Anda di halaman 1dari 10

Mga Uri ng

Pagsulat
1. Akademik
2. Teknikal
3. Journalistic
4. Referensyal
5. Profesyonal
6. Malikhain
Akademik
• Ito ay maaaring maging kritikal
na sanaysay, lab report,
eksperimento, konseptong
papel, term paper o
pamanahong papel, thesis o
disertasyon.
• Itinuturing din itong isang
intelektwal na pagsulat dahil
layunin nitong pataasin ang
antas at kalidad ng kaalaman
ng mga estudyante sa paaralan.
Teknikal

• Isang espesyalisadong uri ng


pagsulat na tumutugon sa
mga kognitiv at sikolohikal na
pangangailangan ng mga
mambabasa at manunulat.
• Nagsasaad ito ng mga
impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang
komplikadong suliranin.
Teknikal
• Saklaw nito ang pagsulat ng
feasibility study at ng mga
korespondensyang
pampangangalakal.
• Gumagamit ng mga teknikal na
terminolohiya sa isang partikular
na paksa tulad ng science at
technology.
• Nakatuon sa isang tiyak na
audience o pangkat ng mga
mambabasa.
Journalistic

• Pampamamahayag ang
uring ito ng pagsulat na
kadalasang ginagawa ng
mga mamamahayag o
journalist.
• Saklaw nito ang pagsulat ng
balita, editoryal, kolum,
lathalain at iba pang akdang
mababasa sa mga
pahayagan at magazin.
Referensyal
• Naglalayong magrekomenda ng
iba pang sanggunian o source
hinggil sa isang paksa.
• Madalas, binubuod ng isang
manunulat ang ideya ng ibang
manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon na
maaaring sa paraang
parentetikal, footnotes o
endnotes.
Referensyal

• Madalas itong makita sa


mga teksbuk,
pamanahong papel, thesis
o disertasyon.
• Maihahanay din dito ang
paggawa ng bibliyografi,
indeks at notecards.
Profesyonal
• Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon.
• Saklaw nito ang mga sumusunod:
1. police report – pulis
2. investigative report – imbestigador
3. legal forms, briefs at pleadings – abogado
4. patient’s journal – doktor at nurse
Malikhain
• Masining na uri ng pagsulat sa
larangan ng panitikan o literatura.
• Ang fokus ay ang imahinasyon ng
manunulat.
• Layunin nitong paganahin ang
imahinasyon ng manunulat at
pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.
• Mihahanay sa uring ito ang
pagsulat ng tula, nobela, maikling
katha, dula at sanaysay.
1. Editoryal
2. Lesson plan
3. Konseptong papel
4. Marketing plan
5. Pamanahong Papel
6. Feasibility study
7. Sanaysay
8. Bibliographi
9. Tula
10. Balita

Anda mungkin juga menyukai