Anda di halaman 1dari 2

Ruffa Gutierrez on her reconciliation with Kris Aquino: "It's just the right

timing."
  

Noel Orsal

Masayang ibinahagi ng TV host-actress na si Ruffa


Gutierrez sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at
iba pang media ang pagbabating naganap sa pagitan
nila ng dati niyang co-host sa The Buzz na si Kris
Aquino.
 
Nangyari ito noong nakaraang Biyernes, Pebrero 25,
sa Tatak EDSA 25 concert na inihanda para sa ika-25
annibersaryo ng Edsa People Power.
 
Ayon kay Ruffa, naisip na rin niya na posibleng
mangyari ito nang tanungin siya ni Ogie Alcasid, isa
sa mga commissioner ng Edsa People Power
Commission, kung puwede siyang mag-host sa
naturang event. Kasama niya sa paghu-host sina
Kris, Ai-Ai delas Alas, at Dingdong Dantes.
 
Hindi naman daw ito ang unang pagkakataon na
nagkita sila ni Kris simula nang lumipat siya sa TV5
kung kaya hindi na siya nagdalawang-isip.
 
"For me, wala nang problema 'yon," sabi ni Ruffa sa
pocket interview para sa ilang cast ng ikalawang dramaserye ng TV5, ang Mga Nagbabagang Bulaklak,
na ginanap kahapon, Marso 1, sa Max's Restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.
 
Patuloy pang kuwento ni Ruffa, "Kasi, Kris and I saw each other twice na. Una, sa Opus with Ai-Ai,
'yon talaga ang unang pagkikita namin.
 
"The second was in Taylor Swift's concert. Lorin and Venice saw her and she was with Vice Ganda. So,
natuwa ang mga anak ko, mahal din nila si Kris. 'Tita Kris, Mommy. Can we say hi? Can we say hi?'
Sabi ko, 'Okay, go.'
 
"E, wala akong alalay noon, it was just really me and the kids, kasi sold out na 'yong tickets. Ayun,
lumapit ang mga kids, and then, tumingin si Kris sa akin and nag-wave sa akin.
 
"So, this is our third time. Dito na kami talaga nag-usap. Nagkaayos na kami talaga dito, nagkapalitan
na kami ng numbers.
 
"Sabi nga ni Kris, matagal na kaming magkaibigan, high school pa lang. So, this is something na
kababawan lang."
 
Sa kanilang pagbabati, hindi na raw napag-usapan ng dalawa ang sanhi ng kanilang di
pagkakaunawaan.
 
"Hindi na namin diniscuss. Kumbaga, para sa kanya, wala na rin 'yon," sabi pa ni Ruffa.
 
TIME HEALS ALL WOUNDS. Sa puntong ito, naniniwala si Ruffa na sa paglipas ng panahon ay
magiging maayos din ang anumang di pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang tao.
 
Ayon kay Ruffa, kapwa naging emosyunal lamang sila ni Kris noong panahong nangyari ang insidente
sa pagitan nila sa huling araw ni Ruffa sa The Buzz noong Marso 2010. 
 
"I'm happy na nagkaayos kami," sabi ni Ruffa.
 
Pagkatapos, inalala ng dating beauty queen ang mga kaganapan noon.  Aniya, "'Yon nga, ang sabi ko
sa kanya, I was very sensitive. Siyempre, iiwanan ko na ang ABS-CBN. I was with them for three
years. So, malungkot, emotional ako noong time na 'yon, may pinagdadaanan talaga ako.
 
"Hindi ko alam na mayroon din pala siyang pinagdadaanan, na hindi na pala sila nag-uusap ni James
[Yap, Kris's husband]. Hindi ko naman alam, hindi naman ako manghuhula. So, I didn't know.
 
"Ang alam ko lang talaga dati, she was just ignoring me kasi galit siya sa akin, kasi lilipat ako sa TV5.
Siyempre, nag-ano ang imagination ko.I think at that time, we were just both emotional."
 
Sa ngayon, ayon kay Ruffa, marapat lamang na maayos na ang naging gusot sa kanilang dalawa. 
 
"Nakikita ko naman na she's moved on and happy na siya sa buhay niya. Same with me, nandito na
ako sa TV5 and I'm very happy. So, there's no reason for us to have a rift or for us to have any
problems anymore. Tutal, lahat naman ng kasamahan ko sa ABS-CBN, hanggang ngayon, kaibigan ko
pa rin. Kumbaga, I didn't burn any bridges at all."
 

Anda mungkin juga menyukai