Anda di halaman 1dari 2

Joey de Leon welcomes Willie Revillame's 

Eat Bulaga! Endorsement

Bong Godinez

  

Mapapanood na sa Linggo, February 27, sa TV5 ang


pinakabagong programa ng beteranong komedyante at host
na si Joey de Leon sa TV5 na pinamagatang Pinoy Samurai.
 
Makakasama ni Joey sa nasabing noontime game show sina
Mr. Fu (Gaysha), Rufa Mi (Kimonay), at Wilma Doesnt
(Itimpura).
 
Kabilang ang Pinoy Samurai sa Tanghaling Go-Go-Go! block
ng Kapatid network sa araw ng Linggo, kung saan
mapapanood din ang mga programang Lucky Numbersnina
Eugene Domingo at Kempee de Leon, at ang teen-oriented
variety show naFantastik na pagsasamahan naman ng
young stars ng TV5.
 
Kung pagbabasehan ang trailer ng Pinoy Samurai ay
masasabing inspired ito ng hit Japanese game show
na Takeshi's Castle.
 
Bagamat hindi maiiwasan ang comparison ay buong
pagmamalaki namang sinabi ni Mr. Fu na madaming sariling
pakulo at ideya ang Pinoy Samurai na hindi nakita dati
sa Takeshi's Castle.
 
Ang punto lang naman daw talaga ay makapagpasaya ng
mga manonood at makapagbigay ng premyo sa mga
contestant na lalahok at susugod para harapin ang
obstacles na inihanda ng programa.
 
WELCOME ENDORSEMENT. Present ang main host ng Pinoy Samurai na si Joey de Leon sa press
launching na ginanap kagabi, February 21, sa Broadway Centrum sa Quezon City.
 
Bukod sa ilang katanungan tungkol sa bago niyang programa, hindi rin siyempre nakaiwas ang
komedyante sa mga tanong na may kaugnayan naman sa "unsolicited endorsement" na ibinigay ni
Willie Revillame sa longtime noontime variety show na Eat Bulaga!, kung saan isa si Joey sa main
hosts.
 
Mahaba ang kasaysayan ng alitan sa pagitan ni Joey at Willie noong panahon na napapanood pa ang
huli bilang host ng now-defunct ABS-CBN noontime variety game show Wowowee.
 
Sa loob kasi ng limang taon na nasa ere ang Wowowee,  naging mainit ang girian nito laban sa Eat
Bulaga!, partikular kay Joey na kilala rin sa pagiging pranka kahit pa nasa harap ito ng kamera.
 
Nang umalis si Willie sa Wowowee at ABS-CBN noong nakaraang taon ay lumipat na nga ito sa TV5
upang gawin ang primetime variety game show na Willing Willie.
 
Sa paglundag ni Willie sa bakuran ng TV5, automatic na naging magkasama sila ni Joey sa talents na
napapanood sa Kapatid network, na naging pangalawang home network na rin ng beteranong
komedyante sa loob ng maraming taon.
 
Hindi naman inaasahan ng marami ang naging panawagan ni Willie sa mga manonood na suportahan
ang Eat Bulaga! sa January 26 episode ng Willing Williematapos na magbuhos ito ng sama ng loob sa
mga dating kaibigan na sina John Estrada at Randy Santiago.
 
Nakarating kasi sa atensiyon ni Willie ang balita na tinanggap nina Randy at John ang alok na bagong
noontime show ng ABS-CBN na pinamagatang Happy, Yipee, Yehey!.
 
"Napanood ko 'yon, e," banggit ni Joey sa entertainment reporters kagabi.
 
Ano naman ang reaksiyon niya nang marinig ang naging pagpu-promote ni Willie sa kanilang
programa?
 
"Ayos lang... E, di salamat. Magkasama naman kami sa TV5, alangan naman siraan niya ako, di ba?
Napanood ko 'yon! Dala lang ng [inis] niya 'yon sa kabila," dagdag ni Joey.
 
Sinabi rin ni Joey na "any form of support is welcome" kahit pa kanino ito manggaling.
 
Nagkataon lang na kay Willie ito nagmula kaya marami ang nagulat at ngayon ay interesado na
makuha ang kanyang panig kaugnay sa "endorsement" ng dating kakumpetinsiya.
 
Willing ba si Joey na mag-guest sa programa ni Willie kung sakaling imbitahan siya?

Anda mungkin juga menyukai