkatauhan. Wag niyong balewalain ang sasabihin ko at sinuman ang tututol ay
dapat lang matimbang ang aking kuro sa kaliskis ng hustisya.

JUSTICE: Sige at ipahayag mo na ang iyong panig matalinong diyosa.

ATHENA: Sa naunang Hesperia, may mortal na ang kasikatan ay lumibot sa buong


mundo kasimbilis ng kidlat. Ngunit maski siya’y sikat, siya ay pinabayaan at kinalimutan
ng nakararami dahil sa sobrang pagkaselos.Pinadama sa kanya ang hirap at sakit ngunit
hindi niya hinayaang hilahin siya pababa ng mga ito. Ginamit ni CERVANTES-
BELLONA: Si Cervantes?

ATHENA: Oo Bellona, si Cervantes nga, anak ng Espanya, ang kanyang immortal na


akdang Don Quixote ay gabay na nagpaparusa at nangwawasto. Hindi siya gumamit ng
dahas kundi ang pagpapatawa.

Galit at poot ang kalagayan ng mundo noon dahil sa mga kalokohang naidulot ng
imahinasyon ng mga tao. Nawalan ng halaga ang sining ng pagsusulat. Sa kabila ng
kadiliman, lumitaw ang sinag ng liwanag na pumuksa sa dilim at namayani sa
sangkatauhan.

Ang persona ni Cervantes ang naghayag ng pagbabago, kung may mga pagaalinlangan
pa kayo, makinig kayo kay Apollo, diyos ng liwanag, nasa larangan niya ang mga bagay
na ito

APOLLO: Ama ko, tanggapin mo ang aking argyumento tulad ng pagtanggap mo sa


mga reklamo ni Philomela tuwing tahimik ang gabi. Nabasa ko na po kasama ng muses
ang Don Quixote. Mga nakatutuwang estilo at maliligayang ritmo na parang tubig na
dumadaloy sa bukal ang sulat ni Cervantes. Ang aking anak ay di nagkulang sa
pagpapasaya sa pamamagitan ng kanyang awit at parangal kahit na ang paksa nito’y
kahirapan na may kasamang kagutuman at pagdurusa. Ipagkakait ba natin sa kanya
ang tagumpay bilang pinakamatalinong tao sa mundo? Ang kanyang librong Quixote ay
paborito ng aking mga muses. Tama ba ako? (hinawakan ang balikat ng muses)

MUSES: Opo mahal na Apollo. (sabay)

APOLLO: Ang librong ito ang akma sa pag-uugali ng mga Espanyol. Tumutugon ako sa
opinion ni Pallas, sa mga diyos na di sumasang-ayon, patawad.

HERA: Kung ang dakilang nagawa ni Cervantes ay ang pagtitiis sa pagpapahirap sa


kanya. Si Homer, bulag at miserable ay nakagawa parin ng pagkakawang-gawa.
Natatandaan mo ‘to, Apollo...

APHRODITE: Ano naman? Pinahirapan din si Virgil, hindi ba siya nabuhay ng matagal
na hawak lang ay isang tinapay na bigay ni Cesar? Ang mga malulungkot niyang sulat,
paghihirap din ang pinapalabas nun, hindi niya ba nalagpasan ang paghihirap nina
Homer at Cervantes?

ATHENA: Walang duda, lahat yan ay totoo. Wag niyo parin kalimutan na si Cervantes
ay sugatan, inapi at binihag sa Africa kung saan siya ay pinahirapan.
SCENE 5: Ang Pagtutol ni Ares

ARES: HINDI! HINDI MAAARI! Hindi ko hahayaang manalo si Cervantes habang


dumadaloy ang dugo ng immortal sa aking dugo. Paano ko papayagang manalo ang
librong sinisira ang kaluwalhatian ko sa lupa at iniinsulto ang aking mga pagdiriwang!
Zeus, tinulungan na kita ng minsan, dapat ay makinig ka sa aking mga rason.

