Anda di halaman 1dari 2

Aljur Abrenica admits "wild, animal side" but says he doesn't kiss and tell

Noel Orsal

  

Ipinamalas ni Aljur Abrenica sa grand launch


ng Machetekagabi, January 18, kung bakit siya ang
karapat-dapat na gumanap sa TV remake ng komiks novel
na isinalin din sa pelikula noong '90s.
 
Suot ang kanyang costume bilang si Machete, ipinakilala si
Aljur sa inihandang presentation sa Studio 7 ng GMA
Network Studios bago during the press conference kagabi.
 
Pagkatapos ipakilala, naging emotional ang young actor sa
kanyang speech dahil na rin sa malaking oportunidad na
ibinibigay sa kanya ng Kapuso network.
 
"Sa totoo lang, wala po akong masabi dahil isa po ito sa
pinakamalaking... Matagal ko na po itong hinihintay.
Matagal ko na po itong pinapangarap na magawa
angMachete. 
 
"Sa ngalan po ng aking director na si Direk Don Michael
Perez, ang kauna-unahang director po na nagtiyaga sa akin
para makaarte.
 
"Sa totoo lang, hirap na hirap po akong umiyak noon. Hirap na hirap po akong umarte sa harap ng
kamera, pero dahil sa pagtitiyaga niya sa akin at sa tiwalang ibinigay niya, nakayanan ko po.
 
"At kay Direk Gina Alajar, na nandiyan po palagi para sa amin, all support po siya for Machete. Ang
ganda ng vibes kapag nagti-taping. 
 
"At siyempre po, nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga boss ng GMA-7. Kay Ma'am Wilma Galvante
at sa aming senior program manager [Redgie Magno], maraming salamat po sa kanya.
 
"Nagpapasalamat din po ako sa lahat ng press na nandirito. Muli, hinihingi po namin ang inyong
suporta at pagtitiwala sa pinakabagong obra ng GMA-7. 
 
"Handog po namin sa inyo ang isang munting kuwento tungkol sa pag-ibig na uukit sa puso ng mga
manonood."
 
DIET & WORKOUT. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro
ng entertainment press after the presentation si Aljur—na naka-costume pa rin bilang Machete—ang
unang itinanong sa kanya ay kung paano niya na-achieve ang magandang pangangatawan niya
ngayon.
 
"Dala po ng diet. Kung magda-diet po kayo, lahat po rito, e, magli-lean.
 
"Wala pong binago or ipinagawa sa akin. Kumbaga, mas naging healthy lang ako. Regular workout
lang po 'yan at saka diet.
 
"Nag-take din po ako ng isa pang activity. Nag-swimming na rin po ako," saad ng Ultimate Hunk
ng StarStruck 4.
 
Hindi pa raw nasubukan ni Aljur ang pagtuturok ng steroids. Pero alam niyang posibleng may
magkuwestiyon sa kanya na baka dahil sa steroid ang pagganda ng kanyang katawan.
 
"As much as possible, ako, iniiwasan ko ang mga bagay na ganyan. At lahat ng bagay, pinaghihirapan.
 
"Time talaga. Pinaghirapan ko pong talaga ito. Nag-gym po ako. Pati sa pagkain, sa disiplina.
 
"Ako naman, lahat ng sikreto ko, ipinamamahagi ko kapag nagtatanong sila."
 
Ayon pa sa 20-year-old actor, matagal na siyang nagwo-workout para sa ikagaganda ng kanyang
pangangatawan.
 
"Matagal na po. Matagal na po akong nagbubuhat. Matagal na po akong nagdyi-gym. 

Anda mungkin juga menyukai