Anda di halaman 1dari 2

Marian Rivera on Dingdong Dantes: "Ang relationship namin, parang ang

smooth talaga. May nagiging lubak man, napapatag pa rin."

Noel Orsal

  

Larawan ng kasiyahan si Marian Rivera sa relaunching ng


Yes Pinoy Foundation (YPF) na ginanap noong Linggo ng
gabi, February 27, sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City.
 
Bilang girlfriend ng founder at chairman ng YPF na si
Dingdong Dantes, naipakita ni Marian ang buong suporta
niya sa boyfriend at sa foundation nito.
 
"Siyempre, hindi lang ako, lahat kami ng mga taong
naniniwala sa kanya ay sobrang proud. Alam mo yung
nalagpasan ang expectation namin sa kanya," sabi ni
Marian sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine
Entertainment Portal).
 
Talagang naglalaan daw ng panahon si Marian para sa YPF
tulad noong araw na yun.
 
"Hindi lang sa araw na ito dahil simula pa lang na inisip
niya itong Yes Pinoy Foundation, nasa likod na niya ko at
hanggang ngayon, siyempre, sumusuporta pa rin. 
 
"Sabi ko nga, wala man akong maitutulong sa mga
brainstorming nila, pero nandiyan yung love ko, prayers.
At saka, ipinagluluto ko sila sa meetings nila. Sabi ko, yun
lang talaga ang maitutulong ko sa kanila," pahayag ng
aktres.
 
Tinanong ng PEP si Marian kung totoo bang siya ang
dahilan kung bakit nabuo ang Yes Pinoy Foundation, gaya ng laging binabanggit ni Dingdong?
 
"Hindi lang siguro ako. Nasasabi lang siguro niyang ako, pero alam ko naman na mas maraming
dahilan kung bakit niya ginagawa yun dahil napakabuti niyang tao. Yun ang totoong dahilan," sagot
niya.
 
Nakita raw ni Marian ang pagiging hands-on at effort na ibinubuhos ni Dingdong para sa YPF.
 
"May mga araw 'yan na talagang nagte-text na talagang nai-stress na siya.  Hindi na niya alam kung
ano ang gagawin niya from scratch," aniya.
 
Bilang girlfriend, sa paanong paraan naman niya naipapakita ang suporta niya kay Dingdong?
 
"Tine-text ko siya. Pinapadalhan ko siya ng mga sweet messages. At saka, palagi kong sinasabi sa
kanya na, 'Kaya mo 'yan. Hindi ibibigay sa 'yo ni Lord 'yan kung hindi mo kayang gawin dahil alam
niya na ikaw ang magiging way para tumulong sa ibang tao.'"
 
FIRST LADY? Biniro namin si Marian na "very first lady" ang dating niya nang magkatabi silang
sumalubong ni Dingdong sa panauhing pandangal noong gabing yun na President Noynoy Aquino,
together with GMA Network Chairman Atty. Felipe Gozon at DSWD Secretary Dinky Soliman.
 
"Hindi!" bulalas niya. "Natatawa nga ako kasi yung pinaka-bodyguard ni President Noy, tinawag ako.
Sabi niya, Ma'am, puwede po bang pumunta kayo sa entourage ni President?' Sabi ko, 'Ako, sasama?'
 
"Ang ginawa ko, nag-mingle pa ako, kasi yung mga friends ko, nandito.  Nag-thank you pa ako na
nagpunta sila rito dahil alam kong naglaan pa sila ng oras. It's a Sunday, it's a family day, pero
nandito sila. 
 
"Sabi ng bodyguard, 'Ma'am, we're running out of time. Let's go.' Ako naman, super heels ako, takbo
tuloy ako! Sabi ko nga, bakit sinama pa ako? Nahihiya ako. Okay na ako. Nakakahiya. 
 
"Pero para kay Dong talaga, gagawin ko naman talaga lahat."
 
Hindi raw sila sabay ni Dingdong na dumating sa venue. Mas nauna raw si  Dingdong bilang punong-
abala sa event. Kaya natawa si Marian at tila may ideya na kung ano ang tinutumbok ng aming
tanong.
 
KILLER LOOKS. Puring-puri naman ni Dingdong ang kakaibang ganda ni Marian noong gabing yun.
Ano naman ang masasabi ng aktres dito?
 
"Ang ganda-ganda ko raw!" natatawang sabi ni Marian. "Wala, nakakatuwa lang na every time naman
na hindi kami nagkikita, at pagkatapos magkikita kami, manonood kami ng sine or magdi-date kami,
palagi niyang sinasabi na, 'Ang ganda-ganda mo naman.'

Anda mungkin juga menyukai