BELLONA: Makinig kayo sa aming mithiin napakalakas na Ama.

HERA: Narinig mo iyon mahal na Zeus? Ang hindi pangsang-ayon ng matapang na si


Ares. Totoo ang mga sinabi niya! Bakit mo papayagang matalo ang isang mortal na
kagalang-galang kesa sa mortal na itinakwil ng kanyang bayan!

ARES: Kung ikaw, Ama ng mga diyos at mga mortal, ay nag-aalinlangan saking
argyumento, tanungin mo silang lahat na nandito kung mayroon bang basehan ang
kanilang argyumento gamit ang kanilang bisig!

ATHENA: ARES!!! Nakalimutan mo na ba ang digmaan sa Troy kung saan nasugatan


ka ng isang mortal? Kung ang dahilan mo ay ang pagprotekta sa dangal mo, hindi ako
matatakot na kalabanin ka! Sinundan ni Cervantes ang mga bandila mo at
pinaglingkuran ka ng walang takot sa tubig ng Lepanto kung saan muntik na siyang
mamatay! Iniwan niya ang espada para kunin ang panulat, hindi para siraan ka Ares,
kagustuhan ‘to ng mga immortal. Ininsulto niya ang mga kabalyero dahil hindi na sila
nararapat sa kanyang panahon. Ito ang mga argyumento ko, kung hindi kita
makumbinsi ay tinatanggap ko ang hamon mo.

 (Center stage) Nilabas nina Bellona at Ares ang kanilang mga espada (nagpose
sa laban)
 Nilabas ni Athena ang kanyang espada (nagpose din sa laban)
 Agad-agad tumayo si Apollo, nilabas ang kanyang bow and arrow at tinutukan
sina Ares at Bellona (nakaluhod ng isang binti)

SCENE 6: Desisyon ng Hustisya

ZEUS: Itigil niyo yan! Athena! Apollo! At kayo naman Ares at Bellona, wag niyong
daanin itong patimpalak sa dahas! Tatapusin ko na ang pagtatalong ito! Titimbangin na
ng Hustisya ang mga libro. Kung anuman ang kakalabasan nito ay susundin ng mundo
at tatanggapin niyo ang kanyang desisyon.

 Galit na bumalik si Ares at Bellona


 Umupo muli Apollo at bumalik si Athena sa kaliwa ni Zeus
JUSTICE: Mahirap. Mahirap ang pagtitimabang na ito, lubhang mahirap pumili.

 Tinimbang ni Justice ang mga libro

ZEUS: Mga Diyos at Diyosa! Pinapaniwalaan ng Hustisya na ang talong makata ay


PANTAY! Itungo niyo ang mga ulo niyo at ibigay ang trumpeta kay Homer, lira kay Virgil
at Korona ng Laurel kay Cervantes.

HERMES: Ipapakalat ko ang kalwalhatian nila sa mundo.

MUSES: Mag-aalay kami ng mga kanta sa panibagong tala sa langit na bibigyang


pwesto sa templo ng mga banal kasama si Homer at Virgil.

HEBE: Iaalay ko ang pinakamatamis na nektar sa masasayang sulat ni Cervantes.

APOLLO: Palakpakan natin ang pinakadakila sa mga mortal! Paboritong anak ng mga
muses, buod ng napasisidhing ilaw na gabay sa kalawakan. Purihin ka, napakagaling na
luminaryo, na papalibutan ng katalusan at bibilib sa yong kaluwalhatian! Palakpakan
ang dangal ng Espanya!

 palakpak lahat

APOLLO: Ang mga letra ng yong pangalan ay isusulat sa templo ng mga mortal.
Tumatayo na parang napakahusay na monumento sa yong panahon, ikaw ay magiging
agaw-pansin, lakas mo’y bisig na tatalo sayong mga kalaban. Mga diyos at diyosa,
magsayaw kayo at magsaya!

 CLOSE CURTAIN

Anda mungkin juga menyukai