Anda di halaman 1dari 2

Piolo Pascual "kidnaps" KC Concepcion on their Valentine's date

Noel Orsal

Ikinuwento ni KC Concepcion sa The


Buzz  kahapon, February 20, kung paano naging
espesyal at romantic ang Araw ng mga Puso para
sa kanila ng kanyang boyfriend na si Piolo Pascual
 
Akala kasi ng marami ay ang muling
pagpapahayag ni Piolo ng kanyang pagmamahal
kay KC sa kanyang Valantine concert sa PICC ang
pinaka-highlight ng kanilang unang Valentine
bilang magkasintahan, pero meron pa palang
inihandang sorpresa ang aktor para sa actress-TV
host.
 
Noong February 15, Tuesday, nagpunta ng Subic
sina KC at Piolo. During the trip, nakatulog si KC
sa sasakyan. Pag gising niya, nasa Subic Yacht
Club na sila.
 
Pinili raw talaga ni Piolo ang naturang lugar dahil
mahilig si KC sa beach. Pareho raw na-enjoy ng
dalawa ang isang romantic sunset cruise.
 
After the cruise, muli na namang sinorpresa ni Piolo si KC by reserving the yacht club bar para sa
kanilang dalawa lang. Sa loob ng bar, Piolo made sure na ang mga paboritong music video ni KC ang
ipinapalabas. 
 
Hinayaan lang din daw ni Piolo na si KC ang mag-mix ng drinks nila dahil isa ito sa favorite hobbies ni
KC.
 
PIOLO'S MESSAGE. Isang pre-Valentine message naman ang ipinahatid ni Piolo para kay KC na
kahapon lang nito napakinggan sa The Buzz.
 
Sabi ni Piolo, "Thanks for bearing with me. Sa tinagal-tagal, sa dinami-rami ng pinagdaanan namin, I
believe ang love talaga knows no boundaries. It's something you cannot define. Pakiramdam mo
talaga, no matter what happens, when it's love, it's love. Hindi mo puwedeng kontrahin. Hindi mo
puwedeng labanan.
 
"Thank you, thank you, of course, for this very first, special Valentine's date that we're gonna have
this year and I pray for more. I pray that every year, we'll celebrate Valentine's together."
 
Pagkatapos ipalabas ang VTR interview ni Piolo ay muling tinukso ng kanyang mga co-host si KC. Ang
haba raw ng hair ni KC.

FIRST VALENTINE'S DATE. Ayon naman kay KC, ito raw ang kauna-unahan niyang Valentine's date.
 
"Ikukuwento ko lang that it's really my first Valentine's date. As in, with somebody na, okay, sabihin
na natin that I'm in a relationship with.
 
"Siguro I had two serious relationships but they were both long-distance relationships. Literally. I was
living in Europe and nasa ibang bansa sila. 
 
"And kung meron man akong na-date na French, nuong doon ako nakatira, they don't celebrate
Valentine's Day as a tradition. Yung iba ngayon, nagse-celebrate na."
 
First time niyang mag-celebrate talaga ng V-Day?
 
"Alam mo yun, first boyfriend ko rin na kasama ko rito. Na nandiyan lang, isang text lang. Mura mag-
text, mura tumawag."
 
Tila kinikilig si KC habang nagkukuwento, kaya tanong tuloy ni Charlene Gonzalez sa kanya if she's
overwhelmed.
 
"Nakakatuwa, para niya akong kinidnap!" nakangiting sabi naman ni KC.
 
"Di ba, noong gabi, Valentine concert niya? Then, paggising ko ng umaga, may text siya kung gusto
ko raw mag-hang out? Sabi ko, 'Hang out? Sure!'
 
"Sabi niya, 'Sige, sunduin kita.' So, sinundo niya ako, nakatulog ako sa sasakyan. Noong natulog ako,
nasa Manila pa kami. 
 
"Noong gumising ako, nasa harap na kami ng building sa Subic. So, sabi ko, 'Anong meron dito?'
Dumating yung parang manager doon, tapos noong binuksan nila yung door, sabi niya, 'Sir, your boat
is ready.'

Anda mungkin juga menyukai